You are on page 1of 43

KABANATA 1

PANIMULA

Ang pamilya ang gumagabay, nagtuturo ng mabuting asal, nagbibigay ng

pangangailangan, at pagmamahal ng walang kapalit. Ang pamilya ang pinaka maliit na

yunit ng lipunan na binubuo ng Ama, Ina, at ang mga anak nito. Malaki ang impluwensya

ng pamilya lalo na sa mga bata dahil ito ang dahilan ng pagka angat at pagpupursigi sa

buhay. Ayon kay Beth Morrisey (2017) Ang Nanay ang nagsisilbing ilaw ng tahanan at

may iba’t ibang uri ng koneksyon sa pagitan ng ina at anak , isa na lamang dito ang

cuddle connection at ang breastfeeding na nagrerelease ng isang hormone na tinatawag

na oxytocin, sa koneksyong ito nagkakaroon ng benepisyo sa pagitan ng ina at anak. Ang

Tatay ang nagsisilbing proteksyon, haligi ng tahanan at nagpapakahirap sa trabaho

upang mabuhay niya ang kaniyang pamilya. Ang Anak ay nagsisilbing gantimpala sa

lahat ng mga ginagawa ng mga magulang at inspirasyon.

Ayon kay Pierangelo Alejo(2004), ang pamilya ang pangunahing institusyon sa

lipunan na nabuo sa pamamagitan ng pagpapakasal ng isang lalaki at babae dahil sa

kanilang walang pag- iimbot, puro, at romantikong pagmamahal- kapwa nangakong

magsasama hanggang sa wakas ng kanilang buhay. May iba’t ibang uri rin ng pamilya

ayon rito ay base sa dami ng miyembro ng isang pamilya at kabilang rito ang Extended

Family. Ito ay nangahuhulugang kasama ng pangunahing pamilya ang iba pang mga

kamaganak tulad ng mga lolo at lola sa iisang tahanan lamang. Ang isa pang uri ay ang

1|Pahina
Conjugal Family na kung saan ang tatay at nanay ay hindi kasal at may anak. Sumunod

ang Nuclear Family na binubuo lamang ng mga magulang at ng mga anak nito.

Ang Broken Family ay ang hindi pagsasama ng Nanay at Tatay sa isang tahanan

upang itaguyod ang kanilang mag anak at hindi nagagabayan ang kanilang mga anak.

Sa pagkakabuklod-buklod ng pamilyang, hindi rin maiiwasang na magkakawatak-watak

ito. Ito marahil ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng isang broken family o isang sirang

tahanan, kung saan ang nanay at tatay ay hindi magkasamang naninirahan sa iisang

tahanan upang itaguyod ang kanilang mga anak. Ayon kay Campbell 1932, ang nasirang

tahanan ay tinutukoy bilang anumang tahanan na kung saan ang isa o parehong mga

magulang ay hindi nakatira kasama ang mga bata sa isang normal na relasyon ng

pamilya. Ang paghihiwalay ay maaaring dahil sa kamatayan, diborsiyo, desersyon, o

anumang iba pang mga dahilan. Kung ang isang abnormal na bahay ay isang

permanenteng epekto sa mga bata, ang kakayahan ng gawin ang kanyang mga gawain

sa paaralan, ito ay dapat na makikita kapag ang tagumpay na mga bata na nanggagaling

mula sa isang normal na pamilya.

Ayon naman kay Mc Linn 1985, mayroon din mga negatibong epekto sa mga bata

ang pagkamulat sa hiwalay na pamilya o broken family. Sinasabi ng mga siyentipikong

higit na marami ang mga nagiging suliranin sa mga batang pinalaki ng single parent kaysa

sa mga batang ginabayan mg parehong magulang.

2|Pahina
Ang paaralan, ang isa sa mga nagiging daan upang makamit ang tagumpay sa

buhay, ngunit dahil mayroong problemang kinakaharap ang mga kabataan, nahihirapan

ito na mag pokus sa pag aaral. Ayon kay Barbara Huberman (RN, MEd, Former Director

of Education and Outreach Updated 2016) ang mga edad na 13-17 ang pinaka mainam

na edad upang isagawa ang pananaliksik sa mga edad na ito nabubuo ang personalidad

ng isang bata na malaman kung papaano niya malalampasan ang mga problemang

kinakaharap niya.

SULIRANIN

Sa pag-aaral na ito mailalahad ang mga sumusunod:

 Suliranin tungkol sa epekto ng pagkawatak-watak ng pamilya sa kabataan

 Ano ang karaniwang dahilan ng pagkakawatak-watak ng pamilya?

