You are on page 1of 14

LARAWANG SANAYSAY

(PICTORIAL ESSAY)
LARAWANG SANAYSAY O PICTORIAL ESSAY
 isang koleksiyon o limbag na mga imahe o larawang
inilalagay sa isang partikular na pagkakasunod-sunod
upang ipahayag ang mga pangyayari, mga damdamin,
at mga konsepto sa pinakapayak na paraan.

 uri ng sulatin kung saan ginagamit ng may akda


ang mga litrato na nagbibigay kulay o kahulugan ng
mga teksto, sa mga paglalahad o pagbibigay
diskusyon sa isang usapin o isyu.
LAYUNIN NG LARAWANG SANAYSAY
 ang layunin ng larawang sanaysay ay pukawin ang
atensyon ng mga tao at magkaroon ng interes sa
pagbabasa. Nakadadagdag atensyon ang isang
larawan at maipapaliwanag nang maayos dahil may
larawan na kaakibat ito.

 magbigay ng kasiyahan o aliw sa taong


gumagawa ng salaysay, magbigay ng mahalagang
impormasyon, at malinang ang pagiging malikhain.
KATANGIAN NG LARAWANG SANAYSAY
 Ang mga nakatalang sulat o katitikan sa bawat larawan ay suporta
lamang sa mga larawan kaya’t hindi ito kinakailangang napakahaba o
napakaikli. Kailangang makatutulong sa pag-unawa at makapukaw sa
interes ng magbabasa o titingin sa mga katitikang isusulat dito.
May isang paksang nais bigyang diin sa mga larawan kaya’t hindi
maaaring maglagay ng mga larawang may ibang kaisipan o lihis sa
paksang nais bigyang diin. Kailangang maipakita sa kabuuan ang
layunin ng pagsulat o paggawa ng larawang sanaysay.
Ang mahalagang katangian ng larawang sanaysay ay ang mismong
paggamit ng larawan sa pagsasalaysay.
Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng
Larawang Sanaysay
1. Pumili ng paksa ayon sa iyong interes.
2.Magsagawa ng pananaliksik sa iyong paksang gagawin.
3.Isaalang-alang ang kawilihan at uri ng iyong mambabasa.
4.Tandaan na ang isang istoryang nakatuon sa mga
pagpapahalaga o emosyon ay madaling nakapupukaw sa
damdamin ng mambabasa.
5. Kung nahihirapan ka sa pagsusunod-sunod ng pangyayari gamit ang
larawan, mabuting sumulat ka muna ng kwento at ibatay rito ang mga
larawan.
6. Planuhing mabuti ang gagawing sanaysay gamit ang larawan. Tandaan
na higit na dapat mangibabaw ang larawan kaysa sa mga salita.
7. Palaging tandaan na ang larawang sanaysay ay nagpapahayag ng
kronolohikal na salaysay, isang ideya, at isang panig ng isyu.
8. Siguraduhing ang kaisahan ng mga larawan ayon sa framing,
komposisyon, kulay, at pag-iilaw. Kung minsan, mas matingkad ang kulay
at matindi ang contrast ng ilang larawan kumpara sa iba dahil sa pagbabago
ng damdamin na isinasaad nito.
Mga Hakbang sa Pagsulat ng Larawang
Sanaysay
1.Pumili ng isang paksa at mga larawang may kaugnayan nito.
2. Maghanap ng mga datos na susuporta sa iyong gagawing sanaysay.
3. Pagsunod-sunurin ang mga larawan na naaayon sa tema.
4. Lagyan ng pagkakawing ang bawat larawan na kinapapalooban ng iyong damdamin
na maaaring makapukaw sa interes ng mga mambabasa.
5. Simulan ang iyong sanaysay sa pahapyaw na paglalarawan sa bawat imahe at
lapatan ito ng iyong kuro o saloobin.
6. Makakatulong sa iyo ang paggamit ng mga transitional devices upang magkaroon ng
kohirens ang iyong pagsulat.
7. Maglapat ng isang hamon o kongklusyon sa hulihang bahagi ng iyong sanaysay.
Halimbawa ng Larawang-Sanaysay:
Tunghayan, Basahin at Unawain ang Halimbawa
“ANG MGA MAG-AARAL NG UST SENIOR HIGH SCHOOL (UST-SHS) SA LOOB AT LABAS NG BGPOP”

ni: Trisha Capulong

Kasabay ng maligayang pagsalubong sa mga bagong mag-aaral noong Thomasian Welcome


Walk ay ang pagtanggap nila sa lahat ng mga responsibilidad na kanilang haharapin bilang isang
mahabagin, maaasahan, at tapat na Tomasino.
-

Hindi nagtagal matapos ang pagpasok ng mga mag-aaral sa Arch of the Centuries,
nagsimula na ang pormal na klase. Tuloy-tuloy ang mga gawaing ibinibigay – PeTas,
pagsasanay, pananaliksik, atbp. – bilang paghahanda sa kolehiyo na tunay ngang nagbigay
ng pagsubok sa kanila
Dahil sa mga aktibidad na ipinapagawa, nagkakaroon ng
magandang pagsasama ang bawat klase na binubuo ng mga mag-aaral
na may iba’t ibang pinanggalingan, ugali, pananaw, at talento.
Hindi lamang sa silid-aralan natututo ang mga mag-aaral, mayroon ding mga
kaganapan sa labas ng kanilang mga kweba. Nagkaroon ng senior high school week
na pinaghandaan ng lahat kahit binigyan lamang ng kaunting oras. Dito nagkaroon ng
tagisan ng mga natatagong talento.
Nag-imbita rin ng mga propesyonal sa iba’t-ibang larangan
upang magbahagi ng kanilang kaalaman sa mga mag-aaral.
Bukod sa pagpapahusay sa mga katalinuhan ng Senior High School, tinuturuan din sila
kung paano magkaroon ng teamwork, kung paano makipagkaibigan, at magpakumbaba.
Kitang-kita ito sa pagdiriwang ng Senior High School ng kanilang Intramurals na
pinamagatang Synergy. Nagkaroon ng oportunidad ang mga Tomasino na ilabas ang
kanilang angking galing sa larangan ng pampalakasan.
 
Lahat ng mga katuturan sa silid-aralan, at lahat ng mga pangyayaring
nagaganap sa kanila sa labas ng kanilang gusali, o mas kilala na BGPOP, ay
ilan lamang sa mga humuhubog sa kanila upang maging handa sa labas ng
unibersidad. Mapapansing malayo man sa pagiging perpekto ang UST-SHS,
ginagawa nila ang kanilang makakaya upang bumuo ng Tomasinong hindi
lamang hasa ang utak, kundi malaki rin ang puso para sa iba.

You might also like