You are on page 1of 6

FILIPINO – MGA SITWASYONG PANGWIKA

QUARTER 2 WEEK 4
SUBUKIN

BALIKAN

TUKLASIN
Bakit mahalagang matukoy ang iba’t ibang gamit ng wika sa nabasang mga pahayag mula
sa mga blog, social media posts, at iba pa?
→ Ang mga social networking sites na nabanggit sa taas ay ginagamit natin pang araw-
araw at dahil din sa mga nabanggit ito ay naging kaligayahan natin at mahalaga ito dahil
isa ito sa paraan para maunlad natin ang ating wika.
Paano matutukoy ang iba’t ibang gamit ng wika sa nabasang pahayag mula sa mga blog,
social media posts, at iba pa?
→ Ang wika ay naging dahilan kung bakit nakakuha tayo ng mahalagang impormasyon
at dahil rin sa mga social networking sites na isa ring nakatulong sa pag unlad ng wika.
Ang social networking sites ay malayang nakapapahayag katulad nalang ng damdamin,
pananaw, ideya at iba pa ang mga tao na maaring makatulong sa ating mga kapwa.

PAGYAYAMANIN
1. Malaking bahagi ang ginagampanan ng social media sa buhay ng bawat
estudyanteng Pilipino. Sa tulong nito, ang pag-aaral ay mas madali para sa atin mga
estudyante. Isang click lamang at search sa google, madali na natin makukuha ang
kailangan nating impormasyon. Maari ring makakuha ng mga impormasyon sa mga blogs,
videos sa Youtube at iba pang social networking sites. Hindi na kinakailangang pumunta
pa sa silid-aklatan upang hanapin ang mga librong makakatulong sa paggawa ng takdang
aralin. At dahil diyan napalawak ang kaisipan at kaalaman tungkol sa wika.
2. Sa pamamagitan ng social media at ibang social networking site napapaunlad natin
ang ating bokabolaryo dahil maari natin itong gamitin upang magsaliksik ng mga salita na
hindi pa natin lubos na kilala sa ating sariling wika.

ISAISIP
1. Mahalaga ang paggamit ng iba’t ibang social networking site sa pagkatuto ng mga
estudyante dahil karamihan sa mga estudyante ngayon ay mas nangangailangan ng social
networking site dahil sa sitwasyon natin ngayon.
2. Ang pangunahing benepisyo ng social media ay ang kakayahan nito na magbigay ng
pagkakataon sa gumagamit na makipag-ugnayan sa maraming tao malapit man o malayo
sa iyo. Nangangahulugan ito na maaari kang mailantad sa isang mas malayo, mas malawak
na hanay ng mga opinyon. Bilang karagdagan, magagawa mong ibahagi ang iyong opinyon
sa mas maraming mga tao kahit saan mang bahagi ng mundo. 3. Kapag gumamit ka ng
wikang Ingles at wikang Filipino o mas kilala nating Taglish.
4. Ang social media na kung saan ay ito ang may pinakamagandang naidudulot sa mga
tao lalo na sa mga kabataan. Sa pagkakaroon nito ay mas napapalawak pa nila ang
kanilang kaalaman sa pagpapalaki lalo ng kanilang natutunan sa paggamit ng social media.
Ang paggamit ng mga ito ay nakatutulong sa atin sa pagpapalago pa umano ng ating
natutunan at maaring ituro sa iba na kung saan ay tumatayo tayo sa ating sariling
pagkakakilanlan na kung anong meron tayo at kung ano ang isang Pilipino na may sariling
wikang ipinagmamalaki.
5. Maraming nagagawa ang social media o masasabi narin natin na ito ay
makapangyarihan. Mabilis na naibabahagi ang iba’t ibang impormasyon o balita maging
ito man ay nasa loob o labas ng ating bansa. Mabilis tayong nagkakaroon ng kaalaman
dahil ito ay malawakan. Marami ang gumagamit nito maging may edad na o bata pa
lamang. Ito rin ang paraan ng iba upang magshare ng kanilang nararamdaman o kung ano
man ang mayroon sa kanila. Sa ganitong sitwasyon nag kakaroon ang ibang tao ng
imppormasyong tungkol sa iba. Kaya naman marapat lang na magkaroon tayo ng
masuring pagiisip sa bawat letrang ating ititipa at sasabihin.

ISAGAWA
PANIMULA
Ang wikang Filipino ay may malaking papel sa pagpapanatili ng pagkakaisa at pag-
uunawaan ng lahat ng tao sa ating bansa. Ang wikang Filipino sa kasalukuyan ay patuloy
na nagbabago ayon sa mga karanasan at kaisipan ng makabagong kabataan, nagbabago rin
ito ayon sa mga naipapasok na mga salitang mula sa ibang bansa at kultura, alam naman
nating may ibat ibang linggwaheng nauuso sa panahon ngayon katulad na lamang ng
salitang kanto, salitang bakla at pagpapaikli ng mga salita ngunit sa kabila ng lahat marami
parin sa mga kabataan ang tumatangkilik sa ating sariling wika.

