You are on page 1of 16

ANG BIONOTE

ANG BIONOTE

1. Ginagamit para sa personal


profile ng isang tao, tulad ng
kanyang academic career at iba
pang impormasyon ukol sa
kanya.
2. Isang maikling pagsulat
ng talambuhay na
binubuo lamang ng 2
hanggang 3
pangungusap na nasa
ikatlong panauhan.
3. Karaniwang
matatagpuan sa panloob
na pabalat (Inside front
cover) at likuran (Outside
back cover) ng isang
aklat.
Narito ang mga karaniwang
nilalaman ng isang BIONOTE:
1.Larawan at pangalan
ng awtor at ilang
deskripsyon
2. Natapos na digri
(batsilyer, materado,
doktorado o post
graduate na kurso) at
pamantasang
pinagtapusan
3. Pinagtuturuang
paaralan
4. Mga aklat na
nasulat/modyul
5. Editorship
(kung mayroon)
6. Maaaring magdagdag ng
a. Membership sa mga
organisayon
b. Mga dinaluhang seminar
c. Speakership sa mga
seminar at pagpupulong
Kahalagahan

Nagpapakilala sa
sumulat ng aklat sa
pamamagitan ng maikling
profayl o talambuhay.
Halimbawa ng Bionote sa aklat
RENANTE D. MALAGAYO
Nagtapos ng Batsilyer ng Edukasyong Pansekundarya sa
Don Mariano Marcos Memorial State University sa La Union,
Master of Arts in Educational Management sa Polytechnic
College of La Union sa La Union, Master in Education
Medyor sa Filipino sa Lyceum Northwestern University sa
Dagupan City at kasalukuyan niyang tinatapos ang kanyang
doktorado sa Pampamahalaang Pamantasan ng Benguet sa
La Trinidad Benguet.
Nakapagturo siya sa College of Saint Michael the Archangel sa Dagupan
City at Saint Mary’ s Academy sa Agoo, La Union. Kasalukuyan siyang
nagtuturo sa Don Mariano Marcos Memorial State University, South La
Union Campus, Kolehiyo ng Sining at Agham, Kagawaran ng mga Wika sa
Agoo, La Union.
May-akda siya ng mga aklat na Pagpapahalagang
Pampanitikan, Pagbasa at Pagsulat Tungo sa
Pananaliksik,, Sining ng Komunikasyon Pang-
Akademiko, Pagbasa at Pagsulat sa Masining na
Pananaliksik, at Masining na Pagpapahayag Tungo sa
Pagpapaunlad ng Kasanayan sa Pananaliksik at
Pagsulat. Nakasulat na rin siya ng mga modyul sa
Filipino at kasalukuyan niyang tinatapos ang isa pang
modyul sa Rizal.
Kasapi siya sa Kapisanan ng mga Guro sa
Pilipinas, Reading Association Of the Philippines,
Enlightened Group for Quality and excellence in
Education, Inc., Asian Intellect for Academic
Organization and Development, Inc. Asian
Academic Organization in Research and
Management, Philippine Professional Linkage From
Various Disciplines, Inc. Transcendence Academic
Organization Inc., Pambansang Samahan sa Wika,
Ink., at Philippine Association of Extension
Programs, Inc.
Pinaunlad na Gawain

Gumawa ng sariling BIONOTE sa


pamamagitan ng pagsusulat ng
mga angkop na impormasyon sa
gawaing ibibigay ng
tagapagsanay. Isaalang-alang
mga mga bagay na dapat ilagay.
TALASANGGUNIAN/SOURCE
Malagyo, Renante D. , (Mayo 29-31, 2017).
Seminar Workshop sa Piling Larangan ( Filipino) sa
K to 12. DMMSU, SLUC, Agoo, La Union.

You might also like