You are on page 1of 15

Senior High School

Komunikasyon at Pananaliksik
sa Wika at Kulturang Pilipino
Unang Markahan – Modyul 6:
Tungkulin ng Wika
sa Lipunan

AIRs - LM
LU_Q1_KomPan_Module6
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO
Baitang 11 – Unang Semestre
Unang Markahan - Modyul 6: Tungkulin ng Wika sa Lipunan
Ikalawang Edisyon, 2021

Karapatang sipi © 2021


La Union Schools Division
Region I

Ang lahat ng karapatan ay ibinibigay sa may akda. Anomang paggamit o pagkuha ng bahagi ng walang
pahintulot ay hindi pinapayagan.

Bumuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Emelaine M. Areola


Mga Tagasuri: Justine Carlos G. Villanueva, Ana Jane M. Morales
Gracia G. Garcia at Jonabelle R. Rimando
Editor: Alvin D. Mangaoang
SDO La Union, Learning Resource Quality Assurance Team
Tagaguhit: Ernesto F. Ramos Jr.
Tagalapat: Angela Pauline C. Ganuelas

Tagapamahala:
Atty. Donato D. Balderas Jr.
Schools Division Superintendent
Vivian Luz S. Pagatpatan, PhD
Assistant Schools Division Superintendent
German E. Flora, PhD, CID Chief
Virgilio C. Boado, PhD, EPS in Charge of LRMS
Luisito V. Libatique, PhD, EPS in Charge of Filipino
Michael Jason D. Morales, PDO II
Claire P. Toluyen, Librarian II

Inilimbag sa Pilipinas ng: _________________________

Department of Education – SDO La Union


Office Address: Flores St. Catbangen, City of San Fernando, La Union
Telefax: 072 – 205 – 0046
Email Address: launion@deped.gov.ph

LU_Q1_KomPan_Module6
Senior High School

Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika
at Kulturang Pilipino
Unang Markahan – Modyul 5:
Tungkulin ng Wika
sa Lipunan
(Mga Konsepto, Gamit at Tungkulin
ng Wika sa Lipunan)

LU_Q1_KomPan_Module6
Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating


mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na
gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga
kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na
naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang
o kung sinomang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-
kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng
mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung
kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding
pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan.
May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat
gawain at pagsusulit. Inaasahan naming magiging matapat ang bawat isa sa
paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang
anomang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa
mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro
kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng
SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy,
umaasa kaming matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

LU_Q1_KomPan_Module6
Sapulin

Kumusta ka mahal kong mag-aaral? Sabik ka na bang magpatuloy sa iyong


pag-aaral? Kung oo, humanda ka na, dahil mas malalim na pag-aaral muli ang ating
gagawin sa modyul na ito.

Sa nakaraang modyul, napag-aralan mo komunikatibong gamit ng wika sa


lipunan. Mahalagang nabatid mo ang mga ito dahil makatutulong ito upang
magkaroon ka ng interaksyon sa lipunang iyong ginagalawan.

Sa anomang bagay o gawain, saan mang lugar, o pagkakataon ang wika ay


lagi na nating ginagamit. Ito ang nagbibigay katuparan sa lahat ng ating pagkilos,
kinokontrol nito ant ating pag-iisip maging ang ating pag-uugali.

Mapag-aaralan mo sa Modyul 6 ang iba’t ibang tungkulin ng wika sa ating


lipunan. Matutuklasan mo ang iba’t ibang sitwasyong nagpapakita ng malayuning
tungkulin ng wika.

Sa pag-aaral sa modyul na ito, inaasahang malilinang mo ang sumusunod:

Mga Pinakamahahalagang Kasanayang Pampagkatuto (MELCs):


1. Naipaliliwanag ang tungkulin ng wika sa lipunan sa pamamagitan ng mga
pagbibigay halimbawa (F11PS-ld-87); at
2. Nakapagsasaliksik ng mga halimbawang sitwasyon na nagpapakita ng
tungkulin ng wika sa lipunan. (F11EP-le-31)

Mga Tiyak na Layunin:


1. Natutukoy ang mahalagang gampanin ng wika sa ating buhay at kung
paano na mabisang magagamit ito sa iba’t ibang angkop na sitwasyon;
2. Nagagamit para sa iba’t ibang larangan ng pakikipag-ugnayan o mabisang
komunikasyon; at
3. Nakabubuo ng islogan bilang paglalapat ng natutuhan sa tungkulin ng
wika sa lipunan.

