You are on page 1of 2

DepEd Order No. 49: Ok lang ba?

Inilabas ang Department Order 49 Series of 2022, noong ika – 2 ng


Nobyembre, matapos pinirmahan ng kagawaran para sa mga guro, upang
isulong ang propesyunalismo ng mga guro sa loob ng paaralan. Dahil dito,
pinagbabawal na kausapin ng mga guro ang kanilang mga estudyante sa
labas ng eskwelahan, kahit sa pag – follow sa social media ay bawal na.
Sa ilalim ng batas na ito, ipinasigurado na gagawin ng mga guro ang
kanilang mga responsibilidad ng patas at ipinagbabawal din ang
pagkakaroon ng aktibidad o relasyon na maaaring makaapekto sa
tungkulin nito bilang isang guro. Pinaalalahanan din ng DepEd ang mga
guro na iwasan ang pagkakaroon ng relasyon o usapan sa kanilang mga
estudyante, may kaugnay man ito sa personal, pisikal, mental na bagay o
kahit sa pamamagitan ng social media kung ito ay labas na sa paaralan,
maliban na lamang kung sila ay family – related. Hindi ba masyadong nang
nakakasakal ito para sa mga guro at estudyante? Ibig bang sabihin nun
hindi na namin babatiin ang mga guro namin pag nagkatagpuan kami sa
kung saan,yung tipong parang walang koneksiyon ang isat Isa? Paano
nalang kung may tatanongin tungkol sa mga aralin gamit ang social
media,at hindi sila puwede ifollow dahil sa batas na sinusunod nila? Parang
tinuturing ang isat isa na parang hindi magkakilala.
Karamihan sa mga estudyante ay umangal dito dahil bakit nila
haharangan ang ugnayan na meron ang guro at mga estudyante kung
hindi naman ito kalaliman? Hindi sa hindi kami sang ayon dito ngunit
makatarungan ba na panghinalaan ang mga guro sa kanilang mga
kakayahan at naniniwala ba kayo na basta basta nalang nilang hahayaan
na magkaroon sila ng malalim na ugnayan sa kanilang mga estudyante
maliban sa pagkakaibigan?
Sa isang taong pumapasok ang mga mag aaral sa paaralan,oras
oras nagkikita at nagkakausap ang mga guro at estudyante sa isang silid,
sa isang taon na yun imposibleng walang mabubuo na pagkakaibigan sa
bawat indibidwal, dalawang hindi magkakilala nga,nagkausap lang ng saglit
sa gilid ay naging magkaibigan na ,sa guro at estudyante pa kaya? Walang
masama na makabuo ng pagkakaibigan relasyon ang guro at estudyante
lalo na kung ka – vibes nila ito. Ang masama lang ay hahayaan ng mga
guro na magkaroon sila ng malalim na ugnayan sa pagitan ng kaniyang
mga estudyante, sana sa unang pasok palang ng guro sa mundo ng
edukasyon ay alam na niya ang mga patakaran at dapat iwasan.
Ang punto naman ng gobyerno ay dahil sa pag usbong ng mga
insidente ng sexual harassment laban sa mga mag aaral, na may ilang
mga guro ay nasangkot at nasuspende na. Ipinaliwanag din ni Duterte na
ipinatupad nila ito upang maiwasan ang magkaroon ng problems sa
eskwelahan. Kaya alamin at sanayin ang ating mga responsibilidad bilang
mga mamamayan ng bayan na ito, huwag maging sanhi ng pagkasira ng
kinabukasan ng mga inaasahang pag asa ng bayan.
By: Irish Aquino

You might also like