You are on page 1of 1

AKADEMIKONG SULATIN

Ang akademikong sulatin ay isang uri ng pagsusulat kung saan mailalahad ang sariling opinion o
kaalaman. Maipapakita ditto kung gaano kaepektibo ang isang manunulat sa iba’t ibang larangan ng sulatin.
Marami ang uri nito at sa dinami-rami ng paksa sa akademikong sulatin ay maaaring mamili ang manunulat at
doon ilapat ang kaalaman at karanasan sa isang paksa. Ilan na lamang dito ang mga sumusunod:
 Abstrak – ito ay ginagamit upang ipaloob ang isang tesis at lektyur. Ang layunin nito ay ang mapaigsi o
mailahad ng maayos ang isang mahabang sulatin. Ang katangian ng abstrak ay paglalahad ng
importanteng impormasyon o detalye lamang.
 Sintesis o Buod – ginagamit ito upang mailahad ng maayos ang makakapal na teksto na di kayang
basahin ng mambabasa. Layunin nitong mapaigsi ang mahabang babasahin ng mambabasa at mailagay
lamang ang mga importanteng detalye. Ang katangian ng buod o sintesis ay pagpapaigsi ng
mahahalagang detalye.
 Bionote – uri ng lagom kung saan ginagamit upang maisulat ang personal na buhay ng isang tao tungkol
sa mga nakamtan na larangan sa buhay. Ang katangian nito ay ang pagbibigay detalye o datos sa isang
tao kung saan patungkol sa mga nakamit na karangalan sa buhay.
- Isang maikling impormatibong sulatin (karaniwan isang talata lamang) na naglalahad ng mga
klasipikasyon ng isang indibidwal at ng kanyang kredibilidad bilang propesyunal.
 Agenda – ang nagsasaayos ng mga oras at gagawin sa pulong na gaganapin. Ito ang nagbibigat detalye
sa mga nagawa sa pulong.
- Listahan, plano o balangkas ng mga pag-uusapan, dedisyunan o gagawin sa isang pulong. Ito
ay kronolohikal o ayon sa pagkakasunod-sunod batay sa halaga nito sa indibidwal.
 Panukalang Proyekto – isang uri ng lagom kung saan paglalahad ng napagpulungang proyekto na
hinihingan ng aprobahan. Ito ay ginagawa upang mapabuti ang isang grupo, komunidad, o lugar.
 Talumpati – paglalahad ng isang opinion, detalye, kaalaman o karanasan ayon sa paksa. Ito ay
ginagawa upang mapalawak ang isipan ng tao ayon sa paksang nalalaman at madagdagan ang back-
ground knowledge tungkol ditto.
 Katitikan ng Pulong – dito ibinabahagi ang usaping napagkasunduan na may inilalahad na Sistema. Ito
ang nagpapatibay sa mga nangyari sa nagdaang katitikang pulonh.
 Posisyong Papel – paglalahad ng isang patunay na naglalaman ng madami at totoong detalye. Ditto
nagbibigay katarungan ang lahat ng opinion.
 Replektibong Sanaysay – pagsulat ng bagay na naranasan, naramdaman at naisip na naiuugnay sa paksa.
Paglalahad ng natutunan sa buhay na pwedeng maging leksyon at inspirasyon sa buhay ng isang tao na
kung saan pwedeng makapagmulat.
 Pictorial Essay – paglalahad gamit ang mga larawan. Maikukwento ang naranasan gamit ang larawan.
 Lakbay Sanaysay – isang uri ng sanaysay na naglalahad tungkol sa napuntahan mo na lugar. Ito ay
matatawag mong travelogue kung saan mailalahad ang mga nangyari at nadaanan bago makarating sa
paroroonan. Ito ay naglalahad ng isang pangyayari sa sarili mong karanasan at paglalahad sa nangyari sa
mga napuntahang lugar.

You might also like