You are on page 1of 18

Senior High School

Komunikasyon
at Pananaliksik sa Wika
at Kulturang Pilipino
Unang Markahan – Modyul 5:
Gamit ng Wika sa Lipunan
(Mga Halimbawang Situwasyon)
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino – Baitang 11
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 5: Gamit ng Wika sa Lipunan
(Mga Halimbawang Situwasyon)
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Marco N. Irinco
Editor: Rodolfo F. De Jesus, PhD
Tagasuri: Jenevieve S. Palattao
Tagaguhit: Angelika C. Ramos
Tagapamahala: Jenilyn Rose B. Corpuz, CESO VI
Juan C. Obierna
Heidee F. Ferrer, EdD
Rodolfo F. De Jesus, PhD

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Schools Division Office, Quezon City


Office Address: 43 Nueva Ecija Street, Bago Bantay, Quezon City
Telefax: 3456-0343
E-mail Address: sdoqcactioncenter@gmail.com
Komunikasyon
at Pananaliksik sa Wika
at Kulturang Pilipino
Unang Markahan – Modyul 5:
Gamit ng Wika sa Lipunan
(Mga Halimbawang Situwasyon)
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Komunikasyon at Pananaliksik sa


Wika at Kulturang Pilipino-Baitang 11 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul
para sa araling Gamit ng Wika sa Lipunan (Mga Halimbawang Situwasyon)!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa


mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,
bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang
mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at


Kulturang Pilipino-Baitang 11 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa
Gamit ng Wika sa Lipunan (Mga Halimbawang Situwasyon)!

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin.


Sa pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

ii
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang

iii
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anomang
marka o sulat ang anomang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakukuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Ang modyul na ito ay para sa mga mag-aaral ng Baitang 11 sa Senior High


School. Binuo ito bilang tulong sa lubusang pagkatuto sa mga halimbawang
sitwasyon na nagpapakita ng gamit o tungkulin ng wika sa lipunang Pilipino.

Ang mga aralin at gawain ay isinaayos bilang pagtugon sa mga pamantayan


at pangunahing mga kasanayang pampagkatuto Most Essential Learning
Competency na:
nakapagsasaliksik ng mga halimbawang sitwasyon na nagpapakita ng
gamit ng wika sa lipunan (F11EP– Ie– 31)

Pagkatapos ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. nabalik-aralan ang iba’t ibang gamit o tungkulin ng wika sa lipunan;


2. nakikilala ang pagkakaiba ng pasalita at pasulat na gamit ng wika;
3. napaghahambing ang kakanyahan ng pasalita at pasulat na gamit ng
wika; at
4. nasusuri ang isang dokumentaryong panlipunan sa Pilipinas batay sa
nilalaman o pagkasunod-sunod ng pagtalakay, isyung panlipunan na
tinalakay, at gamit ng wika.
Subukin

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang iyong kaalaman sa


aralin sa modyul na ito. Isulat ang sagot sa hiwalay na papel.

Kaya mo ‘yan. May tiwala ako sa iyo!

A. Tama o Mali. Isulat ang TAMA kung wasto ang isinasaad ng bawat pahayag
at MALI naman kung hindi. Isulat ang sagot sa bawat patlang.

