You are on page 1of 23

FILIPINO SA PILING LARANG (AKADEMIKO)

Group 1: Pictorial Essay

PAGGAWA NG PICTORIAL ESSAY

Ayon sa mga dalubhasa, ang mga sinaunang taong nanirahan sa mga kuweba ay nagpahayag
ng kanilang mga ideya at layunin sa pamamagitan ng mga larawang guhit. Bunga ito ng
kakulangan kung hindi man kawalan nila ng behikulo ng komunikasyon noong panahong iyon.
Bakit nga naman hindi? Ayon nga sa isang kawikaang Ingles, A picture is worth a thousand
words.
Totoo namang kahit ang isang larawan ay maaaring makapagpahayag ng isa o higit pang
komplikadong ideya. Ang isang larawan ay maaari ring makapagpahayag ng
kahulugan o esensya ng isang paksa nang higit pa sa paglalarawan niyon.

Kung nagagawa ito ng isang larawan, paano pa kaya kung ang isang set ng mga
magkakaugnay na larawan ay lalakipan pa ng sanaysay? Tiyak na magsasanib ang
kapangyarihan ng larawan at ang kapangyarihan ng salita. Ito ang kapangyarihang
taglay ng Pictorial Essay.

A. KAHULUGAN AT KALIKASAN NG PICTORIAL ESSAY

Ang pictorial essay ay tinatawag din ng iba bilang pictorial essay o photo essay Ito ay
isang kamangha-manghang anyo ng sining na nagpapahayag ng kahulugan sa
pamamagitan ng paghahanay ng mga larawang sinusundan ng maiikling kapsyon
kada larawan. Madalas itong ginagawa ng mga

 awtor,
 artista,
 estudyante at mga
 akademisyan (https://bookwormlab.com).

Ginagawa din ito ng mga

 potograpo,
 mamamahayag, lalo na ng mga
 photo-journalist.

Larawan at teksto ang dalawang pangkalahatang sangkap ng pictorial essay.

Ang teksto ay madalas may journalistic feel, ngunit ang pinakainiikutan nito ay ang mga
larawan mismo.

Tipikal sa mga pictorial essay ang pagkakaroon ng

 pamagat at ang
 pagpokus sa isang tema, Madalas ding
 personal (sa isang potograpo at/o awtor) ang isang pictorial essay at

maaari itong maging isang mabisang paraan upang lumikha ng isang personal na mensahe para
sa kanya/kanilang pamilya, kaibigan o kahit na para sa publikasyon (http://www.answers.com).

Kaya nga ang pictorial essay ay ginagawa nang may pagsasaalang-alang sa personal na punto
de bisto na siyang ikinalulugod ng mga larawang tingnan at ng tekstong basahin (https://
bookwormlab.com).

Dahil sa dalawang pangkalahatang sangkap ng pictorial essay,

 ang larawan at
 ang teksto,

mahalagang ang gumagawa nito ay may kakayahan at kaalaman sa dalawa ring larangan,

 sa potograpiya at
 sa wika

Higit kasing mainam kung ang potograpo mismo ang sumulat ng teksto, o sa kabalikan, kung
ang manunulat mismo ang kumuha ng larawan, dahil nga sa personal na kalikasan nito.

Tandaan ding ang pictorial essay ay kaiba sa picture story. Sa ikalawa, ang mga
larawandaan ding ang bayon sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari at ang layunin nito ay
magsalaysay o magkwento. Hindi gayon ang batayan sa pagsasaayos ng larawan sa pictorial
essay at lalong hindi rin gayon ang layunin ng pictorial essay.

B. MGA KATANGIAN NG MAHUSAY NA PICTORIAL ESSAY

Ayon sa http://www.csc.villanova.edu, ilan sa mga katangiang dapat taglayin ng isang


Pictorial Essay ay ang sumusunod:

1) Malinaw na Paksa. Kailangang pumili ng paksang mahalaga sa iyo at alam na


alam mo. Hindi kailangang napakaengrande ng paksa. Maraming maliliit na
bagay ang maaaring paksain ng isang mahusay na pictorial essay.

2) Pokus. Huwag na huwag lumihis sa paksa. Ang iyong malalim na pag-unawa,


pagpapahalaga at matamang obserbasyon sa paksa ay mahahalagang sangkap
tungo sa matagumpay na pictorial essay.

3) Orihinalidad. Higit na mainam kung ikaw mismo ang kukuha ng mga larawan.
Maaari ring gumamit ng mga software ng kompyuter tulad ng Photoshop. Kung
hindi ito magagawa, maaari namang gumamit ng mga larawang kuha ng iba
mula sa mga lumang album o magasin bilang panimula. Gupit-gupitin ang mga
iyon at gumawa ng mga collage upang makalikha ng bagong larawan.
Kailangang ang pangkalahatang kahulugang ipinahahayag ng nalikhang larawan
ay orihinal sa iyo.
4) Lohikal na Estruktura. Isaaayos ang mga larawan ayon sa lohikal na
pagkakasunod-sunod. Tulad ng iba pang teksto, kailangang may kawili- wiling
simula, maayos na paglalahad ng katawan at kawili-wiling wakas.

Sa mga nabanggit at tinalakay na katangian ay maidaragdag ang sumusunod:

5) Kawilihan. Ipahayag ang iyong kawilihan at interes sa iyong paksa, Gumamit


ng mga pahayag na nagpapahiwatig na kinawiwilihan mo ang iyong paksa, nang
kawilihan din iyon ng iyong mambabasa.

6) Komposisyon. Piliin ang mga larawang may kalidad ang komposisyon. lyong
mga artistik na kuha, 'ika nga. Ikonsider ang kulay, ilaw at balanse ng
komposisyon. Huwag gumamit ng malalabo o madidilim na larawan.

7) Mahusay na Paggamit ng Wika. lorganisa nang maayos teksto. Tiyaking ang


teksto ay tumatalakay sa larawan. Sikapin din ang kawastuhang gramatikal sa
pagsulat. Ang mga pagkakamali sa baybay, bantas, gamit ng salita at iba pang
tuntuning pangwika ay mga kabawasan sa husay ng pictorial essay.

C. ANG PAGGAWA NG PICTORIAL ESSAY

Iminungkahi sa http://www.ehow.com ang mga kasunod na hakbang tungo sa matagumpay na


paggawa ng pictorial essay.

1. Pumili ng paksang tumutugon sa pamantayang itinakda ng inyong guro.


Maaaring may parating na kaganapan sa inyong pamilya o sa inyong komunidad. Baka
may parke rin sa inyong lugar na magandang gawing setting ng iyong photo shoot.
Tandaan, ang mga larawan ang pokus ng iyong pictorial essay. Kaya, magplano nang
naaayon.

2. Isaalang-alang ang iyong audience. Sino ba ang titingin sa iyong mga larawan at
magbabasa ng iyong sanaysay? Maaaring ang buong klase, o kaya'y ang guro n'yo lang.
Ilahad ang iyong materyal sa paraang magiging interesante sa iyong target audience.
Kung ang iyong pictorial essay ay para sa mga bata, kailangang maipakita sa mga
larawan ang kanilang interes at hilig tulad ng paglalaro at makukulay na bagay.

3. Tiyakin ang iyong layunin sa pagsulat at gamitin ang iyong mga larawan sa
pagkakamit ng iyong layunin. Maaaring ang layunin mo ay upang suportahan ang
isang adbokasiya o kaya ay hikayatin ang mga mambabasang kumilos. Kailangang
masalamin ang iyong layunin sa mga larawan kaya mahalaga ang wastong pagpili.