 Nakakaapekto ba ito sa pag-aaral ng mga kabataan?

 Anu-ano ang mga epekto ng pagkawatak-watak ng pamilya sa mga mag-aaral?

 Anu-ano ang mga paraan ng mga nabanggit na mag-aaral kung paano nila

nalalampasan ang mga epektong dulot ng pagkakawatak-watak ng pamilya?

KAHALAGAHAN NG PANANALIKSIK

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong malaman ang mga epektong

pagkakawatak-watak ng pamilya. Ito ay upang malalaman, mauunawaan, masasagutan

at matutugunan ang katanungan ng nakararami ukol sa problemang kinahaharap ng mga

apektadong kabataan. Dito malalaman ang mga dahilan ng pagkakawatak-watak ng

3|Pahina
isang pamilya. Nais ng mga mananaliksik na maisiwalat ang mga datos na kanilang

nakalap at kinalabasan sa pag-aaral na ito. Isa pa’y nais din nilang maghatid ang pag-

aaral na ito ng kaalaman sa mga susunod na henerasyon at maging inspirasyon ang mga

paghihirap na painagdadaanan ng taong angkop sa pagmula ng isang sirang tahanan.

Ang mga resulta at kalalabasan ng pag-aaral na ito ay magiging kapaki-pakinabang para

sa mga sumusunod:

 Sa mga estudyante. Ang pag-aaral na ito ay naglalayong makatulong sa

mga mag-aaral kung papaano nila haharapin ang mga epekto ng

pagkakawatak-watak ng pamilya at kung paano nila malalagpasan ang

mga ito. Malaki ang papel ng kabataan sa usaping ito at mas nararapat

lamang na sila ang magbigay at magpahayag ng kanilang mga saloobin

patungkol rito.

 Sa mga magulang. Ang mga magulang dapat ang gumabay at mag-

aruga sa kanilang mga anak sa pamamagitan ng pagbibigay ng isang

pamilyang payapa at masaya. Ngunit sa paghihiwalayan, ang bawat panig

ng magulang ay nararapat na maging responsable sa paggabay at

pagpapayo sa kanilang mga anak sa mga ganitong sitwasyon.

 Sa mga guro. Ang mga problemang pinagdaraanan ng isang kabataang

nagmula sa isang sirang tahanan ay malaki ang nagiging epekto sa

kanilang pagkatao. Sa pag-aaral na ito, mas mauunawaan ng mga guro

4|Pahina
ang mga dahilan at senyales kung bakit nagkakaroon ng mga di mabuting

pag-uugali ang mga apektadong mag-aaral.

 Sa mga mananaliksik at mambabasa. Magsisilbing aral, gabay, dagdag

kaalaman at inspirasyon sa lahat ng mga paghihirap na painagdadaanan

ng taon na nanggaling sa isang sirang pamilya. Ito ay magsisilbing paalala

upang pasalamatan ang Panginoon at ang kanilang mga magulang sa

pagmamahal at pagbibigay ng sitwasyong higit na nakabubuti kaysa mga

apektadong mag-aaral.

SAKLAW AT LIMITASYON

Ang pokus ng pag-aaral ay ang mga Epekto ng broken family sa mga estudyante

ng Grade 11 na 16-17 taong gulang na nasa ilalim ng elektibo na HUMSS Higher School

ng UMak. Ang pananaliksik na ito ay naglalayon na makakuha ng mga pananaw at

opniyon sa mga mag-aaral ng Unibersidad ng Makati na nasa baiting 11, ang mga ginamit

na impormasyon ay nagmula o nagbase lamang sa resulta ng mga respondente at sa

mga kaugnay na literatura. Nais naming makuha ang kanilang opinion o kasagutan ng

mga respondenteng magiging tulay upang mabuo at maisakatuparan ang pananaliksik.

DEPINISYON/KAHULUGAN NG MGA TERMINO

Breastfeeding – pagpapasuso ng gatas ay ang pinagamahalagang paraan ng

pagpapakain sa mga sanggol.

5|Pahina
Broken Family – isang pamilya kung saan ang isang magulang ay wala, karaniwan

dahil sa diborsyo o pagtalikod,

Cuddle connection – isang yakap na naibibigay ng ina sa kanyang anak na nagsisilbing

init at pagpapakita ng pagmamahal ng ina sa kanyang anak.

