You are on page 1of 22

11

Komunikasyon at Pananaliksik
sa Wika at Kulturang Pilipino
Unang Markahan – Modyul 5:
KOHESYONG GRAMATIKAL
Filipino – Ikalabing-isang Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 5: Kohesyong Gramatikal
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Freddie E. Ibañez
Editor: Shem Don C. Fabila, Ana Melissa T. Venido
Tagasuri: Arlene L. Decipolo, Clinton T. Dayot, Shem Don C. Fabila, Ana Melissa T.
Venido, Gelyn I. Inoy, Melle L. Mongcopa
Tagalapat: Romie G. Benolaria
Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin, CESO V Rosela R. Abiera
Fay C. Luarez, TM, EdD., PhD Maricel S. Rasid
Adolf P. Aguilar, CESE Elmar L. Cabrera
Nilita L. Ragay, EdD
Renante A. Juanillo, EdD

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education –Region VII Schools Division of Negros Oriental

Office Address: Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental


Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117
E-mail Address: negros.oriental@deped.gov.ph
11
Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino

Unang Markahan – Modyul 5:


KOHESYONG GRAMATIKAL
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 11 ng Alternative Delivery Mode


(ADM) Modyul para sa araling Kohesyong Gramatikal!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino 11 ng Alternative Delivery Mode (ADM)


Modyul ukol sa Kohesyong Gramatikal!

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

iii
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
ALAMIN

KOHESYONG GRAMATIKAL

MGA KASANAYANG
PAMPAGKATUTO

1. Nagagamit ang mga cohesive device sa pagpapaliwanag at pagbibigay


halimbawa sa mga gamit ng wika sa lipunan.

2. Nakapagsasaliksik ng mga halimbawang sitwasyon na nagpapakita ng


gamit ng wika sa lipunan.

PANIMULA

Magandang araw! Kumusta?


Ang modyul na ito ay para sa iyo. Inihanda ito upang pag-aralan
mo ang mga cohesive device o kohesyong gramatikal sa pagkakagamit
nito.
Laman nito ang ilang aralin, panimula at pangwakas na pagtataya,
mga gawain, paglalapat at repleksiyon) na sumasaklaw sa bagong
pananaw ukol sa mga kohesyong gramatikal.
Halika at tataluntunin mo ang araling ito na hitik sa kaalaman.
.

1
MGA LAYUNIN

Sa katapusan ng modyul na ito, inaasahan na ikaw ay:

1. Nakapipili ng mga cohesive device na mga salitang ginamit sa iba’t ibang


gamit ng wika sa lipunan.
2. Nagagamit ang mga cohesive device sa pagbuo ng mga pahayag.
3. Naisaalang-alang ang kasiglahan sa pagbuo ng mga pahayag na
ginagamitan ng kohesiyong gramatikal

SUBUKIN

PANIMULANG
PAGTATAYA

Upang mataya ang iyong katalinuhan sa aralin na ito, ikaw ay mabibigyang


ng panimulang pagsusulit. Sagutin mo ito nang maayos nang walang pag-
aalinlangan.

PANUTO: Basahin at unawain ang mga katanungan ng bawat aytem. Piliin ang
tamang letra na tugon sa katanungan. Isulat ang iyong sagot sa laang sagutang
papel.

1. Ito ay mga salitang nagsisilbing pananda upang hindi paulit-ulit ang


pagkakagamit ng mga salita.
A. panghalip C. pang-ugnay
B. kohesyong gramatikal D. pagpapatungkol

2. Tumutukoy ito sa paggamit ng mga panghalip upang humalili sa pangngalan.


A. pagpapatungkol C. pagpapalit
B. ellipsis D. pang-ugnay

2
3. Panghalip na ginagamit sa hilihan bilang pamalit sa pangngalang nasa unahan.
A. katapora C. anapora
B. elipsis D. pang-ugnay