1. Inilahad ni Michael Alexander Kirkwood Halliday (M.A.K. Halliday) sa


kaniyang aklat na Explorations in the Functions of Language (1973) ang pitong
(7) gamit ng wika.
2. Ang pitong gamit o tungkulin ng wika ayon kay Halliday ay 1) instrumental,
2) interaksyonal, 3) regulatori, 4) personal, 5) heuristiko, 6) imahinatibo, at 7)
representatibo.
3. Ang mga gamit o tungkulin ng wika ay maaaring ipakita o makita sa paraang
pasalita at/ o pasulat.
4. Sa paggamit ng anumang wika ay hindi maaaring mabakas ang kultura o
kalinangan ng isang lipi o lahi.
5. Ang paggamit ng ‘po’ at ‘opo’ ay mabisang gamit sa pormulasyong panlipunan.
Tatak Pilipino ito na nagpapakita ng respeto sa kapuwa lalo sa nakatatanda.
6. Ang wika ay buhay at dinamiko na patunay lamang na ang paggamit nito ay
naaayon sa sitwasyon o hinihingi ng pagkakataon.
7. Walang taong walang wika at hindi wika ang nagagawa ng anumang hayop.
8. Lahat ng tao ay maituturing na may kakayahang magamit ang wika sa
pagpapahayag ng anumang diwa o damdaming kabuhol ng kaniyang
kulturang kinabibilangan.
9. Sa pagpapanatili o pagpapatatag ng magandang ugnayang panlipunan,
heuristiko ang gamit ng wika.
10. Interaksiyonal ang gamit ng wika kung layong makakalap o makahanap ng
mga kaalaman hinggil sa lipunan.
11. Instrumental ang gamit ng wika na tumutugon sa mga pangangailangan.
Nagpapahayag ng pag-uutos, pakiusap, pagtatanong.
12. Regulatori kung kumukuntrol o nagsisilbing-gabay sa kilos o asal ng ibang
tao ang wika.

2
13. Representatibo ang gamit ng wika sa pagpapahayag ng mga datos at
impormasyon.
14. Imahinatibo naman ang pagpapahayag ng imahinasyon sa malikhaing
pamamaraan.
15. Ginagamit nang personal ang wka sa pagpapahayag ng sariling damdamin,
opinyon, at personal na pagkakakilanlan.

Balikan

Sa nakaraang Modyul 3 at 4 ay natalakay at naipaliwanag na ang mga gamit


ng wika sa lipunan sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga halimbawa. Bilang
pagpapatuloy ay balikan natin ang mga pakahulugan at pagpapaliwanag sa pitong
gamit o tungkulin ng wika sa lipunang ating ginagalawan.
Gamit ang Talahanayan 1 sa ibaba ay punan ng angkop na susing salita ang
bawat pahayag upang mabuo ang pakahulugan o pagpapaliwanag sa bawat gamit
ng wika. Pagpilian ang mga salita sa loob ng kahon at isulat ang sagot sa hiwalay na
papel.

pangangailangan pagpapanatili Kumokontrol damdamin


makakalap imahinasyon datos kultura

Talahanayan 1: Gamit o Tungkulin ng Wika sa Lipunan


Katangian/ Halimbawang Halimbawang
Gamit ng Wika
Pakahulugan Pasalita Pasulat
1. Instrumental Tumutugon sa Pag-uutos, Liham
mga ___________. Pakikiusap, Pangalakal
Pagpapahayag ng Pagtatanong (Business Letter)
pag-uutos, tulad ng
pakiusap, Liham
pagtatanong. Aplikasyon,
Liham
Pagbibitiw, at
iba pang liham
ayon sa iba’t
ibang layon
kaugnay sa
kalakalan
2. Interaksiyonal Ginagamit sa Mga Liham
pagpapatatag at Pormulasyong Pangkaibigan
___________ ng Panlipunan: (Friendly Letter):
magandang mga imbitasyon

3
ugnayang Pagbati o ayon sa iba’t
panlipunan. pangungumusta, ibang okasyon o
Paggamit ng ‘po’ at mahalagang
‘opo’ at iba pang programa
tanda ng
pagrespeto,
Pagbibiruan, at
marami pang iba
3. Regulatori ___________ o Paalala, Resipe,
nagsisilbing- Direksiyon, Direksiyon sa
gabay sa kilos o Panuto paggamit o
asal ng ibang tao. pagsasagawa ng
isang produkto o
materyales,
Panuto sa mga
pagsusulit
4. Personal Ginagamit sa Talakayan (Pormal Editoryal,
pagpapahayag ng o Impormal), Suring-basa,
sariling Pagtatalo Suring-Pelikula,
___________, Pitisyon
opinyon, at
personal na
pagkakakilanlan
5. Heuristiko Paggamit ng wika Pagtatanong, Sarbey,
upang Sarbey, Mga
___________ ng Pananaliksik Pananaliksik
mga kaalaman (Pamanahong
hinggil sa Papel/ Term
lipunan. Paper, Tesis,
Disertasyon)
6. Imahinatibo Pagpapahayag ng Pagpapahayag ng Iba’t ibang
___________ sa biro, akdang
malikhaing Pagkukuwento/ pampanitikan
pamamaraan. Pagsasalaysay, tulad ng
Pagtula, maikling
at marami pang kuwento/
iba maikling katha,
dula, alamat,
tula, dagli, at
marami pang
iba
7. Representatibo Gamit ng wika sa Pag-uulat Pasulat na Ulat,
pagpapahayag ng Pagbabalita Balita,
mga _____ at Pagtuturo, at iba Lektyur, at iba
impormasyon pa pa

