You are on page 1of 20

1

Filipino
Ikalawang Markahan – Modyul 34
Teksto Ayon Sa Estilo
Filipino – Unang Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 34: Teksto Ayon Sa Estilo
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan.
Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot
sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-
aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim : Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim : Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat : Ronbel C. Lagata


Tagaguhit : Joshua Rey V. Aguinaldo (Cover)
Joshiel S. Baldecañas (Contents)
Editor : Lani F. Tumanda and Joselito M. Lumasag
Tagasuri : Bernandita O. Ricafort and Arben E. Floreza

Tagapamahala : Reynaldo E. Manuel Jr., PhD, CESE


Schools Division Superintendent
Roberto D. Napere, Jr.
PSDS, OIC-ASDS
Mga Miyembro : Francis J. Buac
Chief Education Supervisor, CID

Billie V. Baybayan
Education Program Supervisor-Filipino

Vivian D. Echalico
Education Program Supervisor-LRMS

Inilimbag sa Pilipinas ng
Department of Education – Region X - Division of Oroquieta City
Office Address: Osilao St., Poblacion 1, Oroquieta City
Telefax: 088-531-0831
E-mail Address: depedoroquieta@gmail.com
1

Filipino
Ikalawang Markahan – Modyul 34
Teksto Ayon Sa Estilo

Ang modyul na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga


edukador mula sa mga publikong paaralan. Hinikayat naming ang mga
guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna
at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon - Rehiyon X – Dibisyon ng
Lungsod ng Oroquieta sa depedoroquieta@gmail.com.
Mahalaga sa amin ang iyong mga puna at mungkahi.
TALAAN NG NILALAMAN

Paunang Salita ………… v


Alamin ………… 1
Subukin ………… 1

Aralin 1 Teksto Ayon Sa Estilo

Balikan ………… 3
Tuklasin ………… 4
Suriin ………… 5
Pagyamanin ………… 5
Isaisip ………… 6
Isagawa ………… 7
Tayahin ………… 8
Karagdagang Gawain ………… 10
Susi Ng Pagwawasto ………… 11
Sanggunian ………… 12

Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 1 ng Alternative Delivery
Mode (ADM) Modyul para sa aralingTeksto Ayon Sa Estilo.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka,
ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang
pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa
pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay
at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang
kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Tagapagdaloy


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang
magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 1 ng Alternative Delivery
Mode (ADM) Modyul para sa aralingTeksto Ayon Sa Estilo.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.

v
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan
tulad ng isang kuwento, awitin, tula,
pambukas na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

vi
Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa
mapatnubay at malayang pagsasanay
upang mapagtibay ang iyong pang-unawa
at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay
gamit ang susi sa pagwawasto sa huling
bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing


makatutulong sa iyo upang maisalin ang
bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


panibagong gawain upang pagyamanin
ang iyong kaalaman o kasanayan sa
natutuhang aralin.

vii
Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa
lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:


Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng
pinagkuhanan sa paglikha o
paglinang ng modyul na ito.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
2. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain
at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
3. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
4. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos
nang sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na
ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy.
Maaari ka rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong
kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa
iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

viii
Alamin
Ang modyul na ito ay tungkol sa pagsunod sa pagkakasulat ng
teksto ayon sa estilo.

Mahalagang matutunan mo ito upang mapaunlad ang iyong


kasanayan sa pagsulat at pagsunod sa teksto ayon sa estilo.

Subukin
Panuto: Basahinangtekstosaibaba at sundin ang pagkakasulat nito.
Ilagay sa nakalaang patlang ang iyong sagot.

Ang Payo ni Popong

“Magandang araw po!


Ako po si Popong, ang batang magalang.
Aking payo, “po” at “opo” ay gamitin,
Ito ay ating kaugalian na dapat mahalin.”
(Tanyag1 Wika at PagbasaniMarilou D. Nuevo et. Al., pahina2, 27 at 141)

Dito isulat ang teksto:


Aralin

1 Teksto Ayon Sa Estilo

Kasanayang Pampagkatuto:
Nasusundan ang pagkakasulat ng teksto ayon sa estilo.
(FIAL-IIg-4)

2
Balikan

“Ang teksto ay isang uri ng teks na may


anumang bagay na maaaring maging
"babasahin".
Ito ay maaaringtula, talambuhay, kuwento,
sanaysay at iba pa.
May mga dapat tandaan upang masundan
ang pagkakasulat ng teksto ayon sa estilo nito.
*Una, tingnang mabuti kung paano isinulat
ang mga salita sa bawat pangungusap.
*Pangalawa, pansining mabuti ang mga
bantas na ginamit.
*Panghuli, tingnan ulit ang salita kung
ito ba ay naisulat mo nang wasto.”
(Tanyag1 Wika at PagbasaniMarilou D. Nuevo et. Al., pahina2, 27 at 141.)

Tuklasin
Dito sa bahaging ito, ipapakita sa iyo ang pagsunod sa
pagkakasulat ng teksto ayon sa estilo mula sa tekstong may pamagat
“Si Ryza at ang mgaKatanungansaKanyangIsip”.

3
“Si Ryza at ang mga Katanungan sa Kanyang Isip

Si Ryza ay isang batang matanong.


