You are on page 1of 10

MGA KONSEPTONG PANGWIKA

“Ang wika’y mahalagang instrumento ng komunikasyon ito’y makatutulong sa


pagkakaroon ng mabungang interaskyon” –Anonymous

SUBUKIN

Panimulang Pagtataya

Panuto: Piliin ang tamang sagot mula sa mga pagpipilian sa bawat aytem. Bilugan
lamang ang titik o letra ng tamang sagot.

1. Ayon sa kanya, ang wika ay isang sistema ng mga tunog na isinaayos sa


paraang arbitraryo.
a. Paz Hernandez b. Henry Allan Gleason,Jr.
c. Charles Darwin d. Lope K. Santos

2. Ginagamit ang Wikang Filipino upang magkaintindihan ang mga Pilipinong


may iba’t ibang Unang wikang kinagisnan. Ang Filipino rito ay ginagamit
bilang______.
a. Wikang Pambansa b. Wikang Opisyal
c. Lingua Franca d. Wikang Panturo

3. Kung ang wika ay ginagamit bilang wika sa mga transaksyon at/o


komunikasyon sa gobyerno, pasulat man o pasalita, gamit ito bilang _____.

a. Lingua franca b. Wikang Pambansa


c. Wikang Opisyal d. Wikang Panturo

4. Ang katutubong wika na ginagamit sa buong Pilipinas bilang wika ng


komunikasyon ng mga etnikong grupo.
a. Filipino b. Ilokano
c. Bisaya d.Waray

5. Ipinapahayag sa Sek.7 artikulo bilang ______ ng Saligang batas ng 1987 na


ang Wikang Opisyal sa Pilipinas ay Filipino hangga’t walang ibang itinatadhana ang
batas,gagamitin din ang Wikang Ingles.
a. XV b. XII
c. XIV d.XVI

6. Ano ang ating wikang Pambansa?


a. Ingles b. Ilocano
c. Tagalog d. Filipino
7. Ayon kay ________, ang wika ay sistema ng tunog o sagisag na ginagamit
ng mga tao sa komunikasyon.
a. Sapiro b. Hemphill
c. Gleason d. Hutch

8. Ayon kay _________, ang wika ay isang makataong pamamaraan ng


paghahatid ng mga kaisipan, damdamin at kaparaanang lumikha ng tunog.
a. Gleason b. Sapiro
c. Quezon d. Hemphill

9. Anong wikang ginagamit bilang wikang panturo sa mga paaralang


Pangsekundarya?
a. Tagalog at Bisaya b. Maranao at Bisaya
c. Ingles at Filipino d. Ingles at Kastila

10. Ang tawag sa wikang opisyal na wikang ginagamit sa pormal na edukasyon.


a. Wikang Panturo c. Wikang Pambansa
b. Wikang Opisyal d.Wikang Pandaigdig

YUGTO NG PAGKATUTO

Sa puntong ito, subuking sagutin ang mga sumusunod na katanungan bilang


paghahanda sa gawaing may kinalaman sa mga konseptong pangwika.

TUKLASIN
GAWAIN 1

Panuto: Sa pamamagitan ng graphic organizer sa ibaba magbigay ng sariling


pagpapakahulugan ng salitang Nakasulat sa loob ng bilog. Isulat ang iyong sagot sa
bawat guhit.

WIKA

WIKANG OPISYAL

Bago maging opisyal ang isang wika, maraming pag aaral ang isinasagawa upang
malaman kung ano ang pinaka karapat dapat na wika para sa bansa. Tiniyak ng
gobyerno na tama ang pagpili ng wika para sa buong kapuluan at nabigyan daan ito sa
pamamagitan ng pagsaalang-alang ng iba’t ibang salik.
Tinatawag na Wikang Opisyal ang prinsipal na wikang ginagamit sa edukasyon,
sa pamahalaan, sa politika,sa komersiyo at industriya. Ipinahayag naman sa Artikulo
XIV seksyon 7 ng Saligang-batas ng 1987 na: “Ukol sa mga layunin ng
komunikasyon at pagtuturo, ang Wikang Opisyal sa Pilipinas ay Filipino at hangga’t
walang itinadhana ang batas, Ingles.” Tinatanggap din ang Ingles na isa sa wikang
opisyal maliban sa Filipino. Maaari itong gamitin sa pakikipagkomunikasyon at
edukasyon. Hangga’t walang batas na nagbabawal gamitin ang Ingles sa nasabing
sitwasyon, kaagapay ito ng Filipino bilang Wikang Opisyal.

