You are on page 1of 7

5.

Natutukoy ang iba’t ibang gamit ng wika sa lipunan sa pamamagitan ng


napanood na palabas sa telebisyon at pelikula (Halimbawa: Be Careful with My
Heart, GotValley
Cagayan to Believe, Ekstra, Makapilapil,
Road, Barangay On The Job, SanWord of the
Ildefonso, Bulacan.
Lourd(http://lourddeveyra.blogspot.com)

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino


Topic: Gamit ng Wika
Teacher: Sarah S. Paralejas Week
Date: October 19-30, 2020
7-8
Pangalan: ____________________________Baitang: _____Pangkat: __________

TARGET GUIDE

1. Nakapagbibigay ng opinyon o pananaw kaugnay sa mga napakinggang pagtalakay sa


wikang pambansa
2. Nasusuri ang mga pananaw ng iba’t ibang awtor sa isinulat na kasaysayan ng wika
3. Natutukoy ang iba’t ibang paggamit ng wika sa mga napakinggang pahayag mula sa
mga panayam at balita sa radyo at telebisyon
4. Natutukoy ang iba’t ibang paggamit ng wika sa nabasang pahayag mula sa mga blog,
social media posts at iba pa

THINGS TO LEARN

Matapos ang aralin, inaasahang misagawa ng mga mag-aaral ang mga sumusunod:
1. Natutukoy ng mga mag-aaral ang sariling opinyon o pananaw sa mga pahayag na
ibinigay.
2. Nakabubuo ng sanaysay na nagpapakita ng opinyon tungkol sa napakinggang
panayam.
3. Nakapagbibigay ng sariling pag-unawa sa tekstong binasa mula sa pananaw ng awtor.

THINK ABOUT IT

Sa pang-araw-araw na iyong pakikisalamuha, nagagamit mo ba ang wika sa iba’t ibang


pamamaraan? Pangatuwiranan mo ang iyong sagot.

____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

TEACHING POINTS

ANG DEPINISYON NG WIKANG FILIPINO: Ang Katawan at Kaluluwa....


(Bahagi ng pagtalakay ni Efren R. Abueg)

Ang ating wikang pambansa ay napag-uusapan. Sasabihing ito'y Tagalog, Pilipino o


Filipino. Makikilala sa mga sagot na ito ang oryentasyon sa wika ng mga mamamayang Pilipino.
At kung masagot namang Filipino ang wikang pambansa natin, hindi naman ito mabigyan ng
angkop na depinisyon.

Tatlong komisyoner ng Komisyong Konstitusyonal (Concom) ang nagbigaylinaw sa


katangian ng Filipino bilang wikang pambansa. Sa katitikan ng pulong ng subkomite sa wika ng
Concom noong Setyembre 10, 1987, ganito ang salin ng kanilang palitan ng mga pangungusap:

Ayon kay Komisyoner Wilfredo Villacorta: Ito ang isang umiiral na wikang pambansa, at
ang nukleo nito ay Pilipino...sapagkat ito ay isa nang malaganap na umiiral na wika, na Pilipino
na P. Sinabi rin natin na mayroong isang wikang umiiral na pinalawak at pinaunlad na tinatawag
na Filipino at ang pormalisasyon nito ay kailangang isagawa sa sistemang pang-edukasyon at
iba pa, subalit hindi nangangahulugan na dahil hindi pa ito pormalisado ay hindi umiiral. Ito ay
isang lingua franca."

Tinalakay ni Ponciano Bennagen: Kailangan nating magkaroon ng isang midyum ng


komunikasyong magbibigkis sa atin at iyon ay ang Filipino, na binigyang-kahulugan ng isang
pangkat ng mga pantas sa wika at mga organisasyong pangwika bilang isang lumalawak na
bersyon ng Pilipino."

Nilinaw ni Komisyoner Francisco Rodrigo: Itong Filipino ay hindi isang bagong kinatha o
kakathaing lenggwahe. Ito ay batay sa Pilipino. Palalawakin lamang ang saklaw ng Pilipino.
Kaya nga't ang Pilipino ay batay sa Tagalog, at ang Filipino ay batay sa Pilipino."

