You are on page 1of 5

SALAMAT

Phoebes25

Salamat Inang Bayan/ pagkat ika’ biyaya.


Biyayang binigay ng maykapal sa mga Pilipino.
Mga Pilipinong tulad kong/ nagpapasalamat sayo.
Sa pagpapagal/ at pagmamalasakit mo.

Salamat sa lahat ng tulong.


Tulong na di kayang pantayan ng kahit na sinong nilalang
Pagka’t ipinagkaloob ka sa amin ng Diyos
Ang Diyos/ na nakatataas sa ating lahat.

Ngunit bakit ka tinatrato na parang ika’y walang silbi?


Bakit kaya iniisip nila na para kang basura?
Isang Basura na mistulang dapat itapon sa tambakan.
Sana maisip nila ang kahalagahan mo/ bilang isang bansa.

Salamat dahil pinagtitiisan mo kami.


Kami na hindi marunong magpahalaga.
Mga pilipinong hindi alam/ ang tunay mong kahalagahan.
Na sarili lamang ang pinapahalagahan.

Salamat talaga Inang Bayan/ sa kabutihan mo.


Sana lahat ng tao sa buong mundo/ ay katulad mo.
Katulad mong hindi nang-iiwan kahit na nasasaktan.
Maraming salamat sa lahat.

Kailan kaya darating ang araw ng pagbabago namin?


Isang pagbabago/ na maglilinis ng aming kalooban.
Kailan kaya darating ang araw ng/ kalinawan sa aming isipan
Upang hindi ka namin sisihin/ sa aming kahirapan?

Kailan kaya maintindihan


Na ikaw ay gintong kailangang pahalagahan
Katulad ng isang taong may damdamin/ at nararamdaman?
Hay! Sana dumating na, sana dumating na.

Kabataan
LYNE’Z

Kabataan?
Kabataan ang pag-asaa ng bayan noon!/
Pero bakit parang kabataan ang nagpapadumi ng bayan ngayon?/
Dahil ba sa mapagbagong panahon?/
O dahil sa mga mapagbagong pamumuhay sa ngayon?/

Noon ay makikita mo lang sa kalsadang naghahabulan/


At ang iba’y/ naglalaro ng tagu-taguan/
Ngunit ngayo’y sa bar ang kanilang tambayan/
Makikita mo ang iba sa kanto / nakikipag-inuman/

Ang mga kabataan noon/ ay di pa pwede magkaroon ng kasintahan/


Hangga’t di pa nakakatapos sa pinag-aaralan/
Ang binata’y nanliligaw pa tahanan/
At nagsisilbi sa pamilya ng babae/ upang may mapatunayan./

Pero ngayo’y sa pampublikong lugar/ sila’y naghahalikan/


Hindi pa nga nila alam/ kung ano ang ibig sabihin ng nag-mamahalan/
Hindi man lang naisip/ na ditto sa ating bayan/
Sila’y wala pang napapatunayan/

Binabalewala ang pag-aaral,/ inuuna pa ang lampungan /


Inuuna ang pag-status ng walang kabuluhan/
Nagfafaacebook maghapon/ kahit magdamagan/
Nagpaparamihan ng likes/ para masabing sya’y kagandahan/

Like mo dp ko,/ 5 likes kita./


Flood likes mo ko,/ Lb kita/
Wanted gf/ at wanted bf / dahil broken ako/
Mga status ng kabataan/ panay nakikita ko/

Ganyan naba ang mga kabataan ngayon?/


Kailangan bang makisunod sa uso ngayon/?
Kailangan bang magpadala sa mapagbagong panahon?/
O kailangan bang tumaliwas/ sa mapagong pamumuhay ngayon?/

Ang bagong henerasyon


Dreed
Malayo na nga ang ating narating/
Malapit na tayo sa puntong/ nilimot
At binura ang kinagisnang pamumuhay noon/
Nasaan na nga ba tayo ngayon?/

Nasa puntong binura na ang mga ala-ala


Na nagpapaalala/ kung gaano sila naghirap
Upang mapalaya ang pilipinas sa hawla/
Ngunit tanong lang?/

