You are on page 1of 13

PHILIPPINE COLLEGE OF TECHNOLOGY

Garden Park Village, Bajada Davao City

HIGH SCHOOL DEPARTMENT

GAWAIN SA FILIPINO SA PILING LARANGAN

PANGALAN: PETSA:
ISKEDYUL: BAITANG:

INAASAHANG MATUTUHAN:
 Naisasagawa nang mataman ang mga hakbang sa pagsulat ng mga piniling
akademikong sulatin
 Natitiyak ang mga elemento ng paglalahad ng pinanood na episodyo ng isang
programang pampaglalakbay
 Nakasusulat ng organisado, malikhain, at kapani-paniwalang sulatin

MGA GAWAIN:
 LAKBAY-SANAYSAY – GUMAWA NG ISANG LAKBAY SANAYSAY NA
NAGSASAAD NG MGA NATUTUHAN AT MGA NAPAGTANTO SA BUHAY NA
MAY KINALAMAN SA NAPUNTAHANG LUGAR. SIKAPING SARIWAIN ANG
MGA ALA-ALANG IYON AT KOLEKTAHIN ANG MGA LARAWAN O MGA BAGAY
BILANG PATUNAY. ILAHAD ITO SA KRONOLOHIKAL NA PARAAN.

 PICTORIAL ESSAY – GUMAWA NG ISANG KUWENTO NA ANG PAKSA AY

NAKABATAY SA SARILING INTERES, GAWAN ITO NG ISANG PICTORIAL
ESSAY GAMIT ANG MGA LARAWAN NA MAKIKITA LAMANG SA IYONG
PALIGID.

MGA GABAY:
- Ang ibig sabihin ng Lakbay Sanaysay o Travel Essay sa wikang Ingles ay
sanaysay na ang pinanggagalingan ng mga ideya nito ay mula sa pinuntahang
lugar, hindi lamang ang lugar ang tinatampok dito pati na rin ang mga kultura,
tradisyon, pamumuhay, uri ng mga tao, damdamin ng isang taong nakaranas
pumunta sa partikular na lugar at lahat ng aspektong natuklasan ng isang
manlalakbay.
- Ang sanaysay ay isang maikling piraso ng pagsulat na kung minsan ay tinatawag
na isang kuwento. Ito ay karaniwang nakasulat mula sa personal na pananaw ng
may-akda at naglalarawan, tinatalakay at pinag-aaralan ang isang paksa.
- Nagtataglay ng mga pahayag tungkol sa karanasan sa paglalakbay ang lakbay-
sanaysay. Isinusulat ito upang ilahad sa mambabasa ang mga nakita at
natuklasan sa paglalakbay gamit ang pandama: paningin, pakiramdam, panlasa,
pang-amoy, at pandinig. Kadalasang pumapaksa sa magagandang tanawin,
tagpo, at iba pang mga karanasan sa paglalakbay ang lakbay-sanaysay.
Gayundin, maaari din itong magbigay ng impormasyon ukol sa mga karanasang
di kanais-nais o hindi nagustuhan ng manunulat sa kanyang paglalakbay.
May mga lugar ka na bang napuntahan na noon pa man ay hinangad mo nang
marating?
Magbigay ng isang natatanging lugar na iyo nang narating.
Ipaliwanag kung ano ang iyong natuklasan sa lugar na ito at paano ito nakaapekto sa
iyong sarili?

Pangalan ng Lugar:
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
___________

Ano-ano ang iyong natuklasan?

_________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________

Paano ito nakaapekto sa iyong sarili?

