You are on page 1of 3

Publications

MAKABAGONG TEKNOLOHIYA SA EDUKASYON

by:
Essel E. Reyes
Alasasin Elementary School

Ayon sa mga pagsusuri at obserbasyon, marami sa mga kabataan ngayon ang may
mabababang marka. Maraming mga kadahilan ang ditto ngunit ang nangingibabaw ay
ang usaping teknolohiya, kung saan nahuhumaling ang karamihan sa kabataan. Tunay
ngang malayo na ang narrating ng teknolohiya o mas kilala nating “gadgets” sa ating
bansa maging sa buong mundo. Nandiyan ang PSP, Ipod, Tablet, Laptop at Cellphone na
makikitang laging hawak ng karamihan sa mga kabataan particular na ang mga mag-
aaral.

Ang naunang pag-aaral na patungkol sa mga kadahilanan kung bakit mabababa


ang mga grado ng mga mag-aaral ay may kinalaman sa problema sa pamilya, pinansyal
na kalagayan, lugar kung saan sila nakatira, study habits at iba pa. Ngunit nang unti-
unting umusbong ang teknolohiya, maraming pag-aaral ang isinagawa kung saan nakita
ang malaking epekto nito sa mga mag-aaral. Dahil sa nagaganap na modernisasyon sa
ating mundo, animo’y naging bulag ang mga estudyante sa maaaring dulot o epekto nito
sa kanilang pag-aaral at pati na rin sa pag-uugali. Kabilang na dito ang pagbabago sa
pananamit ng mga estudyante, samga bagay na produkto ng makabagong teknolohiya,
mga kinahihiligan larong online, maging ang paraan ng kanilang pakikisalamuha sa
kapwa. Masasabing mas mahabang oras ang inilalaan ng mga estudyante sa ngayon sa
makabagong teknolohiyang ito. Ang pumuntang computer shop para buksan ang
kanilang account upang maglaro ng online games, kaysa sa pagbisita sa silid-aklatan at
gugulin ang bakanteng oras para magbasa ng mga aklat at mag-aral ay mas kinahihiligan
pa nila ngayon.

30 July 2018
Publications
Maging sa oras ng klase ay madalas na nawawalan na nang ganang makinig sa
itinuturo ng mga guro dahil kahit sa oras ng talakayan ay hawak-hawak pa rin ang
cellphone at patuloy sa paglalaro o pagpe-facebook.

Sa kabilang dako, malaki din ang naitutulong ng teknolohiya sa ibang aspeto.


Nagiging susi ito ng magandang komunikasyon, ng isang matatag na pagkakaunawaan
at relasyon ng mga tao sa isang lipunan. Nagsisilbi itong daan upang malaman ang mga
pangyayari sa loob at labas ng ating bansa at libangan ng karamihan. Maging sa pag-
aaral o sa paaralan, ang teknolohiya ay isa sa pinakaimportanteng mapagkukunan ng
impormasyon ng mga magaaral lalo’t higit ng mga guro sapamamagitan ng cellphone ,
laptop , computer , at projectors. Sa ilang pindot lang ay makikita na ang hinahanap
mong impormasyon hindi katulad noon na kailangan pa ng mga libro upang mahanap
ang mga kailangang impormasyon. Dahil dito, masasabi natin na ang teknolohiya ay
nakatutulong sa atin dahil napapabilis nito ang iba’t ibang Gawain ng tao sa kanilang
araw-araw na pamumuhay.

Bilang mga guro na siyang gumagabay sa mga kabataan sa paaralan, katuwang


ang mga magulang ay malaking responsibilidad ang sa ati’y nakaatang. Tayong mga
guro ay may malaking papel na ginagampanan sa paghubog ng kagandahang asal ng
mga estudyante. Tayo, bilang pangalawang mga magulang ng mga estudyante ay
nararapat na gawing kawili-wili ang mga gawaing pang-akademiko, magkaroon ng
kakaibang istratehiya sa pagtuturo at maghanda ng mga motibasyong nakakatawag-
pansin o makakukuha ng interes ating mga estudyante para mas mahikayat silang
makinig at makilahok sa talakayan. Higit silang naaapektuhan sa pagpasok sa iba’t-ibang
Social Networking Sites dahil sa wala silang sapat na kaalaman hinggil sa tamang
paggamit nito kaya nararapat ang patnubay at gabay ng mga guro. Kailangan nila tayo
upang matulungan ang mga kabataan sa matalino at makabuluhang paggamit ng
teknolohiya.

30 July 2018
Publications
Ang lahat ng makabagong teknolohiya ay ginawa upang mapadali ang gawain ng
tao lalong lalo sa mga estudyante at guro. Tandaan natin na hindi ito ginawa para
makagawa o magbunga ng kasamaan. Maaring may masamang epekto ito sa kabataan
ngunit kung ang paggamit ng mga teknolohiyang ito ay may kasamang disiplina, maari
itong maiwasan.

30 July 2018

You might also like