4. Ito ay mga salitang ipinapalit sa iba pang bahagi ng pangungusap na nauna ng


banggitin.
A. berbal C.clausal
B. nominal D. pamalit/substitution

5. Ang paggamit ng mga pangatnig upang makabuo o pag-ugnayin ang isang


pangungusap ay tinatawag na.
A. pang-ugnay C. panghalip
B. pang-ukol D. pang-abay

6. Ang lahat ng mga ito ay Mga Panandang Kohesyong Gramatikal maliban sa


isa.
A. pagpapatungkol C. pang-ugnay
B. elipsis D. pang-abay

7. Ang panghalip na ito ay halimbawa ng kohesyong gramatikal na tumutukoy sa.


A. bagay C. hayop
B. lugar D. tao

8. Ang mga salitang pagpipilian sa ibaba ay mga halimbawa ng panghalip na


ginamit sa pagtukoy ng lugar maliban sa isa.
A. doon C. iyon
B. dito D. tayo

9. Matulungin si Fred sa mga salat sa pangangailangan kaya’t siya ay pinagpala


ng ating Panginoon. Ito ay halimbawa ng anong uri ng pagpapatungkol.
A. katapora C. pang-ugnay
B. anapora D. panghalip

10. Siya ay hindi karapat-dapat na aking iyakan. Si Trexie ay salawahan. Ang


pangungusap na ito ay nasa uri ng pagpapatungkol na …
A. anapora C. katapora
B. ellipsis D. pamalit/substituton

11. Sa kanya ko nakita ang liwanag at kagandahan ng mundo na hatid nito’y


pag.asa. Ang panghalip na sinalungguhitan ay tumutukoy sa..
A. hayop C. bagay
B. lugar D. tao

3
12. Nahihirapan na ____ wala kang ginawa kundi magpakasasa sa kaligayahan na
ubod ng tamis at tuwa na para bang wala ng katapusan. Anong panghalip ang
dapat mong maisulat sa puwang?
A. sila C. kami
B. siya D. tayo

13. Hindi ka magtatagumpay sa iyong binabalak _____ikaw ay ganid o gahaman.


Anong pang-ugnay ang dapat mong gamitin sa puwang?
A. Ngunit C. sapagkat
B. Datapwa’t D. subalit

14. Naglakas loob siyang lapitan ___ sabihin ang nararamdaman sa isang
magandang binibini na ubod ng alindog. Anong pang-ugnay ang dapat mong
gamitin?
A. at C. ni
B. na D. kaya

15. Malimit na sa pagmamasid ___sa babaeng haliparot ay walang silbi na sa


lipunan. Anong angkop na panghalip ang dapat mong gamitin sa puwang.
A. niya C. nito
B. siya D. nila

Magaling! Nasubukan mong sagutin


nang tama ang gawain sa Panimulang
Pagtataya. Nagpapakita ito ng indikasyon na
magiliw mong nilakbay ang maliwanag na
hibla ng karunungan.

4
TUKLASIN

GAWAIN 1

Batid ko na ikaw ay matalinong mag-aaral. Malayo na ang inabot ng iyong


kaalaman. tiyak na nag-uumapaw na ang natutuhan mo, kaya sagutin ang mga
sumusund na aytem.

PANUTO: Piliin at salungguhitan ang cohesive devices / kohesyong gramatikal sa


sumusunod na gamit ng wika sa lipunan.

__________1. Siya ang nagpaskil ng babala na “Bawal Manigarilyo sa Liwasang


Bayan,Multa Isang-libo, Kulong apat na taon.

__________2. Kaarawan mo na bukas, imbitahim mo sila dito para sa


pananghalian at hapunan.

__________3. Nang imbitahin niya si Ivan Rae sa kaarawan abot langit ang
tuwang nadarama.

__________4. Magsunog ka ng kilay kasama sila hanggang sa matapos ang tesis


sa lalong medaling panahon

__________ 5. Iwasang manukso nang labis baka hindi mo alam na siya ay


nasasakal na sa kirot na nararamdaman.