______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
_________________

It’s more fun in the Philippines. Ito ang islogang isinusulong ng ating bansa, sa
pangunguna ng Kagawaran ng Turismo, bilang pagmamalaki sa ating turismo. Ano nga
ba ang maipagmamalaki.
Ang bansang Pilipinas sa larangan ng turismo?
Kung karanasan sa kagandahan ng magagandang tanawin ang paksa sa
lakbaysanaysay, tiyak na patok na patok ang binanggit na pahayag. Tunay na
mayaman sa kasaysayan at karanasan ang ating bansa hindi lamang sa taglay na likas
na kagandahan kaya dito pa lamang ay marami ka nang maisusulat na paksa para sa
sulatin na lakbay-sanaysay.
Tungkol nga ba kanino o saan ang lakbay-sanaysay?
Ayon kay Patti Marxsen, sa kanyang artikulong “The art of the travel essay,” ang isang
mapanghikayat na lakbay-sanaysay ay dapat makapagdulot hindi lamang ng mga
impormasyon kundi ng matinding pagnanais na maglakbay. Maituturing na matagumpay
ang isang lakbay-sanaysay kung ito’y nakapagiiwan sa mambabasa ng sariwa at
malinaw na alaala ng isang lugar bagama’t hindi pa nila ito napupuntahan.
Ang lakbay-sanaysay ay maaaring pumaksa sa tao o mamamayan ng lugar.
Binibigyang-pansin dito ang gawi, katangian, ugali, o tradisyon ng mga mamamayan sa
isang partikular na komunidad.
Maaari ding maging paksa ng lakbay-sanaysay ang kasaysayan ng lugar at kakaibang
mga makikita rito. Binibigyang-halaga rito ang uri ng arkitektura, eskultura, kasaysayan,
anyo, at iba pa. Sa pagsulat, maaaring gamitin ang pagtatangi at paghahambing sa
mga lugar upang malinang ang wastong pagtitimbang-timbang ng mga ideya, mula sa
maganda o hindi kanais-nais, kapakipakinabang o walang kabuluhan, katanggap-
tanggap o hindi katanggap-tanggap, at kapuri-puri o hindi kapuri-puri.
Higit sa lahat, ito ay tungkol din sa sarili sapagkat ang karanasan ng tao ang
nagbibigay-kulay sa pagsulat ng lakbay-sanaysay. Binibigyang-halaga ang pagkilos sa
lugar na narating, natuklasan sa sarili at pagbabagong pangkatauhan na nagawa ng
nasabing lugar sa taong nagsasalaysay na maaari din maranasan ng mga
makababasa. Ito’y tila pagsulat ng isang magandang pangako ng lugar para sa
mambabasa.

Mga Mungkahing Gabay sa Pagsulat ng Lakbay-Sanaysay

Narito ang ilang mungkahi sa pagsulat ng lakbay-sanaysay na maaari mong maging
gabay.
1. Bago magtungo sa lugar na balak mong puntahan ay dapat magsa!iksik o magbasa
tungkol sa kasaysayan nito. Pag-aralan ang kanilang kultura, tradisyon, at relihiyon.
Bigyang-pansin din ang sistemang politikal at ekonomikal ng lugar. Pag-aralan din ang
Iengguwahe na ginagamit sa lugar na iyon.
2. Buksan ang isip at damdamin sa paglalakbay, lawakan ang naaabot ng paningin,
talasan ang isip, palakasin ang internal at external na pandama at pang-amoy,
sensitibong lasahan ang pagkain.
3. Magdala ng talaan at ilista ang mahahalagang datos na dapat isulat.
4. Kung susulat na ng lakbay-sanaysay, huwag gumamit ng mga kathang-isip na ideya.
Isulat ang katotohanan sapagkat higit na madali itong bigyang-paliwanag gamit ang
mga malikhaing elemento.
5. Gamitin ang unang panauhang punto de bista at isaalangalang ang organisasyon ng
sanaysay sa pagsulat. Magkaroon ng kritikal na pananaw sa pagsulat sa pamamagitan
ng malinaw at malalim na pag-unawa sa mga ideyang isusulat.
6. Tiyakin na mapupukaw ang kawilihan ng mambabasa sa susulating lakbay-sanysay.

Basahin ang isang lakbay-sanaysay na naranasan ng isang manialakbay.

