You are on page 1of 20

Senior High School

Komunikasyon
at Pananaliksik sa Wika
at Kulturang Pilipino
Unang Markahan – Modyul 4:
Gamit ng Wika sa Lipunan
(Sa mga Panoorin)
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino – Baitang 11
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 4: Gamit ng Wika sa Lipunan (Sa mga Panoorin)
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Antonio F. Casuga Jr.
Editor: Rodolfo F. De Jesus, PhD
Tagasuri: Jenevieve S. Palattao
Tagaguhit: Angelika C. Ramos at Ryan Villalon
Tagapamahala: Jenilyn Rose B. Corpuz, CESO VI
Juan C. Obierna
Heidee F. Ferrer, EdD
Rodolfo F. De Jesus, PhD

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Schools Division Office, Quezon City


Office Address: 43 Nueva Ecija Street, Bago Bantay, Quezon City
Telefax: 3456-0343
E-mail Address: sdoqcactioncenter@gmail.com
Komunikasyon
at Pananaliksik sa Wika
at Kulturang Pilipino
Unang Markahan – Modyul 4:
Gamit ng Wika sa Lipunan
(Sa mga Panoorin)
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at


Kulturang Pilipino-Baitang 11 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul 4 para sa
araling Gamit ng Wika sa Lipunan (Sa mga Panoorin).

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:

ii
Malugod na pagtanggap sa Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang
Pilipino-Baitang 11 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Gamit ng
Wika sa Lipunan (Sa mga Panoorin)

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


Alamin dapat mong matutuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


Subukin ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


Balikan upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


Tuklasin ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


Suriin pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Binubuo ito ng mga gawaing para sa


Pagyamanin malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Naglalaman ito ng mga katanungan o


Isaisip pupunan ang patlang ng pangungusap o

iii
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.
Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong
Isagawa sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.
Ito ay gawain na naglalayong matasa o
Tayahin masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.
Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat
Susi sa Pagwawasto ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Ang modyul na ito ay inihanda upang makatulong sa katulad mong mag-aaral na


matukoy ang iba’t ibang gamit ng wika sa lipunan.

Pagkatapos ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

Natutukoy ang iba’t ibang gamit ng wika sa lipunan sa pamamagitan ng


panonood na palabas sa telebisyon at pelikula (Halimbawa: Be Careful with
My Heart, Got to Believe, Ekstra, On The Job, Word of the
Lourd(http://lourddeveyra.blogspot.com)(F11PD–Id–87)

Naipaliliwanang ang gamit ng wika sa lipunan sa pamamagitan ng mga


pagbibigay halimbawa (F11PS–Id–87)

1. nasusuri ang mga linyang ginamit sa piling pelikulang Pilipino; at


2. nakapagbibigay ng sariling halimbawa ng paggamit ng wika sa iba’t ibang
situwasyon

Mga Tala para sa Guro


Sa paggamit ng modyul na ito maiging
unawain ang bawat pahayag at nilalaman
ng mga paksa, mainam din na tapusin ang
bawat gawain ayon sa pagkasunod-sunod
nito upang makamit ang lubos na
pagkatuto sa gamit ng wika sa lipunan.

1
Subukin

Suriin ang mga sitwasyong inilahad sa bawat aytem at piliin ang gamit ng wika mula
sa kahon sa ibaba. Isulat ang letra ng wastong sagot sa hiwalay na papel.

A. personal B. heuristiko C. instrumental D. representatibo


E. regulatori F. Imahinatibo G. interaksyonal

1. “Maya ikuha mo ko ng damit sa aparador ko.”


2. “Sa aking palagay epektibo ang proyekto ni Maya.”
3. Naging maayos ang pag-uusap ni Juliana at Jaime na humantong sa pagkakaroon
ng kasunduan upang malutas ang sigalot.
4. Sumulat si Joaquin ng tula para kay Chichay at binigkas niya sa loob ng klase.
5. Marami ang dumalo sa panayam Sir Chief kung paano nya tutugunan ang
naluluging kompanya.
6. Pinaalalahanan ni Joaquin si Maya na laging matulog ng maaga at huwag
magpapagod sa trabaho.
7. Nahirapan si Jessica sa pagbabagong nangyayari sa kanyang buhay kaya naman
nagsimula siyang magsulat ng mga saloobin niya sa kanyang talaarawan.
8. Pag-anyaya sa bisita upang sumabay na sa pagkain.