SURIIN

5
PAGSUSURI

Walang kagatol-gatol na nasagutan mo nang mahusay ang mga


katanungan. Talagang ipinamalas mo ang angking katalinuhan. Pakaingatan mo ito
sapagkat daan ito sa rurok ng iyong katagumpayan sa buhay. Upang mapagtanto
ko kung ginawa mo nang may kahusayan ang gawain, sagutin ang mga tanong sa
ibaba.

1. Ano ang napagtanto mo sa naging resulta ng iyong sagot sa gawain 1.


2. Ang gawain 1 ba ang nakatulong sa iyo upang magkaroon ka ng kaalaman
sa paksang iyong pag-aaralan? Bakit?

PAGYAMANIN

PAGLALAHAD

Mayroon akong inihanda para sa iyo, tiyak na magugustuhan mo sapagkat


siksik ito sa kaalaman. Alam kong nagpupumiglas ka ng malaman mo kung ano ito.
Kaya ihanda mo ang iyong sarili upang lakbayin mo ang landas ng pagkatuto

Mga Panandang Kohesyong Gramatikal

Ang kohesyong gramatikal ay ginagamit upang makaiwas sa pag-uulit ng


pangngalan o salitang ginamit sa pagpapahayag.

6
PAGPAPATUNGKOL (REFERENCE)
- paggamit ng panghalip na tumutukoy sa mga nauuna o nahuling
pangalan

ANAPORA (Sulyap na Pabalik)


- ang reperensiya kung binanggit na sa unahan ang salita
- mga panghalip na ginagamit sa hulihan bilang panimula sa pinalitang
pangngalan sa unahan ng pangungusap

Hal: Sina Raha Sulayman at Andres Bonifacio ang mga bayaning


Pilipino. Sila ay mga dakilang Pilipino.

KATAPORA (Sulyap na Pasulong)


- reperensiya na binabanggit sa dakong hulihan na nagdudulot ng
kasabikan o nakapupukaw ng interes
- mga panghalip na ginagamit sa unahan bilang pananda sa pinalitang
pangngalan sa hulihan

Hal: Ito ay isang dakilang lungsod. Ang Maynila ay may makulay na


kasaysayan.

Elipsis
- pagtitipid sa pagpapahayag
- mga salitang nawawala o hindi na inilalagay sa kadahilanang naiintindihan
na ito sa pahayag at magiging paulit-ulit lamang

Hal: Nagpunta si Edna sa tindahan at bumili si Edna ng suka.


Nagpunta si Edna sa tindahan at bumili (sino?) ng suka.

Pagpapalit (Substitution)
- paggamit ng iba't ibang salita sa pagtukoy ng isang bagay o kaisipan

a. NOMINAL
Hal: Ang wikang Filipino ay makatutulong upang tayo'y
magkaunawan at magkaisa. Kailangan lang natin pagyamanin ang
ating wikang pambansa.

b. BERBAL (VERBAL)
- ang pinapalitan ay PANDIWA
Hal: Inaayos na nila ang sala, at ginagawa ng iba ang kusina.

c. CLAUSAL
- ang pinapalitan ay SUGNAY
Hal: Hindi mahabol ng mga tao ang magnanakaw. Nagawa ba ng
mga pulis na sila'y tugisin?

7
Pag-uugnay
- paggamit ng iba't-ibang pangatnig upang pag-ugnayin ang dalawang
pangungusap
Hal: Hindi magtatagumpay ang iyong plano sapagkat masama ang layunin
nito.
Ang PANANDANG KOHESYONG GRAMATIKAL ay ginagamit upang lubos
na maunawaan ang kaisipang hatid ng mga pahayag. Sa pagsusulat ng isang
SANAYSAY, mainam na gumamit ng mga ito upang hindi maging paulit-ulit ang
mga salita, terminolohiya, o mga reperensiyang ating gagamitin.