4. Kumuha ng maraming larawan. Maaari namang rebyuhin ang mga kuha sa digital
camera o sa iyong cellphone. Walang dahilan para limitahan ang mga larawang
pagpipilian. Mas maraming pagpipilian, mas higit ang posibilidad na may mapipiling
magagamit at angkop na larawan.

5. Piliin at ayusin ang mga larawan ayon sa lohikal na pagkakasunod-sunod.


Katulad nga ng nabanggit na, kailangang may kawili-wiling simula, maayos na
paglalahad ng katawan at kawili-wiling wakas.

6. Isulat ang iyong teksto sa ilalim o sa tabi ng bawat larawan. Ang teksto ay
kailangang nagpapalawig sa kahulugan ng larawan. Tandaang kailangang ma-enlighten
ang mambabasa hinggil sa bawat larawan.

Group 2: Lakbay - Sanaysay

A. PANIMULA

Ang paglalakbay at pagbabago ng kapaligiran ay nagbibigay na bagong sigla sa isip,


ayon kay Seneca.

Tunay ngang bukod sa porma ng pagpapahinga ang paglalakbay, binigyang diin tayo
nito ng oportunidad na pansamantalang tumigil at pag-isipan ang nakasanayan. Pinalalaya tayo
ng paglalakbay sa regularidad ng buhay at pinalalawak an gating kamalayan at perspektiba. Sa
pamamagitan ng paglalakbay, nagkakaroon ka ng ideya at pagdanas sa kultura, pagpapahalaga
at pamamaraan ng pamumuhay ng ibang lahi. Nakapagmumuni ka sa sariling karanasan batay
sasa pagsasakonteksto nito sa mas malawak na karanasan ng kapwa at lipunan.

Marami ring siyentipikong pag-aaral na nagpapakitang mabuti ang paglalakbay para sa


kalusugan.

Sa isang pag-aaral na nagpapakitang mabuti ang paglalakbay para sa kalusugan.

 Sa isang pag-aaral na ginawa ng Global Commission on Aging, Transamerica


Center for Retirement Studies sa US Travel Association (2013), napatunayan na
naiiwasan ang mga sakit na kaakibat ng pagtanda gaya ng dementia at
alzheimer’s disease sa pamamagitan ng paglalakbay.

 Lumabas din sa pag-aaral na ang mga babaeng nagbabakasyon tuwing anim na taon
o mas mababa pa ay may mas mataas na kaso ng atake sa puso at pagkamatay sanhi
nito kumpara sa mga babaeng nagbabakasyon ng dalawang beses sa isang taon.

 Ang mga lalaki naman na hindi nagbabakasyon kada taon ay may 30% na mas
mataas na pagkakataong namatay mula sa sakit sa puso.

Ipinakita rin ng mga naturang pag-aaral ba pinabubuti rin ng paglalakbay ang mood at 86%
ng kalahok na bumibiyahe kada taon ay may positibong pagtingin sa buhay.

B. ANG PAGLALAKBAY AT ANG PAGSULAT


Mula sa mga positibong pag-aaral at karanasan sa paglalakbay humahalaw ang maraming
bahagi ng panitikan. Tiyak na madalas kang makapanood ng mga palabas sa estilong
travelogue. Ang travelogue ay maaring dokumentaryo, pelikula, palabas sa
telebisyon o ano mang bahagi ng panitikarin na nagpapakita at nagdodokumento ng
iba't ibang lugar na binisita at mga karanasan dito ng isang turista at dokumentarista.

Kasabay ng paglaganap ng social media, lumaganap na rin ang travel blogging.

Sa pamamagitan ng mga travel blog,

 nabibigyan ng ideya ang mga manlalakbay kung ano ang aasahang makita, mabisita,
madanas at makain sa isang lugar. Ang ibang travel blog ay

 nagbibigay rin ng ideya sa posibleng iteneraryo o iskedyul ng pamamasyal sa


bawat araw ng byahe at ang posibleng magiging gastos sa bawat aktibidad.

Malaki ang naitutulong ng mga travel blog para sa mga taong nagpaplano pa lamang ng
kanilang bakasyon.

Maraming tao ang hindi na lamang bumibyahe bilang turista kundi nagsusulat na rin
tungkol sa kanilang mga karanasan sa isang lugar at kabuuan ng paglalakbay.

Maging ang mga propesyonal na manunulat ay gumagamit sa kanilang kakayahan


upang makalibot sa daigdig, at kasabay nito ay kumita mula rito.

Ang layunin ng pagsulat tungkol sa isang paglalakbay ay makapagbigay ng malalim na


insight at kakaibang anggulo tungkol sa isang destinasyon.

Sa ganitong uri ng pagsulat, kailangang mahikayat ang mga mambabasa na danasin at bisitahin
din ang lugar na iyong sinusulat. Marami na ring kurso sa pagsulat tungkol sa paglalakbay na
magbibigay sa iyo ng malalim na pag-unawa kung paanong bumuo ng mga ideya at
propesyonal na artikulo at kung paano itong ibebenta sa merkado.

Nagbigay si Dinty Moore (2013) ng mga payo kung paanong epektibong makapagsusulat
habang naglalakbay:

1. Magsaliksik.

Magsaliksik at magbasa nang malalim tungkol sa iyong destinasyon bago dumating sa lugar.
Huwag lamang magpakupot sa mga guidebook, bagkus ay unawain ang kasaysayan,
ekonomiya, kultura, agrikultura, pagkain, relihiyon, at mga paniniwala ng isang
lugar. Sa pamamagitan nito, ayon kay Moore (2013), mas mauunawaan mo ang mga
kakaibang bahagi ng kultural na praktis at ang konteksto nito habang naglalakbay.

2. Mag-isip nang labas pa sa ordinaryo.


Kadalasang makikita sa mga guidebook ang listahan ng mga hotel, kainan na pwede mong
puntahan o mga aktibidad na pwede mong gawin. Ngunit, bilang isang mananaysay,
kailangan mong magpakita ng mas malalim na anggulong hindi basta namamalas ng
mata. Kailangan mong magkwento ng karanasan, humanap ng malalim na kahulugan at
mailarawan ang lahat ng ito sa malikhaing paraan.

3. Maging isang manunulat.

Magkaiba ang manunulat ng paglalakbay sa isang turista. Nasa bakasyon ang isang
turista habang may mas malalim na tungkulin at layunin sa paglalakbay ang isang manunulat.
Para sa epektibong pagsulat, makabubuti ang pagkuha ng larawan at mga tala sa mga bagay
na naoobserbahan at naririnig mo.

C. MGA GABAY SA PAGSULAT NG LAKBAY-SANAYSAY

Nagbigay rin si Moore (2013) ng mga gabay sa pagpili ng paksa at pagsulat ng Lakbay-
Sanaysay.

1. Hindi kailangang pumunta sa ibang bansa o malayong lugar upang


makahanap ng paksang isusulat. Halimbawa, kung nasa probinsya ka, maaaring
humanap ng isang sakahan o linangan na nagmamanupaktyur ng gatas o keso. Kung sa
urban, maaari mong maging karanasan ang ingay ng Maynila sa gabi o kung may mga
espesyal na pagdiriwang.

2. Huwag piliting pasyalan ang napakaraming lugar sa iilang araw lamang.


Kailangang malalim at malawak ang pagdanas sa karanasan sa isang lugar upang
maging malalim din ang insight na maaaring ibigay sa sanaysay.

3. Ipakita ang kwentong-buhay ng tao sa iyong sanaysay. Malaki ang adbentahe


mo kung nauunawaan mo at nagagamit ang wika ng lokalidad, ngunit kung hindi,
maaari kang makipagkaibigan sa isang lokal na nakakaunawa ng Filipino o Ingles upang
lubos mong maunawaan ang paraan ng pamumuhay sa isang lugar.