Binigyan din nila ng historikal na perspektibo ang Filipino. Binanggit ni Rodrigo na "ang
Pilipino ay batay sa Tagalog", samantalang sinabi naman ni Bennagen na " ang Pilipino....bilang
isang lumalawak na bersyon ng Filipino." Mula kay Rodrigo na sinabing "Itong Filipino ay hindi
isang bagong kinatha o kakathaing lenggwahe" hanggang sa winika ni Villacorta na "subalit
hindi nangangahulugan na dahil hindi pa ito pormalisado ay hindi ito umiiral." At ipinanghuli
niya: "Ito ay isang lingua franca." Kaya mula sa Tagalog (sa panahon ng Pangulong Quezon)
hanggang sa Pilipino (sa panahon ni Kalihim Romero ng Edukasyon) hanggang sa Filipino (sa
panahon ni Presidente Aquino), nakompleto ang ebolusyon ng wikang pambansa.
Wikang Filipino, sangkap sa pagpapakilala ng kultura

Sa pamamagitan ng pagsusuri sa mga makabagong uri ng komunikasyon tulad ng


social media, maaaring matagpuan ang mga pagbabago sa kultura at lingguwistika ng ating
lipunan, ayon sa mga dalubhasa.

“Ang social media ay pangunahing ginagamit natin sa paghahatid ng mensahe. Isa ito
sa mga pangunahing proseso ng komunikasyon at hindi kailan man maihihiwalay sa kultura ng
lipunang ginagalawan natin,” wika ni April Perez, propesor sa Unibersidad ng Pilipinas-Diliman,
sa ikalawang araw ng Pandaigdigang Kongreso sa Araling Filipinas sa Wikang Filipino.
Lumabas sa pananaliksik ni Perez na higit na binibigyang-pansin ng mga mag-aaral ang
nilalaman ng mga Facebook status ngunit tinitingnan pa rin nila ang wikang ginamit sa
pagpapahayag dito.

Ayon naman kay Ma. Althea Enriquez, isang propesor sa Unibersidad ng Pilipinas-
Diliman, “sa pagtuturo ng wika, kailangang ituon ang atensiyon ng mga guro sa anyo ng mga
salitang ginagamit kaysa sa tungkulin nito sa pangungusap”. Iminungkahi rin niyang pagtuunan
ng pansin ang ugnayan ng mga salita sa isa’t isa.

Nabanggit naman ni Imelda De Castro, propesor sa Unibersidad ng Santo Tomas, ang


kahalagahan ng tamang estruktura at gramatika sa Filipino upang makamit ang
estandardisasiyon ng wika tungo sa mas progresibo at modernisadong Filipino.“Ang wika ay
kailangang sumulong sa tinatawag na transpormasyon para maka-adapt ito sa pagbabago ng
panahon,” ani De Castro. Paliwanag niya, hindi lamang wikang Filipino ang ginagamit upang
mapaigting ang ugnayan sa mga mamamayan kundi lahat ng wika sa Pilipinas upang
magkaroon ng koneksyon sa iba’t ibang sektor ng lipunan. Dagdag pa niya, “mayroong
tungkulin ang pamahalaan na manguna sa paggamit at pagpapalaganap ng wikang pambansa.
Dapat gawing competent sa Ingles at Filipino ang mga opisyal upang mahikayat ang iba na
sumulat at gumawa ng pananaliksik ng sa gayon ay maitanghal ang wikang Filipino bilang
intelektuwalisado at modernisado”, aniya.

Wikang Pambansa: Ang magpapalaya sa bansa sa trahedya ng pagkawala

Ang wika ay may kaugnayan sa lahat ng aspekto sa lipunan – pulitikal, sosyal, kultural,
at ekonomikal. Hindi maaaring umusbong ang isang penomenon sa bansa na hindi dulot o
iniimpluwensiyahan ng wika. Sa ganitong pananaw, mahihinuha natin na lahat ng kaganapan sa
bansa – mabuti man o hindi – ay naguugat sa wika.

