You are on page 1of 3

Proper Haircut Policy: Buhok Ko, Desisyon Ko!

Ang haircut policy ay isa sa mga patakarang pinapatupad ng mga


paaralan at unibersidad sa bansa. Ang pamantayan ng proper haircut ay 2 x 3
inches o mas kilala bilang "barber's cut". Maraming mga institusyon ang
nagpapatupad nito partikular na sa mga Catholic schools. Katunayan, ang
School of Our Lady of Atocha, Inc. at Our Lady of Pillar College Cauayan City
ay kabilang sa mga ito. Ang mga lalaking mag-aaral ay inaaasahang makapag-
pagupit kahit minsan lamang sa dalawang linggo upang mapanatili ang
kaayusan.

Ang mga patakaran sa mga paaralan ay isinasagawa upang pangalagaan


ang kapakanan at ikabubuti ng mga mag-aaral at empleyado nito nang
naaayon sa mga mahahalagang aspeto tulad ng kalusugan, batas, paniniwala
ng nakararami, o relihiyon. May karapatan silang magpatupad ng mga polisiya
na sa tingin nila ay makabubuti sa lahat. Sinasabi na katulad ng pagsusuot ng
uniporme, ang pagsunod sa tamang haba ng buhok ay nagpapahiwatig ng
pagkakapantay-pantay ng mga mag-aaral. Kung masyadong mahaba naman,
maaari itong makagambala ng atensyon ng ibang mag-aaral. Naisasaad din na
bilang estudyante, tayo ay dapat sumunod sa patakaran sapagkat tinuturuan
tayong maging disiplinado at matutong makibagay sa ibang tao. Subalit,
aminin man natin o hindi, karamihan sa atin ay tumataliwas sa polisiyang ito.

Sa kabuuan, ang pagpapatupad ng ganitong uri ng patakaran ay isang


pag-aaksaya ng oras. Ang mga paaralan ay dapat magkaroon ng higit na
pagtuon sa kung paano nila bibigyan ang kanilang mga mag-aaral ng mas
mahusay na edukasyon. Ang haircut ay hindi dapat maging batayan upang
magmukhang malinis. Ang pagmumukhang malinis ay depende sa kung paano
dinadala ng mga estudyante ang kanilang sarili. Hindi natin maaaring
husgahan at hindi dapat husgahan ang isang tao sa pisikal na anyo nito.
Hangga't ang mga estudyante ay mukhang disente at maayos sa hairstyle na
gusto niya, dapat itong payagan. Lahat tayo ay may karapatan hindi lamang
bilang isang mag-aaral kundi bilang isang tao. Lahat tayo ay kailangang
igalang ang isa't isa.
Nakasaad sa Article III, Section 4 ng 1987 Constitution na, “No law
shall be passed abridging the freedom of speech, of expression, or of the press,
or the right of the people peaceably to assemble and petition the government
for redress of grievances”. Sa madaling salita, bilang mag-aaral ay mayroon
tayong karapatang magpahayag ng ating mga sarili sa loob man o sa labas ng
paaralan. May kasabihan na "ang tunay na kagandahan ay nasa kalooban at
hindi sa panlabas na kaanyuan". Kung totoo nga ito, bakit may mga tao pa
ding na nabu-bully o hinuhusgahan dahil sa kanilang pisikal na hitsura? Ang
pagiging iba sa lahat ng posibleng paraan ay hindi masama, at iyon ay isang
katotohanan. Marami ang nagsasabi na ang patakarang ito ay para sa
pagkakapareho, upang magmukhang maganda at malinis. Ang punto ng pag-
aaral ay ang pagkatuto, hindi para husgahan at pangunahan ang kanilang
mga personal na gusto sa buhay.

Ang pagsasabing ang pagpapagupit na may iba't ibang haba ang isa sa
dahilan kung bakit karamihan sa mga estudyante ay naaabala sa pag-aaral ay
isang lumang dahilan. Karapatan ng lahat na pumili kung ano ang dapat
niyang hitsura. Ang pagpilit sa isang mag-aaral na magmukhang kakaiba sa
kung ano ang gusto niya ay may malaking epekto sa kanyang kumpiyansa at
pagpapahalaga sa sarili. Ang kawalan ng pagpapahalaga sa sarili ay maaaring
magdulot ng depresyon na hahadlang sa kanyang pag-aaral. Ito ay isang
mababaw na dahilan upang humantong sa hindi kasiya-siyang sitwasyon dahil
lamang sa pagbaba ng kompiyansa sa sarili dulot ng barber's cut.

Ayon sa DepEd, mas magmumukhang disente at kagalang-galang ang


estudyante kapag sumusunod siya sa tamang haba ng buhok. Sa aking
palagay, wala namang direktang epekto o kontribusyon ang proper haircut
policy sa pag-aaral ng isang estudyante. Sa mga paaralan, binibigyang diin ang
pagtuturo ng mga Christian Values, ngunit hindi pa din maiiwasan ang
panghuhusga. Ang pagkakaroon ng isang mag-aaral ng mahabang buhok ay
hindi makakapagpababa sa kanya bilang isang tao. Maaari pa rin naman
siyang maging malinis at maayos sa kanyang "side wall cut", katulad na
lamang ng hairstyle ng artistang si Robi Domingo. Nagawa pa din niyang
makapagtapos nang may mataas na parangal sa Ateneo de Manila University.
Ang disiplina ay pagsasanay sa mga tao na sumunod sa mga alituntunin
ng pag-uugali at kung minsan ay gumagamit sila ng parusa upang itama ang
pagsuway. Taos-puso kong iginagalang ang mga paaralan na gustong ituro ito
sa kanilang mga estudyante, ngunit may iba pang mga paraan upang
madisiplina ang mga mag-aaral maliban sa pagpapatupad ng patakaran sa
pagpapagupit. Ang mga paaralan ay dapat higit na tumutok sa kung paano
mapapabuti ng mga mag-aaral ang kanilang pag-aaral. Ayon sa aking
pananaliksik, isa sa karaniwang problema ng isang estudyante ay ang
pamamahala sa oras. Ang mga paaralan ay dapat tumuon sa ganitong uri ng
mga problema kung saan ang mag-aaral ay nahihirapan. Bagama’t may
karapatan man tayo sa ating mga sariling kagustuhan, mayroon pa rin tayong
mga limitasyon. Responsibilidad nating isipin kung ano ang makakabuti sa
atin at huwag abusuhin ang ating kalayaan. Dapat pa rin tayong mag-ingat at
gamitin ito ng maayos upang maiwasan ang mga masamang dulot nito.

Nararapat lamang na baguhin ang proper haircut policy sa isang


patakarang makakapagbigay sa mga estudyante ng kalayaan tungkol sa
kanilang mga estilo ng buhok ngunit kalakip nito'y sinasalamin pa din ang
pagiging disente ng bawat isa. Hindi ba mas patas kung mayroon tayong
kalayaan sa kung ano ang gusto natin? Mayroon tayong sariling mga
kagustuhan pagdating sa ating hitsura at pagpapahalaga sa ating sarili. Ito ay
isang paraan upang ipahayag kung sino tayo, at hindi dapat tayo hadlangan
na ipakita sa mundo ang ating tunay na pagkatao.

You might also like