4. Huwag magpakupot sa mga normal na atraksyon at pasyalan. Ibinigay na


halimbawa ni Moore (2013) si Pico lyer, awtor ng The Global Soul: Jet Lag, Shopping
Malls, and the Search for Home. Sa antolohiya ng kanyang Lakbay-Sanaysay sa Tsina,
inilarawan ni lyer ang mga napaka-ordinaryong karanasan gaya obserbasyon sa kultura
ng airport at eksplorasyon sa pinakamalaking kainan ng Kentucky Fried Chicken (KFC)
na matatagpuan sa Tiananmen Square, malapit sa musoleo ni Mao Tse Tung. Ang
simpleng paglalarawan ay nagbibigay ng mabigat na insight, basta't nasasapol ng
isang manunulat ang tamang anggulo. Huwag piliting isulat ang mga madalas nang
nakikita sa postcard ng mga turista.
5. Hindi lahat ng paglalakbay ay positibo at puno ng kaligayahan. Kung habang
naglalakbay ay nabiktima ka ng pagnanakaw o panloloko, isulat mo kung ano ang
naramdaman mo tungkol dito.

6. Alamin mo ang mga natatanging pagkain na sa lugar lamang na binisita


matitikman at pag-aralang lutuin ito. Maaaring magpaturo sa mga lokal na
makikilala sa lugar para sa layuning ito.

7. Sa halip na mga popular at malalaking katedral, bisitahin ang maliliit na


pook-sambahan ng mga taong hindi gaanong napupuntahan at isulat ang
kapayakan ng pananampalataya rito. Ito ang hindi madalas nababasa sa mga aklat
at iba pang babasahin, kung kaya ito ang magandang maging paksa ng isang Lakbay-
Sanaysay.

8. Isulat ang karanasan at personal na repleksyon sa paglalakbay. Ibang- iba ang


kalalabasan ng isang Lakbay-Sanaysay na isinulat ng isang guro, sa isinulat ng isang
mag-aaral.

Ngayong nauunawaan mo na ang katangian at mga gabay sa pagsulat ng isang Lakbay-


Sanaysay, suriin mo ang isang halimbawang tekstong sinulat ng batikang mananaysay at
makatang Kinaray-a tungkol sa kanilang pamimili at pakikipagtawaran sa Jakarta, Indonesia
kasama ang Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan, si Virgilio Almario.

Group 3 – Replektibong Sanaysay

Ayon kay Margaret Wheatley, Without reflection, we go blindly on our way, creating more
unintended consequences, and failing to achieve anything useful.
Sadyang napakahalaga ng pagmumuni-muni. Madalas o minsan mang gawin ito, hindi
matatawaran ang kapakinabangang hatid sa isang tao ng malalimang pagmumuni-muni. Lalo
na kung ang mga bunga ng gawaing ito ay maisasatitik sa papel!

A. ANG REPLEKTIBONG SANAYSAY: KAHULUGAN AT KALIKASAN

Ang replektibong sanaysay o repleksyong papel (tinatawag ding Reflective Paper o


Contemplative Paper) ay isang pasulat na presentasyon ng kritikal na repleksyon o
pagmumuni-muni tungkol sa isang tiyak na paksa.

Ang repleksyong papel ay maaaring isulat hinggil sa isang

 itinakdang babasahin,
 sa isang lektyur o
 karanasan katulad ng internship, volunteer experience, retreat and recollection
o educational tour.
Kadalasan, ang repleksyong papel ay naglalaman ng mga reaksyon, damdamin at
pagsusuri ng isang karanasan sa napakapersonal na paraan, kaiba sa paraan ng pormal
na pananaliksik o mapanuring sanaysay (Bernales & Bernardino, 2013).

Ang repleksyong papel ay hindi dayari o dyornal, bagaman ang mga ito (dayari at dyornal)
ay maaaring gamiting paraan sa pagpoproseso ng mga repleksyon bago isulat ang
repleksyong papel.

Ito ay isang impormal na sanaysay, at kung gayon, nangangailangan ng sumusunod:

1) introduksyon;
2) katawang malinaw at lohikal na naglalahad ng iyong mga iniisip at/o nadarama; at
3) kongklusyon

(http://www. une.edu).

Kadalasan, ginagamit ang unang panauhan (ako, tayo, kami) sa repleksyong papel dahil
nirerekord dito ang mga sariling kaisipan, damdamin at karanasan. Tandaan lamang
na maaaring kailanganin ng in-text references kung gumamit ng mga ideya ng ibang tao, at
kung gayon, ang sanggunian ay kailangang maitala sa katapusan.

Ang repleksyong papel ay tala ng mga kaalaman at kamalayan hinggil sa isang bagay.
Kung gayon, ito ay isang interaksyon sa pagitan ng mga ideyang natanggap mula sa
labas (libro, lektyur, karanasang pampaaralan, at iba pa) at ng iyong internal na pag-unawa
at interpretasyon sa mga ideyang iyon (http://www.une.edu).

Higit sa lahat, ang repleksyong papel ay nag-aanyaya ng self-reflection o pagmumuni-


muni.

Ang kakayahang makapagmuni-muni ay isang mahalagang personal at propesyonal na


katangian.

Ang pagmumuni-muni sa kontekstong ito ay kinapapalooban ng konstant na pagtatanong


hinggil sa mga sariling haka at ng kapasidad na magsuri at magsintesays ng
impormasyon upang makalikha ng mga bagong pananaw at pag-unawa. Ito ay isang patuloy
na proseso na humahantong sa komitment upang mapagbuti ang isang pansarili o
propesyonal na gawain.

Bilang pagsusuma, ganito ang ginawang paglalarawan sa Repleksyong Papel sa


http://www.helium.com:
In its purest form, a reflection essay is an introspective contemplation of a frequently obscure
topic that the author is genuinely passionately about. Indirectly, the essay's form is thoughtful
and almost poetic, indeed, a provoking treatise grounded on experience.

B. ANG PAGSULAT NG REPLEKTIBONG SANAYSAY

Si Maggie Mertens (sa http://www.ehow.com) ay nagbigay ng sumusunod na Tips sa


pagsulat ng repleksyong papel:

1. Mga Iniisip at Reaksyon.

Kapag nagsusulat ng repleksyong papel hinggil sa literatura o karanasan, kailangang


maitala ang iyong mga iniisip at reaksyon sa binasa o karanasan. Maaari mong ilahad
at ipaliwanag ang iyong mga damdamin hinggil sa binasa o karanasan. Maaaring gamitin ang
repleksyong papel upang suriin ang isang binasang literatura. Katulad ng ibang papel o
sanaysay, kailangang may kaisahan ang papel. Tukuyin ang mga ispesipikong bahagi
ng binasa o karanasang naging inspirasyon ng damdamin. Maaari ring maglahad ng
mga personal na karanasan, ngunit huwag umasa sa mga ito, dahil nararapat na ibatay
ang papel sa iyong reaksyon at repleksyon sa materyal na iyong paksa.

2. Buod.

Hindi simpleng pagbubuod ng binasa o karanaasan ang repleksyong papel. Ito ay isang
malayang daloy ng mga ideya at iniisip. Ang ideya ng repleksyong papel ay makasulat ng isang
sanaysay na naglalarawan ng mga reaksyon at pagsusuri ng isang binasa o iba pang karanasan,
ngunit higit na pormal ito kaysa dyornal entri, kaya hindi angkop ang impormal na wika at anyo.

