You are on page 1of 5

Sabi nila masaya daw ang kalsada

Kapag may mga kapitbahay kang kasama


Ngunit kabaliktaran ito sa mag-ina na sina Abi at Thalia

Sa baryo ng pag-asa, may mga magkakaibigang palaging naguumpukan. Hindi nila mapigilang
pag-usapan ang mga taong dadaan sa kanilang harapan kapag sila’y nagkakasiyahan.
Isang kaganapan ang nagpawindang sa kanilang mga isipan ng may kumalat na usap-usapan
tungkol sa mag-inang palaging napapadaan sa kanilang harapan
Ang mga magkakaibigang ito na palaging updated at mahilig mag umpukan ay sina Aling neth,
Aling Beth at Aling Patt

(Sound nung huni ng ibon sa umaga hanggang sa tumilaok yung manok)

Aling Pat: Ano nagpavaccine na ba kayo? O baka naman panay ang chismisan niyo?
Aling Beth: Aba magaling! Sayo pa talaga nang galing!
Aling Neth: Ay kami nagpaturok na, mahirap na. Meron ngang nagpositive daw dyan sa
kabilang baryo, baryo na maraming kabayo

Sa bahay ng mag-ina…
Aling Abi: Nak, gising na. Pupunta ka pang school, hindi ba? Bumangon kana at maliligo kapa.
Thalia: Eto na po, nay. Kumusta po ang tulog niyo, nasakit pa rin ba ang inyong ulo?
Aling Abi: Hindi na. Ika’y kumain na baka malate ka pa. Umuwi ka ng maaga

Kumakain na ang dalaga, habang nagtitimpla ng kape ang kanyang inang kasama

Aling Abi: Nak, o kape ng magkaron ka ng pake.


Thalia: Naaaay naman. Alam niyong palagi akong may pake kahit minsan ako’y ginagabe
Aling Abi: Nakoooo meron ka nanaman sigurong kaylangan kaya nagsasalita ka nanaman ng
walang pag-aalinglangan
Thalia: hindi ba pwedeng wala naman talaga akong kaylangan? Gusto ko lang naman ng
lambingan
Aling Abi: Buksan mo na ang tv nang makapanood na ako ng balita at ako’y nabibingi na
kakatunganga

(Balita about paninirang puri sa kapwa)


Aling Abi: Tsk! Mga tao talaga ngayon ang hilig manghusga, kahit hindi naman totoo talaga.
Thalia: Imbis na tulungan lalo pang pinagkainitan. Kung sa akin man mangyari yan, ipaglalaban
ko ang aking karapatan.
Aling Abi: Naaaaak, tanda mo naman siguro ang lagi kong sinasabi sayo no?
Thalia: Oo naman, nay.

(Sabay sasabihin ng mag-ina)


Pag alam mong tama ka, mangatwiran ka kung ayaw tamaan ka!

Thalia: Hala, nako! Una na po ako.


Aling Abi: Sige nak. Kunin mo na itong perang pandagdagan sa pamasahe mo at pagkain ng
hindi ka daing ng daing dahil palagi nating ulam ay daeng.
Thalia: Nay namannn. May pera pa naman ako rito, itatabi ko na lang muna to. Matulog na ulit
kayo.
Aling Abi: O sya, sige na. Baka ikaw ay mahuli pa. Mag-ingat ka
Thalia: Salamat nay, ingat din kayo.

Sa paglabas ng pinto may mga kapitbahay syang makakatagpo. Ang dalagang naglalakad ng
nakayuko, napadaan sa harap ng chismosang nakaupo

Aling Naneth (blezcy): Uy, kilala niyo ba yan? (Tinuro si Thalia mula sa malayo) Mukhang
mangyan
Aling Beth: Ah oo, anak ni Abi ang babaing pabibi
Aling Pat (Cortez): HAHAHAHAH ayun ba yung ilang taong byuda? At iniwan ng asawa?
Mang Perding (Cortez/boses lalaki) : Oh aga aga panay ang chismisan niyo! Bumili muna kayo
ng putong tinda ko
Aling Naneth: Nako Perding! Ngsyon kalang dumating, tapos na kami kumain. Kanina pa kami
naghain
Aling Pat: Neth, neth.. Mabalik tayo, ano ba meron dun sa anak ni Abi’t tonyo?
Aling Beth: Pag talaga mga ganyan ano?! Ang taas-taas ng energy mo
Aling Naneth: Yun na nga! Usap-usapan dito palagi daw naalis ng bahay, e hindi pa naman
naghahanap-buhay
Aling Beth: Oh e ano naman?
Aling Naneth: Hay nako beth ayan daw si Thalia nagdadalang tao!!! Kadalagang tao pumatol sa
mukhang impakto
Aling Pat: Sino naman nagsabi nyan? Baka fake news yan?
Aling Naneth: Hoy Pat! Baka ika’y mapalo ko ng patpat! Nakita mong halata naman e tamo lagi
naalis, ni hindi ko na nga nakikitang nagwawalis
Aling Beth (Roxas): Nako may pinagmanahan. Kawawang dalagita nagmana pa ata sa inang
ulila sa asawa

(nagwawalis, sound effect)

Habang nagwawalis narinig ni Aling inday ang pinag-uusapan ng tatlo kaya’t bilang matalik na
kaibigan ng mag-ina pinagtanggol niya ang mga to.
Aling Inday: Hoy kayong tatlo! Alam niyo ba na yang mga pinagsasabi niyo?! Pag walang mga
katotohan pwede kayo makasuhan