Tara na, Biyahe na Tayo!

Noong Agosto 20, 2016, nangyari ang isa sa mga hindi ko malilimutang
karanasan sa paglalakbay sa Romblon kasama ang aking mga kaibigan. Ito ang unang
karanasan ko na sumakay sa malaking barko. Maganda at maayos ang barko na aming
sinakyan. Tamang-tama sa presyo— medyo mahal kompara sa ibang barko na mura
nga subalit hindi gaanong maayos ang loob.
Ang barkong aming nasakyan ay may tatlong uri ng higaan para sa mga
pasahero. Ang unang uri ay nasa itaas na bahagi at may mga higaang parang nasa
pampublikong pagamutan. Pangalawang uri ay ang tinatawag na tourist higit na
maayos kaysa sa una. Pangatlong uri ay ang tinatawag na cabin na may sariling
kuwarto ang mga pasahero. Naalala ko tuloy ang isang bahagi ng Noli Me Tangere,
tungkol sa barko kung saan inilalarawan ang uri ng mga mamamayan sa lipunan, may
mayaman, katamtamang buhay, at mahirap.
Nagsimula nang maglakbay ang barko sa amIng destinasyon. Matapos naming
mailagay ang mga gamit sa aming lugar ay nagyaya ang mga kasama ko na umakyat
sa itaas dahil maganda raw pagmasdan ang paglubog ng araw. Nang mga sandaling
iyon ay malapit nang mag-agaw ang dilim at liwanag.
Medyo malakas ang alon kaya mararamdaman mo ang kaunting paghampas ng
mga ito sa barko. Magkagayunman, napakasarap damhin at langhapin ang sariwang
hangin habang minamasdan mo ang pagkulimlim ng araw sa paglubog nito. Hindi
maalis sa isip ko na maihambing sa buhay ng tao ang paglubog ng araw. Isang
pamamaalam o isang kamatayan ngunit may bukas na naghihintay. Sumasagi tuloy sa
aking alaala ang mapait na kuwento ng aking kaibigang marinero.
Mahirap daw ang buhay ng isang marinero. Palaging nasa barko at lagi mong
natatanaw ang paglubog at pagsikat ng araw. Ang pinakamahirap na kanyang
naranasan ay ang pakikidaop sa kalikasan na parang nakikipagpatintero kay
Kamatayan. Ang sigwa ng bagyo sa gitna ng laot ay hindi basta-basta kinakalaban.
Tunay na matatawag mo ang lahat ng santo dahil bukod sa matatalim na kidlat ay
masasagupa rin ninyo ang malahiganteng alon na sa sandaling magkamali sa pagpihit
ng manibela ng barko ay mauutas ang buhay nang ganoon na lamang.
Napatigil ako sa aking pagmumuni-muni nang biglang nagsigawan ang mga tao.
Tuwang-tuwa sila sa mga dugong na sumisisid pagkatapos ay pumapailanlang sa itaas.
Grabe! Pati ako ay natuwa kung kaya’t kinuha ko ang aking cell phone at inabangan
ang pag-ibabaw nilang muli upang mag-selfie kasama ng mga dugong. Wow! Ayos. Ang
galing. Nakuhanan ko sila kasama ang aking sarili. Nice selfie.
Ilang oras pa ang lumipas at wala na ang mga dugong sapagkat ganap na ang
dilim. Wala ka nang mamamalas sa gitna ng dagat kundi ang kadiliman. Kadilimang
simbolo ng hungkag na buhay at baIt ng kalungkutan na larawan ng kawalang pag-asa.
Ayaw ko nang patagalin pa ang pagtitig ko sa kadiliman dahil naIulungkot ako.
Ayoko ng malungkot na buhay. Ayaw ko sapagkat nananariwa ang mga alaala ng
mapapait na kahapon ng aking buhay na minsan nang nasadlak sa gitna ng dilim.
Minabuti ko na lamang na ayain ang aking mga kasama upang magpahinga sa
aming higaan sa gitnang bahagi ng barko.
Pagbaba namin, marami na ngang mga natutulog na pasahero at may iba
namang nagkukuwentuhan. Ilan sa mga kasama ko ay nagkukuwentuhan habang
nakahiga at paminsan-minsan ay nakikisall ako hanggang sa ako ay makatulog na.
Nagising na lamang ako dahil sa isang announcement na dadaong na ang aming
sasakyan sa Romblon sa loob ng sampung minuto.
Sa wakas, bababa na rin kami at maluwalhating makararating sa aming
destinasyon.
Subukin ang Sarili:
1. Paano tinukoy at inilarawan ng may-akda ang barko? Isulat ang mga pahayag
dito.
________________________________________________________________