4
Tuklasin

Gamit sa tuwina ng bawat indibiduwal ang wika sa anumang gawain, tungkulin,


layunin o kabuuang sitwasyon at tagpo sa kaniyang buhay. Wika na marapat
gamitin ayon sa isang partikular na o higit pang sitwasyon at pagkakataon. Sa
proseso ng palitan ng impormasyon, bulalas ng mga salita dala ng mga pangyayari
o kaganapan sa lipunan, emosyon o anumang nagsusumigaw na damdamin at
kaisipan ay gamit ng bawat indibiduwal ang kani-kanilang wika. Wikang kabuhol ng
kultura at pagkakakilanlan.

Inilahad ni Michael Alexander Kirkwood Halliday (M.A.K. Halliday, 1973) sa kaniyang


aklat na ‘Exploration in the Functions of Language’ ang kategorisasyon niya ng mga
tungkulin o gamit ng wika sa buhay ng bawat indibiduwal. Kinategorya niya sa pito
(7) ang gamit ng wika at ipinakita sa tiyak na halimbawa sa paraang pasalita at
pasulat. Kinabibilangan ito ng 1) Instrumental, 2) Interaksyonal, 3) Regulatori, 4)
Personal, 5) Heuristiko, 6) Imahinatibo, at 7) Representatibo.

Bilang mag-aaral sa ika-21 siglo, ang iyong kaalaman hinggil sa wastong kasanayan
at gamit ng lnformation and Communication Technology (ICT) at iba pang social
website ay malaking tulong sa mabisa at mabilis na pakikipagkomunikasyon sabay
sa pagsasaalang-alang sa wastong gamit ng wika at mapanagutang pagbabasa at
paglalathala. Gayundin, ang pananaliksik ay napadadali at napagbubuti gamit ang
ICT. Hindi sa puntong napapadali dahil lamang ang mga datos na mula internet ay
sinipi nang buo kundi, dahil mas napaglalapit nito ang mananaliksik o mambabasa
sa mga babasahin o panoorin na marapat niyang gamitan ng pagtitimbang at kritikal
na pag-iisip gayundin ang pagkakaroon ng mga ito ng mga buhay na patunay o
halimbawa sa pamamagitan video at iba pang presentasyon.

Sa pananaliksik ay parehong nagagamit ang pasalita at pasulat na pamamaraan ng


paggamit ng wika. Maging ang mga social website na kilala rin bilang ‘partisipatib’
at ‘social web’ na naglalaman ng mga imahe, mga video, mga teksto at diyalogo na
ipinost ng mga gumagamit ng website (user/ website user) tulad ng Wikipedia,
YouTube, Facebook, Blogger, Twitter, at napakarami pang iba ay kakikitaan ng gamit
ng wika sa anyong pasalita at/ o pasulat.

5
Suriin

Tunghayan sa ibaba ang grapikong presentasyon ng pagkakaiba ng pasalita at


pasulat na wika na ayon kina Khoo (1994) at Finnegan at Besnier (1989) na inilahad
ni Jocson (2016, p.85).

Wikang Pasalita at Pasulat


Magkaibang Wika?

