You are on page 1of 3

KALIDAD NG EDUKASYON

>>> PAANO ISUSULONG AT ITATAGUYOD SA PANAHON NG PANDEMYA (COVID


19) TUNGO SA BAGONG NORMAL NA BUHAY?

SAGOT:
Magandang araw po sa inyong lahat….. sa ating principal na si …mga guro….…mga
magulang .. balh bklah blah….

Malaki ang epekto ng pandemya (COVID 19) sa buhay ng lahat ng tao lalong lalo na sa
larangan ng edukasyon. Dahil ditto sa pandemyang nangyayari sa buong mundo,
agaran ang pagbabago ng sistema ng edukasyon. Naglatag ang gobyerno o DEPED ng
iba’t ibang moda ng pagkatuto at ito ay nakadepende sa kakayahan ng bawat pamilya
ng bata. Isang napakalaking hamon ito sa larangan ng edukasyon na para
maipagpatuloy ang edukasyon ng mga mag-aaral.

Maraming paraan ang inilatag ng gobyerno para matuto ang mga mag-aaral. Ilan ditto
ay “online learning”, “modular approach” kung saan me mga “printed modules” na
ipapadala sa mga bata para pag-aralan, paggamit ng “TV o Radio” para matuto, atbp.

Ang mga paaralan ay patuloy na gagawin ang lahat para matulungan ang mga bata na
matuto.

Napakalaki ng papel na gagampanan ng mga magulang sa biglaang pagbabago ng


systema sa edukasyon dahil sa kinakaharap ng pandemya lalo na sa implementasyon
ng iba’t ibang paraan ng pagkatuto dahil ang “face-to-face learning” ay hindi possible
dahil sa kasalukuyang sitwasyon. Ano po ba iba’t ibang paraan para matuto?
• Ang “online learning” po ay pagkatuto sa pamamagitan ng “internet connection”.
Ano po ang kelangan para matuto sa pamamagitan nito. Mga “gadgets”, “internet
connection”, “load” kung walang wifi, apbp.
• Isa pa pong paraan ng pagkatuto ay pagpapadala ng mga printed modules sa
mga bata para pag-aralan na mangangailangan ng gabay ng magulang o
guardian para maturuan o magabayan ang mga bata.
• Sa pamamagitan ng Tv or radio, subalit napakahirap isipin na sapat ang tv o
radio dahil mangangailang ito ng pasilidad para maibigay ang mga leksyon na
kailangan ng bawat bata. Limitado ang mga topics na mapapag=aralan ditto.
Sa lahat ng ito, ano po ba ang papel ng mga magulang?

Ang papel ng magulang lalo na sa “online learning” ay napakalaki dahil sila ang
magbibigay o bibili ng mga “gadgets”, “internet connections”, “load” para sa maka
internet sa mga walang wifi, pasilidad na gagamitin, atbp. Sila ang magsisilbing gabay
ng mga mag-aaral para matuto.

Isang napakalaking problema ng magulang kung sila ay walang kakayahang ibigay o


bumili ng mga kailangang gamit para matuto. Paano na lang ang mga magulang na
may mababang sahod na kung tutuusin ay ang kinikita nila ay sapat lang sa pagkain at
pang-araw araw na gastusin.

Kaya ito ay isang napakalaking hamon para sa mga magulang para matuto ang
kanilang mga anak. Kung ang pipiliin nilang moda ng pagkatuto ay “modular” o
pagkatuto sa pamamagitan ng mga “printed modules” na ipapadala ng mga paaralan,
paano na ang kanilang trabaho na kung tutuusin ay doon sila umaaasa ng ikabubuhay.
Sino ang magtuturo o gagabay sa kanilang anak? Paano na kung ang magulang ay
walang pinag-aralan na para sa kanila ay kaya nga sila nagtatrabaho ay para matuto at
makapag-aral ang kanilang mga anak upang di matulad sa kanila.

Kung “TV” o radio naman ang gagamitin ng kanilang mga anak, paano rin nila
magagabayan ang mga anak kung sila ay nagtatrabaho. Isang napakalaking hamon
kung paano nila maitataguyod ang pag-aaral ng kanilang mga anak sa tinatawag nating
“new normal”.

Iba’t iba po ang sitwasyon ng bawat magulang na nagpapaaral ng kanilang mga anak.
• May mga magulang na ang tatay o nanay lang ang nagtatrabaho at ang nanay o
tatay ay nasa bahay para gabayan ang kanilang mga anak. Mapalad ang may
ganitong sitwasyon dahil may magulang na na kahit anong oras ay pwedeng
magabayan ang anak sa pag-aaral lalo na at sapat o labis ang kinikita ng tatay o
nanay para sa pamilya; Paano kung di sapat ang kita ng tatay o nanay, isa pa
ring napakalaking hamon para sa pamilya.

• May mga magulang na parehong nagtatrabaho kaya’t walang oras para


magabayan ang mga anak na matuto sa kanilang aralin. Subalit ang kagandahan
nito ay maaaring maibigay ang mga pangangailang ng anak sa pag-aaral… pero
paano kung 2 nga silang nagtatrabaho pero sapat lang ang kita nila para sa
pang-araw araw na gastusin. Isa pa rin pong malaking problema.

• May mga magulang na dahil sa kasalukuyang pandemya ay parehas na walang


trabaho…. Malaki nga oras nila para sa mga anak pero mahihirapang maibigay
ang kanilang mga pangangailangan kaya kailangan pumili ng ibang paraan ng
pagkatuto gaya ng pagtanggap ng “printed modules” para pag-aralan…..

• Iba’t iba po ang klase ng sitwasyon ng magulang na mayroon ang mga mag
aaral kaya kailangang pumili ng angkop sa kakayahan ng magulang para sa
implementasyon ng bagong normal.

Ganunpaman, ang mga magulang ay sumusuporta sa kung anuman ang programa ng


gobyerno para matuto ang mga mag-aaral. Pinipilit ng bawat magulang na maibigay o
mabili ang mga kailangan ng mga anak nila para maipagpatuloy ang kanilang pag-
aaral. Isasakripisyo nila ang mga oras na dapat ay nagpapahinga na sila mula sa
maghapong pagtatrabaho para magkaroon ng oras na magabayan ang kanilang
mga anak sa kanilang pag-aaral.

Dahil po ditto ay inaasahan namin na magkakaisa ang mga guro at lahat ng opisyal ng
paaralan na maunawaan ang sitwasyon ng bawat magulang. Lahat tayo ay gustong
matuto ang bawat mag-aaral kaya nga po hinihingi namin ang pang unawa at
kooperasyon ng bawat isa para po mapanatili natin ang mataas na kalidad ng
edukasyon ditto sa ating bansa.

You might also like