You are on page 1of 4

Pangalan: Khyla Rae P.

Aguilar Unang Markahan - Ikaapat na Linggo


Taon at Pangkat: 11- ABM A Quisumbing Petsa:

Pagsasanay 1
Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang mga inilalarawan na gamit ng wika sa bawat pangungusap.

Pang- instrumento Imahinatibo Personal Representibo


Regulatoryo Heuristiko Interaksyonal

Personal 1.Nabubuo ang personalidad ng tao habang siya’y nagkakaisip at nagiging bahagi ng lipunan.
Regulatoryo 2. Ito ay gamit ng wika na nagtatakda, nag-uutos, nagbibigay - direksiyon sa atin bilang kasapi ng
lahat ng institusyon.
Heuristiko 3. Ito ay ang pagbibigay o paghahanap ng kaalaman. Kabilang dito ang pagtatanong, pakikipagtalo,
pagbibigay-depinisyon, panunuri, sarbey at pananaliksik.
Pang - instrumento 4. Ito ay gamit ng wika na kayang tugunan ang mga pangangailangan ng tao tulad ng pagpapahayag

ng damdamin, naghihikayat, direktang nag - uutos, pagtuturo/pagkatuto ng maraming kaalaman.


Representibo 5. Ito ay ang paggamit ng wika upang makapagbigay ng impormasyon o datos sa tao.
Imahinatibo 6. Ang wika ay ginagamit sa paglikha, pagtuklas at pag - aliw.
Interaksiyonal 7. Ang pakikipag-usap sa isa o higit pang tao ay interpersonal na komunikasyon.
Inahinatibo 8. Ginagamit ang wikang ito sa mga Pantasya, Mito, Alamat, Kuwentong bayan at Siyensiyang
Piksiyon.
Heuristiko 9. Nakapaloob dito ang pakikinig sa radyo, panonood ng talebisyon, pagbabasa ng pahayagan,
magasin, blog at mga aklat kung saan nakakukuha tayo ng impormasyon.
Regulatoryo 10.Isa sa mga elemento nito ay ang batas o kasulatan, nakikita o inuutos nang pasalita.

Pagsasanay 2
Panuto: Basahin ang ga sitwasyon, isulat ang nauunawaang kahulugan ng gamit ng wika sa lipunan sa nasabing
sitwasyon. Isulat sa loob ng kahon kung Regulatoryo, Intyeraksiyonal, Personal, Heuristiko, Representatibo,
Pang-instrumento at Imahinatibo.
1. Paghihinuha sa mga pangyayari sa kuwento.
Imahinatibo

2. Pagsasarbey kung ano ang wikang pambansa sa Pilipinas.


Heuristiko
3. Pinauuwi ng ina nang maaga ang anak.
Pang - instrumento
4. Pag-uulat sa klase ng tungkol sa kasaysayan ng wikang Pambansa.

Representibo
5. Paggawa ng liham na nagtatanong kung paano makakakuha ng iskolarsyip sa isang unibersidad/kolehiyo.
Pang - instrumento

6. Pagsasabi ng “Po” at “Opo” sa matandang babae habang kinakausap.


Personal
7. Pakikisuyo sa kapatid na dalhin ang gamit niya sa kuwarto.
Regulatoryo
8. Pagbibigay direksiyon ng guro sa mga mag - aaral kung ano ang gagawin sa pagsusulit.
Regulatoryo
9. Pagsulat ng pananaliksik.
Heuristiko
10. Pakikipanayam sa ilang kabataan kung paano hinati - hati ang oras sa pag - aaral.