Conjugal – may kaugnayan sa pag-aasawa o sa relasyon ng isang mag-asawa.

Datos – ang koleksyon ng mga elemento o mga kaalaman na ginagamit sa mga

eksperimento, pagsusuri, pag-aaral ng isang bagay.

Diborsyo – ang pagpapawalang bisa ng sibil sa legal na kasunduan ng mag-asawa.

Desersyon – sinasadyang pag-abandona ng asawa nang walang pahintulot, na

lumalabag sa legal o moral na obligasyon

HSU – ito ay acronym para Higher School ng Umak.

Oxytocin – isang hormone na inilabas ng pituitary gland na nagdudulot ng mas mataas

na pag-urong ng matris sa panahon ng paglabor at pinasisigla ang pagpapalabas ng

gatas sa mga ducts ng dibdib.

UMak – ito ay acronym para sa University of Makati.

6|Pahina
KABANATA 2

LOKAL NA LITERATURA

Ang nasirang tahanan ay tinukoy bilang anumang tahanan na kung saanang isa o

parehong mga magulang ay hindi nakatira kasama ang bata sa isang normal na relasyon

ng pamilya. Ang paghihiwalay ay maaaring dahil sa kamatayan, diborsiyo, desersyon, o

anumang iba pang mga dahilan. Kung ang isang di normal na bahay ay isang

permanenteng epekto sa mga bata, ang kakayahan ng gawin ang kanyang mga gawain

sa paaralan, ito ay dapat na makikita kapag ang tagumpay ng mga bata mula sa naturang

isang kapaligiran kumpara sa tagumpay ng mga bata na nanggagaling mula sa isang

normal na pamilya.

Ayon kay Alejo (2004), ang pamilya ang pangunahing institusyon sa lipunan na

nabuo sa pamamagitan ng pagpapakasal ng isang lalaki at babae dahil sa kanilang

walang pag-iimbot, puro, at romantikong pagmamahal- kapwa nangakong magsasama

hanggang sa wakas ng kanilang buhay.

Ayon kay Rosal (1961), sa kanyang pag-aaral “Education for Family Life in the

Philippines”, ang pangunahing dahilan ng pagkakalayo ng pamilya ay ang pagkahilig sa

material na bagay. Dahil sa paghahangad dito, nalilimutan na ang Panginoon. Ang

teoryang ito ay totoo sa ilang pamilya ngayon. Ito ang dahilan kaya napipilitan ang ilang

pamilya o mga magulang na mag-abroad para madagdagan pa ang mga material na

7|Pahina
bagay na mayroon sila. And aspetong ispiritwal kapag hindi napangasiwaan ng maayos

ay ngiging dahilan ng pagbabago ng ugali ng kabataan.

Ayon kay Johnson (2005) ang mga batang hindi kasal ang mga magulang o hiwa-

hiwalay ang pamilya ay kadalasang bumabagsak sa pang akademikong pagganap at

nanganganib ang kanilang emosyonal na stabilidad, ngunit hindi sa lahat ng broken family

ay ganito ang nangyayre. May mga batang kahit ganito ang kanilang sitwasyon sa

tahanan ay nagiging pursigido at matiyaga upang makamit ang tagumpay sa buhay,

bukod dito, Ayodele (2007) sinasabing ang lugar o ang buhay na kinagisnan ng bata ang

nagiging lakas nito sa pagkatuto at gayun na rin sa akademikong pag ganap.

Ayon kay Virgie Ponsaran-Baloyo (2016), sa kanyang kolum, ang pagiging wala

palagi sa tahanan ay lumalaganap na sa maraming pamilyang Pilipino ng mga ama.

Habang kumakaunti ang bilang ng pamilyang nuclear, ay napapalitan ito ng pamilyang

walang ina o ama. Katulad ng pamamaraan ng ama na OFW, ang kanyang pagkawala

sa mahabang panahon ay parang pag-abandono niya sa pamilya.

Ayon sa aklat ni Carmela Ortigas (1999), isang guro ng Sikolohiya sa Ateneo de

Manila, may hindi magandang epekto ang pagpapalaki ng mag-isa sa mga anak. Sa

pangkaraniwang tahanan na pamilyang Pilipino, makikitasa mga anak na pilit inuunawa

kung bakit mas mahalaga ang trabaho ng kanilang ama kaysa kanila. Maraming ama ng

nakakariwasang pamilya ay naibibigay ang lahat ng pangangailangan ng kanyang mga

8|Pahina
anak bukod pa sa ipinapakitangatensyon at pagmamahal. Ang anak ay kayang lumaki ng

normal kahit isang magulang lang ang kinagisnan. Subalit mas napapnatag sila kung

pareho nilang nakakasamaang kanilang ama at ina.