Para sa bilang 9-15. Suriin ang mga sitwasyong inilahad sa bawat aytem at piliin
ang pagbabahagi ng wika mula sa kahon sa ibaba. Isulat ang letra ng wastong sagot
sa hiwalay na papel.

A. emotive B. conative C. phatic


D. referential E. Metalingual F. poetic

9. “Sir Chief, peace offering po dahil ako po ang may pakana ng piko.”
10. “Ayokong nagpapahatid kayo ng foods sa room, that’s not a good habit.”
11. Pag-uulat sa magiging lagay ng panahon.
12. “Sir, iniwan po kami ng walang-hiya kong asawa bigyan niyo po ako isa pang
pagkakataon.”
13. “Emily pakidalahan naman ako ng drinks dito.”
14. Sumulat si Maya kay Sir Chief upang humingi ng paumanhin.
15. Nagbigay ng komento si Jaime sa mga bagong batas ng kompanya.

2
Balikan

Nakapunta ka na ba sa isang groseri?


Kung nakapunta ka na sa supermarket at
nakapag-groseri, alalahanin kung ano ang
nakikita mong sitwasyon ng mga tao sa lugar na
iyon at kung paano sila makipag-usap.

Sundin at gayahin sa bukod na papel ang kahon


sa ibaba para maisulat mo ang iyong mga sagot.

Mga sitwasyon ng mga tao sa isang Paraan ng pakikipag-usap ng mga tao


groseri sa loob ng isang groseri

Ang groseri ay isang lugar pamilihan kung saan matatagpuan ang mga karaniwang
pangangailangan ng tao sa araw-araw. Maraming sitwasyon at pangyayari ang
makikita sa loob ng isang groseri batay sa kilos ng mga taong naroroon. Ang bawat
isa ay nakikipag-ugnayan at nakikipag-usap gamit ang wikang mas maraming
nakakaunawa sa lugar na iyon.

• Nagkakaintindihan ba ang mga tao sa loob ng isang groseri? Bakit?


• Batay sa mga taong nasa groseri, nakikita mo ba ang kahalagahan ng wika?
• Kapag ang isang lipunan ay may iba’t ibang wikang ginagamit,
nagkakaunawaan ba sila? Sa paanong paraan?

Mga Tala para sa Guro


Panoorin ang link na ito
https://www.youtube.com/watch?v=MD
U17oNVHQk na mula sa isang pelikulang
Pilipino kung saan maaring magsuri kung
paano makipag-ugnayan at makipag-usap
ang mga tao sa loob ng supermarket.

3
Tuklasin

A. Suriing mabuti ang mga sitwasyong nakatala sa ibaba. Isulat sa speech balloon
ang maaring sabihing pahayag kaugnay nito. Gawin muli sa hiwalay na sagutang
papel.

1. May bisita na dumating sa inyong bahay. Paano mo siya kakausapin? Ano


ang sasabihin mo sa kaniya?

2. Nagugutom ka ngunit hindi ka makapunta sa canteen dahil masakit ang


iyong paa. Paano mo sasabihin at makikisuyo sa iyong kaklase na
magpapasabay kang magpabili sa kanya?

3. Sa panahon ng Covid-19 pandemic naniniwala kang mas ligtas ang


mamalagi sa inyong bahay kasya lumabas. Paano mo ito ipapahayag?

B. Subuking sagutin ang sumusunod na tanong. Gawing muli sa hiwalay na


sagutang papel.

1. Paano mapaghahambing ang pasalita at pasulat na gamit ng wika?

2. Bakit kailangang mapaghambing ang pasalita at pasulat na gamit ng wika?

4
Suriin

Isaisip at unawaing mabuti ang tungkulin/gamit ng wika sa lipunan.

Ang wika ay isa sa mahalagang sangkap ng komunikasyon at pakikipag-uganayan


ng tao dahil dito malaki ang tungkuling ginagampanan nito sa ating buhay. May mga
tungkulin o gamit ng wika (Halliday 1973, 143) na kailangang pagtuunan ng pansin.
Kailangang sanayin ang sarili sa mga ito sapagkat ang iba’t ibang sitwasyon sa
buhay ay nangangailangan ng paggamit ng isa o higit pang tungkulin.

1. Instrumental – Ito ang tungkulin ng wikang tumutugon sa mga


pangangailangan ng tao gaya ng pakikipag-ugnayan sa iba.