Handa ka na bang malaman ang mga ito? Kung oo, halika na at pag-usapan
o talakayin na natin ang tungkulin ng wika.

1
LU_Q1_KomPan_Module6
Aralin
Tungkulin ng
6 Wika sa Lipunan

Simulan

Bago tayo magsimula sa ating talakayan tungkol sa tungkulin ng wika ay


sasagutin mo muna ang paunang gawain para masukat ang iyong inisyal na
kaalaman sa araling ating tatalakayin.

Gawain1: Hinuha Ko
Panuto: Basahin ang mga pahayag sa ibaba. Tukuyin kung ano ang nais nitong
ipahiwatig o sabihin sa iyo bilang mambabasa. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.

1. “Palaging Magsuot ng Facemask at Faceshield sa tuwing lalabas.”


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
2. “Narito ang mga hakbang sa pananaliksik…”
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
3. “Kumusta ka na? Mabuti na ba ang pakiramdam mo?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
4. “Papupulis kita! – “Bakit? Ninakaw mo kasi ang puso ko.”
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
5. “Pinaniniwalaan kong mas mainam na magpabakuna na tayo.”
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Mahusay! Matagumpay mong naisagawa ang gawain. Ngayon, pag-aralan mo


ang komunikatibong tungkulin ng wika sa lipunang ating ginagalawan.

2
LU_Q1_KomPan_Module6
Lakbayin

Sa bahaging ito aking mahal na mag-aaral, tayo ay maingat na maglalakbay


upang pag-aralan ang komunikatibong tungkulin ng wika sa lipunang ating
ginagalawan.

Alam mo bang…
Ginagamit ng tao ang wika upang magpahayag at imanipuleyt ang mga bagay
sa kanilang kapaligiran?
• Ang pananaw na ito ay maiuugnay sa pag-aaral ng wika sa pragmatik na
pamamaraan, maging sa sosyo-lingguwistika at lingguwistika-
antropolohiya.
• Sa pilosopiya ng wika, ang mga pananaw na ito ay kadalasang iniuugnay sa
mga akda ni Wittgenstein at sa mga pilosopo sa wika tulad nina Moore, Grice,
Searle at Austin.
• Ang wika ng tao ay kakaiba kung ihahambing sa ibang anyo ng
komunikasyon tulad nga ng sa hayop.
• Samantala ayon sa mga siyentista, ang sistema ng komunikasyong ginagamit
ng mga hayop ay limitado lamang sa finite number of utterances at halos lahat
sa mga ito ay genetically transmitted.
• Kakaiba rin ang wika ng tao dahil sa komplikado nitong estruktura na nag-
ebolb upang matugunan ang higit na malawak sa tungkulin kaysa iba pang
anyo ng sistemang pangkomunikasyon.
• Sa Explorations in the Functions of Language ni M.A.K Halliday (1973,
Gonzales-Garcia 1989), binigyang-diin niya ang pagkakategorya sa wika
batay sa mga tungkuling ginagampanan nito sa ating buhay. Ang pitong
tungkulin ng wikang tinukoy ni Halliday ay binigyan ng mga halimbawang
madalas na gamitin sa pasalita at pasulat na paraan.

