You are on page 1of 1

MAKABAGONG TEKNOLOHIYA SA EDUKASYON

Ang edukasyon ay napakahalaga sapagkat ito ang magiging sandigan naming mga
kabataan tungo sa kaunlaran. Kaming mga kabataan ang magsisilbing susi upang umunlad ang
ating sinilangan. Kami ang nakapagbibigay liwanag sa mga mamamayan mula sa madilim na
nakaraan. Na magiging daan patungo sa ating pinakaaasam-asam na pagbabago at kaunlaran.
Tunay ngang ang edukasyon ay isang kayamanan na ‘di mananakaw ninuman. Ito ang
sandatang kailangang makamit ng mga kabataan na nagsisilbing panangga nila sa kahirapan.

Sa panahon, kung saan ang teknolohiya ay patuloy na sumisibol, iba’t ibang mga gadgets
ang mga naiimbento at natutuklasan. Kaliwa’t kanan na ang mga makabagong bagay na
nalilikha ng tao. Ilan sa mga ito ay ang cellphone, computer,at pati na rin ang pagtuklas ng
internet. Ito ang mga makabagong bagay na makakapagpadali ng buhay at mga gawain ng mga
mag-aaral. Ang computer ay may napakalaking tulong sa aming mga mag-aaral laong-lalo na sa
aspeto ng pananaliksik. Hindi mo na kailangang maghalukay pa ng maraming mga aklat para
kumuha ng mga kaunting na impormasyon sa bawat aklat. Hindi mo na kailangang
maghalungkat sa mga silid-aklatan upang maghanap ng mga datos na kinakaila sa iyong takdang
aralin. Puntahan mol ang ang google, isulat mol ang ang paksa na hinahanap mo, maghintay ka
lang ng ilang sandal, at makikita mo na ang iyong hinahanap. Tunay ngang malayo na ang
narrating ng teknolohiya sa ting bansa maging sa buong mundo. Dahil sa nagaganap na
modernisasyon sa ating mundo, animo’y nagging bulag tayong mga mag-aaral sa maaaring
dulot o epekto nito sa ating pag-aaral.

Ang lahat ng makabagong teknolohiya ay ginawa upang mapadali ang gawain ng tao at
mag-aaral. Sa halip na sa pagpapaunlad ng karunungan, ito ay ginagamit nila sa hindi tamang
gawain. Sa halip na magsaliksik para sa takdang aralin, ang inaasikaso ay counterstrike,
Instagram, facebook, at iba pa. Ito ang ilan sa mga paraan ng paggamit ng mga kabataan sa mga
makabagong teknolohiya.

You might also like