Nagkaiba sa Ortograpiya

PASALITA PASULAT

Idalgo Hidalgo

reloj relo

guitara gitara

guisa gisa

Ayon kay Khoo (1994), ito’y naayon sa kwanstitatib

PASALITA PASULAT

nasa anyong fragmented at nasa anyong negatibo at


interaksyon ng nagsasalita nagtataglay ng mahahabang
at nakikinig impormasyon

Ayon kina Finnegan at Besnier (1989)

PASALITA PASULAT

Magagamit sa: Instrumento:


di-berbal, ekstra-berbal,
salita, sintaks, pananda
panghalip na pamatlig

6
Maaaring sabihin na:

PASALITA PASULAT

Di-pormal Pormal

Jocson 2016, 85

Pagyamanin

Basahin ang sumusunod na diyalogo mula sa ilang pelikula, musika o


popular na website. Paghambingin ang mga ito gamit ang venn diagram batay sa
kakanyahan ng pasalita at pasulat na wika. Ilahad sa gitnang bahagi ng
magkatagpong bilog ang pagkakatulad. Isagawa ang gawaing ito sa sagutang papel.

2. “Ang pera ko hindi basta-basta


1. “Sana all.” mauubos pero ang pasensiya ko paubos na.”

PASALITA PASALITA
/ /
/ /
/ /

PASULAT PASULAT
/ /
/ /
/ /

7
3. “Kayo po na nakaupo, subukan n’yo namang
tumatayo at baka matananaw, at baka matananaw
ninyo ang tunay na kalagayan ko. . .”

PASALITA
/
/ PASULAT
/ /
/
/

Isaisip

Suriin ang mga pahayag sa ibaba at kopyahin sa bukod na papel ang


mga ideyang ngayong mo lang nalaman:
1. Sa aklat na Explorations in the Functions of Language (1973), inilahad ni
Michael Alexander Kirkwood Halliday (M.A.K. Halliday) ang ang pitong (7)
gamit ng wika.
2. Ang pitong gamit o tungkulin ng wika ayon kay Halliday ay 1) Instrumental,
2) Interaksyonal, 3) Regulatori, 4) Personal, 5) Heuristiko, 6) Imahinatibo, at
7) Representatibo.
3. Ang wika at kultura ay magkabukhol. Mabakas sa paggamit ng wika, pasalita
man o pasulat ang kultura o kalinangan ng isang lipi o lahi.
4. Magkaiba ang gamit ng wika sa anyong pasalit at pasulat. Maaaring sabihing
di-pormal ang pasalitang gamit ng wika na ginagamit sa interaksiyon ng
nagsasalita at nakikinig sa paarang berbal, di-berbal at ekstra-berbal
samantalang pormal naman ang pasulat na gamti ng wika na nagtataglay ng
mahahabang impormasyon at may pagsasaalang-alang sa mga salita, sintaks
at mga pananda
5. Ang kaalaman hinggil sa wastong kasanayan at gamit ng lnformation and
Communication Technology (ICT) at iba pang social website ay malaking tulong
sa mabisa at mabilis na pakikipagkomunikasyon sabay sa pagsasaalang-
alang sa wastong gamit ng wika at mapanagutang pagbabasa at paglalathala.

8
Isagawa

Pumili ng isang dokumentaryo patungkol sa isyung panlipunan na likha at


patungkol dito sa Pilipinas. Panoorin ito at suriin batay sa: nilalaman o pagkasunod-
sunod ng pagtalakay, isyung panlipunan na tinalakay, at gamit ng wika. Isulat ang
sagot sa hiwalay na papel.

Pangalan ng Mag-aaral: _________________________ Baitang at Pangkat: ______


Pamagat ng Dokumentaryo: _______________________________________________
ni: __________________________________________________________
Sangguniang Elektroniko (URL/ https.):______________________________________

Pagsusuri batay sa Nilalaman, Isyung panlipunan na tinalakay, Gamit ng Wika:

Nilalaman o pagkasunod-sunod ng pagtalakay:


________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
Isyung panlipunan na tinalakay:
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
Gamit ng wika:
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

9
Tayahin

Pagpili. Ibigay ang pinakatumapak na sagot sa bawat aytem. Isulat ang letra
ng sagot sagutang papel.
1. Ang gamit ng wika ay may ilang kategorya ayon kay M.A.K. Halliday?

