You are on page 1of 18

Yunit 9: Pagsulat ng Lakbay Sanaysay

Aralin 3: Mga Hakbang sa Pagsulat ng Lakbay


Sanaysay
Nilalaman
Pansinin 1
Panimula 1
Mga Layunin 2

Tuklasin 3

Alamin 5
Mga Hakbang sa Pagsulat ng Lakbay Sanaysay 5
Gabay sa Pagpili ng Paksa 8
Mga Dapat at Hindi Dapat Gawin sa Pagsulat ng Lakbay Sanaysay 9

Palawakin 11
Gawain 1 11
Gawain 2 12

Suriin 13

Paglalahat 16

Bibliograpiya 17
Yunit 9.3: Mga Hakbang sa Pagsulat ng Lakbay Sanaysay

Pansinin

Panimula

Lar. 1. Travel blogger, isang manunulat na pumupunta sa iba’t ibang lugar at may layuning
ibahagi ang kaniyang mga nalaman at naranasan sa pamamagitan ng pagsulat nito sa anyo
ng isang blog.

Ang pagsulat ng lakbay sanaysay ay kagaya ng ginagawa sa mga travel blog, travel show at
travel guide. Nagiging malaking tulong ang mga produkto nito sa mga taong mahilig
maglakbay. Kaya naman ang manunulat ng mga ganitong uring sulatin ay may malaking
tungkuling ginagampanan sapagkat nagsisilbing gabay ang kanilang isinusulat sa mga
mambabasang nagnanais na puntahan ang mga lugar na itinatampok sa kanilang mga
sanaysay. Kung susumahin, ang pagsulat ng lakbay sanaysay ay hindi magiging
matagumpay kung hindi nito naipakikita ang mga layuning nais matamo sa paglalakbay.
Upang makamit ito marapat na isakatuparan ng manunulat na manlalakbay ang mga
angkop na hakbang at mga dapat isaalang-alang sa pagsulat ng lakbay sanaysay.

1
Yunit 9.3: Mga Hakbang sa Pagsulat ng Lakbay Sanaysay

Mga Layunin
Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang
● natutukoy ang mga hakbang sa pagsulat ng lakbay sanaysay;
● nabibigyang-halaga ang pagsunod sa mga hakbang sa pagsulat ng lakbay sanaysay;
at
● nakasusulat ng borador o unang draft ng lakbay sanaysay tungkol sa sariling
paglalakbay.

Mga Kasanayang Pampagkatuto ng DepEd


● naisasagawa nang mataman ang mga hakbang sa pagsulat ng mga piniling
akademikong sulatin (CS_FA11/12PU-0d-f-92);
● nakasusunod sa estilo at teknikal na pangangailangan ng akademikong sulatin
(CS_FA11/12PU-0d-f-93);
● naisasaalang-alang ang etika sa binubuong akademikong sulatin
(CS_FA11/12EP-0p-r-40).

2
Yunit 9.3: Mga Hakbang sa Pagsulat ng Lakbay Sanaysay

Tuklasin

5 minuto

Basahin at suriin ang isang halimbawa ng lakbay sanaysay na nasa ibaba. Matapos itong
basahin, sagutin ang mga gabay na tanong sa ibaba.

Bohol

Hindi mawawala sa barkada, tropa, kaibigan o travel buddies ang pahirapan sa


pagpla-plano nang isang lakad. Yung all set na at hinihintay na lang ang kinabukasan o
ang araw ng pag-alis tapos biglang may magba-back-out dahil sa anumang kadahilanan.
Sa kabilang banda, ibang kaligayahan naman ang madarama kapag natuloy ang
matagal-tagal ninyong pinagplanuhang lakad.