___________________________________________________________

2. Ano-anong bagay sa kapaligiran ang binigyang-pansin ng may-akda? Paano

niya ito binigyan ng paglalarawan? Itala ang mga pahayag dito.
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
___________________________________________________________

3. Ano ang mahalagang impormasyong natutuhan mo sa binasang lakbay-

sanaysay?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
Dagdag na Batis

1. Layunin ng Lakbay Sanaysay

Maitaguyod ang isang lugar partikular na ang lugar na pinuntahan ng manlalakbay.
Gumawa ng patnubay para sa mga posibleng manlalakbay. Halimbawa ang ruta at ang
mga paraan ng transportasyon.
Pagtatala ng pansariling kasaysayan sa paglalakbay tulad ng espiritwalidad,
pagpapahilom, o pagtuklas sa sarili.
Pagdodokumento nang kasaysayan, kultura, at heograpiya ng isang lugar sa
malikhaing pamamaraan.
Para sa dagdag kaalaman ukol sa layunin ng Lakbay Sanaysay tignan ang link na ito:
brainly.ph/question/1674835
Uri ng sanaysay
Pormal - ito ang sanaysay na tinatalakay ang mga seryosong paksa at
nangangailangan ng masusing pag-aaral.
Di-Pormal - ito ang sanaysay na tinatalakay ang mga paksang magaan,
pangkaraniwan, pang araw-araw at personal.
Para sa dagdag kaalaman ukol sa Uri ng Sanaysay tignan ang link na ito:
brainly.ph/question/732573
Bahagi ng sanaysay
Panimula - ito ang bahaging pinakamahalaga sa isang sanaysay dahil ito ang unang
tinitingnan ng mga magbabasa.
katawan-ito ang bahaging makikita ang pagtalakay sa mahalagang puntos ukol s atema
at nilalaman nito.
Wakas - ito ang bahaging nagsasara ang pangyayaring naganap sa katawan ng
sanaysay.
Paglikha ng Pictorial Essay o Larawang Sanaysay
Ayon kay Amit Kalantri, isang nobelistang Indian, “A photograph shouldn’t be just
a picture, it should be a philosophy: May katotohanan nga naman, ang litrato ay isang
larawan sa pisikal na anyo. Subalit, ito ay may katumbas na sanlibong salita na
maaaring magpahayag ng mga natatagong kaisipan. Kaya naman, kahanga-hanga ang
mahuhusay kumuha ng mga larawan dahil higit nila itong nabibigyang-buhay.
Ang larawan ay mahalagang kagamitan para sa isang guro dahil ito ay madalas
niyang gamiting pantulong na kagamitan sa pagtuturo upang mapadali ang pagkatuto
ng mag-aaral. Kaya naman, hindi nakapagtatakang ang mga larawan ay gamitin din
bilang mga instrumento sa mga gawaing pagsulat tulad ng photo essay o larawang-
sanaysay.
Ang larawang-sanaysay na tinatawag sa Ingles na pictorial essay o kaya ay
photo essay na para sa iba ay mga tinipong larawan na isinaayos nang may wastong
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari upang maglahad ng isang konsepto.
Ang larawang-sanaysay ay gaya rin ng iba pang uri ng sanaysay na gumagamit
ng mga pamamaraan sa pagsasalaysay. Sa pagsasalaysay, maaaring gamitin mismo
ang mga binuong larawan o dili kaya’y mga larawang may maiikling teksto o caption.
Malaki ang naitutulong ng larawang may teksto sapagkat nakatutulong ang mga ito sa
mga ideya kaisipang ipinakikita ng larawan.
Ang mahalagang katangian ng larawang-sanaysay ay ang mismong paggamit ng
