You are on page 1of 2

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang social media ay hindi maituturing na maliit na bagay sapagkat mahigit 70

porsyento ng mga tao sa ating mundo ay nagamit ng iba't ibang uri ng mga

social networking sites. Sa pagiging aktibo ng maraming tao rito, ito ay

nakakabuo ng komunidad na itinatawag na "virtual community" na kung saan

ito ay binubuo ng mga globalisadong tao na aktibo sa mga social networking

sites.

Kung ating papansinin, masasabi natin na mas marami ang bilang ng

kabataan na nag-so-social media kaysa bilang ng matatanda. Dahil dito,

naisipan ng mga mananaliksik na bigyang pansin ang mga mag-aaral na

kabataan mula sa kanilang unibersidad. Ang kahalagahan ng pananaliksik na

ito ay makahanap ng solusyon para sa mga mag-aaral na labis na

naapektuhan ng social media.

Nais ng mga mananaliksik na makapag-ambag ng mga solusyon o

rekomendasyon para sa mga kabataan ngayon at para na rin sa mga

susunod pang henerasyon. Ang kahalagahan nito ay magkakaroon ng

kaalaman ang mga mag-aaral ukol sa maaaring maging epekto ng social

media sa kanila at sa kanilang pamumuhay.

KAHALAGAHAN SA MAG-AARAL
Mahalaga ang pag-aaral na ito sa mga mag-aaral sa dahilang para malaman nila

kung nakakabuti o nakakasama ang paggamit ng social networking sites sa kanilang

araw-araw na buhay bilang isang estudyante.

KAHALAGAHAN SA GURO
Mahalaga sa mga guro ang pag-aaral na ito sa dahilang para malaman nila kung

ano ang dahilan sa pagbaba o pagtaas ng mga marka ng kanilang mga mag-aaral.

Nakakatulong din ito kung paano nila masusubaybayan o magagabayan ang kanilnag

mga estudyante pagdating sa mga ganitong diskusyon partikular ang social media.
Magiging daan din ito upang mas maging kawili-wili at mas epektibo ang pagtuturo ng

mga guro sa kanilang mga mag-aaral.

KAHALAGAHAN SA PAARALAN
Mahalaga ito sa bawat paaralan sa paraan para magkaroon ng malawakang

kaisipan sa usaping Social Media at makakasabay ang bawat isa sa loob ng paaralan

ukol sa pagbilis ng pagtakbo ng teknolohiya sa kasalukuyang panahon.

mulasa mga mag-aaral ng Polikteknikong Unibersidad ng Pilipinas na

mayroong iba't-ibangkurso. Nais makabuo ng mga mananaliksik ng 50

respondanteng babae at 50 respondante din mula sa kalalakihan upang

makuha ang kabuuang bilang na 400 narespon dateng magiging tulay

upang maisakatuparan ang pananaliksik.

You might also like