You are on page 1of 13

Ilarawan ang nakikitang mga larawan.

PHOTO-ESSAY

Aralin: 6
LAYUNIN

a. Natutukoy ang kahulugan at layunin ng pic essay.

b. Natutukoy ang mga dapat isaalang-alang sa pagsulat


ng pictorial na sanaysay.

c. Nakasusulat ng larawang sanaysay basi sa inyong


mga larawan
ANO ANG PICTORIAL ESSAY?

• Ayon kay Amit Kalantri, isang nobelistang Indian, “A photograph shouldn’t


be just a picture, it should be a philosophy: May katotohanan nga naman,
ang litrato ay isang larawan sa pisikal na anyo. Subalit, ito ay may
katumbas na sanlibong salita na maaaring magpahayag ng mga
natatagong kaisipan. Kaya naman, kahanga-hanga ang mahuhusay
kumuha ng mga larawan dahil higit nila itong nabibigyang-buhay.
• Ang larawan ay mahalagang kagamitan para sa isang guro dahil ito ay
madalas niyang gamiting pantulong na kagamitan sa pagtuturo upang
mapadali ang pagkatuto ng mag-aaral.

• Kaya naman, hindi nakapagtatakang ang mga larawan ay gamitin din bilang
mga instrumento sa mga gawaing pagsulat tulad ng photo essay o
larawang-sanaysay.
KAHULUGAN NG LARAWANG SANAYSAY

• Ang larawang-sanaysay na tinatawag sa Ingles na pictorial


essay o kaya ay photo essay na para sa iba ay mga tinipong
larawan na isinaayos nang may wastong pagkakasunod-sunod
ng mga pangyayari upang maglahad ng isang konsepto.
Ang mahalagang katangian ng larawang-sanaysay ay ang mismon
paggamit ng larawan sa pagsasalaysay. Layunin nitong magbigay n
kasiyahan o aliw sa taong gumagawa ng salaysay, magbigay n
mahalagang impormasyon, at malinang ang pagiging malikhain
Unawain Natin
Makapagsasalaysay dito sa pamamagitan ng mga larawang may kronolohikal na ayos.
Ibig sabihin, isinasalaysay ang mga pangyayari ayon sa wastong pagkakasunod-sunod
ng larawan. Kung pangkalahatang kaisipan lamang ng pangyayari ay maaari nang
gamitin ang isang larawang may natatanging dating. Ibig sabihin, sa isang kuhang
larawan ay naroon na ang lahat-lahat ng mga ideya.

Gayumpaman, nakasalalay pa rin sa husay at pagiging maiikhain ng isang tao ang


paggamit ng mga larawan sa paggawa ng sanaysay dahil nakabatay rito kung paano
pag-uugnay-ugnayin ang mga larawan ayon sa kanyang mga naiisip na ideya. Ang
mahalaga, kailangang malinaw ang mensahe ng gagawing larawang-sanaysay.
Narito ang mga dapat mong isaalang-alang sa pagsulat ng larawang-sanaysay:

• Pumili ng paksa ayon sa iyong interes.

• Magsagawa ng pananaliksik sa iyong paksang gagawin.

• Isaalang-alang ang kawilihan at uri ng iyong mambabasa.

• Tandaan na ang isang istoryang nakatuon sa mga pagpapahalaga o


emosyon ay madaling nakapupukaw sa damdamin ng mambabasa.
Narito ang mga dapat mong isaalang-alang sa pagsulat ng larawang-sanaysay:

• Kung nahihirapan ka sa pagsusunod-sunod ng pangyayari gamit ang larawan,


mabuting sumulat ka muna ng kuwento at ibatay rito ang mga larawan.

• Planuhing mabuti ang gagawing sanaysay gamit ang mga Iarawan. Tandaan na
higit na dapat mangibabaw ang larawan kaysa sa mga salita.

• Palaging tandaan na ang larawang-sanaysay ay nagpapahayag ng kronolohikal na


salaysay, isang ideya, at isang panig ng isyu.

• Siguraduhin ang kaisahan ng mga larawan ayon sa framing, komposisyon, kulay,


at pag-iilaw. Kung minsan, mas matingkad ang kulay at matindi ang contrast ng
ilang larawan kompara sa iba dahil sa pagbabago ng damdamin na isinasaad nito.
Gawain

1. Sumalat ng Larawan na sanayasay, gamitin ang iyong mga


sariling larawan simula noong ikaw ay bata pa at hanggang
nagdadalaga at binata. O kaya gumamit mga bagong
larawan depende sa inyong konsepto.

2. Isulat ito sa iyong drawing book para sa ika anim na gawain.


Hanggang sa Muli!
Maraming
Salamat! Inihanda ni: Gng. Nuriene
Eroma

Find out more at the PowerPoint Getting Started Center


(Click the arrow when in Slide Show mode)

You might also like