You are on page 1of 2

“Hikbi ni Inang Kalikasan, Pakinggan”

Yaman ng kalikasan kailanman hindi mapapantayan


Walang halaga ng pera ang kayang tumbasan
Magsisilbing pundasyon ng ating kinabukasan
Kaya dapat nating igalang at pangalagaan.

Halaman sa kapaligiran ay siyang yaman ng sangkatauhan


Sapagkat sari-saring hanapbuhay dito’y matatagpuan
Ang sinag ng araw tila walang kasing kinang
Simoy ng hangin ay may dalang hagod ng katahimikan.

Ang hanging sariwa, naglilinis ng pang-unawa


Libre lang langhapin, hindi nakakasawa
Ngunit tayo lang mismo ang gumagawa ng masama
Hindi titigil hangga’t kalikasa’y tuluyang masira.

Minsa’y narinig kong umiiyak si Inang Kalikasan


Nagmamakaawa na siya’y tulungan
Upang tuluyang pagkawasak ay mapigilan
Nasa ating mga kamay ang kanyang kaligtasan.

Nagkalat ang mga basura sa mga lansangan


Maging sa kanal man o ating mga tahanan
Kapag gugustuhin ay maraming paraan
Panatilihing malinis ang ating kapaligiran.
Ugaliing ayusin ang ating bahay
Basurang nabubulok sa hindi ay ipaghiwalay
Itapon ang dumi sa tamang lalagyan
Matutong magligpit upang ang kalat ay mabawasan.

Ang dating kulay asul na katubigan


Mga ilog, lawa, sapa at karagatan
Patuloy na dumudumi't nadudungisan
Huwag sanang hayaang masira nang lubusan.

Maruming kemikal marapat nang pigilan


Mga walang kabuluhang pagawaan ipasara kung kinakailangan
Habang may panahon pa'y pangalagaan
Upang ang kagandahan nito'y huwag matuldukan.

Pinagkukunan ng iba’t ibang uri ng hanapbuhay


Nararapat lang na ating bigyan ng saysay
Tagasangga sa maraming sakuna
Sa mga matitinding bagyo’t pabago-bagong klima.

Tayo'y magkapitbisig at magtulungan


Sagipin natin ang ating Inang kalikasan
Walang ibang makikinabang kundi tayo rin naman
Nang sa gayo’y bagong henerasyon ito'y masilayan.

You might also like