Nadaanan namin ang isa sa mga lugar na hinihintuan ng mga motorista at turista dahil
sa kakaibang ganda nito, ito ay ang Bilar Man-Made Forest (Bohol Man-Made Forest). Ito
ay may haba na umaabot sa two (2) km sa pagitan ng Loboc at Bilar na puro Mahogany
Trees ang nakatanim. Although, bago ka man makarating sa man-made forest ay may
nag-e-exist na talagang natural forest sa nasabing lugar

Saglit lang ang naging pagbisita namin dito, tumawid lang kami sa tulay at bumili ng
peanut kisses (One of the Best Bohol Treats). Hindi kumpleto ang Bohol Adventure kung
hindi mo masisilayan ang Famous Chocolate Hills ng Bohol na matatagpuan sa bayan ng
Carmen, Batuan at Sagbayan. May mahigit 1,260 hills o mga burol ang masisilayan.
Tuwing panahon ng tag-init ang mga burol na ito ay nagkukulay brown kaya naman ito
pinangalanang Chocolate Hills at tuwing tag-ulan naman ito ay nababalutan ng mga
damo.

3
Yunit 9.3: Mga Hakbang sa Pagsulat ng Lakbay Sanaysay

At syempre nakilala ang Panglao Island dahil sa white sand beaches nito katulad ng
Boracay Island. Hindi katulad ng Boracay na sobrang crowded lalo na kapag peak
season. Although, may mga resort na din dito at dinarayo na din ng mga turista ngunit
pansin ko lang mas tahimik dito kumpara sa Boracay. May nightlife din dito pero iba pa
din ang nightlife sa Boracay, party talaga dun eh.

Sulit ang naging bakasyon namin, madami akong natuklasan, natutunan at nakilala.
Worth it ang gastos at pagod. Akala ko hindi ganun kasaya ang magiging karanasan
namin dahil sa pinsalang tinamo ng Bohol sa matinding lindol at nasundan pa ng bagyo.
Akala ko wala kaming daratnan na ikakaligaya namin pero akala ko lang pala ang lahat.

Mga Gabay na Tanong


1. Ano ang lugar na pinuntahan ng manunulat? Paano niya ito inilarawan?

2. Ano ang dahilan kung bakit nasabi ng manunulat na babalikan niya ang lugar na
pinuntahan?

3. Ano-ano ang katangian ng lakbay sanaysay na napansin mo sa binasang travel blog?

4
Yunit 9.3: Mga Hakbang sa Pagsulat ng Lakbay Sanaysay

4. Sa iyong palagay, bakit mahalaga ang binasang travel blog?

Alamin

Walang pinipiling edad ang pagsulat ng lakbay sanaysay. Sa kasalukuyan, nauuso ang
pagsulat at pagpo-post ng mga travelogue o travel essay gamit ang social media.

Ngayong may kaalaman ka na kaugnay sa kahulugan at kahalagahan ng pagsulat ng lakbay


sanaysay, mahalagang alamin din ang mga hakbang sa pagsulat nito upang matiyak na
makakamit ang mga layunin ng pagsulat nito.

Alalahanin
Kinakailangang maging mahusay at malikhain sa pagsulat ng
lakbay sanaysay upang mailahad ito sa maikli ngunit makabuluhang
paraan.

Mga Hakbang sa Pagsulat ng Lakbay Sanaysay

1. Magsaliksik kaugnay sa lugar na pupuntahan. Bago ang paglalakbay, maaaring


magsaliksik at magbasa ng tungkol sa lugar na iyong pupuntahan upang magkaroon
ng paunang kaalaman sa kultura, tradisyon o paniniwala sa lugar na iyon.
Makatutulong din ito upang matukoy ang mga bagay na maaaring gawin, pagkaing
dapat malasahan, at iba pang maaaring maging katangi-tangi sa iyong paglalakbay.

5
Yunit 9.3: Mga Hakbang sa Pagsulat ng Lakbay Sanaysay

2. Alamin ang layunin ng paglalakbay at pagsulat. Mahalagang malaman ang


layunin ng iyong paglalakbay at ng isusulat na lakbay sanaysay sapagkat dito
nakasalalay ang estilong gagamitin sa pagsulat. Maaaring maging personal o
komersyal ang layunin. Personal kung ito ay ginagawa para sa sarili at komersyal
naman kung gagawin ito para sa isang tiyak na produkto o serbisyong ipakikilala sa
bubuoing lakbay sanaysay.