A. 5 C. 7
B. 6 D. 8

2. Ang wika ay marapat gamitin ayon sa:


A. isang partikular na sitwasyon.
B. isang pagkakataon.
C. isang partikular na o higit pang sitwasyon at pagkakataon.
D. isang panahon.

3. Magkaagapay ang wika, pananaliksik at modernong teknolohiya – ICT ay mas


napaglalapit ang mananaliksik o mambabasa sa mga babasahin o panoorin na
marapat niyang gamitan ng pagtitimbang at kritikal na pag-iisip. Ang gamit ng
wika sa pahayag ay:
A. Representatibo C. Heuristiko
B. Imahinatibo D. Interaksiyonal

4. Sa pananaliksik ay parehong nagagamit ang pasalita at pasulat na pamamaraan


ng paggamit ng wika. Maging ang mga social website na kilala rin bilang
‘partisipatib’ at ‘social web’ na naglalaman ng mga imahe, mga video, mga teksto
at diyalogo na ipinost ng mga gumagamit ng website (user/ website user) tulad ng
Wikipedia, YouTube, Facebook, Blogger, Twitter, at napakarami pang iba.
Ang gamit ng wika sa pahayag ay:

A. Representatibo C. Imahinatibo
B. Personal D. Intstrumental

5. Ang mga social website tulad ng Wikipedia, YouTube, Facebook, Blogger, Twitter,
at napakarami pang iba ay kakikitaan ng gamit ng wika sa anyong:

A. pasalita lamang C. pasalita at/ o pasulat


B. pasulat lamang D. pormal

10
Para sa bilang 6 – 10 ay piliin kung anong gamit ng wika ang isinasaad ng bawat
sitwasyon. Isulat sa patlang kung Instrumental, Interaksiyonal, Regulatori,
Personal, Heuristiko, Imahinatibo, at Representatibo ang gamit ng wika.
__________6. Pagbuo ng isang awit para sa bayan
__________7. Liham ng pag-aaplay sa trabaho
__________8. Pagsulat ng sariling tula
__________9. Pagsasadula
__________10. Paggamit ng ‘po’ at ‘opo’ sa mga nakakausap na nakatatanda
__________11. Pag-uulat sa harap ng klase
__________12. Pananaliksik hinggil sa wika at kultura
__________13. Pagbibigay-anunsiyo ng baranggay
__________14. Paggawa ng blog o vlog
__________15. Pagbibigay-direksiyon ng guro hinggil sa pagsusulit

11
Karagdagang Gawain

Matapos mapanood at masuri ang isang dokumentaryo patungkol sa isyung


panlipunan na likha at patungkol rito sa Pilipinas ay magkaroon ng pagtatayang
pansarili (self evaluation) ayon sa kasunod na kraytirya. Lagyan ng tsek ( / ) ang
bilang ng puntos/ marka ayon sa naisagawa. Isagawa ang gawaing ito sa sagutang
papel.

Pagtataya sa Pagsusuri ng Dokumentaryo na


(Pamagat)________________________________________________________________________

1 – Hindi 5 – Mahusay
Kraytirya 3 – Naisagawa
Naisagawa na Naisagawa
1. Nilalaman/ Ideya
✓ Komprehensibo,
organisado, at
magkakaugnay ang
mga ideya sa naging
pagsusuri.
2. Pagtalakay sa Isyung
Panlipunan
✓ Natalakay nang
maayos ang isyung
panlipunan na
inilahad.
3. Pagsusuri sa Gamit ng
Wika
✓ Nailahad at
naipaliwanag nang
maayos ang gamit o
tungkulin ng wika sa
dokumentaryong
napanood.

Markang Nakuha sa bawat Kraytirya:


• Kraytirya 1: ____________
• Kraytirya 2: ____________
• Kraytirya 3: ____________ Kabuuang Marka: ___________

Natutuhan sa Nasabing Gawain:


__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

12

You might also like