Halimbawa: “Maya puwedeng dalhin mo tong pinggan sa lababo.”


-Be Careful with My Heart
2. Regulatori - Ito ang tungkulin ng wikang tumutukoy sa pagkontrol sa ugali o
asal ng ibang tao.
Halimbawa: “Sundan mo ang target at alamin ko kung saan siya umuuwi.”
-On The Job
3. Interaksyonal - Ang tungkuling ito ay nakikita sa paraan ng pakikipag-
ugnayan ng tao sa kaniyang kapwa.
Halimbawa: “Chichay kumusta kana, ibang-iba ka na talaga.”
-Got to believe
4. Personal - Nakakapagpahayag ng sariling damdamin, emosyon o opinyon.
Halimbawa: “Sa aking palagay, hindi nakatutulong ang pasasalita mo
Juliana.”
-Got to Believe
5. Heuristiko - Ang tungkuling ito ay ang pagkuha o ang paghahanap ng
impormasyon o datos.
Halimbawa: “Sir Chief, ano ang masasabi ninyo sa patuloy na pagbaba ng
stocks ng kompanya."
-Be Careful with My Heart
6. Representatibo - Tungkulin ng wika sa pagpapahayag ng komunikasyon sa
pamamagitan ng mga simbolo o sagisag.
Halimbawa: “Tumaas ang presyo ng gulay nakita ko kanina sa karatula ni
manang Letty.”
-Esktra

5
7. Imahinatibo - Nagagampanan ng tao ang tungkulin niya sa wika sa
pamamagitan ng pagiging malikhain. Upang maipahayag ang kanyang
damdamin lumilikha ang tao ng mga bagay-bagay.
Halimbawa: (Tula ni Joaquin kay Chichay.)
Teka lang teka lang, meron akong nakita
isang dalagang kay ganda, lahat napapalinga.
-Got to Believe

Sa pag-aaral naman ng isa sa kilalang dalubwika noong ikalawang siglo na si


Roman Jakobson, inilahad niya ang anim na paraan ng pagbabahagi ng wika
(Jakobson 2003, 57). Ang kanyang bantog na Function of Language ang kanyang
naging ambag sa larangan ng semiotics.

Ang semiotics ay ang pag-aaral sa mga palatandaan at simbolo at kung paano


gamitin ito.

1. Pagpapahayag ng damdamin (Emotive) – ito ay ang pagpapahayag ng mga


saloobin, damdamin, at emosyon.
Halimbawa:
“Tuwang-tuwa ako dahil pumayag kang sa amin maghapunan.”
-Got to Believe
2. Panghihikayat (Conative) – Saklaw nito ang gamit ng wika upang
makaimpluwensya at makahimok sa pamamagitan ng pakiusap at pag-uutos.
Halimbawa:
“Joaquin, gusto ko ihatid mo na si Chichay sa bahay kasi wala pang
tulog to.”
-Got to Believe
3. Pagsisimula ng pakikipag-ugnayan (Phatic) – Ang wika ay ginagamit upang
makapagsimula ng usapan at makipag-ugnayan sa kapwa.
Halimbawa:
“Donya Beatriz, I’m Atty. Makasapang and may client here has filed a
case prostrated murder against you.”
-Ekstra
4. Paggamit bilang sanggunian (Referential) – Ginagamit ang wika na nagmula
sa aklat at iba pang sangguniang pinagmulan ng mga kaalaman upang
maiparating ang mensahe at impormasyon.
Halimbawa:
“Base sa ibinigay mong bio-data, tatlo kayong magkakapatid.”
-Got to Believe
5. Paggamit ng kuro-kuro (Metalingual) – Ginagamit ang wika upang linawin
ang mga suliranin sa pamamagitan ng pagbibigay ng komento sa isang batas
o kodigo.
Halimbawa:
“This is probably the worst sa batch na to, I think you should do better
next time.”
-Got to Believe
6. Patalinghaga (Poetic) – Ginagamit ang wika sa masining na paraan ng
pagpapahayag gaya ng panulaan, prosa, sanaysay, at iba pa.