3. Organisasyon.

Ang repleksyong papel ay kailangang maisaayos katulad ng iba pang uri ng pormal na
sanaysay. Maglaan ng introduksyon, katulad halimbawa ng paglalarawan ng iyong mga
inaasahan bago magbasa o gawin ang isang bagay. Ang katawan naman ng papel ay
maaaring magpaliwanag sa mga kongklusyong nabuo mo at kung bakit at paano, batay sa mga
konkretong detalye mula sa pagbabasa o karanasan. Maaaring tapusin ang papel sa
pamamagitan ng pagbubuod ng iyong mga natamo mula sa binasa o karanasan.
Maaaring iugnay iyon sa iyong mga inilahad na inaasahan o ekspektasyon, o humantong sa
ibang kongklusyon o analisis ng binasa o karanasan kaugnay ng iyong mga damdamin at
reaksyon.

Ganito naman halos ang paglalarawan sa propeso ng pagsulat ng repleksyong papel sa


http://www.helium.com:
Ang paggawa ng repleksyong papel ay bahagyang naiiba sa iba pang uri ng papel
sapagkat ang kongklusyon ay sumusunod sa serye ng mga kontemplatibong narasyon.

Ang unang hakbang ay pagpili ng paksang may malalim na personal na kahulugan sa


awtor. Ang unang talata ay maaring ilaan sa kaswal na obserbasyon sa paksa nang wala
pang bahid ng ano mang emosyon.

Matapos, dalhin ang mambabasa sa isang emosyonal na paglalakbay.

Maaaring buuin ito ng tatlo o apat na talataang nag-uugnay, halos katulad sa isang
panaginip, ng mga impresyon, obserbasyon, emosyon, o ideya.

Tapusin ang repleksyong sanaysay sa katulad na masining na talatang naglalahad ng imaheng


vividly graphic na nag-aanyaya sa mambabasa sa karagdagang introspeksyon. Bilang
kongklusyon, maaaring i-shift ang pokus sa mambabasa sa pamamagitan ng paglalahad ng
personal na inkwiri kung paanong ang paksa ay nakaapekto sa kanyang pag-iisip sa intelektwal
o emosyonal na lebel.

Ganito ang paglalarawan sa http://www.helium.com sa isang mabuting repleksyong


papel:

Well-written reflection essays are comparable to impressionistic paintings, where the


artist applies layer upon layer of color that conveys his or her emotions, experience, belief, and
ideas in a particular place and time. The viewer encounters the painting and is ultimately
engaged by the painter's subtle messages presented in dizzying perspective, symmetry, focus,
abstraction, and subtlety. In the end, the viewer's thinking about the subject, be it a sea-scape,
a flower garden, water lily's, or a bustling scene from a train station, cannot help but be
changed, forever.

Narito naman ang gabay para sa repleksyong papel na hinalaw mula sa http://
pinoynivlad.multiply.com:

1. Bigyan ng pansin ang panahong saklaw ng repleksyon.

2. Mula sa saklaw na panahon, maaaring pansinin at pagmuni-munihan ang mga


sumusunod:
a. mga konsepto o aralin na lubhang sinasang-ayunan o tinututulan;

b. mga gawain sa klase, mga pinanood, pinarinig, at iba pa na lubusang


nakaapekto o nakapagpaisip;

c. mga liksyon, konsepto, at iba pa na lubos na nakapukaw ng interes at nais


saliksikin o aralin pa;
d. mga liksyon, konsepto, at iba pa na agad na nahanapan ng paglalapat sa sariling
mga karanasan;

e. mga liksyon, konsepto, at iba pa na nagdulot ng mga tanong na nais iharap ng


mag-aaral para sa klase.

3. Isa hanggang dalawang pahina lamang ang repleksyong papel. (Hindi masama
kung aabot ng tatlo. Kung higit pa sa tatlo ay labis na.)

4. Dahil sa hindi mahaba ang repleksyong papel, inaasahang hindi na


magpapaligoy-ligoy pa. Maaari namang maglaro sa anyo upang magkaroon ng
sariling estilo.

5. Maaaring gumamit ng wikang pormal o kumbersasyonal, basta tiyaking malinaw


kung ano ang mga puntong pagmumulan ng repleksyon at masusuportahan ito ng
mga konkretong paliwanag.

6. Malaking tulong din ang pagbibigay ng mga halimbawa o aplikasyon ng mga


konseptong natutuhan sa klase. Dito papasok ang kaalaman sa context o intertext.
Dapat ay may mga halimbawang ibigay na hindi natalakay sa klase.

7. Laging isaisip na ito ay papel na gagradohan para sa talas ng inyong pagmumuni-muni.


Kung gayon, maaaring simple lang ang wika at nagpapatawa o magaan ang tono, pero
hindi nangangahulugang hindi ito magiging seryoso.

8. Bagama't personal na gawain ang repleksyong papel, hindi ibig sabihin na maaari
nang balewalain ang mga tuntunin sa gramatika, wastong baybay at
pagbabantas, lalo na kung ito ay isang mamarkahang gawaing pasulat bilang
isang rekwayrment sa kurso sa wika.

9. Ipaloob ang sarili sa micro at macro na lebel ng pagtingin sa mga konseptong tinalakay
sa papel. Maaaring magsimula ang pagpapaliwanag sa sariling karanasan, pagkatapos
ay sa mga napag-aralan sa ibang klase, pagkatapos ay sa mga usaping pambansa, at
iba pa.

10. Kung gagamit ng mga impormasyong galing sa mga website, libro, panayam, at iba pa,
siguraduhing mababanggit sa papel ang mga naging sanggunian (maaaring sa
huling bahagi o sa katawan mismo ng papel).

11. Magpasa sa tamang oras at tamang lugar. Ito ay itinatakda ng guro nang may
sapat na pag-aabiso, kaya walang dahilan para hindi ito magampanan. Kung hindi
makakapasok, ipakisuyo ang iyong ginawa sa kaklase.
12. Maaaring maglagay ng pamagat na angkop sa ginawang repleksyong papel.
Kung walang maisip na pamagat, ilagay na lamang ang "Sulatin Blg. o kung pang-ilang
sulatin ito.

Group 4 – Posisyong Papel

Minsan ay sinabi ni Robert Frost, isang tanyag na makatang Amerikano, ang ganito.

The middle of the road is where the white line is, and that's the worst place to drive.
Samantala, si Margaret Thatcher, dating Punong Ministro ng Britanya, naman ay nagsabing,

Standing in the middle of the road is very dangerous; you get knocked down by the traffic from
both sides.

Ipinahihiwatig ng dalawa na may mga pagkakataong kailangang mamili ng panig: kaliwa o


kanan, tama o mali, sang-ayon o tutol, dapat o hindi dapat, mabuti o masama. Minsan kasi o
baka nga madalas pa, ang hindi pagpili ay higit na mapanganib.

Sa kabanatang ito, ang pagpili ng panig ay isang pangangailangan. Hindi maaaring walang
pinapanigan. Hindi pupuwedeng nyutral. Walang gitna. Kailangang may tiyak na posisyon.

A. KAHULUGAN NG POSISYONG PAPEL

Ganito ang payak na depinisyon ng posisyong papel. Isa itong detalyadong ulat polisiyang
karaniwang nagpapaliwanag, nagmamatwid o nagmumungkahi ng ang partikular na kurso ng
pagkilos (http://www.thefreedictionary.com)

Ganito naman ang kahulugan at paglalarawang matatagpuan sa http:// wikipedia.org na isinalin


ng prinsipal na awtor ng aklat na ito:

Ang posisyong papel ay isang sanaysay na naglalahad ng opinyon hinggil sa isang usapin,
karaniwan ng awtor o ng isang tiyak na entidad tulad ng isang partidong politikal.

Ang mga posisyong papel ay inilalathala sa

 akademya, sa
 politika, sa
 batas at
 iba pang domeyn.