WIKANG PANTURO
Ito ang wikang ginagamit sa pagtuturo at pag-aaral sa mga eskuwelahan at wika
sa pagsulat ng mga aklat at kagamitang panturo sa mga silid-aralan.Ang wikang
pambansa na itinadhana ng batas ay gagamitin bilang Wikang Panturo. Gagamitin ito
upang makatulong sa pagtatamo ng mataas na antas ng edukasyon. Mahalaga ang
mabilis na pag-unawa sa tulong ng wikang panturo upang makaagapay sa
akademikong pag-unlad. Magiging makahulugan ang pagkatuto gamit ang wikang
panturo. Gaya ng isinasaad sa Probisyong Pangwika ng Artikulo XIV seksyon 6 ng
Saligang-batas ng 1987, kaugnay ng wikang panturo na:

Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nilinang,ito ay


dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa mga umiiral na wika sa Pilipinas at ibang
pang mga wika. Dapat magsagawa ng mga hakbangin ang pamahalaan upang ilunsad
at puspusang itaguyod ang Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at
bilang wika ng panturo sa sistemang pang-edukasyon

GAWAIN 2

Panuto: Tukuyin at ipaliwanag ang kahulugan ng konseptong pangwika mula


kina: Sapiro,Hemphill, Hutch at Otanes. Gayahin ang kasunod na pormat.

Halimbawa: Gleason - ang wika ay "masistemang balangkas" ang bawat wika ay


may tuntunin o Sistemang sinusunod sa paggamit ng wika. Isang tiyak na halimbawa
ay ang pagbubuo ng pangungusap. Sa bawat gramatika ng isang wika ay may Sistema
tama o angkop na pagbabalangkas o pagbubuo ng pangungusap.

Dalubhasa sa pag- Sariling Paliwanag


aaral ng wika

1. Hemphill

2. Hutch

3. Otanes

4. Sapiro

PAGYAMANIN
Sa paksang ito, makabubuting pahalagahan natin ang pagsisikap ng KWF na
bumuo ng Ortograpiyang Filipino. Sa pamamagitan nito, mahuhutok maging may
alam at maingat kayo bilang mag-aaral hinggil sa mga katangian ng mga salitang taal,
hiram, balbal, jargon, siyentipiko, bagong-likha, at iba pa. Basahin ang Dekalogo ng
Wikang Filipino. Isinusulat ang nasabing dekalogo ni Jose Ladera Santos. Ang
kanyang inspirasyon ay ang mga bayani at tanyag ng mga pinuno na nakatuon sa
pagmamahal sa lahi, sa bansa, at sa Diyos.

Dekalogo ng Wikang Filipino

(ni Jose Ladera Santos)

I.

Ang wika ay dakilang biyaya ng Maykapal sa

sangkatauhan. Bawat bansa ay binigyan ng Diyos ng

kani-kaniyang wika sa pagkakakilanlan.

II.

Ang Pilipinas ay mayroong 176 na katutubong wika

bukod pa sa panghihiram sa mga banyagang wika.

III.

Ang pambansang wika ng Pilipinas ay Filipino.

Si Pangulong Manuel Luis Quezon ang

Ama ng Wikang Pambansa. Ang wikang Filipino ay

katuparan ng pangarap na wikang panlahat.

IV

Ang wikang pambansa ay pinayayabong,pinagyayaman

at pinatatag ng lahat ng wikang ginagamit sa Pilipinas.

V.

Ang wika ay puso at kaluluwa ng bansa para sa ganap

sa pagkakakilanlan. Nakapaloob ito sa Pambansang Awit, Panunumpa

sa Watawat at sa lahat ng sagisag ng kalayaan at kasarinlan.

VI.
Tungkulin ng bawat Pilipino na pag-aralan,gamitin,

Pangalagaan , palaganapin,mahalin at igalang ang

Wikang Pambansa kasabay ang gayon ding pagmamalasakit

sa lahat ng katutubong wika at mga wikang ginagamit sa Pilipinas.

VII.

Ang pagmamahal at paggalang sa wika ay katapat ng

pagmamahal at paggalang sa sarili.Tumitiyak ito

upang igalang din ang kapwa.Taglay ng lahat ng

katutubong wika at mga wikang ginagamit sa Pilipinas

VIII.

Malayang gumamit at pagyamanin ang iba pang wikang

gustong matutuhan. Sa pagkatuto ng iba ay lalo pang

dapat pakamahalin ang mga kinagisnang wika. Ano

mang wikang hindi katutubo sa Pilipinas ay

wikang hiram. Hindi matatanggap bilang

pagkakakilanlan at hindi maaangkin ang sariling atin.

IX.

Bawat Pilipino ay nag-iisip, nangangarap at nanaginip

Sa wikang Filipino o wikang kinagisnan.

X.

Ang bawat pagsasalita at pagsusulat gamit ng wika

ay pagdiriwang at pasasalamat sa Maykapal sa

pagkakaloob ng wika bilang biyaya sa sangkatauhan.


-Sipi mula kay M Jocson, Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino:Vibal,Inc ,2016 p.14-15

Gawain 3

Pagsusuri: Gumawa ng talahanayan sa likod ng iyong papel kagaya ng modelo sa


ibaba. Sa unang kolum, isulat ang limang (5) konseptong pangwikang inyong
natutunan mula sa modyul na ito. Sa ikalawang kolum naman, isulat ang kaukulang
bilang ng Dekalogo kung saan nakapaloob ang konseptong ito at sa ikatlong kolum,
magbigay ng maikling paliwanag.