Malaya na nga ba ang pilipinas?/


Literal siguro oo!/ pero yung totoo hanggang ngayon ay nakakulong parin tayo...
Oo!/ nakakulong parin tayo dulot ng mapagbagong panahon/
Dulot ng mga teknolohiya at mapanlinlang na bagay ngayon/
Na syang bumubura ng kultura natin noon./

Oo nakakulung pa rin tayo sa kasakiman / at uhaw sa kapangyarihan


Kahit alam nating ito ay mali/
Dahil sa salapi/ ay atin itong ipinaglalaban
Kung kaya’t Pilipino at Pilipino lang rin ang nahihirapan/
Oo nakakulung parin tayo/ dahil hanggang ngayon wala parin tayong pagbabago

Kamustahin naman natin ang ating bansa/


Inang bayan, kong tawagin nila/
Ipinaglaban ng ating mga bayani/
Na sila lang naman nag nagpalaya/

Bakit hindi natin kayang gumawa ng aksyon/


Hindi sagot ang eleksyon/ sa lumalalang kurapsyon/
Hindi rin ang pagsasagawa ng sandamakmak na batas/
Kundi ang paggalang sa batas/ ng Diyos
Pagkakaintindihan/ pagmamahalan at hindi sakim sa kapangyarihan/
At higit sa lahat may pagkaisa ang bawat isa.

Anak
Cutify#08
Nang ako’y isinilang sa mundong ito
Galak na galak ang magulang ko na masilayan ang paglaki ko
Kaya sa akin ibinigay lahat ng gusto ko
Tulad ng manika, pagkain, damit at iba pa.

Habang ako ay lumalaki


Tinuruang mag bigkas simula sa maliit na letra
At ako ay tinurung ding mangarap simula sa maliit na bagay
Kaya magulang ko’y nasisiyahan na

Nangarap akong maging doktor, Guro’t Abogasya


At maging mayaman pa
Ngunit ng ako’y nasa tamang edad na
Pangarap ko’y nawala na

Ako’y nalulung sa masamang bisyo


At maging sa barkada
Naging pariwara pa
Pangarap ko’y kinalimutan na

Pangarap ko’t payo nila’y sinuway na


Ako sanay gisingin, upang pangarap ko’y masimulan na
Pangarap ko’y matupad na
Upang magulang ko ay masiyahan na

SANA
-Boss

Mahal kita pero may mahal kang iba.


Pilitin ko man na ika’y maging akin
Pero mata’t puso mo’y sa iba nakatingin
Hindi naman pweding ika’y palayain/ dahil ikaw ay hindi naman naging akin.

Paano nga ba ang isang tulad mo ay tuluyan ko ng limutin?


Sabi ko akin ka/ pero sagot mo “hindi”/ dahil pagmamayari ka ng iba.
Sarili ko’y pilit nilalapit/ sa taong gusto mong makamit.
Upang pakiusapan siya na pwede bang akin ka muna kahit saglit?

Sana alam mong nasasaktan ako/ sa tuwing binabalewala mo ako,


Sana ramdam mo ang pag-ibig ko kahit walang tayo.
Sana pwedeng ibalik yung dati/ para maitama yung nagawang mali.
Sana pwedeng ibalik yung dati/ para hindi na ngayon nagsisisi,

Sana pwedeng ibakik yung dati para hindi na ngayon nag-aalinlangan.


Sana pwedeng ibalik yung dati para hindi na ngayon nahihirapan.
Sana pwedeng ibalik yung dati/ para hindi na ganito,
Para hindi na ganito kahirap ang buhay/ na sa tuwing kikilos ka ay may maapektohan

May manghuhusga,/ may mangungutya / at may masasaktan


Saya,/ ligaya,/ tuwa,/ o Ngiti/ nasaan kana?
Malayo ka pa ba o malapit na?
Dalaw ka naman sa akin/ para lumbay sa aking buhay panandalian kong hindi madama

You might also like