You are on page 1of 3

PICTORIAL ESSAY

Group 4

LAYUNIN:

A. Mauunawaan ang kahulugan ng Larawang Sanaysay.

B. Maililista ang mga katangian ng Larawang Sanaysay.

C. Maipaliwanag ang mga dapat tandaan sa pagsulat ng Larawang Sanaysay.

D. Maipaliwanag ang mga hakbang sa pagbuo ng Larawang Sanaysay.

E. Maipapaliwanag ang mga sangkap ng isang Pictorial Essay.


F. Mauunawaan ang layunin ng Pictorial Essay.

G. Halimbawa ng Pictorial Essay

Pictorial Essay o Larawang Sanaysay

Ang larawang sanaysay, na tinatawag sa ingles na pictorial essay o photo essay, ay isang
uri sulatin na naglalayong maipabatid ang nilalaman ng isang akda sa pamamagitan ng mga
nakahanay na larawan na sinusuportahan ng mga deskripsyon o kapsyon.

Ito ay isang koleksyon o limbag na mga imahe o larawang inilalagay isang partikular sa na
pagkakasunod-sunod upang ipahayag ang mga pangyayari, mga damdamin, at mga
konsepto sa pinakapayak na paraan.

Kagaya ng iba pang uri ng sanaysay, gumagamit ito ng mga pamamaraan sa pagsasalaysay.
Maaaring gamitin mismo ang binuong larawan o di kaya’y mga larawang may maikling teksto
o kapsyon. Ang mga imaheng ito ang nagbibigay-kulay at kahulugan sa mga kaisipang nais
iparating ng teksto. Karaniwang umiikot lamang ito sa isang paksa o tema kaya’t mahalagang
ang mga serye ng larawan ay magkakaugnay. Dapat din itong pinag-isipang mabuti sapagkat
ito ang magpapakita ng kabuoan ng kwento o kaisipang nais ipahayag.
Mga katangian ng Larawang Sanaysay

• Malinaw na paksa
• Pokus
• Orinahilidad/Sariling Likha
• Organisado
• Kawilihan
• Komposisyon
• Mahusay na paggamit ng wika

Mga Dapat Tandaan sa Paggawa ng Larawang Sanaysay o Photo Essay


• Siguraduhing pamilyar ka sa paksa
• Alamin kung magiging interesado sa paksa ang magbabasa nito
• Kilalanin kung sino ang mambabasa
• Malinaw ang patutunguhan ng photo essay
• Malaya ang haba ng teksto sa paglalarawan
• Kailangang may kaisahan ang mga larawan
• Isaalang-alang ang consistency sa framing, komposisyon, anggulo, pag-iilaw, o kulay

HAKBANG SA PAGSULAT/PAGGAWA NG PICTORIAL ESSAY

1. Pumili ng isang paksa at mga larawang may kaugnayan nito.


2. Maghanap ng mga datos na susuporta sa iyong gagawing sanaysay.
3. Pagsunod-sunurin ang mga larawan na naaayon sa tema.
4. Lagyan ng pagkakawing ang bawat larawan na kinapapalooban ng iyong damdamin
na maaaring makapukaw sa interes ng mga mambabasa.
5. Simulan ang iyong sanaysay sa pahapyaw na paglalarawan sa bawat imahe at
lapatan ito ng iyong kuro o saloobin.
6. Makakatulong sa iyo ang paggamit ng mga transisyunal devices upang magkaroon
ng kohirens ang iyong pagsulat.
7. Maglapat ng isang hamon o kongklusyon sa hulihang bahagi ng iyong sanaysay.
SANGKAP NG PICTORIAL ESSAY

• Larawan
• Teksto

LAYUNIN NG PICTORIAL ESSAY

• Layunin nito na pukawin ang atensyon ng mga tao at magkaroon ng interes sa


pagbabasa.
• Nakadadagdag atensyon ang isang larawan at maipapaliwanag nang maayos dahil
may larawan na kaakibat ito.

HALIMBAWA NG PICTORIAL ESSAY

PAGSUSULIT
Basahin ang bawat pangungusap nang mabuti at tukuyin kung ang pahayag ay tama
ba o mali.

1. Ang layunin ng larawang sanaysay ay pukawin ang atensyon ng mga tao at


magkaroon ng interes sa pagbabasa.
2. Ang pag-unlad sa paksa at pagpapahalaga sa tamang obserbasyon ay hindi
mahalaga sa paglikha ng pictorial essay.
3. Ang paggamit ng mga larawang nagmula sa ibang pinagkukunan at hindi sariling likha
ay isang paraan ng orihinalidad sa pictorial essay.
4. Ang mga larawang dapat ay nakaayos ayon sa lohikal na pagkakasunod-sunod at
may malinaw, malaman, at kawili-wiling panimula, katawan, at wakas.
5. Ang paggamit ng mga pahayag na nagpapahiwatig ng kawilihan sa paksa ay hindi
mahalaga sa paggawa ng pictorial essay.
6. Ang komposisyon ng mga larawan ay hindi dapat isaalang-alang sa paglikha ng
pictorial essay.
7. Ang maayos na paggamit ng wika, kawastuhan sa gramatika, at pag-iwas sa mga
pagkakamali sa baybay at bantas ay hindi mahalaga sa paglikha ng pictorial essay.
8. Bago magsimula sa pagsulat ng pictorial essay, mahalaga ang pagpili ng paksa at
mga larawang may kaugnayan dito.
9. Ang mga kapsyon sa bawat larawan ay hindi mahalaga sa pagpapahayag ng kaisipan
sa pictorial essay.
10. Ang consistency sa framing, komposisyon, anggulo, pag-iilaw, o kulay ng mga
larawan ay hindi mahalaga sa paglikha ng pictorial essay.

TAMANG SAGOT:
1. Tama 6. Mali
2. Mali 7. Mali
3. Mali 8. Tama
4. Tama 9. Mali
5. Mali 10. Mali

MIYEMBRO: KONTRIBYUSYON
Cruz, Alani Joy Reporter at PPT
Ladisal, Francis Kyle Reporter
Palacio, Denice Reporter
Biasura, Joana Reporter
Soriano, Maribel Researcher
Alexander, Tommy Researcher
Cabal, Joseph [Walang Kooperasyon]
Espiritu, Mj [Walang Kooperasyon]

You might also like