Heuristiko

Pagsasanay 3
Panuto: Tukuyin ang gamit ng wika sa bawat pahayag at ipaliwanag.
Pahayag Gamit ng Wika Paliwanag
1. “Bumangon ka na at maglinis - Ang gamit ng wika sa
ng bahay. Pagkatapos ay pahayag ay Pang -
Pang - instrumento
pakainin mo ang iyong kapatid.” instrumento dahil direkta
itong nag - uutos
2. “Katagal kitang ‘di nakita, Interaksyonal - Ang ginamit na wika ay
kamusta pare?” Interaksyonal sapagkat
nagpapakita ito ng
pagpapalitan ng
impormasyon ng dalawa
3. Paano ang tamang pagsuot - Ang ginamit na wika sa
ng mask? pahayag ay Regulatoryo
Regulatoryo
Ilagay ang straps sa tenga, dahil ito ay nagbibigay ng
pisilin ang metal strip sa ilong. direksiyon kung paano ang
tamang pagsuot ng mask
4. “Sa akin lamang, ayaw kong - Ang ginamit na wika sa
nakikipa-usap sa chat lamang sa pahayag ay Personal
Personal
mga taong hindi ko naman sapagkat ito ay nagmula sa
kilala.” kaniyang sarili
5. Karamihan sa mga taong -Ang ginamit na wika sa
magkakaroon ng impeksyon pahayag ay Representibo
mula sa COVID-19 ay dahil ito ay nagbigay ng
makararanas ng hindi malalang Representibo impormasyon o datos sa
sintomas at sila ay gagaling. tao. Tulad ng paguulat,
Ngunit ang iba ay makraranas pagpapaliwanag at
ng malubhang sakit, lalo na sa paghahatid ng mensahe
mga matatanda at mga may
dati nang karamdaman
Pagsasanay 4
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong, gawing basehan ang mga pahayag sa Pagsasanay 3.
1. Ano - ano ang iyong napansin tungkol sa gamit ng wika sa mga halimbawang pahayag?
- Ang napansin ko tungkol sa gamit ng wika sa mga halimbawang pahayag ay maaaring mag-iba ang gamit ng wika
at may kanya - kanya silang gamit batay sa wika at bawat pahayag may katumbas na gamit ng wika.
2. Tuwing kailan ginagamit ang wika?
- Ginagamit ang wika sa tuwing ikaw ay nakikipag komunikasyon o kumunikeyt, pag - uutos, pagbibigay ng
impormasyon, pagtatanong, pakikipagtalo. Panunuri, sarbey at pananaliksik.
3. Maaari bang mag - iba ang mga nagsasalita at kinakausap batay sa gamit ng wika? Ipaliwanag.
- opo maaari itong mag-iba ang mga nagsasalita at kinakausap batay sa gamit ng wika , dahil hindi naman pare-
parehas ang tao na ating kausap at depende ito sa gamit ng wika.
4. Bilang isang mag - aaral, anong gamit ng wika ang iyong ginagamit sa paaralan? Ipaliwanang ang
sagot.
- Ang aking mga ginagamit na wika sa paaralan ay Pang - instrumento, Regulatoryo, Interaksyonal, Personal,
Imahinatibo, Heuristiko, at Representibo, lahat ng mga yan ay aking ginagamit sa paaralan dahil minsan kapag ako ay
nasa paaralan ay nag uutos ako, nagbibigay ako ng direksyon , kinakausap ko ang aking mga kaklase at ang aking mga
kaibigan, minsan ay kapag nagtuturo ang aming guro ay inuutusan niya kaming mag imahinasyon, kapag naman may
natitira pa kaming oras ay nagbabsa kami ng mga aklat, at ang huli ay kapag may report kami sa harap kami ay
nagbibigay ng impormasyon , at ipinapaliwanag ito.
5. Bilang isang miyembro ng pamilya, anong gamit ng wika ang iyong ginagamit sa iyong tahanan?
Ipaliwanag ang sagot.
-Ang aking gamit na wika na ginagamit sa aming tahanan ay Pang - instrumento, regulatoryo, interaksyonal, at
heuristiko. Dahil inuutusan ako sa bahay na bumili sa tindahan, nagbibigay ng kaalaman, minsan ay nanonood ako sa
telebisyon, nagbabsa ako ng mga libro,minsan ay kinakamusta ko ang aking mga pamilya kung okay pa sila , at
minsan ay nag uutos ako sa aking mga pamangkin.

Pagsasanay 5
Mga Panuto
1. Manood ng isang pelikula o palabas sa telebisyon at tukuyin ang iba’t ibang gamit ng wika sa lipunan na makikita
mula sa napanood na pelikula o plabas sa telebisyon. Maaari pumili sa mga sumusunod:
 Be Careful with My Heart
 Got to Believe
 Ekstra
 On the Job
2. Sumulat ng isang sanaysay mula sa napanood na pelikula o palabas sa telebisyon, bigyang diin ang gamit ng wika
sa lipunan.
Ang pinanood kong pelikula o palabas sa telebisyon ay Be Careful With My Heart . Ito
ay ang kwento ng isang babae na nais maging flight stewardess na si Maya Dela Rosa, at
ang kapatid niya na nais maging piloto sa barko, na si Cristina Rosa. Habang inaayos ni
Cristina ang kanilang bubong dahil sa malakas na ulan, naaksidente ito na naging dahilan
ng pagkabali ng kanyang buto. Malaki ang kailangan na bayaran sa ospital kaya
napag-isipan ni Maya na magtrabaho sa ibang bansa pero niloko lang ito ng kaniyang
recruiter. Sa pagbalik ni Maya sa Maynila, doon niya nakilala si Richard Lim. Inalok ni
Richard Lim si Maya na maging kasambahay sa kanila upang alagaan ang kaniyang anak
dahil lagi itong busy sa trabaho. Ang kapalit nito ay tutulungan niyang maging flight
stewardess si Maya at siya ang magbabayad sa bayarin ng ospital.

Ang gamit ng wika sa lipunan sa palabas na iyon ay marami isa narito ang Pang -
instrumento dahil siya nga ay isang kasambahay lagi itong inuutusan ng kaniyang mga
amo. Pangalawa ay Regulatoryo dahil sinasabi ni Sir Chief o Richard Lim ang mga dapat
gawin at hindi dapat gawin sa loob ng kaniyang bahay. Pangatlo ay Interaksyonal dahil
nagkakaroon ng komunikasyon sa loob ng kanilang tahanan at nagpapalitan sila ng
impormasyon. Pang - apat ay Representibo dahil binibigyan ng impormasyon ni Maya si
Richard Lim kung ano ang nangyayari sa kaniyang mga anak at sa loob ng kanilang
tahanan. Panghuli ay Heuristiko dahil nagtatanong si Richard Lim kung ano ang
nangyayari sa kompanya at sa tahanan nila kaya parang ito ay naghahanap ng kaalaman.

Repleksyon
Panuto: Dugtungan ang parirala base sa inyong natutunan sa araling ito.
Mahalaga ang bawat gamit ng wika sa lipunan sapagkat tinutulungan tayo ng wika na makipag - usap, para
tayo ay magkaintindihan o magkaunawaan,ito din ay ginagamit sa pakikipagtalastasan sa paaralan , sa mall, sa
tindahan, at sa iba pang lugar. Mahalaga din ito sapagkat ito din ang nagpapakilala sa iyong lugar.

You might also like