Ang mga ito'y may ba ibang anyo, mula sa pinakapayak na anyo ng liham sa patnugot/editor
hanggang sa pinakakomplikadong anyo ng akademikong posisyong papel. Ginagamit din ang
mga posisyong papel ng malalaking organisasyon upang isapubliko ang mga opisyal na
paniniwala at mga rekomendasyon ng pangkat.
B. MGA BATAYANG KATANGIAN NG POSISYONG PAPEL

Ayon sa http://snowcrest.net (halaw kina Axelrod at Cooper, 2013), ang iba't bang anyo ng
posisyong papel ay may mga batayang katangiang ipinagkakatulad: depinadong isyu,
klarong posisyon, mapangumbinsing argumento at angkop na tono

1. Depinadong Isyu.

Ang mga posisyong papel ay hinggil sa mga kontrobersyal na isyu, mga bagay na
pinagtatalunan ng tao. Ang isyu ay maaaring mula sa isang partikular na okasyon o sa
isang nagaganap na debate. Ano't ano man ang pinagmulan ng isyu, kailangang
maipaliwanag nang malinaw ng manunulat ang isyu. Dagdag pa sa pagpapatotoo na ang isyu
ay umiiral, kailangan ding mabigyang-kahulugan ng manunulat ang isyu para sa layunin ng
pagsulat.

2. Klarong Posisyon.

Liban sa pagbibigay-kahulugan sa isyu, kailangang mailahad nang malinaw ng awtor ang


kanyang posisyon hinggil doon. Minsan, ang posisyon ay kwalipayd upang maakomodeyt ang
mga nagsasalungatang argumento, ngunit hindi maaari ang posisyong malabo o ang
indesisyon. Madalas, dinedeklara na agad ng awtor ang kanyang posisyon sa tesis na pahayag
sa simula pa lamang ng sanaysay. Ang adbentahe ng estratehiyang ito ay nalalaman na agad
ng mambabasa ang kinatatayuan ng awtor. May ibang namang nagpapahayag ng kanilang tesis
matapos ang maikling introduksyong nagbibigay-kahulugan sa pananaw na hindi sinasang-
ayunan. Maaari ring ang tesis na pahayag ay matagpuan sa hulihan. Ang pagpapaliban ng tesis
ay angkop kung nais ng awtor na timbangin muna ang magkabilang panig bago ilahad ang
kanyang sariling posisyon.

3. Mapangumbinsing Argumento.

Hindi maaaring ipagpilitan lamang ng awtor ang kanyang paniniwala. Upang makumbinsi ang
mga mambabasa, kailangang magbigay ang awtor ng matalinong pangangatwiran at solidong
ebidensya upang suportahan ang kanyang posisyon. Kailangan niya ring maisaalang-alang ang
mga posibleng nagsasalungatang argumento na maaaring kanyang sang-ayunan o kontrahin.

a. Matalinong Katwiran.

Upang matiyak na masusundan ng mambabasa ang isang argumento, kailangang malinaw na


maipaliwanag ang mga pangunahing puntong sumusuporta sa posisyon. Kailangang iwasan ang
pangmamaliit sa oposisyon at iba pang maling pangangatuwiran, sa halip, dapat isaisip ang
layuning matumbok ang katotohanan.

b. Solidong Ebidensya.
Ang awtor ay kailangan ding magbanggit ng iba't ibang uri ng ebidensyang sumusuporta sa
kanyang posisyon. Ilan sa mga ito ay ang anekdota, awtoridad at estadistika. Ang enekdota ay
ginagamit upang palakasin at ilarawan ang isang argumento. Ang mga testimonya naman ng
mga awtoridad na maalam sa isyu ay nagbibigay- kredebilidad sa arugmento. Samantala, ang
estadistika naman ay kailangang mailahad kasama ang pinaghanguan ng impormasyon. Ang
mga matalinong mambabasa ay karaniwang iskeptikal sa estadistikang walang atribusyon ng
hanguan.

c. Kontra-argumento.

Kailangan ding isaalang-alang ng awtor ang mga salungatang pananaw na maaaring kanyang
iakomodeyt o pabulaanan. Sa pag-aakomodeyt ng argumento, tinatanggap ng awtor ang baliditi
niyon at kinakwallpay niya ang kanyang sariling pananaw bilang pagsasaalang-alang, Sa
pagpapabulaan, sinisikap ng awtor na ipakita kung paano naging mali ang isang argumento.

4. Angkop na Tono.

Isang hamon para sa mga manunulat ng posisyong papel ang pagpili ng tono sa pagsulat na
nagpapahayag nang sapat ng kanilang mga damdamin at nang hindi nagsasara ng
komunikasyon. Isang ideyal kasi na makakuha ng tiwala at respeto ng mga mambabasa sa
pamamagitan ng katuwiran at ng wikang gamit sa pagsulat. Dahil dito, may ilang manunulat na
gumagamit ng impormal at kolokyal na tono sa pagtatangka nilang makipagdaupan sa kanilang
mga mambabasa. Halimbawa, maingat na ginamit ni Martin Luther King ang palakaibigan at
risonableng tono bago ilahad ang kanyang argumento. May pagkakataon namang kailangang
gumamit ng seryosong tono upang hindi ipalagay ng mambabasa na hindi sineseryoso ng
manunulat ang isyu. Ang isang mabigat na isyu ay maaaring kailangan namang gamitan ng
matapang na tono. Ano't ano man ang pipiliing tono sa pagsulat, kailangang batay ito sa
maingat na pagsasaalang sa bigat ng isyu, sa mga target na mambabasa, sa layunin ng
manunulat at iba pang salik, upang maging angkop ang tono sa isang ispesipikong posisyong
papel.

C. ANG PAGSULAT NG POSISYONG PAPEL

Para sa pagsulat ng mahusay na posisyong papel, iminungkahi sa http://


homeworktips.about.com ang sumusunod na hakbang:

1. Pumili ng paksa.

Ang posisyong papel ay iinog sa iyong personal na paniniwala na sinusuportahan ng


pananaliksik. Kung gayon, ang pagsulat nito ay isang oportunidad na gamitin ang iyong
matitibay na damdamin. Kaya, pumili ng paksang malapit sa iyo, nang maisapuso mo ang
pagsulat nito. Madalas, ang wastong pagpili ng paksa ay humahantong sa higit na mabuting
resulta.
2. Magsagawa ng panimulang pananaliksik.

Kailangan ng panimulang pananaliksik upang malaman kung may mga ebidensyang


sumusuporta sa İyong posisyon. Hindi mo gugustuhing madikit sa isang posisyong guguho
kapag inatake.

3. Hamunin ang iyong sariling paksa.

Napakahalagang hakbang ito. Kailangang alam mo hindi lamang ang iyong sariling posisyon,
kundi maging ang sa salungat sa iyo. Kailangang alam mo ang mga posibleng hamong iyong
kakaharapin. Kailangan kasing makontra mo sa iyong posisyong papel ang salungat na
argumento sa pamamagitan ng iyong mga kontra-argumento.

4. Ipagpatuloy ang pangongolekta ng mga sumusuportang ebidensya.

Kapag natukoy mo na ang iyong posisyong masusuportahan at ang kahinaan ng kabilang panig,
handa ka nang ipagpatuloy ang iyong pananaliksik. Sikaping makakolekta ng iba't ibang suporta
tulad ng opinyon ng mga eksperto at mga personal na karanasan. Ang pagsangguni sa mga
kaugnay na aklat at babasahin, maging sa mga site na may mabuting reputasyon at
pakikipanayam sa mga awtoridad ay makatutulong nang lubos.

5. Gumawa ng balangkas.

Ang posisyong papel ay maaaring ayusin ayon sa kasunod na pormat:

a. Ipakilala ang iyong paksa sa pamamagitan ng kaunting kaligirang impormasyon.