3. Magtala ng mahahalagang impormasyon habang naglalakbay. Siguraduhing may


dalang talaan gaya ng notbuk o journal kung saan maaaring itala ang mahahalagang
impormasyon kaugnay ng paglalakbay. Tandaan ang kaibahan ng isang turista sa
isang manunulat na naglalakbay. Ang manunulat na naglalakbay ay alerto sa mga
detalyeng maaaring maisulat sa lakbay sanaysay. Kung wala namang taglay na papel
at panulat, maaaring gumamit ng recorder o iba pang gadget. Makabubuti ring
mangolekta o kumuha ng mga brochure, mapa, at iba pang gabay na maaaring
maging sanggunian hindi lamang sa pagsulat ngunit maging sa aktuwal na
paglalakbay.

4. Kumuha ng mga larawan habang naglalakbay. Mahalaga ang pagkuha ng mga


larawan sa gagawing paglalakbay. Ang mga ito ay magsisilbing katibayan sa
kagandahan ng isang lugar. Makatutulong din ito upang ipakita ang naging
karanasan ng manlalakbay at ang mga kaalamang makukuha mula sa lugar gaya ng
kanilang kultura at tradisyon.

5. Suriin ang mga detalyeng nakuha mula sa paglalakbay. Matapos ang


paglalakbay, basahin at suriin ang mga tala ng detalye tungkol sa mga nangyari sa
isinagawang paglalakbay. Tiyaking tama ang mahahalagang impormasyon tungkol sa
lugar at sa mga taong nakilala roon lalo na ang kanilang kultura. Paghiwa-hiwalayin
at uriin ang mga detalye ayon sa petsa, kahalagahan, at iba pang pamantayan.
Gayundin, piliin ang mga larawang isasama sa bubuoing lakbay sanaysay.

6. Bumuo ng balangkas ng mga nakalap na impormasyon mula sa pananaliksik

6
Yunit 9.3: Mga Hakbang sa Pagsulat ng Lakbay Sanaysay

hanggang sa paglalakbay. Bago tuluyang isulat ang buong lakbay sanaysay,


gumawa muna ng balangkas. Pagsunud-sunurin ang mahahalagang pangyayari at
detalye mula sa naging karanasan upang mas madaling mabuo sa iyong isipan ang
magiging paglalahad nito sa isang sanaysay.

7. Isulat ang lakbay sanaysay. Matapos bumuo ng balangkas, simulan nang isulat ang
lakbay sanaysay. Gawin itong kawili-wili at puno ng totoong impormasyong nakalap
mula sa sariling pananaliksik at karanasan. Isaisip na dapat maiparanas ng bubuoing
lakbay sanaysay ang iyong naging karanasan sa mga babasa nito.

Tandaan
Gumamit ng unang panauhan at gamitin ang tono na tila isang
kaibigan sa pagsulat ng lakbay sanaysay upang magkaroon ng
kawilihan ang mga mambabasa sa pagbasa nito. Isulat lamang ang
mga totoong impormasyon tungkol sa lugar, kultura, at sistemang
politikal ng lugar na itinatampok sa lakbay sanaysay.

Bakit
mahalagang sundin ang mga hakbang sa pagsulat
ng lakbay sanaysay?

7
Yunit 9.3: Mga Hakbang sa Pagsulat ng Lakbay Sanaysay

Gabay sa Pagpili ng Paksa

Kadalasan, ang paksa at nilalaman ng lakbay sanaysay ay nakapokus lamang sa karanasan


ng manlalakbay kaya naman narito ang ilan pang dapat bigyang-pansin sa pagpili ng paksa
at ang nilalaman ng buong lakbay sanaysay.

● kultura, tradisyon o paniniwala


● mga sikat na pagkain sa lugar
● kasaysayan ng lugar
● paraan ng transportasyong papunta at ginagamit sa lugar
● iba pang paksang magbibigay ng kawilihan sa mambabasa

Lar. 2. Isang babae mula sa tribo ng Kayan o Padaung sa Thailand. Kilala sila sa kanilang
kakaibang kultura ng paglalagay ng gintong metal sa kanilang leeg.