TUNGKULIN NG WIKA SA LIPUNAN

A. Interaksyonal
➢ Interaksyonal ang tungkulin ng wikang ginagamit ng tao sa pagpapanatili at
pagpapatatag ng relasyong sosyal sa kapwa tao katulad ng pagbati sa iba’t
ibang okasyon, panunukso at pagbibiroan ng magkakaibigan, pag-iimbita,
pasasalamat, pagpapalitan ng kuro-kuro tungkol sa isang partikular na isyu.
‘Di nga kasi, ang tao ay nilikhang panlipunan (social beings, not only human
beings).
➢ Sa madaling sabi, nagbubukas ito ng interaksiyon o humuhubog ng
panlipunang ugnayan. Nakapagpapanatili, nakapagtatatag ng relasyong
sosyal

Halimbawa:
o “Magandang umaga” “Hi /Hello”
o “Dumalo kayo sa aming kasal” “Salamat Doc”
o “Maligayang kaarawan” “Kain na po.”
o “Kumusta po ang lakad niyo?”, “Tuloy po kayo.”
o “Naninigas na ako sa papuri mo.” “Mahal Kita”

3
LU_Q1_KomPan_Module6
➢ Nailalarawan din ito sa pagkukuwento ng malulungkot at masasayang
pangyayari sa isang kaibigan o kapalagayan ng loob.
➢ Sa pasulat na paraan, pinakamahusay na halimbawa nito ang liham-
pangkaibigan. Ang pakikipag-chat sa mga kaibigang nasa malalayong lugar o
sa isang bagong kakilala ay maihahanay rin sa ilalim ng tungkuling ito.
➢ Paggamit ng mga salitang pang-teenager, liham-pangkaibigan, lenggwahe ng
mga LGBTQIA, propesyunal jargon, palitang ritwalistik, at dayalektong
rehiyonal.
➢ Sa pasalitang paraan, pinakamahusay na halimbawa nito ang mga
pormularyong panlipunan

B. Instrumental
➢ Instrumental ang tungkulin ng wikang ginagamit sa pagtugon sa mga
pangangailangan ng tao gaya ng pakikipag-ugnayan.
➢ Layunin nitong makipagtalastasan para tumugon sa pangangailangan ng
tagapagsalita.
➢ Ginagamit ito sa pakikiuusap o pag-uutos. Ginagamit ang wika para tukuyin
ang mga preperensya, kagustuhan, at pagpapasya ng tagapagsalita. Para sa
paglutas ng problema, pangangalap ng materyal, pagsasadula, at
panghihikayat.
➢ Tumutulong sa mga pangangailangan ng tao gaya ng pakikipag-ugnayan sa
iba.
➢ Magagamit ang wika sa pangangaral, berbal na pagpapahayag,
pagmumungkahi, paghingi, pag-uutos, pakikiusap, liham pangangalakal at
pagpapakita ng mga patalastas tungkol sa isang produkto.

Halimbawa:
➢ Ang paggawa ng mga liham-pangangalakal (business letters) ay isang
mahusay na halimbawa ng pamamaraan upang matugunan ang ating iba’t
ibang pangangailangan. Halimbawa kung kailangan mo ng trabaho,
kailangan mong gumawa ng application letter, bukod sa iba pang
requirements.
➢ Iba pang halimbawa:
o Adrian: Nais ko sanang maipadama sa iyo kung gaano kita kamahal.
Jennifer: Ganoon ba? Sige walang problema.
o Maaari bang igalang natin ang pasya ng ating pangulo?
o Magpakatatag tayo upang hindi tayo matukso.

C. Regulatori
➢ Regulatori ang tungkulin ng wikang ginagamit sa pagkontrol o paggabay sa
kilos o asal ng ibang tao. Sa madaling sabi, ito ang pagsasabi kung ano ang
dapat o hindi dapat gawin.
➢ May kakayahang makaimpluwensya at magkontrol sa pag-uugali ng iba.
Maaring gamitin ang regulatori sa pagbibigay ng panuto, batas at pagtuturo.
Ginagamit ito upang manghikayat, pagkontrol o paggabay sa kilos at asal ng
iba.
➢ Kabilang dito ang pagbibigay ng mga patakaran o palisi at mga gabay o
panuntunan, pag-aaproba at/o di-pagpapatibay, pagbibigay ng pahintulot at
/o pagbabawal, pagpuri at /o pambabatikos, pagsang-ayon at o/ di-pagsang-
ayon, pagbibigay paalala, babala at pagbibigay panuto.