Gawin ito hanggang sa iyong tesis na pahayag na naggigiit sa iyong posisyon.

b. Maglista ng ilang posibleng pagtutol sa iyong posisyon.

c. Kilalanin at suportahan ang ilang salungat na argumento (kung mayroong dapat


na iakomodeyt sa iyong posisyon).

d. Ipaliwanag kung bakit ang iyong posisyon ang siya pa ring pinakamainam sa
kabila ng lakas ng mga kontra-argumento.

e. Lagumin ang iyong argumento at ilahad muli ang iyong posisyon.

6. Isulat na ang iyong Posisyong Papel.

Sa pagsulat ng posisyong papel, kailangang maipamalas ang tiwala sa sarili (confidence). Sa


sulating ito, kailangang maipahayag ang iyong opinyon nang may awtoridad. Tandaang ang
layunin mo ay maipakitang ang iyong posisyon ang tama. Maging mapaggiit (assertive), ngunit
huwag magtonong-mayabang (cocky). Ilahad ang iyong mga pinupunto at suportahan ang mga
iyon ng mga ebidensya.

Group 5 – Bionotes

Marahil, minsan ka nang naimbitahan upang maging tagapagsalita sa isang pagtitipon o 'di
naman kaya ay naatasan ka nang magbigay ng kritik o reaksyon sa isang tagapagsalita. Sa mga
pagkakataong ito, ipinakilala ka sa mga tagapanood o tagapakinig upang magkaroon sila ng
kamalayan sa iyong pagkatao.

May mga pagkakataon ding hinihingian ka ng pagpapakilala sa iyong sarili dahil sa kahingian ng
sitwasyon. Kabilang sa mga sitwasyong nangangailangan nito ay kung nagnanais na maging
myembro ng mga online network tulad na lamang ng LinkedIn at iba pa. Maging sa iba't ibang
mga social media ay naglalagay tayo ng mga byline o tagline na nagpapakilala sa ating mga
sarili. Ang pagpapakilalang ito ay tinatawag na biographical note, o mas kilala bilang
bionote.

A. KAHULUGAN AT HALAGA NG BIONOTE

Ang bionote ay isang sulating nagbibigay ng mga impormasyon ukol sa isang


indibidwal upang maipakilala siya sa mga tagapakinig o mambabasa. Binibigyang- diin
ng bionote ang mga bagay-bagay tulad ng edukasyon, mga parangal o nakamit, mga
paniniwala at mga katulad na impormasyon ukol sa ipinakikilalang indibidwal hindi lamang
upang ipabatid ito sa mga mambabasa o tagapakinig, kundi upang pataasin din ang kanyang
kredibilidad. Dahil dito, napakahalagang maisulat nang mabuti ang isang bionote. Dapat ding
tandaan na maituturing na volatile ang sulating ito sapagkat, maaari itong magbago nang
mabilis dahil sa mga naidaragdag na impormasyon sa isang indibidwal.

Marahil, sa karanasan mo bilang estudyante ay wala pa o madalang ang pagkakataong


hihingian ka ng isang bionote, subalit dapat mong malaman na sa darating na panahon kung
kailan ikaw ay isang propesyonal na, darami ang mga pagkakataong kakailanganin mong
iprepara ang iyong sariling bionote, o kaya naman ay maatasan kang isulat ang bionote ng
isang indibidwal. Dahil dito, isang mahalagang kakayahan na magkaroon ng kaalaman sa
epektibong pagsulat nito. Sa katunayan, maraming mga rason kung bakit kailangan ang isang
bionote.

Sa pagtalakay ng http//www.theundercoverrecruiter.com sa mga dahilang inilahad ni Levy


(2015), kabilang sa mapaggagamitan nito ang sumusunod:

1. aplikasyon sa trabaho;

2. paglilimbag ng mga artikulo aklat, o blog;


3. pagsasalita sa mga pagtitipon; at

4. pagpapalawak ng network propesyonal.

Kapag ang isang indibidwal ay naghahanap ng trabaho, maging sa kanyang liham aplikasyon ay
may bahaging ipinakikilala niya ang kanyang sarili. Kung tutuusin, ito ay isang anyo ng bionote.
Ginagawa niya ito upang makapukaw-pansin at mabigyang- diin ang kanyang kwalipikasyon sa
trabahong inaaplayan. Tulad ng pagbebenta ng isang produkto, kapag hindi mahusay ang
pagkakasulat ng liham na ito, para na rin itong isang adbertisment na walang kadating-dating.
May mga pagkakataon ding maliban sa liham aplikasyon, hinihingian ng mga kompanya ang
mga napupusuang aplikante ng isang komprehensibong bionote upang mas makilala at mataya
ang kanilang kakayahan.

Samantala, rekwayrment naman ang isang bionote kapag ililimbag ang artikulo, aklat, blog o
iba pang sinulat ng isang indibidwal. Ang pablisher ay humihingi ng personal na bionote mula
sa may-akda ng sulatin. Kung ikaw ang may-akda ng sulating ililimbag, maaari mong ipasulat
ang iyong bionote o ikaw mismo ang gumawa nito. Ang kalamangan lamang ng pagsulat ng
sariling bionote, kung mayroon ka namang kakayahang gawin ito, ay ikaw mismo ang lubos na
nakakikilala sa iyong sarili. Kadalasan, kasama talaga sa paglilimbag ang bionote ng mga may-
akda upang mas maipakilala sila sa mga tagabasa. Dahil malawak ang nararating ng mga
limbag na sulatin, mahalagang mahusay ang pagkakasulat ng bionote ng may akda nito,
sapagkat isa rin itong promosyon para sa kanyang propesyon.

Gayon din, hinihingian ang isang tagapagsalita o panauhin sa isang pagtitipon ng kanyang
bionote. Minsan, hinihihingi lamang ang curriculum vitae o resume ng panauhin at mula rito ay
isinusulat ang bionote na babasahin para siya ay ipakilala, ngunit may mga pagkakataong
mismong bionote ang hinihingi mula sa tagapagsalita o panauhin. Ginagawa ito upang
maipakilala siya ayon sa nais niyang pamamaraan ng pagpapakilala. Dahil dito, maging ikaw
man ang panauhin, tagapagsalita, o ang tagapag-organisa, mahalagang may kaalaman ka sa
pagsulat ng isang bionote.

Panghuli, magagamit ito sa pagpapalawak ng network-propesyonal. Kapag ikaw ay humihiling


ng membership o subskripsyon sa isang organisasyon o network, lalo na't bionote. Tulad nang
nabanggit sa unahan, Linked in ang bionote na Linkedin ay may kahingiang sulatin mo ang
iyong bionote bilang pagpapakilala sa iyong sarili. Mahalaga ito upang magkaroon ng akmang
network sa mga taong kabilang sa iyong propesyon, o sa mga taong may katulad na linya o
interes ng sa iyo. Naipapakita rin ng iyong personal na bionote ang iyong kakayahan at
personalidad, kung kaya't nagiging repleksyon ito ng iyong pagkatao. Dahil dito, dapat
matutunan ang maayos na preparasyon ng sulating ito.
B. MGA DAPAT TANDAAN SA PAGSULAT NG BIONOTE

Ilan sa mahahalagang bagay na dapat tandaan sa pagsulat ng bionote ang iminungkahi sa


artikulong Guidelines in Writing Biographical Notes (sa http://www. Aadwaczom.bel. Ito ay
kinabibilangan ng sumusunod:

1. Balangkas sa pagsulat.

Bago ka pa man sumulat ng bionote, kailangang maging malinaw sa iyo ang balangkas na iyong
susundin. Tinutukoy ng pagbubuo ng balangkas ang prayoritisasyon ng mga impormasyong
isasama sa bionote. Bagamat mahalaga ang lahat ng detalyeng iyong isasama, maging
estratehiko sa paglalagay sa mga impormasyong ito. Itanong sa sarili: Ano ang aking uunahin o
ihuhuli? Alin sa mga impormasyon ang kailangang bigyan ng higit na elaborasyon?
Makatutulong ang mga tanong na ito, upang maging mahusay ang daloy at maging higit na
komunikatibo ang iyong bionote.