8
Yunit 9.3: Mga Hakbang sa Pagsulat ng Lakbay Sanaysay

Mga Dapat at Hindi Dapat Gawin sa Pagsulat ng Lakbay Sanaysay


Dapat Gawin Hindi Dapat Gawin

1. Sa pagsulat ng lakbay sanaysay, 1. Huwag isama sa lakbay sanaysay ang


marapat na ibahagi ang mga mga kuhang larawan ng iyong sarili o
impormasyon tungkol sa mga selfie maliban na lamang kung
transportasyon papunta sa lugar may ipinapakita itong kakaiba
upang makatulong sa mga kaugnay ng lugar. Mas mainam na
mambabasa na nais ding pumunta kumuha ng mga larawan na
rito. Itala rin ang mga hotel na nagpapakita ng naging
maaaring tuluyan maging ang mga mahahalagang karanasan sa
nagastos sa naging paglalakbay. paglalakbay.

2. Kumuha ng mga impormasyon 2. Hindi na kailangang ilagay sa lakbay


tungkol sa lugar sa pamamagitan ng sanaysay ang mga impormasyong
pakikipag-usap o pakikipanayam sa pangkaraniwan na at naisulat na sa
mga lokal o mga taong taal na ibang travel guide. Huwag gumamit
naninirahan sa lugar. ng mga larawan na kinuha lamang sa
Internet.

3. Itala ang mahahalagang impormasyon 3. Huwag husgahan ang kultura ng


tungkol sa kasaysayan ng lugar na ibang lugar o lahi. Anuman ang
makatutulong upang maunawaan ang paniniwalang mayroon sila na
kultura ng mga taong naninirahan maaaring taliwas sa iyong
dito. kinagisnang kultura ay marapat na
iyong unawain at igalang.

4. Bago ilathala ang isinulat na lakbay 4. Huwag patagalin ang pagsulat ng


sanaysay, siguraduhing basahin itong lakbay sanaysay. Kinakailangang bago
muli upang matiyak na wasto ang sa iyong isipan ang mga alaala at
mga inilahad na impormasyon. karanasan upang mailahad nang
tama.

9
Yunit 9.3: Mga Hakbang sa Pagsulat ng Lakbay Sanaysay

Sa iyong palagay, bakit dapat na unawain at


bigyang respeto ang kultura ng ibang lahi o lugar?

Mga Tip
Upang makabuo o ng isang mahusay na lakbay sanaysay, iwasan ang
sumusunod na karaniwang pagkakamali sa pagsulat nito:
1. Paglalahad ng napakaraming impormasyon kaugnay sa
lugar. Mainam na makapaglahad ng mga totoong impormasyon
sa lakbay sanaysay subalit huwag kalimutang isaalang-alang din
ang kawilihan ng mga mambabasa. Tukuyin lamang ang
mahahalagang impormasyon at mag-iwan ng mga detalyeng
dapat tuklasin ng mga mambabasa sa kanilang paglalakbay.
2. Pangingibabaw ng pansariling damdamin at opinyon.
Mabuting isulat ang naramdaman tungkol sa naranasan, ngunit
iwasan din ang sobrang pangingibabaw ng damdamin. Isaisip na
kinakailangang maging balanse ang pagpapahayag sa paksa.
Kung tinukoy ang mga positibong bagay kaugnay sa lugar,
tukuyin din ang mga aspektong maaari pang paunlarin dito.
3. Hindi pagtatala ng mga impormasyon. Huwag magtiwala sa
kakayahang maaalala ang lahat na impormasyon mula sa iyong
karanasan. Mas mainam pa rin na isulat ang mahahalagang
impormasyon upang mailahad ito nang wasto sa lakbay
sanaysay.

10
Yunit 9.3: Mga Hakbang sa Pagsulat ng Lakbay Sanaysay

Palawakin

Gawain 1
Panoorin ang video na TAYTAY FALLS MAJAYJAY LAGUNA(crystal clear water)
https://www.youtube.com/watch?v=zA4JgeTzssY. Mula sa pinanood, ipagpalagay na ikaw
ang naging manlalakbay sa lugar na iyon. Itala sa kahon na nasa ibaba ang mahahalagang
impormasyon kaugnay sa lugar na itinampok.

11
Yunit 9.3: Mga Hakbang sa Pagsulat ng Lakbay Sanaysay

Gabay sa Pagsagot
Gamiting gabay ang mga tinalakay na hakbang sa pagsulat ng lakbay sanaysay
subalit gawin muna itong maikli at simple sapagkat ang ibabahagi ay tungkol
lamang sa napanood sa video.

