You are on page 1of 1

Maraming estudyante ang kadalasang nagtatalo kung ang teknolohiya ay nakakabuti

o nakakasama. Marami ang naniniwala na ang teknolohiya ay may epekto sa ating


lipunan, pero marami rin ang pabor sa pag-unlad ng teknolohiya dahil ito ay
nagbibigay ng magandang dulot sa pamumuhay ng mga studyante. Ang mga pananaw na
ito ay tama. Subalit, kailangan nating pag-aralan ng mabuti kung ang teknolohiya
nga ba ay nakakatulong o nagdudulot ng masamang epekto.

Sa bawat henerasyon ng makabagong teknolohiya ay maraming kahalagahan ang naiaambag


nito sa ating pamumuhay sa pang– araw– araw. Hindi maipagkakaila na ang mga Social
Networking Sites ay isa sa maging produkto ng makabagong panahon. Ang Social
Networking Sites ay modernong paraan ngayon ng pakikipagkaibigan ng
iba’tibang tao sa mundo dahil sa ito ay mas high tech, mas madali, at higit sa
lahat, mas mabilis. Ito ang tulay sa atin para makamusta ang mga taong malalayo sa
atin, magkaroon ng mga bagong kakilala at kaibigan.

Ayon kay Espina at Borja (1996), ang komunikasyon ay isang makabuluhang kasangkapan
upang maangkin ng bawat nilikha ang kakayahang maipaliwanag nang buong linaw ang
kanyang iniisip at nadarama. Dito kusang umuusbong ang isang matatag
napagkakaunawaan at relasyon ng mga tao sa isang lipunan. Nagiging bukas ang isipan
sa mga pangyayari sa loob at labas ng ating bansa at nagsisilbing libangan ng
karamihan. Ngunit sa kabilang dako, nagiging bulag tayong mga estudyante sa
maaaring dulot o epekto nito sa ating pag–aaral at pati na rin sa pag–uugali.

Dahil na rin sa nagaganap na modernisasyon sa ating mundo,


marami ang nagbabago.Kabilang na dito ang pagbabago sa pananaw ng mga
estudyante sa mga bagay na produkto ng makabagong teknolohiya, mga
kinahihiligang mga larong online, maging ang paraan ng kanilang
pakikisalamuha sa kapwa. Masasabing mas mahabang oras ang inilalaan ng mga
estudyante sa ngayon. Ang pumuntang computer shop para buksan ang kanilang
account,maglaro ng online games, kaysa sa pagbisita ng silid – aklatan at igugol
ang bakanteng - oras para magbasa ng mga aklat at mag – aral.

Kadalasan naman, nawawala na nang ganang makinig sa itinuturo ng mga guro dahil
kahit sa oras ng talakayan ay hawak – hawak pa rin ang cellphone at patuloy
sa pagbisita ng kanilang account sa iba’t ibang sites.

Ayon sa pag – aaral nina Basilio at Bernacer (2007), ang guro ay may malaking
papel na ginagampanan sa paghubog ng kagandahang – asal ng mga estudyante. Subalit
sa pamamagitan ng social media na produkto ng makabagong teknolohiya, kay gulo ng
takbo ng kanilang pag–iisip sa larangan ng kanilang pag – aaral. Nakakalungkot
isipin na mas nangingibabaw na ang negatibong epekto ng Social Media sa mga
estudyante at tila baga unti– unti nang nahihigitan ang kagandang asal at disiplina
sa sarili

Dahil dito, ang mga guro bilang pangalawang mga magulang ng mga estudyante ay
nararapatna gawing kawili – wili ang mga gawaing pang – akademiko, magkaroon
ng kakaibang istratehiya sa pagtuturo at maghanda ng mga motibasyong nakakatawag –
pansin o interes sakanilang mga estudyante para mas mahikayat silang makinig at
makilahok sa talakayan. Kaya’t nararapat ang patnubay at gabay ng mga guro. Higit
silang naaapektuhan sa pagpasok sa iba’t ibang Social Networking Sites dahil sa
walang sapat na kaalaman hinggil sa tamang paggamit nito.

You might also like