2. Haba ng bionote.

Kadalasang maikli lamang ang bionote. Binubuo lamang ito ng isa hanggang tatlong talata,
subalit depende sa pangangailangan, nagbabago ang haba ng isang bionote.

Ayon kay Brogan (2014), isang kilalang social media guru, may tatlong uri ng bionote ayon sa
haba nito:

 micro-Bionote,
 maikling bionote, at
 mahabang bionote.

Ipinaliwanag ni Brogan (2014) na isang magandang halimbawa ng micro-bionote ang isang


impormatibong pangungusap na inuumpisahan sa pangalan, sinusundan ng iyong ginagawa, at
tinatapos sa mga detalye kung paano makokontak ang paksa ng Bionote. Karaniwang makikita
ito sa mga social media bionote o business card bionote. Ang maikling bionote sa kabilang
banda ay binubuo ng isa hanggang tatlong talatang paglalahad ng mga impormasyon ukol sa
taong ipinakikilala. Isang halimbawa nito ang bionote ng may-akda sa isang aklat. Karaniwan
din ang ganitong uri sa mga journal at iba pang babasahin. Samantala, ordinaryo ang isang
mahabang bionote sa pagpapakilala sa isang natatanging panauhin. Ito ay dahil may sapat na
oras para sa pagbasa nito o espasyo para ito ay isulat. Mahalagang maghanda, kung gayon, ng
iba't ibang haba ng sariling bionote upang mayroong nakahandang kopya na magagamit sa ano
mang pagkakataon.

3. Kaangkupan ng nilalaman.
Dapat mong malaman na hindi lahat ng mga natamo at mahahalagang impormasyon tulad ng
propesyonal na trabaho o edukasyon ay kailangan mong isama sa bionote. Ang bionote ay
isinusulat para sa isang tiyak na tagapakinig o mambabasa sa isang tiyak na pagkakataon. Dahil
dito, mahalagang isiping mabuti ang mga impormasyong kailangang isama sa iyong bionote.

Unang dapat bigyang-pansin ang pag-alam sa konteksto ng okasyon o sitwasyon. Kung alam
mo kung para saan ang pagsulat ng bionote, magiging konsidersyon mo ito sa pagpili ng mga
impormasyon o detalyeng isasama rito. Halimbawa, kung ang Bionote ay gagamitin sa
pagpapakilala sa tagapagsalita ukol sa tungkulin ng kabataan sa globalisadong komunidad,
mahalaga sigurong bigyang-pansin ang listahan ng mga imbitasyon sa ipapakilala na may
katulad na tema, ang kanyang mga adbokasiya, mga asosasyong kinabibilangan na
nakatutulong sa mga kabataan, mga aktuwal na serbisyong kinabilangan bilang kabataan,
ataan, at iba pa.

Ang mga iba pang impormasyong walang kinalaman sa okasyon ay hindi na kailangan pang
isama. Ibig sabihin, isama lamang ang mga detalyeng may direktang kinalaman sa okasyon at
sekondarya na lamang ang iba pang walang direktang kaugnayan dito.

Alamin din kung sino ang makikinig o magbabasa ng bionote. Sa pamamagitan nito,
maibabagay mo ang mga impormasyon at mga salitang gagamitin sa bionote. Sa larangan ng
audience psychology, kailangang naaayon ang mga salitang gagamitin sa propayl ng iyong
audience. Kung kilala mo sila, maibabagay mo ang nilalaman at mga salitang gagamitin mo
upang mapukaw ang kanilang interes at makuha ang kanilang pagtitiwala.

4. Antas ng pormalidad ng sulatin.

Tumutukoy ang antas ng pormalidad sa antas ng mga salitang gagamitin sa bionote.


Nakadepende ang pormalidad/ impormalidad ng wikang gagamitin sa bionote sa mismong
audience at sa klima ng mismong okasyon na paggagamitan nito. Mahalagang isaalang- alang
ang pormalidad/impormalidad ng sulatin sapagkat kahit gaano ito kahusay, kung hindi
naikonsidera ang lebel ng sensibilidad ng mga tagapakinig o mambabasa, hindi ito magiging
epektibo sa paghahatid ng mga impormasyong ukol sa ipinakikilala.

5. Larawan.

Kung kailangan ng larawan para sa bionote, tiyaking malinaw ang pagkakakuha ng larawan at
hanggat maaari ay propesyonal at pormal ang dating ng paksa ng bionote sa larawan.
Iminumungkahing maglagay ng larawang kuha ng isang propesyonal na potograpo.

C. MGA HAKBANG SA PAGSULAT NG BIONOTE


Paano mo nga ba dapat isulat ang bionote?
Sa pagtalakay ni Brogan (2014), nabanggit nang isang social media guru, at ni Hummel (2014),
isa namang nobelista, inilahad ang iba't ibang hakbang sa pagsulat ng bionote. Bagamat hindi
naman permanente ang mga hakbang na ito, makatutulong ito sa mga estudyante at
manunulat na bago pa lamang sa larangan ng pagsulat ng bionote.

Narito ang mga ipinanukalang hakbang ng dalawang eksperto para sa pagsulat ng bionote
(Brogan, 2014; Hummel, 2014):

1. Tiyakin ang layunin.

Tulad nang nabanggit na sa unang pagtalakay, mahalagang malinaw sa iyo ang layunin kung
bakit kailangang isulat ang bionote. Gagabayan ka ng iyong layunin kung anong mga
impormasyon ang mahalagang isama at mula rito'y matutukoy mo rin ang magandang paraan
upang ilahad ang mga ito. Kapag tiyak ang layunin, matutumbok mo ang mga detalyeng
nararapat na mabasa o marinig ng mga tao at dahil dito mas mapabubuti mo ang kanilang
pagkilala sa paksa ng bionote at mapatataas din nito ang kanyang kredibilidad bilang isang
propesyonal o indibidwal.

2. Pagdesisyonan ang haba ng susulating bionote.

Maykro, maikli o mahaba ba ang isusulat na bionote? Nakadepende rin sa layunin ang magiging
haba ng bionote. Kung tiyak na ang iyong layunin, matutukoy mo na rin ang dapat na haba ng
iyong bionote. Mahalaga rin ang pagdedesisyon sa haba ng bionote sapagkat kadalasan ay may
kahingian ang mga organisasyong humihingi nito. Halimbawa, kung ito ay gagamitin sa isang
journal, kadalasang itinatadhana na ng editor nito ang bilang ng salitang gagamitin sa pagsulat
ng bionote. Dahil ito sa limitadong espasyo na mailalaan sa sulating ito. Kung ito naman ay sa
online gaya ng facebook at twitter, kadalasang limitadong bilang lang din ng karakter ang
magagamit. Kung gayon, kailangang matiyak mula sa gagamit ng bionote kung ano ang
kahingiang haba nito.

3. Gamitin ang ikatlong panauhang perspektib.

Ang paggamit ng ikatlong panauhang perspektib o third person perspective ay makatutulong


upang ipakilala nang obhetibo ang paksa ng bionote. Kahit pa nga personal mong bionote ang
iyong isinusulat, iminumungkahing gamitin ang perspektibong ito dahil nanunyutralays nito ang
tila pagbubuhat ng sariling bangko dahil inilalahad sa bionote ang mga pinakamahahaagang
tagumpay na natamo. Sa social media naman, ginagamit ang unang panauhan o first person
dahil personal na account ang mga ito at inaasahang ikaw ang nagpapakilala sa iyong sarili at
hindi ang ibang tao.