4
LU_Q1_KomPan_Module6
Halimbawa
➢ Pinakamahuhusay na halimbawa nito ang pagbibigay ng direksyon, paalala
o babala. Ang mga panuto sa pagsusulit at mga nakapaskil na do’s and don’ts
kung saan-saan ay nasa ilalim ng tungkuling ito.

o Bawal magtapon ng basura rito


o Magsuot ng facemask
o Bawal lumabas ang may edad na 60 pataas
o Ugaliing maghugas ng kamay
o Iwasan ang makipagdaldalan sa katabi.
o Pakuluan ang manok upang hindi malansa.

D. Heuristik
➢ Ginagamit ito ng tao upang matuto at magtamo ng mga tiyak na kaalaman
tungkol sa mundo, sa mga akademiko at /o propesyunal na sitwasyon.
➢ Ito ay pagbibigay o paghahanap ng kaalaman.
➢ Heuristik ang tungkulin ng wika na ginagamit sa paghahanap o paghingi ng
impormasyon.

Halimbawa:
➢ Pagtatanong, pakikipagtalo, pagbibigay-depinisyon, panunuri,
pakikipanayam, sarbey at pananaliksik, pakikinig sa radyo, panonood ng
telebisyon, pagbabasa ng pahayagan, magasin, blog at mga aklat kung saan
nakakukuha tayo ng impormasyon.
o “Anong nangyari?”, “Bakit mo ginawa iyon?”
o “Paano nabuo ang Solar System?”
o “May halaga ba ako sa iyo?”

E. Personal
➢ Personal naman ang tungkulin ng wikang ginagamit sa pagpapahayag ng
sariling damdamin ng isang indibidwal.
➢ Paglalahad ng sariling opinyon at kuro-kuro sa paksang pinag-uusapan.
➢ Nasa anyo ito ng iba’t ibang pangungusap na padamdam, pagmumura,
paghingi ng paumanhin, pagpapahayag ng pansariling damdamin (tuwa,
galit, gulat, hinanakit, pag-asa, kagustuhan) at iba pang pansariling
pahayag.)
➢ Layunin nitong palakasin ang personalidad at pagkakilanlan ng isang
indibidwal. Nagpapahayag ng personal na preperensiya, saloobin,
pagkakakilanlan, sariling damdamin o opinyon

Halimbawa:
o Pagsulat ng talaarawan at journal.
o Pagpapahayag ng pagpapahalaga sa anomang anyo ng panitikan. Sa
mga talakayang pormal o impormal.
o Pagsulat ng liham sa patnugot at ng mga kolum o komentaryo

o Gheser: Talaga? Nanalo ako ng limang milyon sa lotto? Yahoooooooo!


Nhelo: Balato naman diyan!
o Ayon sa aking pananaw, ang pagsulong ng kapayapaan sa bansa ay
ang susi ng tagumpay sa hinaharap.
o Mas makabubuting sundin ang batas kaysa tuligsain upang
maiwasan ang pagsisisi sa huli.

5
LU_Q1_KomPan_Module6
F. Imahinatibo
➢ Imahinatibo naman ang tungkulin ng wikang ginagamit sa pagpapahayag ng
imahinasyon sa malikhaing paraan.
➢ nagpapahayag ng imahinasyon at haraya, maging mapaglaro sa gamit ng mga
salita, lumikha ng bagong kapaligiran o bagong daigdig.
➢ Gumagamit ng mga tayutay sa pagsulat ng malikhaing komposisyon. Ang
paglikha ng pick-up lines ay mga halimbawa ng pagpapakita ng malikhaing
gamit ng wika upang mapatalas ng isang ipinahihiwatig na kahulugan at
damdamin.
➢ Ginagamit ito sa paglikha at pagpapahayag ng malikhain, estetiko o
artistikong kaisipan. Kasama rito ang berbal o kaya’y pasulat na pag-awit,
pagtula, pagkukuwento, deklamasyon, akdang pampanitikan at iba pang
gawaing ginagamit “ang wika para sa wika”.
➢ Gamitin ang tungkuling ito sa mga akdang pampanitikan tulad ng tula,
nobela at maikling katha.