Ayon kay Melchor Salvado (1989), ang pagpapabaya ng mga magulang sa mga

anak ay nagiging dahilan upang magpabaya ang anak sa pag-aaral maging sa kanyang

sarili. Ito ang mga katangian ng kabataang may problemang hatid ng kakulangan sa

pansin ng mga magulang:

 Sinungaling at nansaraya sa ibat-ibang bagay at pagkakataon gaya ng

mga pagsusulit.

 Pagiging mahiyain.

 Walang gana sa pag-aaral.

 Palaging lumiliban at huli s aklase ng walang sapat na dahilan.

 Malayo sa tao at o hindi palakaibigan.

 Lumalaking bastos at walang modo.

Ayon kay Ojero (1992), “The Art of Disciplining the Child”, binigyang linaw niya ang

nangyayari sa mga anak na napapabayaan ng magulang. Ayon sa kanya, karamihan sa

mga batang siga sa paaralan ay hindi nagagbayan ng maayos ng kanilang mga

magulang. Sila ay mahihilig gumawa ng kalokohan hindi lamang sa paaralan kundi

maging sa iba pang pampubliko at pampribahadong lugar.

9|Pahina
DAYUHANG LITERATURA

Ang mga magulang ay dapat na minamahal at pinapahalagahan ang kanyang

anak. Ngunit sa panahon ngayon, ang mga materyal na bagay ay nakakaapektosa

samahan ng isang pamilya. Ito ay nagiging dahilan para tuluyang masira ang

pinakamatibay na yunit na binuo ng ating mga ninuno. Ang mga bata kabilang ang mga

binata at dalaga ay umaasa ng isang mabuting relasyon sa kanilang mga magulang. Sila

ay naglalaan ng mas maraming oras kasama ang pamilya sa pagbuo ng isang

pampamilyang koneksyon. Ang epektibong koneksyon ay may positibong epekto sa

buhay ng magulang at mga anak. Ito ay sa kadahilanang ang epektibong komunikasyon

ay pundasyon sa isang magandang relasyon ng magulangsa anak at anak sa magulang,

sila ay nangangailangan ng sapat na oras atatensyon. Walang relasyon sa mundo na

mas hihigit at mas importante sa magulang-anak.

Ayon kay Farberov (2012) Mayroong 51 million na babae na may edad pababang

18 na kinasal na, bagaman ito ay laban sa batas ng maraming mga bansa at

ipinagbabawal ng International treaties. Ang mga batang babae ay nakikibahagi sa

maagang kasal ay nanirahan sa mundo ng kadiliman at lihim. Sa Afghanistan

naobserbahan na humigit-kumulang sa 57 porsiyento ng mga batang babae na isinilang

bago ang legal na edad na 16.

10 | P a h i n a
Ayon kay Pascual (1997), ang pundasyon ng pag-uugali ng isang bata ay

nagsisimula sa kanilang tahanan. Sila ay naiimpluwensyahan ng kaugalian ng kanilang

pamilya, lalo na ng kanilang nanay.

Ayon kay Herman M.R. (1997), ang komunikasyon ay isang mahalagang problema

sa tipikal na pamilyang Pilipino. Hindi laging nabibigyan ng kalayaan ang mga anak na

maipahayag ang kanilang nararamdaman sa mga magulang, sa halip, ibinibahagi nila ito

sa kanilang pinsan, tito, di kaya ay sa kanilang mgakaibigan. May mga estratehiya para

maging epektibo ang komunikasyon ng pamilya. Kabilang dito ang pagiging masaya,

pagturing sa anak nang may katapatan at pagtitiwala, walang pagababago at madalas

na pagsabi sa anak kung gaano mo sila kamahal. Ilan sa mga magandang parran para

mapatibay o mapanatili ang koneksyon ng magulang sa ankat makabuo ng positibong

ugnayan ay ang paggawa ng mg aktibidad ng magkasama, hayaang

makipagkaibiganang anak at bigyan ng kalayaan.

Ayon kay Kusumaatmadja (1995), ang pamilya ay isang komunidad na may

importaneng gampanin, kabilang ang kaalaman at kaligiran ng edukasyon na magbibigay

linaw sa mga kabataan sa kasalukuyang henerasyon na may tamang proseso

ngsosyalisayon.