larawan sa pagsasalaysay. Layunin nitong magbigay ng kasiyahan o aliw sa taong
gumagawa ng salaysay, magbigay ng mahalagang impormasyon, at malinang ang
pagiging malikhain.
Makapagsasalaysay dito sa pamamagitan ng mga larawang may kronolohikal na
ayos. Ibig sabihin, isinasalaysay ang mga pangyayari ayon sa wastong pagkakasunod-
sunod ng larawan. Kung pangkalahatang kaisipan lamang ng pangyayari ay maaari
nang gamitin ang isang larawang may natatanging dating. Ibig sabihin, sa isang kuhang
larawan ay naroon na ang lahat-lahat ng mga ideya.
Gayumpaman, nakasalalay pa rin sa husay at pagiging maiikhain ng isang tao
ang paggamit ng mga larawan sa paggawa ng sanaysay dahil nakabatay rito kung
paano pag-uugnay-ugnayin ang mga larawan ayon sa kanyang mga naiisip na ideya.
Ang mahalaga, kailangang malinaw ang mensahe ng gagawing larawang-sanaysay.
Narito ang mga dapat mong isaalang-aiang sa pagsulat ng larawang-sanaysay:
1. Pumili ng paksa ayon sa iyong interes.
2. Magsagawa ng pananaliksik sa iyong paksang gagawin.
3. Isaalang-alang ang kawilihan at uri ng iyong mambabasa.
4. Tandaan na ang isang istoryang nakatuon sa mga pagpapahalaga o emosyon
ay madaling nakapupukaw sa damdamin ng mambabasa.
5. Kung nahihirapan ka sa pagsusunod-sunod ng pangyayari gamit ang larawan,
mabuting sumulat ka muna ng kuwento at ibatay rito ang mga larawan.
6. Planuhing mabuti ang gagawing sanaysay gamit ang mga Iarawan. Tandaan
na higit na dapat mangibabaw ang larawan kaysa sa mga salita.
7. Palaging tandaan na ang larawang-sanaysay ay nagpapahayag ng
kronolohikal na salaysay, isang ideya, at isang panig ng isyu.
8. Siguraduhin ang kaisahan ng mga larawan ayon sa framing, komposisyon,
kulay, at pag-iilaw. Kung minsan, mas matingkad ang kulay at matindi ang contrast ng
ilang larawan kompara sa iba dahil sa pagbabago ng damdamin na isinasaad nito.

PAGSUSULIT – SUBUKIN ANG SARILI

1. Ano ang pagkakaiba ng larawang-sanaysay sa isang tradisyonal na sanaysay?

________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
2. Bakit mahalagang sangkap ang mga larawan sa paggawa ng pictorial essay?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

3. Ano-ano ang layunin ng pictorial essay?

________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

4. Paano makatutulong ang pictorial essay na malinang ang pagiging malikhain ng

mag-aaral na tulad mo?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

5. Bakit mahalagang ang paksa ng iyong pictorial essay ay nakabatay sa iyong

interes?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

Halimbawa ng isang Pictorial Essay

“SUSI SA KALAYAAN”

Sa panahon ngayon ang buhay ng

isang mamayang Pilipino ay
maihahantulad sa ibong
nakahawla. Masikip, madilim,
walanv muwang sa mga
pangyayari, bulag sa katotohanan,
at walang layang lumipad. Ang
ibong ito ay tila nakalimutan na at
napag-iwanan na ng panahon.
Ngunit sa oras ng kanyang mga
paghihirap at kasarinlan ay hindi
mawawala ang mga kababayan
nating bukas ang puso upang
matulungan ka’t makabangon sa
paghihirap na iyong dinaranas.

