0% found this document useful (0 votes)
2K views16 pages

Bio Note

Uploaded by

Marcelo Baldon
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
2K views16 pages

Bio Note

Uploaded by

Marcelo Baldon
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as PDF, TXT or read online on Scribd

ARALIN 4:

PAGSULAT NG
BIONOTE
(BIOGRAPHICAL NOTE)
LAYUNIN
1. Nakikilala ang mga katangian ng mahusay na
sulating akademiko sa pamamagitan ng mga
binasang halimbawa
2. Nakasusulat ng sulating batay sa maingat,
wasto, at angkop na paggamit ng wika
3. Naisasaalang-alang ang etika sa binubuong
akademikong sulatin
BIONOTE
❖Ang bionote ay maituturing ding isang uri ng lagom
na ginagamit sa pagsulat ng personal profile ng
isang tao.
❖Ito ay tala sa buhay ng isang tao na naglalaman ng
buod ng kanyang academic career na madalas ay
makikita o mababasa sa mga journal , aklat ,
abstrak ng mga sulating papel , websites at iba pa. (
Duenas at Sanz , 2012)
BIONOTE
Karaniwang gamit ng bionote :
✓ BIO-DATA
✓ RESUME
✓ SOCIAL NETWORKING SITES
✓ DIGITAL COMMUNICATION SITES
✓ BLOG
✓ AKLAT
✓ ARTIKULO
PAMANTAYAN SA PAGSULAT NG BIONOTE
PAMANTAYAN SA PAGSULAT NG BIONOTE
1. Sikaping maisulat lamang ito nang maikli .
Kung gagamitin sa resume kailangang
maisulat lamang sa loob ng 200 salita. Kung
gagamitin sa social networking sites sikaping
maisulat lamang sa loob ng 5-6 na
pangungusap
PAMANTAYAN SA PAGSULAT NG BIONOTE
2. Magsimula sa pagbanggit ng mga personal
na impormasyon o detalye tungkol sa iyong
buhay (interes , tagumpay na nakamit
,edukasyon).
PAMANTAYAN SA PAGSULAT NG BIONOTE
3. Gumamit ng ikatlong panauhan upang
maging litaw na obhetibo ang pagkakasulat
nito.
PAMANTAYAN SA PAGSULAT NG BIONOTE
4. Gawing simple ang pagkakasulat nito.
Gumamit ng payak na salita , maiikili at
tuwirang pangungusap.
PAMANTAYAN SA PAGSULAT NG BIONOTE
5. Basahing muli at muling isulat ang pinal na
sipi ng iyong bionote . Maaring ipabasa muna
ito sa iba para matiyak ang katumpakan ng
wika at konteksto.
TANDAAN
Sa pagsulat ng Bionote isaalang-alang ang mga sumusunod :
✓ Personal ( Buong Pangalan, Lugar at Taon ng
Kapanganakan)
✓ Educational background ( Elementarya-
Sekundarya-Kolehiyo-Gradwado)
✓ Karangalan at Karanasan ( kondisyonal )
HALIMBAWA NG BIONOTE
Si Bb. Athena M. Dela Torre ay isinilang noong ikaanim ng
Nobyembre noong taong 1999 sa bayan ng Baler, probinsiya ng Aurora.
Siya ay nakapag-aral ng primaryang edukasyon sa Paaralang Sentral ng
Dipaculao . Ipinagpatuloy niya ang kanyang sekundaryang pag-aaral sa
Aurora National Science High School. Kasalukuyang nag-aaral ng
ikalabindalawang baitang sa Aurora National Science High School at
naghahandang kumuha ng entrance exam sa Unibersidad ng Pilipinas at
Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas.