6
Halimbawa: (Ang harana ni Sir Chief.)
“Buhay ko’y na sayo matitiis mo ba ako, oh baby
huwag sanang magtampo, sorry puwede ba.”
-Be Careful with My Heart

Matapos mailahad ng dalawang pinakamahuhusay na dalubhasa ang iba’t ibang


tungkulin ng wika, maiiba na ang pananaw natin sa wika. Hindi na ito dapat tignan
bilang isang karaniwang bagay na ginagamit sa buhay araw-araw bagkus isang
paraan o susi sa pagkakaunawaan at pagkakaisa sa lipunan.

Sagutin ang sumusunod na mga tanong. Ilagay sa hiwalay na sagutang papel.

1. Bakit sinasabing ang pinakadiwa ng wika ay panlipunan?


2. Bakit mahalaga ang pasulat at pasalitang wika?
3. Paanong napag-iisa ng wika ang isang lipunan?
4. Sang-ayon ka ba sa mga tinukoy na gamit ng wika ni M.A.K Halliday?
Ipaliwanag.
5. Sa mga tinukoy na tungkulin ng wika ni Jakobson, alin sa mga ito ang
sinasang-ayunan at alin naman ang hindi? Ipaliwanag.
6. Batay sa binasa, bakit mahalaga ang wika?

Pagyamanin

Ikaw ba ay nanonood ng mga pelikula o palabas sa telebisyon? Sa panonood


nakapupulot din tayo ng mga bagong kaalaman at malalalim na impormasyon na
maaarin natin gamitin sa buhay natin araw-araw. Makikita rin natin dito ang
kahalagahan ng wika. Kung nanonood ka ng programang Tom & Jerry, mababatid
mo na bagama’t nauunawaan mo ang plot ng programa ay kailangan ng karagdagang
atensiyon o pokus upang ito ay lubos na maunawaan. Dito mo makikita ang
mahalagang gamit ng wika na susi sa mas lalong pag-unawa.

A. Ang sumusunod ay iba’t ibang pahayag mula sa palabas sa telebisyon at


pelikula. Tukuyin ang gamit ng wika at ipaliwanag kung bakit ito ang iyong
napili. Ilagay sa hiwalay na sagutang papel.

1. “Akala ko ba ay okay na? Nagdadrama ka na naman. “Di ba nga pagdating sa


kapakanan ng pamilya, walang panga-panganay, walang ate-ate, walang
bunso-bunso? Ang meron lang. . . kapit-bisig!”
-Maya, Be Careful with My heart, Unang episode

2. CHICHAY: Sorry.
JOAQUIN: Muntik mo na kong mapatay ganun lang?
CHICHAY: Patay agad, Ang OA naman nito, oh sorry po!

7
-Joaquin and Chichay, Got to Believe
3. “Sir, iniwan po kami ng walang hiya kong asawa, sir bigyan n’yo po ‘ko ng isa
pang pagkakataon.”
-Loida, Ekstra
4. “Kung ano utos, kahit sino pa yan… kailangan gawin natin! Lahat ng ‘to
trabaho lang Daniel.”
-Tatang, On The Job
B. Panoorin ang video na may pamagat na Word of the Lourd: Bitin sa Kanin na
matatagpuan sa link na: http://www.youtube.com/watch?v=XCiz3ccIuRM. Ang
video ay may tagal na 2:57 minuto.

Matapos mapanood ito, sagutan ang sumusunod sa hiwalay na papel:


a. Ibuod ang napanood
b. Tukuyin at ipaliwanag kung anong tungkulin ng wika ang
masasalamin dito.

Isaisip

Sa pamamagitan ng 3-2-1 Tsart, isulat ng mga natutuhan sa araling ito. Gayahin


ang kasunod na pormat sa hiwalay na sagutang papel.

3 – Bagay na natutuhan sa aralin


1.
2.
3.
2 – Bagay na kumuha ng interes sa aralin
1.
2.
1 – Tanong na ibig pang masagot kaugnay ng aralin

Isagawa

A. Magbigay ng sariling halimbawa sa bawat paraan ng pagbabahagi ng wika ayon


sa mga sinabi ni Jakobson (2003). Gawing makabuluhan at malikhain subalit
makatotohanan ang mga paraang ito dahil sadyang nagagamit mo ito sa
pakikipag-usap sa tao. Isulat ang sagot sa hiwalay na sagutang papel.