Maaaring ma-access ang kabuuang nilalaman sa link na nasa ibaba:


https://prezi.com/ogodd7opiyzk/mga-panandang-kohesyong-gramatikal/

Mga Gawain

Gawain 2 Basahin ang pangungusap sa bawat bilang . Punan ng angkop na


panghalip ang bawat patlang na nasa loob ng kahon.

siya niya nila


niyang akong siyang

1.______ ay isa sa mahalimuyak at mapanghalinang binibini na aking nakilala na


walang bahid ng kasamaan.

2. Labis ang hinagpis at kapighatian sa buhay ang dinaranas ni Trexio dahil sa


may paniniwala _____isinilang siya sa mundo ng karukhaan.

3. Malimit na sa pagmamasid ____sa paligid ay may kakaibang elemento sa pali-


paligid ng gusali.

4. Wala ____ibang hangad kundi mahalin ka at alagaan ng walang pag-


aalinlangan at pagkukunwari.

5. Mahal ___ang isa’t isa kaya ganoon na lamang karami ang kanilang supling na
nailuwal sa daigdig ng pagmamahalan.

Gawain 3. Basahin ang buong talata nang may pag-unawa. Lapatan nang wasto
at angkop na panghalip ang nasa puwang ng bawat pangungusap.

Ikaw ang lahat sa _______. Kaya mo bang tumbasan ang pahayag na


______. Simpleng pahayag ngunit katalinghagaan naman ang hatid_____.Tuwa at

8
kaba ay kasama sa tuwing maririnig_____ang salitang mahal kita. Kinikilig ka sa
salitang ____sa tuwing binabalik-balikan ang sulyap ng kahapong nagdaan. Hindi
matahimik ang ____puso lalo na’t ikaw ay nag-iisa lamang sa sulok ng
pangungulila. Sa bawat lingon mo mukha ___ang parating nasusulyapan sa
isipan. Kilos at gawi ay kabisadong-kabisado kapag pangalan na ____ang pinag-
uusapan sa mga binibining nahuhumaling sa _____.

Kunin mo na ang lahat sa _____huwag lang ang _____mahal. Ikamamatay


ng puso ___kapag inaagaw mo ___. Napakalungkot ng buhay kung sakaling
_____man ay magkakatotoo. Kakayanin mo ba? Ang hirap ano? Ikaw at Ako sa
ngalan ng Pag-ibig.

ISAISIP

Malaki ang naiambag ng nga


cohesive device sa pagbuo ng mga
pangungusap/pahayag. Gamitin ito nang
may kawastuhan para maunawaan
anuman ang gusto mong ipahayag.

ISAGAWA

PAGLALAPAT

Malinaw na sa iyo ngayon kung ano ang araling na ito. Naunawaan mo


nang madalian ang cohesive device o hohesyong gramatikal. Nabigyang mo ng
tugon ang katanungan nang buong husay. Nagabayan ka nang maayos upang
mapadali ang iyong pag-unawa sa mga gawain. Binabati kita!

9
KARAGDAGANG
GAWAIN

PAGPAPAYAMAN

Gawain 4. Sumulat ng isang maikling tala tungkol sa napapanahong isyung


panlipunan na nilalapatan ng mga cohesive devices o kohesyong gramatikal.
Iangkop mo rito ang iyong natutuhan sa mga gamit ng wika sa lipunan.

___________________________________________________________
____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________

Pamantayan sa Pagmamarka
Kalinawan sa pagpapahayag _____________________________________ 5
Kaangkupan sa mga cohesive device na ginamit______________________ 5
Kaugnayan sa mga pahayag at salitang ginamit sa pangungusap_________ _5_
Total: 15

10
REFLEKSIYON

Napakatalas ng iyong isipan walang kahirap-hirap na nasagutan mo nang


tama ang lahat ng mga gawain. Ito ay isang malaking tagumpay sa pinagdaanan
mong laban sa iyong pag-aaral.

PANUTO: Itala ang mga salitang angkop sa puwang ng bawat aytem sa ibaba
upang mabuo na isang ganap na pahayag.