KONSEPTONG BILANG NG PALIWANAG


PANGWIKA DEKALOGO

Hal: Tinatawag na
Wikang Opisyal ang
prinsipal na wikang
ginagamit sa edukasyon,
sa pamahalaan, sa
politika, sa komersiyo at
industriya. Ipinahayag
naman sa Artikulo XIV
seksyon 7 ng Saligang-
batas ng 1987 na: “Ukol
sa mga layunin ng
komunikasyon at
pagtuturo, ang Wikang
Opisyal sa Pilipinas ay
Filipino

1.

2.

3.

4.

5.

Gawain 4

Panuto: Gumawa ng hugis puso at kahon sa inyong notbuk kagaya ng modelo sa


ibaba Sagutin ang hinihingi sa bawat hugis base sa kabuuang talakayan sa modyul na
ito.

Ang Nilalaman ng Aking Puso Ukol sa Kahulugan ng Wika


Mga dapat kong pahalagahan sa mga konseptong pangwika (Maaari ring sabihing
paano mapahahalagahan ang mga konseptong pangwikang natutunan)

1.
2.
3.
4.
5

BUOD AT PAGLALAHAT

Ayon sa aklat ni Magdalena O. Jocson sa Komunikasyon at Pananaliksik sa


Wika at Kulturang Pilipino na ang pagtukoy sa kahulugan ng mga konseptong
pangwika,kailangan ang literal na kahulugan nito na maaring kunin sa diksyunaryo
o iba pang babasahing pangwika.Maaari rin ito sa pamamagitan ng panayam sa
mga taong eksperto sa larangan ito.Higit sa lahat ang karanasan ng mga taong
gumagamit ng wika o nagpapahalaga rito na gamit sa aktuwal na buhay sa araw-
araw na pakikisalimuha sa iba’t ibang tao,ay maaaring batayan din sa pagtukoy sa
kahulugan ng mga konseptong pangwika.Sa araling ito natutunghayan ang
kahulugan ng ilang konseptong pangwika(wika,wikang pambansa,wikang
panturo,at wikang opisyal).

Mayroon iba’t ibang kahulugan ng wika mula sa mga dalubwika tulad ng: Wika
ay binubuo ng tunog at sagisag na ginagamit ng mga tao sa pakikipagkomunikasyon
upang magkaunawaan. Wikang Pambansa naman ay pinagtibay ng pambansang
pamahalaan at ginagamit sa pamamahala at pakikipag-ugnaya sa mamamayan.
Wikang panturo ang ginagamit upang magtamo ng mataas na antas ng edukasyon.
Tinatawag naman na wikang opisyal ang principal na wikang ginagamit sa
edukasyon, sa pamahalaan at sa politika,sa komersiyo at industriy

TAYAHIN

HULING PAGTATAYA

Suriin ang tamang sagot mula sa mga pagpipilian sa bawat aytem. Bilugan
lamang ang titik o letra ng mapipili mong sagot.
1. Ang tawag sa wikang opisyal na wikang ginagamit sa pormal na
edukasyon.
a. Wikang Panturo c. Wikang Pambansa
b. Wikang Opisyal d.Wikang Pandaigdig

2. Ginagamit ang Wikang Filipino upang magkaintindihan ang mga


Pilipinong may iba’t ibang Unang wikang kinagisnan. Ang Filipino rito ay
ginagamit bilang______.
a. Wikang Pambansa b. Wikang Opisyal
c. Lingua Franca d.Wikang Panturo

3. Anong wikang ginagamit bilang wikang panturo sa mga paaralang


Pangsekundarya?
a. Tagalog at Bisaya b. Maranao at Bisaya
c. Ingles at Filipino d. Ingles at Kastila

4. Kung ang wika ay ginagamit bilang wika sa mga transaksyon at/o


komunikasyon sa gobyerno, pasulat man o pasalita, gamit ito bilang____.
a. Lingua franca b. Wikang Pambansa
c. Wikang Opisyal d. Wikang Panturo

5. Ayon kay _________, ang wika ay isang makataong pamamaraan ng


paghahatid ng mga kaisipan, damdamin at kaparaanang lumikha ng tunog.
a. Gleason b. Sapiro
c. Quezon d. Hemphill

6. Ayon sa kanya, ang wika ay isang sistema ng mga tunog na isinaayos sa


paraang arbitraryo.
a. Paz Hernandez b. Henry Allan Gleason,Jr.
c. Charles Darwin d. Lope K. Santos

7. Ano ang ating wikang Pambansa?I


a. Ingles b. Ilocano
c. Tagalog d. Filipino

8. Ang katutubong wika na ginagamit sa buong Pilipinas bilang wika ng


komunikasyon ng mga etnikong grupo.
a. Filipino b. Ilokano
c. Bisaya d.Waray

9. Ipinapahayag sa Sek.7 artikulo bilang ______ ng Saligang batas ng 1987


na ang Wikang Opisyal sa Pilipinas ay Filipino hangga’t walang ibang
itinatadhana ang batas,gagamitin din ang Wikang Ingles.
a. XV b. XII
c. XIV d.XVI
10. Ayon kay ________, ang wika ay sistema ng tunog o sagisag na
ginagamit ng mga tao sa komunikasyon.
a. Sapiro b. Hemphill
c. Gleason d. Hutch

You might also like