Mga paraan ng pagbabahagi ng wika

8
Pahayag ng damdamin Panghihikayat (conative) Pagsisimula ng
(emotive) Gusto mong hikayatin ang pakikipag-ugnayan
May taong matagal mo mga mamimili na subukan (phatic)
nang gusto at may lihim ang iyong produktong Isang bagong lipat na
na pagtingin ka sa kaniya ibinebenta dahil ito ay kapitbahay sa inyong
ngunit hindi mo masabi sa epektibo sa pagpapaputi. lugar ang nakita mong
kanya. Isulat sa ibaba ang Paano mo sila hihikayatin? nakatanaw sa kanilang
iyong sasabihin kung bakuran at nahihiyang
magkaroon ka nang lumabas. Paano mo
pagkakataon na ipahayag siya kakausapin?
ito.

Paggamit bilang Paggamit ng kuro-kuro Patalinghaga (poetic)


sanggunian (referential) (metalingual) Malapit na sumapit ang
Lagi mong Ang Gobyerno ngayon ng kaarawan ng iyong ina
pinaaalalahanan ang Pilipinas ay nasa delubyo gusto mong gamitin ang
iyong kapatid na mag-suot dahil sa Covid-19 pagkakataon na ito
ng face mask at maghugas pandemic, ginawa ng upang magpasalamat at
palagi ng kamay dahil pamahalaan ang lahat ng sabihing mahal na
dumarami ang bilang ng paraan upang masugpo ito mahal mo siya.
may sakit na Covid-19. ngunit patuloy pa rin ang Lumikha ka ngayon ng
Gumamit ka ng paglaki ng bilang ng mga pagpapahayag ng iyong
sanggunian para Pilipinong nagkasakit ng damdamin sa
malaman niyang hindi mo Covid. Magpahayag ka ng patalinghagang paraan.
lang sariling opinyon ang iyong kuro-kuro kaugnay Ito ay maaaring isang
sinasabi mo sa kaniya. ng usaping ito. maikling tula na iaalay
mo sa kaniya.

Tayahin

A. Suriin at tukuyin ang gamit ng wika sa sumusunod na linyang halaw sa


mga panoorin. Isulat ang sagot sa hiwalay na sagutang papel.
_____________1. Daniel ikaw na ang papalit kay Tatang.
_____________2. Sergeant may problema ba?
_____________3. Hello Kute, mamaya na lang ako tatawag kasi nandito na ang mga
amo ko.
_____________4. Sabihin mo sa ninang mo bawal siya magpagutom, pagkatapos
bawal siyang maligo kapag pagod siya at saka higit sa lahat bawal
siyang matulog ng busog.
_____________5. Chief saang agency kayo kumukuha ng yaya, plano ko rin kasing
kumuha ng yaya para sa anak ko.
_____________6. Ano yung timpla ng kape ni sir?

9
_____________7. Ang sabi niya sa akin kung hindi mo raw titigilan ang kalokohan mo
kay Chichay at kung hindi ka babalik dito, tatanggalan ka raw niya
ng karapatan bilang tagapagmana ng San Juan.
B. Suriin at tukuyin ang paraan ng pagbabahagi ng wika sa sumusunod na
linyang halaw sa mga panoorin. Isulat ang sagot sa hiwalay na sagutang
papel.
_____________8. Balang araw itaga niyo sa bato sisikat din tayo.
_____________9. Sana papa dalas-dalasan mo naman ang pag-uwi rito.
_____________10. Tatang yung Gun Man kamukha mo.
_____________11. Kung may problema ka sa akin wala akong magagawa, huwag mo
na kasi guluhin ang kaso ko.
_____________12. Nagtiwala ko sa inyo dahil inirerespeto ko kayo yun pala ganito lang
ang gagawin ninyo sa akin idadawit ninyo ko sa kalokohan niyo.
_____________13. I’m sorry baby hindi na galit si daddy pinagsabihan ko lang yung
kuya mo para alam niya yung mistakes niya.
_____________14. Sir Luke good evening po.
_____________15. Sumulat si Maya ng liham upang ipadala sa kanyang ina sa
probinsiya.

Karagdagang Gawain

A. Ipakita ang mga natutuhan sa paksa sa pamamagitan ng pagsagot sa mga gawain.


Isulat ang sagot sa hiwalay na papel.