Sa sitwasyon na kinasasadlakan ng mundo ngayon, makikita ang sari-saring


pagbabago at pag-unlad ng iba’t ibang bagay mula sa pananamit, pagkain, mga pelikula
hanggang sa wika at mga salitang ginagamit sa araw-araw. Ilan sa mga sanhi nito ay ang
mabilis na pagbabago lalong lalo na sa teknolohiya, ang pakikisabay sa uso ng karamihan
at ang pag-abuso sa karapatang kalayaan sa pagpapahayag. Dahil sa impluwensya ng
social media, hindi na bago sa tenga ang mga salitang Selfie, Hashtag at Emoji dahil ang
mga ito ang karaniwang ginagamit ng mga Pilipino sa panahon ngayon. Dahil maraming
Pilipino ang nakagagamit ng internet, nagkaroon ng malawakang kalayaan sa
pagpapahayag ng damdamin at kaisipan, kasabay nito ay umusbong na rin ang mga
salitang bago sa ilan at tanging naiintindihan lamang ng mga aktibo sa social media. Ang
mga kabataan ng modernong panahon ay saksi sa mga pangyayari kung saan unti-unting
naibaon ang wika na ginagamit noong nakalipas na mga dekada. Ang mga kabataan ang
may pinakamalaking parte sa pagbabago ng iba’t ibang bagay katulad ng wika dahil sila ay
nabibilang sa henerasyon na may malawak na kapasidad sa pagtuklas.

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL
Ang kahalagahan ng wikang Filipino sa mga mag-aaral ay ito ay isang mahalagang salik ang
wika sa komunikasyon. Sa pamamagitan ng maayos at angkop na paggamit ng wika,
nagkakaroon ang gumagamit nito ng kakayahang kumuha at makapagbahagi ng kaalaman,
ng mga mithini at nararamdaman. Ang wikang binibigkas ng isang tao ay naglalahad ng
pagkakakilanlan ng kanyang pinagmulan. Ito rin ay nagsilbing daan para magkaintindihan
at magkaunawaan ang mga mamamayan sa isang bansa. Ang wika ay mahalaga at
kinakailangan ng isang bansa maging ng tao sapagkat ito ang ginagamit sa
pakikipagkomunikasyon, pakikipagugnayan at pakikipag-talastasan ng bawat mamamayan.
Ito ay talagang napakahalaga dahil kung wala ito, ang ekonomiya ay hindi lalago o uunland
kung ang mga tao ay hindi nagkakaisa o nagkakaintindihan.
SAKOP NG PAG-AARAL
Ang layunin ng pag-aaral ay upang malaman ang kalagayan o sitwasyon ng wikang Filipino
sa mga kabataan sa kasalukuyang panahon. Sa mga tuntunin ng paggamit ng wika at pag-
unlad nito ay may mga limitasyon lang na dapat isaalanglang, ang dahilan nito ay upang
mapanatili ang kaayusan ng pa-aaral ukol dito at para hindi malayo sa sentro ng paksa.

PARAAN NG PAGKUHA NG DATOS


Ang pamamaraan ng pangangalap ng datos ay nagsimula sa talatanungan na naglalayong
malaman ang kalagayan o sitwasyon ng Wikang Filipino sa mga kabataan sa kasalukuyang
panahon na una ng sinagutan ng mga tagasaliksik at sinundan ng pag-e-edit sa instrumento
para maiwasto ang kaayusan ng mga tanong at upang matiyak ang kaangkupanng mga
tanong sa tanong na nais sagutin ng mga mananaliksik. Ang survey form ay ipinadala sa
facebook messenger sa bawat kalahok o tagatugon at ibinigay ang tamang panuto sa
pagsagot upang makuha ang nararapat na tugon. Kinalap ang mga instrumento
atinihambing ang mga sagot ng bawat kalahok at binigyan ng kabuuan.

KONKLUSON
Sa patuloy na pagusbong ng mga makabagong teknolohiya, marami na sa ating mga
pilipino ang hindi gumagamit ng ating sariling wika, sapagkat ginagaya na nila ang kanilang
mga naririnig, nakikita at nababasa sa iba’t ibang media, tulad ng Internet, Telebisyon,
Telepono at iba pa. Kaya malaki ang epekto nito sa kalagayang pangwika ng kulturang
pilipino. Sa panahon ngayon, malaki parin ang pagpapahalaga ng mga kabataan sa wikang
Filipino. Sa kabila ng pagkalat ng iba't-ibang lenggwahe sa panahon ngayon, ipinalamalas
parin ng mga kabataan ngayon ang kanilang malaking respeto at pagtangkilik sa ating
sariling wika. Napakahalaga ng wikang Filipino hindi lamang para sa mga kabataan kung
hindi pati na rin sa lahat sapagkat ito ang nagbibigay buhay, diwa at ang nagpapakilala sa
bansa, ito ang sumasalamin sa kultura, kaugalian, paniniwala, kaalaman at karunungan ng
mga mamayan, ang nagbabatid ng kakayahan ng mga tao.

TAYAHIN
1. D. 6. H.
2. E. 7. I.
3. F. 8. B.
4. C. 9. J.
5. G. 10. K.
C.

You might also like