Isa rin siya sa mga napasali ng patimpalak sa Sipnayan (MTAP) at


lumahok bilang representatibo sa rehiyonal na lebel ng nasabing Math
Contest noong siya ay nasa ikaanim na baitang. Kasapi rin siya sa mga
lumahok ng Aurora Historical Quiz Bee noong siya’y nasa ikaapat na
baitang at nakakuha ng ikatlong karangalan sa patimpalak. Si Bb. Dela
Torre ay naging bahagi rin ng Science Quiz Bee noong siya ay nasa
ikaapat hanggang ikaanim na baitang kung saan nakamit ang unang
karangalan. Karagdagan pa rito, siya ang itinalagang kalihim sa
organisasyong KaFil o Kapisanan sa Filipino. Miyembro din siya ng
Tanggol Wika , isang pambansang organisasyon.
Si Bb. Athena M. Dela Torre ay isinilang noong ikaanim ng Nobyembre noong taong
1999 sa bayan ng Baler, probinsiya ng Aurora. Siya ay nakapag-aral ng primaryang
edukasyon sa Paaralang Sentral ng Dipaculao . Ipinagpatuloy niya ang kanyang
sekundaryang pag-aaral sa Aurora National Science High School. Kasalukuyang nag-aaral
ng ikalabindalawang baitang sa Aurora National Science High School at naghahandang
kumuha ng entrance exam sa Unibersidad ng Pilipinas at Polytechnic University of the
Philippines.
Isa rin siya sa mga napasali ng patimpalak sa Sipnayan (MTAP) at lumahok bilang
representatibo sa rehiyonal na lebel ng nasabing Math Contest noong siya ay nasa
ikaanim na baitang. Kasapi rin siya sa mga lumahok ng Aurora Historical Quiz Bee noong
siya’y nasa ikaapat na baitang at nakakuha ng ikatlong karangalan sa patimpalak. Siya
ay isa ring contestant ng Science Quiz Bee noong siya ay nasa ikaapat hanggang
ikaanim na baitang kung saan nakamit ang unang karangalan ng siya ay nasa ikaapat at
ikalimang baitang, at ikatlong karangalan naman nang siya ay nasa ikaanim na baitang ,
Division Level.
HALIMBAWA 1 ( Empleyo )
Si Eros S. Atalia ay nagtapos sa Phililippine Normal University noong 1996 sa
kursong Bachelor of Secondary Education Major in Filipino at tumangap ng
Balagtas Award. Tinanghal bilang pinakamahusay na major mula 1994-1996.
Nagwagi ang kanyang tulang “Maririing Tusok ng Kalawanging Karayom sa
Nagngangalit na Ugat” ng Unang gantimpala sa Pambansang Patimpalak sa
Pagsulat ng Tula ng Pandaylipi Ink., noong 1995. Naging manunulat sa The
Torch (Ang Opisyal na Pamahayagang Pangkampus ng PNU) mula 1993-1995.
Naging contributor din siya sa mga pambansang tabloids. Kinilala ng Komisyon
sa Wikang Filipino, Talaang Ginto ang kanyang tula “Maglaba ay Di Biro” bilang
ikalawang gantimpalang banggit noong 2004 at sa taon din iyon ay nagwagi ng
ikatlong Gantimpala para sa Gawad Collantes sa Sanaysay na may pamagat na
“Ang Politika ng Wikang Pambansa: Mula sa Iba’t Ibang Pagsipat at Paglapat
(Paghimay, Pagbistay at Pagtugaygay sa Suliranin ng Pilipinas sa Wika). Isa sa
mga editor ng “Kamasutra” salin sa Filipino at naging creative consultant ng
Asian Social Institute sa isang nilimbag na monograph. Kasalukuyan nyang
tinatapos ang kanyang Master of Arts in Language and Literature Major in
Filipino sa DLSU sa ilalim ng SFA at nagtuturo ng Filipino sa Faculty of Arts and
Letters, University of Santo Tomas na kung saan ay Junior Associate siya sa
Center for Creative Writing and Studies
Si Eros S. Atalia ay nagtapos sa Phililippine Normal University noong 1996 sa kursong
Bachelor of Secondary Education Major in Filipino at tumangap ng Balagtas Award.
Tinanghal bilang pinakamahusay na major mula 1994-1996. Nagwagi ang kanyang tulang
“Maririing Tusok ng Kalawanging Karayom sa Nagngangalit na Ugat” ng Unang
gantimpala sa Pambansang Patimpalak sa Pagsulat ng Tula ng Pandaylipi Ink., noong
1995. Naging manunulat sa The Torch (Ang Opisyal na Pamahayagang Pangkampus ng
PNU) mula 1993-1995. Naging contributor din siya sa mga pambansang tabloids. Kinilala
ng Komisyon sa Wikang Filipino, Talaang Ginto ang kanyang tula “Maglaba ay Di Biro”
bilang ikalawang gantimpalang banggit noong 2004 at sa taon din iyon ay nagwagi ng
ikatlong Gantimpala para sa Gawad Collantes sa Sanaysay na may pamagat na “Ang
Politika ng Wikang Pambansa: Mula sa Iba’t Ibang Pagsipat at Paglapat (Paghimay,
Pagbistay at Pagtugaygay sa Suliranin ng Pilipinas sa Wika). Isa sa mga editor ng
“Kamasutra” salin sa Filipino at naging creative consultant ng Asian Social Institute sa
isang nilimbag na monograph. Kasalukuyan nyang tinatapos ang kanyang Master of Arts
in Language and Literature Major in Filipino sa DLSU sa ilalim ng SFA at nagtuturo ng
Filipino sa Faculty of Arts and Letters, University of Santo Tomas na kung saan ay Junior
Associate siya sa Center for Creative Writing and Studies

You might also like