Sadyang hindi maiiwasan ng tao ang paggamit ng wika. Sabi nga ng iba, ito ay
inevitable. Maituturing na panlipunan ang kahalagahan nito. May kakayahan ito sa
pagkakaisa at pagbubuo ng isang lipunan. Kahit kailan at saan man makikita natin
ang kahalagahan ng paggamit ng wika. Kung dati-rati ay limitado lamang tayo sa
panonood ng telebisyon, pagbabasa ng diyaryo at magasin upang makakita ng
sitwasyon ng pakikipag-usap, ngayon ay makakukuha tayo ng iba’t ibang sitwasyong
nagpapakita ng gamit ng wika sa lipunan sa iba’t ibang paraan. Ngayon sa loob ng
inyong tahanan magmasid ng iba’t ibang sitwasyong magpapakita ng gamit ng wika.
Isulat ang mga nakalap na impormasyon sa hiwalay na papel.

B. Balikan ang napili mong pelikulang Pilipinong tumatak nang husto sa iyo. Suriin
ito batay sa gamit ng wika. Isulat sa hiwalay na sagutang papel.

Gabay na rubric para sa gawain A.


Pamantayan 4 3 2 1

10
Pagmamasid Nakapagmasid Nakapagmasid Nakapagmasid Hindi
ng mga ng mga ng mga nakapagma-
halimbawang halimbawang halimbawang sid ng
sitwasyon at sitwasyon sitwasyon. maayos.
may ngunit
mapagkakati- kakaunti ang
walaang sanggunian.
sanggunian.
Paraan ng Malinaw na Malinaw at Hindi gaanong Hindi
pagmamasid malinaw at may iilang malinaw ang malinaw na
may mga patunay sa pagmamasid nailahad ang
patunay sa ginawang at kakaunti pagmamasid.
ginawang pagmamasid. ang patunay.
pagmamasid.
Nilalaman May mga May mga May mga Hindi kapani-
halimbawang halimbawang halimbawang pani -wala
kapani- hango sa hindi kapani- ang mga
paniwala at tunay na paniwala at halimbawa
hango sa mga pangyayari. mistulang
tunay na kathang-isip
pangyayari. lamang.

Gabay na rubric para sa gawain B.

Pamantayan 4 3 2 1
Gamit ng wika Napakahusay Mahusay ang Hindi gaanong Hindi
ang ginawang ginawang malinaw ang malinaw ang
paglalahad at paglalahad at ginawang mga gamit ng
angkop ang angkop ang paglalahad sa wika.
gamit ng wika. gamit ng wika. gamit ng wika.
Paraan ng Napakahusay Mahusay ang Mahusay ang Hindi
pagsusuri ng ginawang pagsusuri at pagsusuri nagsagawa
pagsusuri at nagpakita ng ngunit kaunti ng pagsusuri.
nagpakita ng katibayan sa ang katibayan
mga totoong paggawa. sa paggawa.
katibayan sa
paggawa.
Nilalaman Nakitaan ng Nakitaan ng Mahusay ang Hindi
mahusay na mahusay na pagkaunawa naunawaan
pagkaunawa pagkaunawa sa pelikulang ang
sa pelikulang sa pelikulang napanood pelikulang
napanood at napanood ngunit hindi napanood.
nailahad ng ngunit nailahad ang
mabuti ang kakaunti ang gamit ng wika.
gamit ng wika. nailahad na
gamit ng wika.

11
12
Tayahin
1. Instrumental
2. Instrumental
Subukin
3. Interaksiyunal 1. C
4. Regulatori 2. A
5. Heuristiko 3. E
6. Heuristiko 4. F
7. Representatibo 5. B
6. E
8. Emotive
7. A
9. Conative 8. G
10.Phatic 9. C
11.Metalingual 10.A
12.Referential 11.D
13.Emotive 12.B
14.Phatic 13.B
14.F
15.Poetic
15.E
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Elcomblus (2019). Function of Language. https://elcomblus.com/functions-of-
language-by-roman-jakobson/
Halliday, M. (1973). Explorations in the Functions of Language. Netherland: Elsevier
North-Holland.
Jakobson, R. (2003). Language: an Enquiry Into its Meaning and Function. Virginia:
Kennikat Press.
Jocson, M. O. (2016). Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino.
Quezon City: Vibal.

13
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Schools Division Office-Quezon City

43 Nueva Ecija Street, Bago Bantay, Lungsod Quezon, Kalakhang


Maynila

Telephone No.: 8352-6806-6809 Telefax: 3456-0343

Email Address: sdoqcactioncenter@gmail.com

You might also like