Sa tuwing ikaw ay may isasagot,
Asahan ang tanong tiyak ay may karugtong.”

(Tanyag1 Wika at PagbasaniMarilou D. Nuevo et. Al., pahina2, 27 at 141.)

Makikita mo ngayon sa ibaba ang pagkakasulat ng teksto na


nakasunod ayon sa estilo nito:
Si Ryza at ang mgaKatanungansaKanyangIsip

Si Ryza ay isang batang matanong.


Sa tuwing ikaw ay may isasagot,
Asahan ang tanong tiyak ay may karugtong.

(Tanyag1 Wika at PagbasaniMarilou D. Nuevo et. Al., pahina2, 27 at 141.)

Suriin
Tandaan mo lagi ang dapat gawin upang masundan ang
pagkakasulat ng teksto ayon sa estilo nito.
 Una, tingnang mabuti kung paano isinulat ang mga
salita sa bawat pangungusap.
 Pangalawa, pansining mabuti ang mga bantas na
ginamit.
 Panghuli, tingnan ulit ang salita kung ito ba ay naisulat
mo nang wasto.
(Tanyag1 Wika at PagbasaniMarilou D. Nuevo et. Al., pahina2, 27 at 141)

Pagyamanin

4
Panuto: Basahin ang teksto sa ibaba at sundin ang pagkakasulat
nito. Ayon sa tekstong ibinigay isulat sa nakalaang patlang sa ibaba
ang iyong sagot.

Kabataang Pilipino
“Pilipino ako! Sa
puso’t isipan
Iyan ang iyong pakatandaan
Kailanma’y di malilimutan
Itong aking bayang sinilangan.”
(Tanyag1 Wika at PagbasaniMarilou D. Nuevo et. Al., pahina2, 27 at 141)

Dito isulat ang teksto:

Isaisip
Upang masundan ang pagkakasulat ng teksto ayon sa estilo
nito, ito ang dapat mong gawin:

5
 Una, tingnang mabuti kung paano isinulat ang mga
salita sa bawat pangungusap
 Pangalawa, pansining mabuti ang mga bantas na
ginamit.
 Panghuli, tingnan ulit ang salita kung ito ba ay naisulat
mo nang wasto
(Tanyag1 Wika at PagbasaniMarilou D. Nuevo et. Al., pahina2, 27 at 141.)

Isagawa
Panuto: Basahin ang tekstong nakasulat sa ibaba at sundin ang
pagkakasulat nito ayon sa estilo ng ibinigay. Isulat sa nakalaang
patlang ang sagot.

Aklat

“Kilala mo ako,
ako’y isang aklat
Sa bawat pahina,
ay may nakasulat

Mahalin mo ako,
ako’y pag-ingatan.
Sa pag-aaral mo,
kita’y tutulungan.”
(Tanyag1 Wika at PagbasaniMarilou D. Nuevo et. Al., pahina2, 27 at 141.)

6
Dito isulat ang teksto:

Tayahin
Panuto: Basahin ang teksto sa ibaba atsundin ang pagkakasulat nito.
Isulat sa nakalaang patlang ang iyong sagot.

7
Sa Aking Paglaki

“Paglaki mo, ano ba ang gusto mo?


Bigla akong napaisip at ito ang sagot ko.

Isang guro na gagabay


sa mga batang maliliit.
O di kaya’y isang doctor na
nagpapagaling ng may sakit.

Puwede ring arkitekto ng


gusaling naglalakihan.
O kaya chef ng iba’t ibang
masasarap na pananghalian.

Iba’t ibang pangarap sa aking paglaki.


Aking mararating basta’t may tiwala sa sarili.”
(Tanyag1 Wika at PagbasaniMarilou D. Nuevo et. Al., pahina2, 27 at 141.)

Dito isulat ang teksto:

8
Karagdagang Gawain
Panuto: Basahin ang teksto sa ibaba at sundin ang pagkakasulat
nito. Isulat sa nakalaang patlang ang sagot.

Ang Watawat

“Asul, pula, puti


Mga kulay ng watawat
Isang araw,tatlong bituin
Nagpapaalala sa atin
Ito ay sagisag ng ating bayan
Ipagmalaki natin!”
(Tanyag1 Wika at PagbasaniMarilou D. Nuevo et. Al., pahina2, 27 at 141.)

Dito isulat ang teksto:

Susi sa Pagwawasto

Depende sa pagkakasulat sa bata.

9
10
Sanggunian
Aklat
Tanyag1 Wika at PagbasaniMarilou D. Nuevo et. Al., pahina2, 27 at 141.

Internet
https://tl.wikipedia.org/wiki/Teksto
https://images.app.goo.gl/TxKvubwr3SyZBjxBA
https://www.slideshare.net/SabrinaPar/mga-tula-at-awit
https://images.app.goo.gl/mCk6JD6JwSTaAio98
https://bit.ly/3fqSUPJ
https://bit.ly/33prQhI
https://bit.ly/3i39s1T
https://bit.ly/3i7k7IS
https://bit.ly/2EDWKbx

11
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education –Region X – Division of Oroquieta City

Osilao St., Poblacion 1, Oroquieta City

Telephone Number: (088) – 531-0831

Email Address: depedoroquieta@gmail.com

You might also like