Gawain 2
Pumili ng sikat na lugar malapit sa inyo o maaaring sa inyong lugar din mismo, puntahan ito
at bumuo ng balangkas ng mga bagay na maaaring talakayin kaugnay nito. Ang layunin ng
balangkas na iyong bubuoin ay maipakilala sa mga mambabasa ang inyong lugar o napiling
lugar.

12
Yunit 9.3: Mga Hakbang sa Pagsulat ng Lakbay Sanaysay

Gabay sa Pagsagot
Sundin ang mga bagay na dapat at hindi dapat gawin sa pagsulat ng lakbay
sanaysay na tinalakay dito sa aralin.

Suriin

A. Sagutin ang sumusunod na tanong:

1. Ano ang pinakaunang hakbang sa pagsulat ng lakbay sanaysay?

2. Bakit mahalagang magsaliksik muna tungkol sa lugar na pupuntahan bago pumunta


roon?

3. Paano masisigurong angkop ang mga detalyeng isusulat mo sa iyong lakbay


sanaysay?

13
Yunit 9.3: Mga Hakbang sa Pagsulat ng Lakbay Sanaysay

4. Bakit mahalagang kumuha ng mga larawan sa iyong paglalakbay?

5. Ano ang huling hakbang sa pagsulat ng lakbay sanaysay?

B. Basahing mabuti ang mga tanong at ipaliwanag ang iyong


mga sagot sa maikli ngunit makabuluhang paraan.

1. Sa iyong palagay, paano magiging matagumpay ang pagsulat ng isang lakbay sanaysay?

2. Bakit mahalagang bumuo ng balangkas bago sumulat ng isang lakbay sanaysay?

14
Yunit 9.3: Mga Hakbang sa Pagsulat ng Lakbay Sanaysay

3. Ano ang mga dapat bigyang pansin sa pagpili ng paksa at nilalaman ng isang lakbay
sanaysay bukod sa karanasan ng manlalakbay? Ipaliwanag kung bakit kailangan itong
bigyang pansin.

4. Sa iyong palagay, bakit kinakailangang maging wasto ang mga detalye o impormasyong
isusulat sa lakbay sanaysay?

5. Sa kabuoan, ano ang mga teknikal at estilong kinakailangan sa pagsulat ng


akademikong sulatin na ipinapakita sa pagsulat ng lakbay sanaysay?

15
Yunit 9.3: Mga Hakbang sa Pagsulat ng Lakbay Sanaysay

Paglalahat
___________________________________________________________________________________________

● Ang matagumpay na pagsulat ng lakbay sanaysay ay nakasalalay sa pagsunod sa mga


hakbang sa pagsulat nito.
● Ang mga hakbang sa pagsulat ng lakbay sanaysay ay ang sumusunod:

● Tandaan na sa pagpili ng iyong paksa hindi lamang dapat na nakatuon sa


karanasan ng manunulat.
● May mga dapat at hindi dapat gawin ang isang manunulat na naglalakbay. Isa sa
kinakailangang isaisip ng manunulat ay dapat niyang igalang o bigyang-respeto ang
kultura ng mga lugar na pinupuntahan upang hindi makapagbanggit ng mga salitang
maaaring makasakit sa damdamin ng mga tao sa lugar na iyon.
___________________________________________________________________________________________

16
Yunit 9.3: Mga Hakbang sa Pagsulat ng Lakbay Sanaysay

Bibliograpiya
Academic Help. “Writing a Travelogue.” Academichelp.net. Pebrero 4, 2013.
https://philnews.ph/2019/07/23/lakbay-sanaysay-kahulugan-layunin/
Nakuha noong Abril 18, 2020.

Wenceslao, Antoneth. “Bohol.” WordPress.com. https://places624.wordpress.com/bohol/


Nakuha noong Abril 18, 2020.

Rakitero, Nathan. “TAYTAY FALLS MAJAYJAY LAGUNA(crystal clear water).”


https://www.youtube.com/watch?v=zA4JgeTzssY.
Nakuha noong Mayo 8, 2020.

Marxsen, Patti M. “The Art of Travel Essay.” The Writer. Oktubre 16, 2018
https://www.writermag.com/improve-your-writing/nonfiction/the-art-of-the-travel-es
say/. Nakuha noong Abril 18, 2020.

17

You might also like