indi na bago sa mga Pilipino ang ideya na ang kaunlaran ay nagdudulot ng
pagkasira ng kapaligiran. Dati, ang hangin ay sariwa, ang tubig ay malinis, at ang ating mundo ay malusog. Ngayon, masangsang ang amoy ng hangin, malinaw ang pagkarumi ng tubig, at ramdam ang kakila-kilabot na init ng araw; lahat ng bagay ay marumi! Lalong lumalala araw-araw. Ang sakit ng mundo ay isang malalang bagay para sa bawat nilalang na nakatira dito, tao man o hayop. Bakit nagkaganito? Ang suliranin sa pagtatapon ng basura ay isa lamang sa maraming usaping pangkalikasan, at ito ang totoong kaakibat ng pag-unlad ng lipunan.
Sa pag-unlad ng lipunan, dumarami ang mga produktong nalilikha ng tao:
mga produktong nakakatulong sa pagpapagaan sa proseso ng pagtatanim ng palay at iba pang pinagkukunan ng pagkain; mga produktong nakakapagpadali sa pagdadala ng mga produktong agrikultural; mga produktong nakakapagpaginhawa sa pamumuhay at sa mga gawain sa loob ng tahana; mga produktong nagbibigay saya o mga produktong pang-sining; mga produktong nagluluwal ng iba pang produkto; at marami pang klase ng produkto na nalilikha sa sangkatauhan. Ano nga ba ang solusyon sa suliranin sa basura? Masasagot natin ito kung maiintindihan natin kung paano umusbong ang parami nang paraming basura na nalilikha natin. Kung mga hayop ay hindi natin masasangkot sa problemang ito, mayroon ding pagtatanggi sa laki o liit ng ambag ng bawat tao sa problemang ito. Ang ordinaryong mamamayan na nagtatapon ng balat ng kendi sa daan ay hindi hamak na mas maliit ang ambag kaysa sa may-ari ng pabrika ng kendi na napakalaki ang kinikita sa paglikha ng kendi. Kung walang kendi na nalikha sa pabrika, wala ding basura na maitatapon sa daan. Sino ngayon ang dapat singilin para malutas ang ang problemang ito? Si Mr. Candyman ba na limpak-limpak ang tubo sa pagluluto at pagbebenta ng kendi o si Juan na pagkatapos ilabas ang kendi ay itatapon lang sa labas ng jeep ang balat? Dulot nadin ng mga iresponsableng tao. Wala silang pakialam sa ating mundo. Ang mga tao ay walang konsiderasyon. Hindi nila iniisip ang mga bunga ng kanilang mga gawain. Ang lahat ay tungkol sa benepisyo, pagkamakasarili, at kasiyahan sa sarili. Ang pananagutan sa problemang basura ay nakatuon sa kung sino ang lumilikha at nakikinabang sa paglikha nito. Kahit sa basura sa hangin na nagdudulot ng pagbabago ng klima (climate change), ang may pananagutan ay ang mga mayayamang bansa na siyang may pinakamalaking volume na ibinuga at patuloy na ibinubugang greenhouse gas, hindi ang Pilipinas na mas maliit pa sa 1% ang ambag nito. Ang lumilikha at yumayaman ang may pananagutan at sila ang dapat singilin para sa pagbubuo ng mga imprastruktura para ayusin ang pagtatapon ng basura. At bago natin makalimutan, mayroong gobyerno para gawin ang lahat nang ito. Sa madaling salita, gobyerno ang dapat maningil sa mga tagapaglikha ng basura, gobyerno ang dapat magtayo ng imprastuktura sa pag-aayos ng mga basura. Gobyerno ang dapat maglagay ng mga basurahan sa bawat kanto ng daan. Para saan pa ang napakalaking buwis na napupunta sa pork barrel na kontrolado ng Pangulo?
Kung patuloy na lumalala ang kalagayan ng ating planeta, maaaring ito na
ang katapusan nito, ang katapusan natin. Higit pang mga natural na kalamidad at nakakahawang mga sakit ang darating sa mundo kapag hindi natin inapakan ang preno. Maaaring maapektuhan ang ating kalusugan. Ang ilang mga hayop ay mawawala dahil sa mataas na temperatura o sa maruming lugar ng pamumuhay tulad ng mga pagong ay hindi maaaring mabuhay sa maruming dagat. Ang ecosystem ay mawawalan ng timbang, at ang mga likas na yaman ay mauubos. Ito ay maaaring maging tadhana ng bawat nilalang sa mundo. Gusto mo ba talagang mamuhay sa ganitong uri ng kapaligiran? Gusto mo bang magkaroon ng isang magandang lugar upang manirahan? Kaya imbes na sisihin si Juan, Pedro, at Maria, ipaunawa natin sa kanila ang kahalagahan ng wastong pagtatapon ng basura. Ipaunawa natin sa kanila ang kahalagahan ng pagsasama-sama upang singilin ang gobyerno sa problema sa basura at gamitin nito ang pork barrel para maglagay ng mga basurahan sa bawat kanto sa lahat ng kalye sa bung bansa, para magtayo ng mga na makabagong imprastuktura para ayusin ang samu’t- saring basura na nililikha ng mga yumayaman dito. Ang ating mundo ay maaaring maging isang magandang lugar kung ang lahat ay marunong magmalasakit at nagtutulungan. Nais ng bawat isa na makita ang magandang asul na dagat, sariwang hangin, at malusog na berdeng Daigdig na puno ng mga puno. Inaasahan namin na sa hinaharap, ang mga tao ay gigisingin at talagang kikilos para sa kinabukasan ng ating daigdig. Maaari tayong gumawa ng pagkakaiba. Magumpisa tayo ngayon.