You are on page 1of 2

Buod ng SONA 2015

Ni Kristine Paula Garcia at Jessie Angelo Lee

Isinagawa ang huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Benigno Simeon Aquino III noong Hulyo 27 sa Batasang Pambansa.
Sa unang bahagi ng kanyang talumpati, binalikan ni Aquino ang mga katiwalian ng nakaraang administrasyon at ang mga suliraning idinulot nito sa
bansa. Matapos isa-isahin ang mga anomalya ng nagdaang administrasyon, tinalakay niya ang mga pagbabagong binigay ng kanyang gobyerno sa loob
ng limang taon. Ibinahagi rin niya ang mga nais marating sa 2016 bago bumaba sa panunungkulan. Ilan sa mahahalagang paksa ang ekonomiya at labor
force, transportasyon at imprastruktura, edukasyon, at mga batas na nabuo sa ilalim ng kanyang pamumuno.

Pagtaas ng Ekonomiya at Labor Force

Unang ibinahagi ng Pangulo ang pagtaas ng dibidendo ng mga Government-Owned and Controlled Corporations (GOCC). Ipinagmalaki rin
niya ang pagtaas ng buwis na nakolekta ng Bureau of Internal Revenue (BIR). Umabot ng ₱1.06T ang nakolekta ng ahensya noong 2012. Ito ang unang
beses sa buong kasaysayan ng Pilipinas na umabot ng isang trilyong piso ang kabuuang buwis na nakolekta sa loob ng isang taon. Tumaas ito sa ₱1.3T
noong 2013 at ₱1.5T noong 2014.

Naitala noong 2014 ang US$6.20B na Foreign Direct Investment (FDI) na siyang pinakamataas din sa kasaysayan ng bansa. Pumalo sa
₱2.09T naman ang kabuuang domestic investments sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon.

Ibinida rin ang paglago ng manufacturing sector, pagbaba ng bilang ng labor strikes at unemployment rate, pagbaba ng bilang ng Overseas
Filipino Workers (OFW), at ang pagdami ng bilang ng mga pamilyang natulungan ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4P’s). Sa mga
pagbabagong nabanggit, nabansagan ang Pilipinas bilang “Asia’s Rising Star”, “Asia’s Rising Tiger”, at “Asia’s Bright Spot”, ayon kay Aquino.

Transportasyon at Imprastruktura

Ipinagmalaki ni Aquino ang pag-unlad sa sektor ng aviation, kagaya nang pagkakaroon ng direct flights papunta sa mga bansang kabilang sa
European Union (EU) at ang pagtanggal ng ban sa buong Civil Aviation ng bansa.

Nagkaroon ang Pangulo ng pagkakataon upang talakayin ang isyu sa MRT. Binatikos niya ang kompanyang nagpapatakbo sa tren dahil sa
kapabayaan nito, ngunit ipinangako niyang patuloy ang mga hakbang ng gobyerno upang ayusin at i-upgrade ang rail transit. Ibinida ni Aquino ang
mga imprastrukturang naipatayo at patuloy na ipinatatayo ng kanyang administrasyon, katulad ng Muntinlupa-Cavite Expressway, Subic-ClarkTarlac
Expressway (SCTEX), at Skyway Extension.

Usapin ng Edukasyon

Sa sektor ng edukasyon, ipinagyabang ni Aquino ang pagtugon ng pamahalaan sa pangangailangan ng mga paaralan. Kabilang na rito ang
pagpapatayo ng mga silid-aralan at pagkuha ng mas maraming guro. Ito ang mga hakbang na isinasagawa ng administrasyon upang tugunan ang
pagdami ng mga mag-aaral na sasailalim sa K to 12Kurikulum. Sa kasalukuyang taon, mahigit 50% ng kakulangan sa libro, upuan, silid-aralan at guro
ang nasolusyonan. Sa 2016, inaasahang tuluyan nang masasagot ang backlog sa kagamitang pang-edukasyon.

Papatapos na Pamumuno, Tuloy-Tuloy na Pagbabago

Inilahad ni Aquino na nais niyang maipasa ang Bangsamoro Basic Law bago siya bumaba sa pwesto. Makatutulong ito upang mapanatili ang
kapayapaan sa Mindanao. Dagdag pa rito, nais din niyang ipatupad ang Anti Dynasty Law upang tuluyan nang mapuksa ang korupsyon dulot ng mga
pamilyang nagtutulungang makakupit sa kaban ng bayan. Bukod sa mga batas na ito, ipinagmalaki rin niya ang pag-amyenda sa Cabotage Law upang
siguruhin ang patas na kompetisyon ng mga negosyo sa bansa.