Ang sistema ng edukasyon, ang mga pulitikal na pagpapasya, ang namamayaning


kaisipan at paradigm sa lipunan, komunikasyon sa loob at labas ng bansa, nauusong mga
gawaing kultural o “cultural trends” at ang estado ng ekonomiya sa bansa – ito ay ilan lamang
sa mga penomenong bumabalot sa bansa na hindi maipagkakailang tumubo mula sa ugat ng
diskusyong may kaugnayan sa wika. Ang mga sumusunod na pahayag ay naaayon sa kritikal
na obserbasyon at pananaw nina De Quiros (1996), Constantino (1996), Arao (2007; 2010) at
Geronimo (2012).

Inilarawan ni Conrado de Quiros (1996) ang wika bilang isang instrumento para
makapaghari. Ang paglaganap ng wikang Ingles ay lumilikha ng dibisyon sa pagitan ng mga
naghaharing uri at pinaghaharian, at ng mga binabansagang “elite” sa lipunan at mga
tinaguriang kabilang sa mababang estado sa lipunan. Hinahati nito ang mga mamamayan sa
dalawang kategorya na pinangalanang “superior” at “inferior”. Ang konsepto ng wika bilang
isang simbolo ng kapangyarihan ay matagal nang naka-ukit sa kasaysayan ng Pilipinas. Isang
katibayan ang pagkakait ng mga Kastila ng wikang Espanyol sa mga Pilipino upang maipuwera
sa alta sosyedad at mapigilan ang anumang pag-aaklas na maaaring umusbong kapag
naunawaan ng mga mamamayan ang kanilang wika. Gayundin magiging hadlang ang
pagkatutuo ng mga Pilipino ng wikang Espanyol sa kanilang plano na maghari, yumaman at
maayos na pamumuhay sa bansang Pilipinas. Sa kabaliktaran, ibinahagi ng mga Amerikano
ang kanilang wika upang magkaroon ng malinaw na ugnayan sa pagitan nila at ng mga
mamamayan. Sa ganitong pagpapasya, hindi nag-aklas ang mga Pilipino laban sa Amerika
kundi sila pa ay naging masunurin.

Isa pang suliranin ang pagsasabatas ng mga anti-Filipino o antimamamayang polisiya.


Ayon nga kay Jonathan Vergara Geronimo (2012), kung walang makitang pagkamakabayan sa
mga opisyal ng pamahalaan, hindi dapat asahang agad sisibol ang binhing nasyonalismo sa
puso ng mga Pilipino na siyang 6 magbubuklod sa kanila. Ayon kay Arao (2007), dahil
idineklara ang Ingles bilang midyum ng pagtuturo sa eskwelahan, nariyan ang inaasahang
pagtaas ng English proficiency ng mga mag-aaral. Sa pangangampanya ng mga eskwelahan
ng mga kaisipang kanluranin, nawala ang pokus sa pag-aaral sa pambansang kasaysayan at
mga ambag sa daigdig ng kaisipan ng mga pantas ng sariling bansa (Constantino, 1996). Sa
madaling salita, nawala ang intellectual tradition ng mamamayang Pilipino. Naghari ang
kolonyal – partikular na ang Kanluranin – na pag-iisip na lumilikha ng mga “mental educators” o
mga misedukado. Ipinaliwanag din ni Arao (2007), sa isang panig naman, ang Ingles ay
magbibigay daan sa isang matagumpay na “export economy”.

Sa kabuuan, may iba’t ibang mukha ang wika na ipinakita ang mga awtor: Ang wika
bilang instrumento sa kapangyarihan (De Quiros, 1996), Ang wika bilang susi sa pagbubuklod
ng sambayanan (Arao, 2010), ang wika bilang instrumento sa pagpayayaman ng edukasyon at
kaalaman (Constantino, 1996), ang wika bilang instrumento sa pamamahayag (Arao, 2007), at
sa kabuuan, ang wika bilang isang tagapag-unlad at tagapalaya (Geronimo, 2012).
Nakakatawang isipin na ang wika – na pangunahing instrumento sa komunikasyon, ang siya
pang nagiging dahilan upang mahati, mawalan ng pag-uunawaan, at mawalan ng
komunikasyon ang mga mamamayang Pilipino.

