You are on page 1of 15

PAGSULAT NG

LARAWANG-SANAYSAY
Alam mo ba na sa kasalukuyan ay
mayroong 350 milyong ipinapaskil na
larawan sa facebook bawat araw? Ito ay ayon
sa internet.org, bukod dito ay mayroon
nang kabuoang 250 bilyong larawan ang
naipaskil sa facebook o nangangahulugang
may 217 naipaskil na larawan ang 1.15
bilyong may akawnt sa facebook.
Likas sa bawat tao ang magpakuha ng
larawan , at bawat larawan ay may
nakapaloob na kasaysayan o karanasan
kung kaya`t nais itong ibahagi ng mga
taong nagpapakuha nito.
Mula nang ang selfie, tambak-tambak
na larawan ang naa-upload sa Facebook.
Umabot pa nga sa punto na humahantong
sa trahedya at nagkakaroon ng sariling
kwento ang pagse-selfie.
Nagbigay si Dickson(2017) ng
ilang mga tip na maaaring
gawin sa lalo pang pagpapabuti
ng larawang sanaysay ayon sa
sumusunod:
HUMANAP NG PAKSA
Higit na magiging mahusay kung may
kaugnayan sa buhay ng kumukuha ng larawan
ang kaniyang gagawing paksa, syempre, ang
iyong hilig o interest ang magiging pangganyak
upang paghusayin o pagandahin ang iyong
larawang sanaysay. Hindi kinakailangang maging
magastos o magtungo sa iba`t ibang lugar upang
mahanap ang paksa. Maaring sa loob lamang ng
inyong tahanan, mga kasamahan sa bahay, sa
normal na pangyayari sa maghapon, sa iyong
paaralan, simbahan o anomang lugar na madalas
mong puntahan.
Laging pakatandaan na maraming tao ang
hindi nakakaalam ng paksang iyong
kinabibilangan na maaaring para sa iyo ay
ordinaryo lamang ngunit sa iba, ito ay isang
bagong karanasan. Huwag matakot na
ihayag ang paksang napili manapa`y laging
pakatandaan na hindi natin kontrol ang
sasabihin ng iba, ang mahalaga lamang,
nakahanap ka ng paksang ninanais mong
gawan ng larawang sanaysay
GUMAWA NG IYONG SALIKSIK
Hindi magkakabuhay ang iyong
larawang sanaysay nang isang klik lamang
ng kamera. Magkaroon ito ng buhay kung
batid mo ang kwento o saloobin ng mga
taong nakapaloob sa iyong paksa. Kung
halimbawang ang iyong ninais na paksa ay
hinggil sa isang guro, bakit hindi mo
saliksikin at alamin ang mga pagdurusa,
pasakit, suliranin at iba pang binabata ng
isang guro.
Kasabay ng pag-alam ng mga ito, ang
kanilang saloobin, kasiyahan, kaligayahan
at mithiin sa pagiging guro. Bukod pa rito,
bakit hinfi mo subaybayan ang kaniyang
buhay mula pagpasok, pagtratrabaho, pag-
uwi, buhay- pamilya, gawain sa lipunan at
iba pa, na sadyang makatutulong nang
malaki sa pagbibigay-buhay sa larawang
ninanais mong gawing sanaysay.
HANAPIN ANG SAYSAY NG KUWENTO
Anong anggulo ng kuwento ang nais
mong tutukan? Kung ang halimbawa nga ay
ang guro, nais mo ba itong gawin bilang
pagbibigay parangal sa gawain ng guro o
paggising sa kanilang kamalayan upang
gampanan ang kanilang tungkulin? Ibabalik
ang iyong pag-iisip sa iyong nilalayon na
gawing paksa.
Anomang ninanais mo para sa
larawang sanaysay ay
magkakabuhay sa layuning
nakapaloob sa iyong isipan. Laging
tatandaan na maraming anggulo
ang pwede mong tingnan ngunit
mamimili ka lamang sa anggulong
gusto mong pagdiinan.
LAGYAN NG DAMDAMIN
Laging pakatandaan na ang nakakauha
ng atensiyon sa isang larawan ay ang
damdaming mabubuo sa tumitingin nito. Ito
ba ay pagkagalit, pagkaligaya, pagkatakot,
pasakit, pagkaawa o pagkaganyak? Ang mga
damdaming ito ang magiging koneksiyon
mo sa iyong mambabasa at sa pagkuha ng
larawan. Sinomang tumitingin ng larawan
ay ay damdaming maaring maantig na
siyang pasimula ng pagkaganyak sa
pagpapatuloy na pagsiyasat dito.
PLANUHIN ANG IYONG PAGKUHA NG LARAWAN

Gaya ng pagsulat ng maikling kuwento,


iskrip at iba pa, kinakailangang mayroong
simula hanggang pagwawakas ang iyong
larawang sanaysay. Gumawa ng talaan ng
mga kuha o shot list para sa iyong kuwento.
Bawat kuha ay kinakailangang kumatawan
gaya ng isang pangungusap sa isang
talatang kuwento. Maaring magpasimula ng
10 kuha na paghahanguan ng iba`t ibang
konsepto na maaaring magtahi sa kabuoan
ng iyong sanaysay.
Anomang ninanais mo para sa larawang
sanaysay ay magkakabuhay sa layuning
nakapaloob sa iyong isipan. Laging
tatandaan na maraming anggulo ang pwede
mong tingnan ngunit mamimili ka lamang
sa anggulong gusto mong pagdiinan.
Huwag magmadali at huwag matakot
magsanay. Walang sinomang nagsimula
nang napakahusay kaagad. Maaari mo itong
simulan sa loob muna ng tahanan,
hanggang sa maging eksperto sa iba`t ibang
larang na maari mong puntahan.
THANK YOU FOR LISTENING!
GOD BLESSED US!

You might also like