Ayon kay Zaide (2002), ang relasyong magulang-anak ay dapat laging matatag.

Dapat laging siguraduhin ng mga magulang bukas ang kanilang komunikasyon sa

11 | P a h i n a
kanilang anak. Ang relasyong magulang-anak ay dinamiko, walang relasyong magulang-

anak ay perpekto. Isa sa mga aspeto sa pagpapalaki ng anak ay ang pag-alam at

paggabay sa lahat ng mga pagbabagong nagaganap sa anak, simula pagkabata

hanggang sa pagtanda upang hindi lumaki ang anak na may masamang ugali. Ang

magulang ay nagiging isang mabuting magulang kapag sa umpisa palang ay alam na

niya ang mga pagsubok, responsibilidad at problemang kakaharapin niya bilang

magulang.

Ayon kay Campbell (1932), mayroong mga negatibong epekto sa mga bata ang

pagkamulat sa hiwalay na pamilya o broken family. Sinasabi ng mga siyentipikong higit

namarami ang mga nagiging suliranin sa mga batang pinalaki ng single parent kaysa sa

mga batang ginabayan ng parehong magulang. Ang mga hindi mabubuting bunga’y ang

pagkakaroon ng mas mataas na tyansa ng mga sumusunod:

1. Hindi pagtatapos ng pag-aaral o sa sinasadyang pagtigil sa pag-aaral,

2. Pakikipagtalo sa magulang.

3. Pakikipagtalik at pagbubuntis ng maaga.

4. Pagkalulongsa droga at alak.

5. Pagsali sa mga gang.

6. Pangangailangan ng tulong ukol sa mgaproblemang emosyonal.

7. Paggawa ng krimen.

8. Pagkitil ng sariling buhay at sa hinaharap.

12 | P a h i n a
9. Pakikipaghiwalay ng kanilang magulang. Ginagawa ito ng ibang magulang

dahil ang itinatatak nila sa isipan nila ay wala nang nagmamahal sa kanila at

wala nang halaga ang kanilang buhay.

Napakahirap ng sitwasyong kinahaharap ng mga magulang nagpupumilit na

itaguyod ang kanilang watak-watak na tahanan. Nararapat lamang nilang tibayan ang

kanilang loob upang magtagumpay sa pag-aaruga sa kanilang mga anak. Ito ang mga

ilang payong maaari nilang gawin sa pagtataguyod ng kanilang pamilya:

 Ang plano sa pamilya na dapat sundin ng bawat miyembro.

 Mag disiplina sa mga anak ng sapat na oras.

 Sa pakikipag komunikasyon sa mga taong nakapaligid sa mga anak, mga

guro, mga kaibigan, mga kamag-aral at iba pa.

 Kalagayan ng pamilya sa usaping pinansyal ng tahanan.

Ayon kay Winn (1983), isang tagamasid ng mga kinikilos ng mga bata, ay

nagsabing ang mga kabataan ay muling dumaraan sa kakaibang pagbabago. Sinabi niya

na ang kabataan ngayon ay hindi na nakikitaan ng pagkainosente hindi tulad ng kanilang

mga magulang o mga lolo’t lola noong sila’y bata pa. Ang mga kabataan ngayon ay hindi

na ganoon ka-ignorante kung ang pinag-uusapan ay tungkol sa pakikipag-talik, paggamit

ng droga, maling hustisya. Pagkamatay, usaping pampulitika at usaping pang-

ekonomiya. Ayon kay Winn, ang pagkawala ng pagka-inosente ng mga kabataan ay dahil

sa mga naglipanang iba’t-ibang uri ng babasahin at palabas sa telebisyon. Lumalaking

bilang o porsyento ng mga kaso ng diborsyo at working mothers. Ang kabataan ay

13 | P a h i n a
madalas mapabayaan ng kanilang magulang. Kung kaya marami na rin silang

paniniwalang ang kabataan ay maagang naharap sa mga pagsubok sa buhay upang sila

ay mabuhay sa panibago at kotroladong mundo.

Ayon kay Richards (2004), niisip ng karamihan na walang positibo sa diborsiyo

dahil ang mga negatibong epekto ay mas malinaw at nakakausap. Magkakaroon ng ilang

kaguluhan at pagsasaayos para sa buong pamilya at sa ilang paghihiwalay ng magulang

ang prosesong ito ay napakasakit, nakakapagod at mahabang nakuha ngunit ang

pagdidiborsiyo ay maaaring ang pinakamahusay na bagay para sa lahat na kasangkot.