1. Nalaman ko na ang mga gamit ng _____________________________


_________________________________________________________
________________.

2. Isa na rito ang____________________________________________


________________________________________________________
_______________.

3. Na may pagpapakahugan ng________________________________


_______________________________________________________
____________.

4. Kung saan ito ay ginagamit sa_______________________________


_________________________________________________________.
____________.

5. Ang lahat ng ito ay dapat kong pahalagahan sapagkat______________


_________________________________________________________
____________.

11
TAYAHIN

PANGWAKAS NA
PAGTATAYA

Narating mo na ang puno’t dulo ng iyong pag-aaral. Hatid nito’y kasiyahan


na napagtagumpayan ang hamon ng iyong kahandaan at katalinuhan. Mapalad ka
sa iyong pagpupunyagi.

PANUTO: Tukuyin ang mga tungkulin o gamit ng wika sa mga sumusunod na


pahayag. Isulat ang titik ng iyong sagot sa patlang sa unahan ng bawat bilang.

a. Kohesyong gramatikal e. pang-ugnay


b. anapora f. pagpapalit
c. katapra g. pagpapatungkol
d. elipsis

______1. ginagamit upang makaiwas sa pag-uulit ng pangngalan o salitang


ginamit sa pagpapahayag.

______2. mga panghalip na ginagamit sa hulihan bilang panimula sa pinalitang


pangngalan sa unahan ng pangungusap

______3. Mga panghalip na ginagamit sa unahan bilang pananda sa pinalitang


pangngalan sa hulihan

______4. Mga salitang nawawala o hindi na inilalagay sa kadahilanang


naiintindihan na ito sa pahayag at magiging paulit-ulit lamang

______5. Paggamit ng iba't ibang salita sa pagtukoy ng isang bagay o kaisipan

______6. Paggamit ng iba't-ibang pangatnig upang pag-ugnayin ang dalawang


pangungusap

______7. Paggamit ng panghalip na tumutukoy sa mga nauuna o nahuling pangalan

______8. Sila ay sopistikado kung kumilos. Mahilig din sila sa paglalakbay sa loob
at labas ng bansa.

12
______9. Labis ang kanyang pagdurusa dahil sa pagpanaw ng kanyang kasintahan.

______10. Maganda sana siya pero ubod ng kasamaan ang kanyang pag-uugali.

______11. Gusto niyang lumuwas ng ibang bansa ngunit away ng kanyang


magulang.

______12. Ang mga Front Liners ngayon ang bagong itinuturing na bayani. Sila ang
inaasahan ng buong bansa sa matinding lumalaganap na pandemya.

______13. Sina Manny Paquiao at Regine Velasquez ay popular sa buong bansa.


Sila ay mahirap kalabanin pagdating sa larangan ng palakasan at musika.

______14. Maganda, maalindog, mahalimuyak pero masyadong maingay na akala


niya’y pagmamay-ari ang naturang lugar o ispasyo.

______15. Naghihiyawan at nagpapalakpakan ang manonood sa ipinakitang husay


ni Ben sa pagkanta subalit ikinalulungkot naman ng kanyang kasintahan sa paglisan
nito sa kanyang tabi.

13
SUSI SA PAGWAWASTO

14
MGA SANGGUNIAN

https://prezi.com/ogodd7opiyzk/mga-panandang-kohesyong-gramatikal/

15
FREDDIE E. IBAÑEZ, MAED. Siya ay nagtapos sa kursong BSE
Filipino at MAED sa Foundation University, Dumaguete City.Naging guro
rin siya sa Negros Maritime College, Foundation Inc. sa Sibulan, Negros
Oriental. Sa kasalukuyan siya ay guro sa Senior High School at itinalagang
Filipino koordineytor sa Santiago Delmo Memorial High School sa
Maluay, Zamboanguita, Negros Oriental.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Schools Division of Negros Oriental


Kagawasan, Avenue, Daro, Dumaguete City, Negros Oriental

Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117


Email Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Website: lrmds.depednodis.net

You might also like