, TASK TO DO

Tukuyin kung ang mga pahayag ay Opinyon o Katotohanan.

_____________1. Dapat isabatas ang pagpapalit ng Pilipino mula sa Filipino kung ang
tinutukoy ay wika.
_____________2. Ang Wikang Filipino ay isang pagpapalawak na bersyon ng Pilipino."
_____________3. Napapaunlad ang Wikang Filipino sa pamamagitan ng palagiang paggamit
nito sa ating pamayanan.
_____________4. Isang katotohanan na ang wika ay tinaguriang katawan at kaluluwa ng isang
bansang malaya.
_____________5. Sa isang komunikasyon, kailangan nating magkaroon ng midyum na
gagamitin na siyang magbibigkis sa atin
Batay sa mga pahayag mula sa iyong naging kasagutan, ipaliwanag mo kung bakit OPINYON o
HINDI ang iyong napiling sagot sa bawat pahayag. Isulat ang iyong paliwanag sa sariling
sagutang papel.

1. ___________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

2. ___________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

3___________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

4. ___________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

5. ___________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

THINGS TO PONDER

Batay sa nilalaman ng talata na nasa kahon, ipaliwanag kung bakit hindi ka sang-ayon o di-
sang-ayon sa pahayag ng mga awtor tungkol sa wika.

May iba’t ibang mukha ang wika na ipinakita ang mga awtor: Ang wika bilang instrumento sa
kapangyarihan (De Quiros 1996), Ang wika bilang susi sa pagbubuklod ng sambayanan (Arao,
2010), ang wika bilang instrumento sa pagpapayaman ng edukasyon at kaalaman (Constantino
1996), ang wika bilang instrumento sa pamamahayag (Arao, 2007), at sa kabuuan, ang wika
bilang isang tagapag-unlad at tagapagpalaya (Geronimo, 2012). Nakakatawang isipin na ang
wika – na pangunahing instrumento sa komunikasyon, ang siya pang nagiging dahilan upang
mahati, mawalan ng pag-uunawaan, at mawalan ng komunikasyon ang mga mamamayang
Pilipino.

1. ___________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
2. ___________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
3. ___________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

TEST YOURSELF

Sumulat ka ng isang maikling sanaysay na nagpapakita ng iyong opinyon tungkol sa


napakinggang pagtalakay sa wikang pambansa. Narito ang link para sa panayam:
https://news.abs-cbn.com/life/08/08/17/tama-ba-angmga-pagbabago-sa-wikang-filipino

Bigyang-pansin ang rubrik: RUBRIKS SA PAGSULAT NG SANAYSAY

• Nilalaman……………………………..………….….5

• Kahusayan sa paglalahad ng ideya………………5

• Watong gamit ng mga bantas……………………..5

KABUUAN 15 puntos

Sumulat ka ng isang maikling sanaysay na nagpapakita ng iyong opinyon tungkol sa binasang


pagtalakay sa wikang pambansa. Narito ang rubrik:

Bigyang-pansin ang rubrik: RUBRIKS SA PAGSULAT NG SANAYSAY

• Nilalaman……………………………..………….….5

• Kahusayan sa paglalahad ng ideya………………5

• Watong gamit ng mga bantas……………………..5

KABUUAN 15 puntos
TRUSTED REFERENCES

Taylan, D. Petras, J., & Geronimo , J. (2016). Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at


Kulturang Pilipino, REX Bookstore

Cantillo, M. L., Gime, A., & Gonzales , A. (2016) . SIKHAY: Akla sa Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino para sa ika-11 Baitang. St. Bernadette Publishing
House Corporation

Department of Education (2020) Most Essential Learning Competencies Senior High School -
Core Subject (Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino)

You might also like