Halimbawa:
o Paggamit ng mga idyoma, tayutay, sagisag at simbolismo.
o Shimy: Christian, kung sakaling may makilala kang genie, ano ang
hihilingin mo sa kaniya?
Christian: Siyempre, ang makalipad tulad ng isang ibon para
makapaglakbay ako sa paraang gusto ko at makita ang buong mundo.
o “Password ka ba? – “Bakit?” Di kasi kita makalimutan eh.”

Iyan ang mga iba’t ibang tungkulin ng wika sa lipunan. Balikan mo lamang
ang talakayan sakaling mayroon kang hindi maintindinhan. Gawin mo na ang
gawain.

Gawain 2: Tukuyin Mo
Panuto: Tukuyin mo kung anong tungkulin ng wika ang ipinakikita ng mga pahayag
o sitwasyon. Isulat ang sagot sa sagutang papel kung ito ba’y
Interaksyonal, Instrumental, Regulatori, Heuristik, Personal o
Imahinatibo.

_____ 1.editoryal, liham sa patnugot, suring-basa at suring-pelikula


_____ 2.pagbibigay ng panuto o direksyon, babala at paalala
_____ 3.pakikitungo, pangalakal at pautos
_____ 4.survey, pamanahong papel, thesis at dissertation
_____ 5.liham pangkaibigan, pakikipag-chat sa messenger
_____ 6.matayutay na talumpati
_____ 7.pick-up lines, fliptop, spoken word poetry
_____ 8.recipe, direksyon sa isang lugar, panuto sa pagsusulit at paggawa ng
isang bagay, tuntunin sa batas
_____ 9. ginagamit sa pagtatanong, pananaliksik at pakikipanayam o pag-
iimbistiga.
_____ 10. pormulasyong panlipunan: pangungumusta, pag-anyaya sa pagkain,
pagpapatuloy sa bahay, pagpapalitan ng biro atbp.

6
LU_Q1_KomPan_Module6
Galugarin

Ngayon naman mahal kong mag-aaral ay susubukin nating muli ang iyong pag-
unawa sa sa binasang aralin tungkol sa tungkulin ng wika sa pamamagitan ng mga
gawain.

Gawain 3: Layag-Diwa
Panuto: Magbigay ng halimbawang salita/mga pangungusap sa bawat tungkulin ng
wika. Isulat sa sagutang papel ang iyong sagot.

Interaksyonal Instrumental Regulatori


1. _________________ 3. _________________ 5. _________________
2. _________________ 4. _________________ 6. _________________

3. 5.
Heuristik Personal Imahinatibo
7. _________________ 10._________________ 13._________________
8. _________________ 11._________________ 14._________________
9. _________________ 12._________________ 15._________________
10. 13. 16.

Palalimin

Gawain 4: I-islogan Mo!


Panuto: Gumawa ng isang islogan batay sa napanood o panonooring dokumentaryo
gaya ng I Witness, Reporter’s Notebook, Kapuso Mo, Jessica Soho at iba pa. Ilapat
ang alinman sa mga tungkulin ng wika sa isasagawang Islogan. Gawin ito sa
sagutang papel o bond paper. Matataya ang awtput batay sa rubrik sa pagtataya ng
awtput.
Rubrik sa Pagtataya ng Awtput
Panukatan Deskripsiyon Puntos
Gamit ng Wika • Angkop ang gamit ng wika para sa tiyak na tungkulin 45
nito sa isinasagawang islogan
• Mabisang napapalitaw ng gamit na wika ang layunin at
mensahe ng islogan
• Epektibong lumilikha ng ugnay sa target awdyens ang
islogan
• Malikhain na humihikayat ang wikang ginamit
Pagkamalikhain • Naangkop ang disenyo at napatitingkad ang mensahe ng 35
islogan
Mensahe • May kakayahang makaimpluwensiya sa target awdyens 20
• May kaisahan sa diwa ang ipinapahayag ng islogan
• Mapanghamon at mapanuri
Kabuoang puntos 100

7
LU_Q1_KomPan_Module6
Sukatin

Mahusay! Binabati kita dahil nakaabot ka sa bahaging ito ng modyul. Sigurado


akong marami kang natutuhan sa iba’t ibang mga aralin sa Modyul na ito. Ngayon,
ating tatayahin ang iyong kaalaman sa nakalipas na mga aralin.

