You are on page 1of 26

Aralin 1

MGA KONSEPTONG
PANGWIKA
(Wika, Wikang Pambansa,
Wikang Panturo, Wikang
Opisyal)
Wika ang namamagitan upang
maunawaan ang sarili, karanasan, kapuwa
tao, paligid, mundo, obhetibong realidad,
panlipunang realidad, politika, ekonomik
at kultura.

Wika rin ang daluyan ng kaisipan at


kamalayan ng isang lahi, lipi, at lipunan.
Ibig sabihin, nasa wika ang tanging paraan
upang maisalin ang kaalaman, karanasan,
at alaala ng isang lahi at lipunan sa iba.
Ang wika ay isang sistema ng mga
tunog, arbitraryo na ginagamit sa
komunikasyong pantao. (Hutch, 1991)

Isang paraan ang komunikasyon sa


pagitan ng mga tao, sa isang tiyak na
lugar para sa isang partikular na
layunin na ginagamitan ng berbal at
biswal na signal para
makapagpaliwanag. (Bouman, 2014)
Ayon kay Salazar(1996), “Kung
ang kultura ay ang kabuuan ng
isip, damdamin, gawi, kaalaman, at
karanasan na nagtatakda ng
maaangking kakayahan ng isang
kalipunan ng tao, ang wika ay di
lamang daluyan kundi higit pa rito,
tagapagpahayag at umpukan-
imbakan ng alinmang kultura.”
Mga tanong:
1. Alam ko ba ang kahalagahan ng wika sa
araw-araw na takbo ng aking buhay?
2. Dapat bang may wikang pambansang
ginagamit ang mamamayan ng isang
bansa?
3. Daan ba sa pag-unlad ang pagkakaroon
ng maraming wika?
4. Kailangan ba ang wika upang
magkaunawaan ng kausap?
5. Tatak ba ng isang lahi ang wika?
Ang Wika ay ginagamit sa
masistemang paraan
upang maipahayag ng tao
ang kaniyang kaisipan at
damdamin nang maayos
at may layunin.
Wikang Pambansa
Sinasabing wikang pinagtibay ng
pambansang pamahalaan ang wikang
pambansa na ginagamit sa pamamahala at
pakikipag-ugnayan sa mamamayang
kaniyang sakop. Kung ang bansa ay
multilingguwal na tulad ng Pilipinas, dapat
lamang asahan na ang wikang pambansa
ang magiging tulay na wika sa pag-
uugnayan ng iba’t ibang pangkat sa
kapuluan na may kani-kanilang katutubong
wikang ginagamit.
Bukod dito, ito rin ang
pambansang daluyan ng
komunikasyong tulad ng
telebisyon, radyo, at mga
pahayagan, gayon din naman ang
mga kilalang politiko,
komentarista, mga manunulat at
mga makatang gustong maabot
ang buong bansa.
Wikang Panturo
Ang wikang pambansa na itinadhana ng batas
ay gagamitin bilang wikang panturo. Gagamitin
ito upang makatulong sa pagtatamo ng mataas
na antas ng edukasyon. Mahalaga ang mabilis na
pag-unawa sa tulong ng wikang panturo upang
makaagapay sa akademikong pag-unlad.
Magiging makahulugan ang pagkatuto gamit ang
wikang panturo. Gaya ng isinasaad sa
Probisyong Pangwika ng Artikulo XIV ng
Saligang Batas 1987, Sek. 6 kaugnay ng wikang
panturo na:
Sek. 6 – Ang wikang pambansa ng
Pilipinas ay Filipino. Samantalang
nililinang, ito ay dapat payabungin at
pagyamanin pa salig sa mga umiiral na
wika sa Pilipinas at iba pang mga wika.
Dapat magsagawa ng mga hakbangin ang
pamahalaan upang ilunsad at puspusang
itaguyod ang Filipino bilang midyum ng
opisyal na komunikasyon at bilang wika
ng pagtuturo sa sistemang pang-
edukasyon.
Wikang Opisyal
Tinatawag na wikang opisyal ang
prinsipal na wikang ginagamit sa
edukasyon, sa pamahalaan, at sa politika,
sa komersiyo at industriya. Ipinahayag
naman sa Sek. 7 ng Artikulo XIV ng
Saligang Batas ng 1987 na: “Ukol sa mga
layunin ng komunikasyon at pagtuturo,
ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay
Filipino at hangga’t walang itinatadhana
ang batas, Ingles.”
Tinatanggap din na ang Ingles ay
isa sa wikang opisyal maliban sa
Filipino. Maari itong gamitin sa
pakikipagkomunikasyon at
edukasyon, hangga’t walang batas
nagbabawal gamitin ang Ingles sa
nasabing mga sitwasyon, kaagapay
ito ng Filipino bilang wikang
opisyal.
Basahin Mo(pg. 7)
Organisasyon o Pagsasaayos
Panimula – kailangang may magandang
panimula na makatatawag-pansin sa
mambabasa. Maaaring magsimula sa
pamamagitan ng tanong, pangungusap
na makatawag-pansin, sa pamamagitan
ng isang kuwento, sa isang diyalogo,
tuwirang sipi, malalim na pangungusap
na taglay ang kaisipan, at maaaring
magsimula sa tuwirang paksa.
Gitna – tinatawag ding katawan ng isang
akda tulad ng sanaysay, sa bahaging ito
inilalahad ang mga kuro-kuro o opinyon sa
isang mahalagang isyu o paksa sa lipunan.
Nagiging batayan sa pagsulat ng mga kuro
ang namasid ng mga pangyayari o sitwasyon,
nabasa, narinig o maging ang naranasan. Sa
bahaging ito, inilalahad ang pangunahing
kaisipan na binibigyang-linaw ng mga
katulong na detalye. Dapat na ang bahaging
ito ay kaugnay ng panimula at wakas ng isang
sanasay.
Wakas – sa bahaging ito matatagpuan ang
pangungusap o mga pangungusap na
magtatapos sa paliwanag tungkol sa paksa
o kaisipan. Sinasabing halos magkatulad
ang mga paraan ng pagbibigay ng wakas sa
pagbibigay ng panimula. Maaaring
nagwakas sa paraang patanong,
madamdaming pahayag, makatwag-
pansing pahayag, tuwirang sipi, diyalogo.
Tuwirang paksa, at malalim na
pangungusap na taglay ang kaisipan.
Upang mgakaroon ng paralelismo
ang pagbibigay ng panimula at
wakas, gawin na kung ang
panimula ay tuwirang sipi,
maaaring ang wakas ay tuwirang
sipi. Tinatawag ding konklusyon
ang wakas ng isang sanaysay.
Gamit ng Wika Ayon sa
Antas
5. Masining o Pampanitikan- pinakamataas
na antas ng wika.
Hal.: salamisim, kadaupang-palad, at iba pa