Ang diborsiyo ay maaaring maging isang positibong bagay kapag ang kasal ay nasa

matinding salungatan at ang mga bata ay nakalantad sa karahasan, mapang-abuso na

mga sangkap atbp. Hindi malusog para sa mga bata na maging sa isang kapaligiran kung

saan nakakakita sila ng kawalan ng paggalang at pagtitiwala. Kadalasan kapag ang bata

ay naging biktima ng karahasan sa tahanan, ang bata na iyon ay lalago ang mga hindi

kilalang mga bisyo ng lipunan. Iyan ay tiyak na positibo.

Para sa ilang mga pamilya na sa ilalim ng isang bubong ay hindi gumagana. Ang

stress ng mahabang oras, mga pangako at mga strain ay maaaring makaapekto sa

kanilang buhay sa pamilya at gaano man kahirap ang trabaho ng mga magulang sa

pagsisikap na mapanatiling magkasama ang yunit ng pamilya na hindi nila magagawa.

Ang paghihiwalay ay nangyayari at kapag ito ay maaaring maging isang magandang

bagay para sa isang malungkot na pamilya na alam na bukod ay ang pinakamagandang

14 | P a h i n a
bagay para sa kanilang mga anak. Maaari rin itong magdulot ng kaginhawahan para sa

mga bata. Kung ang mga magulang ay naging bukas at maingay tungkol sa kung ano

ang nararamdaman nila sa isa't isa sa harap ng mga bata ang mga bata ay hindi na

kailangang makinig sa mga sigawan, magaralgal na salita.

Ayon kay Green (2015), isang Demand Media mula sa Magazine Desk, Maaaring

makaapekto ang negatibong pamilya sa lahat ng mga domain ng pag-unlad ng iyong

anak. Ang mga epekto ng isang sirang pamilya sa pag-unlad ng isang bata ay depende

sa maraming mga kadahilanan, kabilang ang edad ng bata sa panahon ng paghihiwalay

ng mga magulang, at sa mga personalidad at mga relasyon sa pamilya. Kahit na ang

mga sanggol at mga bata ay maaaring makaranas ng ilang mga negatibong epekto sa

pag-unlad, ang mga matatandang bata at mga tinedyer ay maaaring makaranas ng ilang

mga problema sa kanilang sosyal, emosyonal at pang-edukasyon na paggana.

1. Emosyonal. Pagkatapos ng diborsiyo, ang mga bata mula sa pre-school

hanggang sa late adolescence ay maaaring makaranas ng mga kakulangan sa

emosyonal na pag-unlad. Ang mga bata sa lahat ng edad ay maaaring

mukhang may luha o nalulumbay, na isang estado na maaaring tumagal ng

ilang taon pagkatapos na magkahiwalay ang mga magulang ng isang bata,

paliwanag ng sikologo na si Lori Rappaport. Karagdagan pa, ang ilang mga

nakatatandang bata ay maaaring magpakita ng kaunting emosyonal na

reaksyon sa diborsyo ng kanilang mga magulang.

15 | P a h i n a
Ayon kay Dr. Rappaport Ph. D. (1998), hindi ito maaaring maging kapaki-

pakinabang sa pag-unlad. Ang ilang mga bata na nagpapakita ng kaunting emosyonal na

tugon ay talagang nagbubukas ng kanilang mga negatibong damdamin. Ang pagpigil sa

damdamin na ito ay nagpapahirap sa mga magulang, guro at therapist upang tulungan

ang bata na iproseso ang kanyang damdamin sa mga angkop na paraan ng pag-unlad.

2. Pang-edukasyon. Ang pagbagal ng akademikong pag-unlad ay isa pang

karaniwang paraan na ang paghihiwalay ng mga magulang ay nakakaapekto

sa mga bata. Ang emosyonal na pagkabalisa ng isang diborsiyo lamang ay

maaaring sapat upang mabigla ang akademikong pag-unlad ng iyong anak,

ngunit ang mga pagbabago sa pamumuhay at kawalang-tatag ng isang

nasirang pamilya ay maaaring mag-ambag sa mahihirap na resulta ng

edukasyon. Ang mahihirap na pag-unlad ng akademiko na ito ay maaaring

maisantabi mula sa maraming mga kadahilanan, kabilang ang kawalang-tatag

sa kapaligiran sa bahay, hindi sapat na pinansiyal na mga mapagkukunan at

hindi naaayon na mga gawain.

