You are on page 1of 14

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon I
Sangay ng Ilocos Sur
Bantay, Ilocos Sur

PAKSA: KATITIKAN NG
PULONG
KATITIKAN NG PULONG
( Minutes of the Meeting)
KATITIKAN NG PULONG
KAHULUGAN
- Ang katitikan ng pulong o minutes of the meeting kung tawagin sa
wikang Ingles ay isang uri ng dokumentasyon na makikita sa lahat ng
organisasyon at institusyon.

- ito ay isa sa mga anyo ng komuniksyong teknikal na kinakailangang


pag- aralan upang higit na mapagbuti at malinang ang kasanayan na
siyang magagamit sa hinaharap at napiling propesyon
Mga Pangunahing Gampanin

1. Nagsisilbi itong opisyal na tala hinggil sa mga napag-usapan sa pulong.

2. Naisusulat ang kapasyahan at responsibilidad ng bawat miyembro ng pulong.

3. Nagsisilbi itong paalala sa mga miyembro kung ano ang mga inasasahang gawain sa
kanila, ang mga takdang petsa na inaasahan nilang matapos ang gawain at
responsibilidad ng bawat miyembro ng pulong.

4. Nalalaman din kung sino-sino ang dumadalo at hindi dumadalo sa pulong.

5. Tumatayong batayan para sa susunod na pulong.


Limang pangunahing hakbang na dapat na
isaalang- alang
sa pagsasagawa ng Katitikan ng Pulong:

1. Paunang pagpaplano. Ang planadong pulong ay nagdudulot ng maayos na


resulta sa samahan at sa buong miyembro nito.

2. Pagtatala ng mga napag-usapan. Bago simulan ang recording, alamin muna


kung ano-anong impormasyon o datos ang kinakailangan maitala.

3. Pagsulat ng napag-usapan . Ang kalihim ang may tungkuling magtala ng


katitikan.
4.Pamamahagi ng sipi ng katitikang ng pulong. Bilang opisyal na
tagpagtala, bahagi ng responsibilidad ng kalihim ang pamamahagi
ng katitikan ng pulong sa mga opisyal ng samahan.

5.Pag-iingat ng sipi o pagtatabi. Isa rin ito sa maaaring


responsibilidad ng tagapagtala ang makapagtabi ng sipi bilang
reperensiya sa hinaharap.
Pangkalahatang Bahagi ng
Katitikan ng Pulong

 Iskedyul at oras ng pulong


 Tala ng mga dumalo, hindi nakadalo, nahuli,
at naunang umalis
 pagwawastong ginawa sa mga nakaraang
katitikan ng pulong
 resulta ng mga kapasyahang
isinagawa
 mga hakbang na isasagawa
 mga usapin mula sa nakaraang
pulong at mga bagong usapin
 iskedyul ng susunod na pulong
21 Gabay Para sa Mabisang Pagsulat ng
Ktitikan ng Pulong
Mula sa: Business Training Works Inc. 2016 Binuksan noong January 2016.https://
www.businesstrainingworks.com

1.Ihain ang mga usapin bago pa man simulan ang nakaiskedyul na


pulong.
2.Tukuyin ang pangunahing layunin ng pulong.
3.Ilatag ang mga usapin o agenda.
4.Piliin ang pinakainam na metodo ( laptop, notebook, recording, at
iba pa).
5.Siguraduhing handa ang lahat ng kinakailangan.
6. Maglaan ng espasyo sa pagkuha ng mga detalye.
7. Itala ang lahat ng mga kalahok sa pulong.
8. Kilalanin ang lahat ng dadalo sa pulong, gayundin ang
kanilang pangangailangan.
9. Bukod sa pangangailangan, mainam na gawaing pamilyar
ang sarili sa mga tanggapan ng kanilang kinakatawan.
10. Gumawa ng template ng katitikan upang mas mapabilis
ang proseso ng pagtatala.
11.Makinig ng may pag-iingat upang walang makaligtaang
detalye.
12.Itala lamang ang katotohanan at iwasan ang pagkuha sa
mga opinyong walang tiyak na batayan.
13.Gawing simple at malinaw ang pagkakasulat.
14.Maging tiyak.
15.Itala ang mga mahahalagang mosyon.
16.Itala rin ang mga hindi natapos ng mga usapin, gayundin
ang mga nabinbing talakayan.
17.Linawin ang iyong partisipasyon sa pulong.
18.Lagumin ang lahat ng mahahalagang detalye.
19.Sa oras na matapos ang pulong, gawin agad ang
katitikang upang walang makaligtaang datos.
20.Basahing mabuti ang katitikan bago ito ipamahagi.
Mainam na tiyak at tumpak ang lahat ng detalye gaya ng
pangalan ng mga dumalo, pagpapasya, at mga mosyon.
21.Hingin ang aprobal ng tagapamuno ng pulong bago ito
ipamahagi
TALASANGGUNIAN
Malagyo, Renante D. , (Mayo 29-31, 2017). Seminar
Workshop sa Piling Larangan ( Filipino) sa K to 12.
DMMSU, SLUC, Agoo, La Union.
Inihanda nina:
Gng. Rebecca Viloria, Principal 1-Puro National High School
G. Dan Joseph Vilog, Teacher 2- Tagudin National High School
Bb. Aidalyn Laurente, Teacher 2- Belen National High School

You might also like