Bumalik ang dalaga sa tahanan dahil kinuha ang kanyang nakalimutan


Thalia: Nay, bakit kayo nariyan sa labas?
Aling Abi: Wala, bakit nga pala bumalik ka? May nalimutan ka ba?
Thalia: Oo nay. Nalimutan kong dalhin yung pamalit ko pang ahon maglalakad daw kasi kami sa
school maghapon
Aling Abi: Ay sige, halika muna sa loob ng hindi ka mag amoy kulob

Pumasok sa loob ng bahay ang mag-ina. Samantalang patuloy na nag-usap ang mga kapit
bahay nila. Paalis na ang dalaga nang aksidente nyang marinig ang pangalang thalia
Thalia: Ako po ba ang pinag-uusapan niyo?
Aling Abi: Thalia… umalis kana, pumasok kana sa school malelate kapa
Thalia: Hindi nay, ako ata pinag-uusapan ng mga to eh
Aling Abi: Thaliaaa…
Aling Naneth: Aba wala kang modo! Malala pa ang ugali mo sa maalat na adobo!
Aling Pat: Hindi kasi naturuan ng magandang asal nagkukulang siguro sa dasal kaya ayan
parang asong askal
Aling Abi: Aba sumosobra naman na po ata kayo

Aling Beth: Hay nako Abi! Kaya nabubuntis yang anak mo palibhasa kinokonsinti mo!
Thalia: Hoy mga marites! Anong buntis?! Sinong buntis? Pati bakit ganyan niyo pagsalitaan ang
nanay ko? Hindi naman kami humihingi ng kinakain namin sainyo!
Aling Abi: Paninirang puri yang ginagawa niyo Aling Beth! Hindi buntis ang anak ko pwede ko
kayong kasuhan sa ginagawa niyo
Aling Beth: At ano namang ikakaso mo?! Gusto mo batuhin pa kita ng baso ko!
Aling Abi: Slander, Artikulo tatlong daan limampu’t walo (385)
Aling Pat: Oh tapos?
Thalia: Ay wala naman po Aling Pat… Para lang po sa kaalaman niyong tatlo Ang “Slander” o
“Oral Defamation ay isang walang katotohanan na paninirang ipinahayag mula sa salita o kilos
na nakakasira sa isang reputasyon o karakter ng isang tao. Ito ay pinaparusahan ng kulong at
isang krimen under Article 358 ng Revised Penal Code. At kung ganyan palagi ang ginagawa
niyo siguro maganda kung mag impake na kayo para dun kayo matulog sa prisinto
Aling Inday: Nako Thalia mukhang hindi ata nila alam yang Slander HAHAHA mukhang hindi
sila nakinig sa Subject na Philippine History? O baka naman absent sila kasi nagawa ng
mystery? (sarcastic)
(Pascreen record ng vid ni babalu yung HOY para isama sa ppt)
Thalia: With all due respect po, okay lang na gawin niyo ang gusto niyo sa buhay as long as na
hindi po kayo naninirang-puri o nagkakalat ng kung ano-ano tungkol sa ibang tao. Mali yon eh.
Hindi porket nagkakasiyahan kayong pag-usapan ang buhay ng iba e tingin niyo acceptable na
yon, kase masaya kayo?
Aling Neth: Anak ng---
Thalia: Hindi porket mas nakakatanda po kayo sa akin e hindi ko na pwedeng ipatanggol o
ipaliwanag yung sarili ko. Kung nakipag-usap po sana kayo nang maayos at mahinahon hindi
po sana hahantong sa ganito.
Thalia: Bago sana kayo manlait o manghusga sa iba, tignan niyo po muna ang mga sarili niyo!
Basag po ba ang salamin niyo? Kaya hirap kayong aminin ang pagkakamaling ginagawa niyo?
Ni minsan ba hindi kayo nakagawa ng mali sa buhay niyo? Yan ang hirap sa inyo mga
chismosa palaging gusto niyong maging bida! Nanghuhusga sa mga batang ina pero hindi niyo
nakikita ang mga nagpapalaglag ng anak nila matawag lang na dalaga! Sa susunod na gagawa
kayo ng chismis siguraduhin niyong totoo! At yung maka tao! Akala mong mga perpekto, eh
mga malala pa naman ang ugali sa alaga kong aso!

Biglang tikom ng bibig ang mga chismosa. Tila ba napahiya at nilamon sila ng lupa sa mga
sinabi ng dalaga.

(foot step sound, https://youtu.be/vX8sbqk007Q)


Naglakad na paalis ang mag-ina. At binaliwala na lang lahat ng mga narinig nila. Hindi bakas sa
kanilang mukha ang inis bunga ng pangungutyang walang mintis.
Aling Abi: Naaaaak, hindi mo naman kailangan gawin yon.
Thalia: Kailangan nay, dahil kung hindi ko ginawa yon patuloy nilang gagawin yon sa iba.
Ayokong maranasan ng iba kung paano sila maliitin at siraan ng mga chismosang wala namang
ginawa kundi umupo sa umaga at pag-usapan ang buhay ng kapitbahay nila.
Aling Abi: Palagi kang matutong magpakumbaba kahit ikaw ang tama. Ang mahalaga nakikita
ka ng Diyos at palaging pinagpapala.

You might also like