You are on page 1of 20

Filipino sa

Piling Larang
Layunin:
• Nabibigyang-kahulugan ang mga terminong akademiko
na may kaugnayan sa piniling sulatin.

 Nakikilala ang mga katangian ng mahusay na photo essay.


 Nakasusulat ng organisado, malikhain at kapani-paniwalang
sulatin.
 Naipagpapatuloy ang kawilihan sa pagsulat ng sanaysay sa tulong
ng mga larawang nabuo.
Make it
Whole!
• Ano-ano ang larawan na inyong nabuo?

• Ano ang iyong mailalahad sa larawang


naipakita?

• Paano nakakapagbigay ng impormasyon ang


isang larawan lamang?
Larawan mo,
Kwento mo!
• Paano ninyo nagawan ng kuwento ang larawan?
• Paano magiging makabuluhan ang larawan at
sanaysay?
• Batay sa ginawang aktibiti, paano mo bibigyan
ng pagpapakahulugan ang Photo Essay?
Photo Essay
PHOTO ESSAY
Ang Photo Essay ay koleksyon ng mga larawang maingat
na inayos upang upang maglahad ng pagkakasunod-sunod
ng mga pangyayari, magpaliwanag ng partikular na
konsepto o magpahayag ng damdamin. Hindi limitado ang
paksa, magulong konsiyerto, o tahimik at payapang bukirin.
Maaaring ito ay tungkol sa natatanging tao o mga
kakaibang pangyayari.
PHOTO ESSAY
Ang photo essay ay katulad din ng iba pang uri ng sanaysay na
ginagamit ng mga teknik sa pagsasalaysay.ang kaibahan lamang
ay ang paggamit ng mga larawan sa pagsasalaysay. May mga
photo essay na binubuo ng mga larawan.ang iba naman ay
binubuo ng mga larawang may maiikling teksto. May mga
nagsasabing ang photo essay ay isang sulatin kung ang kalakihan
nito ay teksto at sasamahan lamang ng ilang larawan. May iba
namang nagsasabing ang mga larawan ang dapat lumulutang sa
anyong ito, hindi ang mga salita.
PHOTO ESSAY
Ang photo essay ay hindi katulad ng tradisyunal na sanaysay na
nagpapahayag ng damdamin at kaisipan sa pamamagitan ng mga
salita.ang mga larawan ay ang pangunahing nagkukuwento
samantalang ang mga nakasulat na teksto ay suporta lamang sa
mga larawan. Gumagamit lamang ng mga salita kung may mga
detalyeng mahirap ipahayag kung larawan lamang ang gagamitin.
Sa pag-aayos ng mga larawan, dapat ito’y kronolohikal upang
kronolohikal din ang pagkukuwento sa sanaysay.
MGA DAPAT TANDAAN SA PAGBUO
NG PHOTO ESSAY
• Siguraduhing pamilyar ka sa paksa
• Alamin kung magiging interesado sa paksa ang
magbabasa nito
• Kilalanin kung sino ang mambabasa
• Malinaw ang patutunguhan ng photo essay
• Idepende ang haba ng teksto sa paglalarawan
• Kailangang may kaisahan ang mga larawan
• Isaalang-alang ang consistency sa framing,
komposisyon, anggulo, pag-iilaw, o kulay
HAKBANG SA PAGBUO NG PHOTO
ESSAY
1.Maghanap ng isang paksa na ayon sa iyong interes
2.Magsagawa ng pananaliksik bago isagawa ang photo
essay
3.Hanapin ang “tunay na kuwento”. Ang pangunahing
mga dahilan ng bawat larawan ay nararapat na lumikha ng
isang kapani-paniwala at natatanging kuwento.
4.Ang kuwento ay binuo upang gisingin ang damdamin
ng mambabasa.
HALIMBAWA
Gawain Blg. 1
• Panuto: Ang klase ay hahatiin ayon sa barangay na kanilang kinabibilangan, ang bawat grupo ay dapat maglaman lang
ng 3 hanggang 4 na miyembro. Mula rito, ay mananaliksik sila ng maaari nilang maging paksa sa Photo Essay na
kapapalooban lang sa kanilang barangay. Mula sa paksang mapipili ay bubuo sila ng makabuluhang Photo Essay.
Maraming Salamat!

You might also like