You are on page 1of 1

Impormatibong Abstrak

Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa mga karanasan ng mga kabataan na


may sirang pamilya.Ang pagkakaroon ng ama at ina sa pamilya na nagbibigay ng
pagmamahal at atensiyon ay napakahalaga sa bawat anak.Upang mas maging
maayos ang kanilang buhay subalit kung ang bawat bata ay nakakaranas ng may
sirang pamilya o kaya’y hindi buo ang pamilya ay maari na maapektuhan ang
kanilang kinabukasan dahil na nga sa kanilang problema na kinakaharap.Ang
sinabing pananaliksik ay sumasailalim sa quantitive method at sa pamamagitan ng
interview ang mga mananaliksik na nagtaga ng mga katanungan na sinagutan
naman ng respondante.Ito ay ginamitan ng purposive o judgmental sampling kung
saan ay pumili ang mga mananaliksik ng mga respondante na kabilang o maaring
mapagkunan ng mga sapat at maayos na impormasyon sa nasabing
pananaliksik.Ang bilang ng mga respondante na kinuha ng mga mananaliksik ay
lime (5).Ayon sa resulta na nakalap ng mga mananaliksik ay marami ang nagsabi
na nagiging sandigan nalang nila ang mga kaibigan nila pagdating sa problema na
may kaugnay sa kanilang pamilya.At isa rin sa mga respondante ang nagsabi na
ang pagtutuon sa kaniyang pamilya ay nakatulong upang maging buo ang
pagkatao niya.

Deskriptibong Abstrak
Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa mga karanasan ng kabataan na may
sirang pamilya.Bawat anak ay kailangan ng isang buo at masayang pamilya upang
magkaroon sila ng maayos at magandang buhay.Ang pagkakaroon ng ama at ina
sa pamilya ay nakakatulong sa bawat anak upang sila ay magsumikap at maging
matagumpay sa bawat bagay na kanilang kakaharapin.Subalit kung ang bawat
bata ay nakakaranas ng may sirang pamilya ay maaring maapektuhan nito ang
kanilang kinabukasan o ang mga bagay-bagay na kanilang kakaharapin.Ang
layunin ng mga mananaliksik ay magkaroon ng maayos na relasyon ang bawat
pamilya at upang mabigyan ng pagkakataon ang mga kabataan na may sirang
pamilya na malaman ng husto ang kanilang sarili sa pamamagitan ng ibang
tao.Ang mga mananaliksik ay tumuon lang sa mga kabataan na nakaranas o
nararanasan ang ganitong sitwasyon.

You might also like