PANGWAKAS NA PAGTATAYA
Panuto: Tukuyin ang mga tungkulin ng wika sa sumusunod na pahayag. Isulat ang
titik ng iyong sagot sa sagutang papel.

A. Interaksyonal B. Instrumental C. Regulatori


D. Heuristik E. Personal F. Imahinatibo.

_____ 1. "Hindi lungkot o takot ang mahirap sa pag-iisa kundi ang pagtanggap
na sa bilyon-bilyong tao sa mundo, wala man lang nakipaglaban upang
makasama ka."
_____ 2. Nais ko po sanang makuha sa inyong kompanya.
_____ 3. Lumakad ka sa kaliwa patungong hilagang bahagi ng pasilyo.
_____ 4. Saan ka galing?
_____ 5. Tinututulan ko ang ginagawang coal plant sa aming lugar.
_____ 6. Igisa muna ang bawang at sibuyas bago ilagay ang karne.
_____ 7. Ano po ba ang tungkulin ng social midya sa edukasyon?
_____ 8. #WalangForever sa mga taong bitter.
_____ 9. Siya ang nagsisilbing Adan ng aking buhay.
_____ 10. Sa aking pananaw, mas mainam na magpokus sa akademiks kaysa sa
ekstra kurikular na mga gawain.
_____ 11. Karamihan sa atin ay nakagapos sa tanikala ng kahirapan.
_____ 12. Para sa akin, mas mainam na ipagpatuloy ang peace talks kaysa sa
gamitin ang dahas.
_____ 13. Sana ulan ka at lupa ako…Para kahit gaano kalakas ang patak mo, sa
akin pa rin ang bagsak mo.
_____ 14. Maari bang bawasan ang presyo ng isda?
_____ 15. Bawal Lumabas. May Multa!

Magaling! Binabati kita sa matiyaga


mong pagsama sa pagtalakay sa mga aralin.
Alam kong nakapapagod maglakbay ngunit
sulit naman dahil matagumpay mong
natutuhan ang mga dapat mong malaman sa
tungkulin ng wika sa lipunan. Ihanda mo ang
iyong sarili sa kasunod na modyul – Modyul
7: Kasaysayan ng Wikang Pambansa.

8
LU_Q1_KomPan_Module6
LU_Q1_KomPan_Module6
9
ARALIN 6 (Tungkulin ng Wika sa Lipunan)
SIMULAN
Gawain 1: Hinuha Ko Iba-iba ang sagot
LAKBAYIN
Gawain 2: Tukuyin Mo
1. Personal
2. Regulatori
3. Instrumental
4. Heuristik
5. Interaksyonal
6. Imahinatibo
7. Imahinatibo
8. Regulatori
9. Heuristik
10. Interaksyonal
GALUGARIN
Gawain 3: Layag-Diwa Iba-iba ang sagot
PALALIMIN
Gawain 4: I-islogan Mo! Iba-iba ang sagot
SUKATIN
PANGWAKAS NA PAGTATAYA
1. F 6. C 11. F
2. B 7. D 12. E
3. C 8. F 13. F
4. A 9. F 14. B
5. E 10. E 15. C
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Taylan. D.R., et.al (2016). Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang
Pilipino. Sampaloc Manila: REX Bookstore, Inc.

Bernales. R.A., et.al (2016). Komunikasyon sa Makabagong Panahon. Malabon City:


Mutya Publishing House, Inc.

Tungkulin ng Wika. Nahango noong Hulyo 26, 2020 mula sa


https://www.slideshare.net.

Tungkulin ng Wika. Nahango noong Hulyo 29, 2021 mula sa


https://www.slideshare.net.

Tungkulin ng Wika. Nahango noong Agosto 1, 2021 mula sa


https://www.slideshare.net.

10
LU_Q1_KomPan_Module6
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – SDO La Union


Curriculum Implementation Division
Learning Resource Management Section
Flores St. Catbangen, City of San Fernando, La Union 2500
Telefax: 072-205-0046
Email Address:
launion@deped.gov.ph
lrm.launion@deped.gov.ph

11
LU_Q1_KomPan_Module6

You might also like