4. Teknikal- gamit sa iba’t ibang


disiplina/sitwasyonng akademiko.
Hal.: Accountancy, Internet, Computer, at iba
pa
3. Lalawiganin- mga salitang ginagamit mula
sa lalawigan.
Hal.: vakul(Batanes), malong(Maranao),
tupig(Pangasinan), at iba pa

2. Kolokyal- karaniwang pakikipag-usap ng


isang indibidwal. Impormal ang pakikipag-
usap gayundin ang gamit ng mga salita.
Hal.: titser, miting, kaklase, at iba pa
1. Balbal- pinakamababang antas
ng wika. Karaniwang likha lamang
ang mga ito.
Hal.: dyowa, erpats, mudra, at iba
pa
Mga Pahayag/Salita na
Ginagamit sa Pagbibigay ng
Opinyon

Pahayag:
naniniwala ako, sa akong palagay, buo
ang aking paniniwala, dapat na, at iba pa

Salita:
dapat, wari, dahil, kaya,subalit, ngunit, at
iba pa
Sinasabi na ang isang kuro o hakang
personal ay sariling paniniwala ng
isang tao tungkol sa isang bagay,
kaya’t walang maling opinyon. Maari
itong ibatay sa isang katotohanan o
karanasan.
Batayan ng Pagkakasulat ng Sanaysay
Nakita- mga pangyayari sa paligid na nakita at
iuugnay sa isang paksa o isyu na bibigayan ng
opinyon.

Napanood- may layuning gawin ang kasanayang


ito mula sa pinanood, maaaring magbigay ng
reaksiyon o opinyon sa mga pangyayari.

Narinig- maaaring batay sa anumang narinig,


maging maingat lamang na huwag madagdagan o
mabawasan sapagkat baka malihis ang ideyang
isusulat.
Nabasa- komprehensibong batayan na
nakasalalay kung paano naunawaan ang
akdang binasa.

Nararanasan- pinakaepektibong
batayan sapagkat malapit sa damdamin,
saloobin at naranasan ng susulat.
Isang akdang pampanitikan ang sanysay na
naglalahad ng matalinong opinyon, makatuwirang
paghahanay ng mga kaisipan at damdamin batay sa
karanasan, opinyon, at pala-palagay ng may akda.
Anumang bagay ay maaaring paksain. Karaniwang
maikli at nasa anyong tuluyan ang sanaysay. Ang pitak,
suring-basa, at editoryal o pangulong-tudling ay ilan
sa mga anyong sanaysay. Pangunahing layunin ng
sanaysay ay manghikayat at manlibang. Dapat na
maging malinaw, kawili-wili, at mabisa ang isang
sanaysay. Mahalagang magtaglay ito ng kaisahan,
pagkakaugnay-ugnay, diin, at angkop na gamit ng mga
salita.
Group 1
Members:
Arbasto, Nathaniel
Javier, Fritz Gerard
Zoilo, Jess Oliver
Ancog, Yna
Lim, Veana Mei
Saguran, Rhea Angelie

You might also like