You are on page 1of 1

Talumpati Tungkol Sa Sarili

Ang buhay ng isang tao ay maihahambing sa isang bahag-hari, isang simbolismo


na puno ng kulay at hindi alam kung hanggang saan ang hangganan at saan ang
patutunguhan.
Mula sa aking pagkabata ay may mga pangarap na akong marating sa buhay.
Simple at mga mumunting mga pangarap na para sa aking ama at ina ay nagdudulot na
ng malaking tuwa at galak.
Nakagisnan ko sa aking kamusmusang isip ang ordinaryong uri ng pamumuhay.
Hindi kami mayaman ngunit may sapat na kakayahan para matugunan ang mga bagay
na importante sa aming pamumuhay.
Lumaki ako na busog sa pangaral at pagmamahal ng aking mga magulang.
Mayroong pagka-istrikto sina tatay at nanay. Pangunahing minulat sa aking kaisipan
ang pagbibigay galang at respeto sa lahat ng may buhay sa mundong ibabaw.
Palagi nilang pinapaalala sa akin na bawat mali na gagawin mo sa buhay ay may
katumbas na kabayaran.

Ako ay isang halimbawa ng tao na mas masaya sa anumang uri ng lakad


kapag pamilya ko ang aking mga kasama. Hindi kami perpekto. Nag-aaway rin kami
pero iba pag sila ang aking kahalubilo.

Mayroon rin akong mga kaibigan ngunit maselan ako sa pagpili sa mga ito.


Naging mataas ang aking pamantayan dahil na rin siguro sa nahawa na rin ako sa
pagiging istrikto ng aking mga magulang.
Ngayon na ako ay nasa legal na edad na, pamilya ko pa rin ang aking
kanlungan. At sa aking pagmumuni-muni sa aking buhay, napagtanto ko kung gaano
ako pinagpala.
Hindi man kami mayaman, napalaki naman kami na maging mga mabubuting tao.
Nakapagtapos ng mga kurso, may magandang pinagkakakitaan, at higit sa lahat may
takot kami sa Diyos at hinding-hindi kami napariwara.

Kagaya ng isang bahag-hari, makulay ang ating buhay pero huwag kang
masyadong magpapadala. Wala tayong kasiguraduhan kung saan man ang kanyang
hangganan, pero tayo ay may kakayanan kung saan natin gustong mapunta ang ating
kinabukasan.

You might also like