4. Simulan sa pangalan.
Bagamat kadalasang binabanggit sa dulo ang pangalan kapag binabasa lamang ang bionote,
kung nasa pasulat na anyo, iminumungkahing ang pangalan ang unang makikita. May
mahalagang dahilan kung bakit ginagawa ito. Una mayroon na agad katauhan ang ipinakikilala
at ikalawa ay unang mairerehistro sa kamalayan ng mga tao ang pangalan ng ipinakikilala.
Mahalaga ito dahil ang pangalan ang pinakaimportanteng matandaan ng mga tao bilang isang
propesyonal at sinusundan naman ng mga ginawa at natamo ng paksa.

5. Ilahad ang propesyong kinabibilangan.

Kung ang pagpapakilala ay sa isang komunidad ng mga inhinyero, mahalagang banggitin na


ang ipinakikilala ay kabilang din sa naturang komunidad; o kung hindi man, kabilang sa isang
larangan na may kaugnayan sa kanila. Halimbawa, kung ikaw ay sumusulat ng aklat sa
arkitektura, mahalagang mabanggit mo na ikaw ay isang arkitekto. Napatataas nito ang iyong
kredibilidad kaya ka nagsusulat ng naturang aklat sa disiplina. Kung ikaw naman ay
tagapagsalita, halimbawa sa total quality management, importanteng mabanggit na kabilang ka
sa larangang may kinalaman dito. Sa pamamagitan nito, mas maitataas mo ang antas ng
pagtitiwala sa iyo ng mga tao.

6. Isa-isahin ang mahahalagang tagumpay.

Tanging ang mga nakamit at nagawa lamang na may kinalaman sa audience ang kailangang
isama sa iyong bionote. Kung sumusulat ka ng aklat sa computer science, huwag nang isama
pa ang mga bagay na walang direktang kinalaman dito. Halimbawa, dahil ikaw ay isang
advocate ng anti-graft and corruption practices at naparangalan ka dito, hindi ito mahalagang
detalye ng iyong bionote sa likod ng aklat. Ibig sabihin, pipiliin mo lamang ang mga
impormasyong ibibilang na maaaring makapagpataas ng antas ng pagkilala sa iyo bilang awtor
ng aklat sa computer science. Hindi naman nangangahulugang walang halaga ang gawad na
iyong natamo, subalit hindi ito esensyal sa pagkakataon. Dahil nga madalas limitado ang
espasyo sa pagsulat ng bionote, krusyal ang pagdedesisyon sa mga impormasyong ilalagay
dito.

7. Idagdag ang ilang di-inaasahang detalye.

Kung mayroong mga delatye ukol sa paksa ng bionote na wala pa sa kamalayan ng iyong target
audience o reader, idagdag ito sa bionote. Mahalaga na may element of surprise ang
pagpapakilala sa iyo. Bagamat magandang teknik ito upang mapukaw ang interes nila, tiyakin
na maiuugnay ito sa okasyon o pangangailangan ng pagpapakilala sa iyo. Halimbawa. kapag
ang bionote ay sa isang guro ng values education hindi lamang ang kanyang edukasyon at
gawad sa pagtuturo ang mahalaga. Kapag mayroon siyang mga serbisyong pangkomunidad
kahit hindi ukol sa literasi ay maaaring niyang isama sa bionote sapagkat ang aktuwal na
pagtulong ay isang uri ng pagtuturo ng pagpapahalaga o values.
8. Isama ang contact information.

Upang mapalawak ang network sa propesyon at upang makonsulta ang paksa ng bionote ukol
sa ekspertis na larangan, makabubuting isama ang mga impormasyong kung paano posibleng
makipag-ugnayan sa kanya ang mga tao. Kabilang dito ang iyong e-mail, social media account,
at numero ng telepono sa trabaho o personal na numero. Sa ganitong paraan, napadadali nito
ang ugnayan niya sa ibang tao. (Hindi na ito iminumungkahi ng mga may-akda ng aklat na ito.)

9. Basahin at isulat muli ang bionote.

Kapag tapos nang isulat ang bionote basahin mo ito nang malakas. Sa pagbasa mo nito,
makikita mo ang mga dapat pang ayusin, tanggalin man o dagdagan. Masusuri mo rin kung
epektibo ang paglalahad nito. Mula sa iyong personal na mga puna, muli itong isulat.

Pansinin ang kasunod na halimbawa ng micro-bionote.

Jose P. Rizal: nobelista, makata, sundalo ng kasarindan, manggagamot, dalubhasa sa agham,


lingguwista, isang tunay na bayaning Pilipino.

Pansinin ang isang halimbawang maikling bionote. Ang bionote na ito ay isinulat para sa
pabalat ng aklat na may pamagat na Computer Programming in a Changing World.

Si Mark Lyndon Guiang ay isang batikang programmer na nakapagtrabaho para sa Microsoft


Corporation. Bilang isang praktisyoner, naging systems administrator siya at chief database
officer ng Microsoft Phils. Awtor siya ng mga aklat na "Data Structure and Algorithm" (2015) at
"Automata and Complexity Theory (2013) mula sa Prentice Publications, Inc.
Suki rin siyang tagapagsalita sa mga nasyonal na kumbensyon at pagtitipon na may kinalaman
sa information technology at theoretical computer science. Sa kasalukuyan, konsultant siya ng
Oracle Philippiness at kasalukuyan din niyang tinatapos ang kanyang digring doktorado sa
computer science sa Unibersidad ng Pilipinas.

Mapapansin sa maikling bionote na ito na sinimulan ang paglalahad sa pangalan ng awtor.


Inunang ilahad ang kinabibilangang propesyon sapagkat nababalida nito ang kanyang
kakayahan sa larangang kinabibilangan. Binanggit din ang mga naging posisyon niya dahil
napatutunayan nitong mahusay siya sa kanyang gawain bilang technologist. Samantala, dahil
pabalat ito ng aklat, mahalagang banggitin na nakapagsulat na siya ng mga aklat na kaugnay
din ng disiplina ng agham kompyuter. Idinagdag din ang kanyang mga imbitasyon sa mga
kumperensiya at kumbensyon bilang tagapagsalita sapagkat napatataas nito ang kanyang
kredibilidad bilang propesyonal. Ang pagbanggit ng pagiging konsultant niya ay mahalaga dahil
inaasahang eksperto ka sa larangan kung isa kang konsultant. Maliban dito, ang Oracle ay isa
sa pinakamalaking kompanya ng IT sa buong mundo. Mas lalong napakinang ang galing ng
awtor sa paghahayag na siya'y nalalapit nang magtapos ng digring doktoral sa agham
kompyuter sa Unibersidad ng Pilipinas.

Masasabi, kung gayon, na ang halimbawang bionote na ito, bagaman maikli lamang ay
nakapaghaylayt naman ng mga pinakamahahalagang impormasyong kailangan para ipakilala
ang personalidad bilang awtor ng aklat sa disiplinang kompyuter.

Pansinin din ang isang halimbawa ng mahabang bionote. Ito ay matatagpuan sa likod na
pabalat ng antolohiya ng mga piling kwento at tula na pinamagatang Taguan: Dalawang
Dekada ng Pagsusulat at Pagkamulat (1986-2006) na nalathala noong taong 2006. Mapapansin
dito ang higit na ekstensibong pagpapakilala sa paksa ng bionote.

You might also like