Sila ang tutulong sa iyo upang mahanap mo

ang susi sa kalayaan sa iyong paghihirap at
ng makamtan mo ang iyong mga pangarap
na nakubli sa loob ng matagal na panahon.
Dahil sa mga problemang kinaharap mo sa
loob ng masikip at madilim na hawla.

Kapag nakuha mo na ang susi, ang

pintong matagal mo ng hinihintay na
magbukas ay magbubukas na dahil
sa sipag at tiyaga na iyong ginugol
makalaya ka lamang dito. Ito na ang
magiging daan mo tungo sa pangarap
na matagal mo ng inaasam. Simula na
din ito ng pagbabago sa iyong
buhay.

Ngayon nakalaya ka na sa hawla, ay

may laya ka ng makalilipad para
abutin ang iyong mga pangarap. Ngunit sa iyong paglaya kahaharapin mo
na naman ay may bagong pagsubok ang uusbong para ibaba kang muli,
pero sa pagiging matatag ang mga pagsubok na ito’y malalagpasan mo
din.

Subukin ang Sarili:

1. Bakit mahalagang sangkap ang mga larawan sa paggawa ng pictorial essay?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

2. Ano-ano ang layunin ng pictorial essay?

________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

3. Paano makatutulong ang pictorial essay na malinang ang pagiging malikhain ng

mag-aaral na tulad mo?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

4. Bakit mahalagang ang paksa ng iyong pictorial essay ay nakabatay sa iyong

interes?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

DAGDAG NA BATIS

Ano ang Pictorial Essay?

Ang pictorial essay ay isang sulatin o educational article na naglalayong magpahayag
ng isang partikular o higit pa na mga tema sa pamamagitan ng mga larawan.
Ang pictorial essay ay iba sa normal na mga sanaysay o sulatin
(brainly.ph/question/138575) dahil sa paraan nito ng pagpapahayag. Kung ang normal
na sanaysay o sulatin ay teksto ang pokus upang maunawaan ang nilalaman, sa
pictorial essay naman ay mga larawan ang pokus. Sa pamamagitan ng larawan ay
naipapahayag nito ang isa o higit pang mga tema na nais ipaabot sa mambabasa
Binubuo ang pictorial essay ng ibat-ibang mga larawan na may storya o pagkaka
konekta upang maayos at sakto ang pagpapahayag ng tema. Bagaman ay hindi
maiiwasan parin, ang teksto ay ginagamit ngunit bilang deskripsyon na lamang o
caption sa mga larawang ginamit (brainly.ph/question/795457).
Hindi ito kadalasang nakikita o ginagawa, ngunit kung ating iisipin, ang pictorial essay
ay isang kakaiba at magandang uri din ng sanaysay, maaaring magastos nga lamang
sapagkat gagamit ng mga larawan, hindi lamang isa ngunit barayti ng mga larawan.
Dagdag pa, magandang uri ng sanaysay ang pictorial essay sapagkat mas nalilinang
nito ang kakayahan nating mag interpret at synthesize ng mga larawan upang makuha
ang nakatagong kahulugan o tema.
Ito ay isang sulatin na masmaraming mga larawan kaysa sa salita. Nakatutok ito sa
isang tema, maging ito man ay isang paksa tulad ng digmaan, o isang pictorial essay
tungkol sa isang partikular na estado.
Ang pictorial essay ay madalas personal at maaaring maging isang epektibong paraan
upang lumikha ng isang personal na mensahe upang ibahagi sa pamilya, mga kaibigan
o kahit na para sa publikasyon.
Ang isang deskripsyon ng larawan ng pictorial essay ay hindi dapat lalagpas ng 60 na
salita.

You might also like