3. Sosyal. Nakakaapekto ang diborsiyo sa mga social relationship ng mga bata

sa maraming paraan. Una, ang ilang mga bata ay kumilos sa kanilang

pagkabalisa tungkol sa kanilang nasirang pamilya sa pamamagitan ng pagkilos

na agresibo at sa pamamagitan ng pag-uugali ng pang-aapi, na parehong

maaaring makaapekto sa negatibong relasyon.

Ang mga kabataan mula sa mga nasirang pamilya ay maaaring magkaroon ng

isang mapang-uyam na saloobin sa mga relasyon at harbor ng damdamin ng kawalan ng

16 | P a h i n a
tiwala, kapwa sa kanilang mga magulang at mga potensyal na romantikong kasosyo,

ayon kay Dr. Carl Pickhardt Ph. D. (1970), sa artikulong, 'Mga Magulang na Diborsiyo at

mga Kabataan'.

4. Dynamics ng pamilya. Sa pamamagitan ng likas na katangian nito, diborsyo,

nagbabago hindi lamang ang istraktura ng pamilya kundi pati na rin ang

dinamika nito. Kahit na ikaw at ang iyong asawa ay may isang perpektong

diborsiyo, ang paglikha ng dalawang bagong kabahayan ay permanenteng

binabago ang mga pakikipag-ugnayan at mga tungkulin ng pamilya. Batay sa

mga bagong kaayusan sa pamumuhay, ang iyong mga anak ay maaaring

kailanganing gumawa ng mas maraming gawain at magkaroon ng mga

karagdagang tungkulin sa pangunahing pagpapaandar ng bagong

sambahayan.

Ayon kay Bhav Patel (2016), ang mga bata ay apektado ng diborsiyo ng higit, Kahit

na ang iyong paghihiwalay ay medyo kaakit-akit, ang iyong anak ay makikiramdam ng

mga bagay na maaaring hindi agad makikita. Ang ilang mga damdamin ay nahulog at

pagkatapos ay nahayag sa iba't ibang paraan. Ang mga ito ay 15 negatibong paraan na

ang mga bata mula sa mga sirang tahanan ay apektado.

1. Problema sa Kalusugan. Ang problema sa kalusugan na nakakaapekto sa

mga bata mula sa mga sirang tahanan ay may kaugnayan sa kalusugan ng

kaisipan. Ang madalas na pananakit ng ulo ay isang problema. Ang mga

17 | P a h i n a
emosyonal na problema sa pagkabata ay isang pangunahing sanhi ng

pananakit ng ulo.

2. Pagkamahiyain. Ang pagkamahiyain at kakulangan ng mga kasanayan sa

lipunan ay isang pangkaraniwang katangian na ang mga bata mula sa isang

sirang tahanan ay nakakuha. Ito ay mas karaniwang sa mga bata na nahuli sa

gitna ng isang magulo diborsyo. Pagkatapos ng diborsiyo, tulad nito o hindi,

ang mga antas ng ginhawa ng iyong bata ay maaapektuhan. Gusto mo ang

iyong anak na maging komportable sa kanyang sariling tahanan, ngunit

siyempre, isang bagay na marahas ang nagbago - nawawala ang isang

magulang mula sa larawan at hindi na isang palagiang presensya sa buhay ng

iyong anak.

3. Kakulangan ng pagtitiwala sa sarili. Ito ay uri ng pagpapalawak sa naunang

punto. Ang pagkamahihiyain at kakulangan ng tiwala sa sarili ay magkakaroon

ng pag-iisip pagdating sa naglalarawan ng damdamin na maaaring makaranas

ng iyong anak bilang isang resulta ng diborsyo. Ang kakulangan ng tiwala sa

sarili ay may posibilidad na maging maliwanag sa paaralan, kapag ang iyong

anak ay hindi nag-aambag at hindi nagnanais na makisalamuha.

4. Hindi makatwiran na Takot at Pagkabalisa. Ang Pagkabalisa ay maaaring

maging isang napaka-seryosong kondisyon ng kalusugang pangkaisipan na

maaaring magkaroon ng isang epekto sa buhay ng isang tao. Kadalasan ay

isang hindi makatwirang takot sa mga pang-araw-araw na bagay o sitwasyon.