Bilang pagtatapos, binuksan ni Aquino ang usapin ng papalapit na halalan. Inilahad niyang nararapat lamang na mamili ang mga Pilipino ng
lider na magtutuloy ng matuwid na daan upang masiguro ang kinabukasan ng bawat Pilipino. Aniya, hindi matutupad ang minimithi nating kinabukasan
kung hindi tayo, ang mamamayan at ang pamahalaan, magtutulungan. Maguumpisa ito sa pagpili ng karapat-dapat na pinunong gagabay sa ating bansa
tungo sa kaunlaran.

“Magtulungan tayo sa pagtahak ng daang matuwid,” ani Aquino.

Gawain:
Basahin ang Buod ng SONA 2015, at gawan ito ng balangkas na may ganitong format:

I. Paksa 1
A. Paksa 1.1
1. Ideya
2. Ideya
B. Paksa 1.2
1. Ideya
2. Ideya
II. Paksa 2
A. Paksa 2.1
1. Ideya
2. Ideya
B. Paksa 2.2
1. Ideya
2. Ideya
III. Paksa 3
A. Paksa 3.1
1. Ideya
2. Ideya
B. Paksa 3.2
1. Ideya
2. Ideya
Pagbabalangkas – ito ay nagsisilbing gabay sa ating pagsulat ng isang sulatin, pormal man o hindi pormal.

Tatlong Pormat sa Pagsulat ng Balangkas

1. Parirala
2. Pangungusap
3. Paksa

Katangian ng Pagbabalangkas

1) Kapag ikaw ay gumawa ng balangkas, mas mapagiisipan mong mabuti kung paano mo sisimulan o tatapusin ang iyong
sanaysay.
2) Kapag ikaw ay gumawa ng balangkas, mapipili mo ang mga ideya o konsepto na nais mong isama sa sanaysay. Dapat lahat
ng ito ay magkakaugnay.
3) Kapag ikaw ay gumawa ng balangkas, mas magiging madali sa iyong ayusin ang mga ideya sa iyong sanaysay. Mapipili
mo kung ano ang mga ideyang nais mong ilagay sa panimula, katawan at katapusan ng iyong sanaysay.
4) Kapag ikaw ay gumawa ng balangkas, maiiwasan mong mawala sa pokus habang nagsusulat ng sanaysay dahil para itong
mindmap. Gagabayan ka nito para maisulat ng malinaw ang iyong mga ideya.
5) Kapag ikaw ay gumawa ng balangkas, maiiwasan mong maging paulit-ulit ang mga ideya sa iyong sanaysay, dahil sa simula
pa lang ay nakaplano na kung ano ang mga ideyang isasama mo at hindi.

Mga Dapat Taglayin ng isang Balangkas

1) angkop na pagbabahagi ng mga ideya


2) angkop na pagkakasunod-sunod ng mga ideya
3) kawastuhan at kasapatan ng mga pantulong na paksa sa ilalim ng bawat paksa

“Bago matutunang sumulat ng sariling balangkas hinggil sa gagawing pananaliksik, matutunan munang
balangkasin ang gawa ng iba.”

Pagbabalangkas – ito ay nagsisilbing gabay sa ating pagsulat ng isang sulatin, pormal man o hindi pormal.

Tatlong Pormat sa Pagsulat ng Balangkas

4. Parirala
5. Pangungusap
6. Paksa

Katangian ng Pagbabalangkas

1) Kapag ikaw ay gumawa ng balangkas, mas mapagiisipan mong mabuti kung paano mo sisimulan o tatapusin ang iyong
sanaysay.
2) Kapag ikaw ay gumawa ng balangkas, mapipili mo ang mga ideya o konsepto na nais mong isama sa sanaysay. Dapat lahat
ng ito ay magkakaugnay.
3) Kapag ikaw ay gumawa ng balangkas, mas magiging madali sa iyong ayusin ang mga ideya sa iyong sanaysay. Mapipili
mo kung ano ang mga ideyang nais mong ilagay sa panimula, katawan at katapusan ng iyong sanaysay.
4) Kapag ikaw ay gumawa ng balangkas, maiiwasan mong mawala sa pokus habang nagsusulat ng sanaysay dahil para itong
mindmap. Gagabayan ka nito para maisulat ng malinaw ang iyong mga ideya.
5) Kapag ikaw ay gumawa ng balangkas, maiiwasan mong maging paulit-ulit ang mga ideya sa iyong sanaysay, dahil sa simula
pa lang ay nakaplano na kung ano ang mga ideyang isasama mo at hindi.

Mga Dapat Taglayin ng isang Balangkas

1) angkop na pagbabahagi ng mga ideya


2) angkop na pagkakasunod-sunod ng mga ideya
3) kawastuhan at kasapatan ng mga pantulong na paksa sa ilalim ng bawat paksa

“Bago matutunang sumulat ng sariling balangkas hinggil sa gagawing pananaliksik, matutunan munang
balangkasin ang gawa ng iba.”

You might also like