Maraming mga matatanda ang dumaranas ng pagkabalisa, minsan ay

nakakapinsala sa pagkabalisa sa panlipunan. Kadalasan hindi ito masuri sa

18 | P a h i n a
mga bata, karaniwan lamang itong naipasa bilang pagkamahihiyain. Kung

walang magagawa sa pamamagitan ng pagpapayo o cognitive behavioral

therapy, maaari itong makuha sa bawat aspeto ng buhay ng iyong anak; Ang

pag-alis ng bahay upang pumunta sa paaralan ay maaaring maging hindi

maipagmamalaki, ang pakikipag-usap lamang sa isang tao sa telepono ay

maaaring hindi kaya panghawakan.

5. Depression. Maaapektuhan nito ang paraan ng pag-socialize ng iyong anak,

pakikipag-ugnayan sa iba, at pagkakaibigan.

6. Naiisip na magpakamatay. Kung ang bata ay depressed, maari itong magisip

na mga bagay o paraan upang tapusin ang kanyang buhay.

7. Akademikong Pag-unlad. Ang isa sa mga pinaka-karaniwang negatibong

epekto ng diborsyo sa mga bata ay ang kanilang pag-aaral ay maaaring

malubhang nasisira. Mayroon silang maraming mga pag-iisip na nagagalak sa

paligid ng kanilang ulo, negatibong damdamin, alalahanin, kalungkutan,

pagkabalisa. Maliwanag na ang diborsiyo ay malamang na makakaapekto sa

pag-unlad ng iyong anak sa ilang paraan, maaari itong maging mahina grado,

kumikilos sa klase, kahit na nagiging marahas at iba pa.

8. Walang katiyakan sa mga matatanda. Ang pagkawala ng tiwala ay laganap

sa diborsiyo na mga bata na kailangang harapin ang bagong kasosyo ng

kanilang Ina o Ama.

9. Huminto ang mga bata sa pagiging bata. Depende sa sitwasyon sa panahon

ng diborsiyo, ang mga bata ay maaaring lumaki nang mabilis at gumulang. Ito

ay maaaring magkaroon ng isang nakapipinsalang epekto sa pag-unlad ng

19 | P a h i n a
mga bata dahil ang isang bata ay dapat pa rin maging isang bata, marami ang

may upang ipakita ang emosyonal na kapanahunan lampas sa kanyang taon.

10. Emosyonal na kaguluhan. Magkakaiba ang pagiintindi ng mga bata kung

paano nila panghahawakan ang kanilang mga sitwasyon, lahat sila ay

makararanas ng ilang uri ng emosyonal na kaguluhan. Ito ang magiging sanhi

ng maraming ng mga disorder sa kalusugan ng isip na maaaring lumabas.

11. Karalitaan. Ang kakulangang pinansiyal para sa pagpapalaki ng bata ay

maaaring lamang para sa ilan ay isang pasanin. Ang isang paghihiwalay ay

maaaring maapektuhan ang pagbibigay pangangailangan at pag-ambag sa

suporta ng bata, ngunit ang nasabing kasunduan ay hindi laging maisagawa.

12. Kailangan gawin. Ito ay maaaring makaapekto sa landas ng mga bata sa

kanilang sariling pananaw sa buhay. Sa paraan na pagiging responsible sa

mga bagay na hindi pa kaya ng isang bata na gawin ito ay magiging isang

negatibong epekto.

13. Pagtulog. Ang mga lalaki ay mas bukas sa kanilang damdamin. Bagaman

ipinakita nila ang kanilang mga damdamin sa iba't ibang paraan. Sa mga babae

maaaring mas gusto nilang gawin na magbukas ng damdamin kasama ang

kanilang ina, ngunit kahit na, ang mga kabataang babae ay hindi napakahusay

sa pakikitungo sa kanilang damdamin, nagsasalita tungkol sa damdamin at

lahat ng uri ng mga bagay na iyon.

14. Anti-social behavior. Ito ay pagkilos ng isang bata na hindi nais

makipasalamuha dahil sa isang paraan na sanhi o pagkabalisa sa isa o higit

pang mga tao.

20 | P a h i n a
15. Bangungot. Ang bangungot ay kadalasang nangyayari bilang isang resulta ng

isang bagay na nangyayari sa ating mga buhay. Ito ang paraan ng ating utak

ng pagsasaayos, pagharap sa mga pagbabago sa ating buhay. Iyan ang

dahilan kung bakit diborsiyo, alaala ng paghihiwalay, nakatira sa isang bagong

tahanan, isang bagong kapitbahayan, pagpunta sa isang bagong paaralan,

ang mga ito ay maaaring maging sanhi ng lahat ng mga bangungot.

21 | P a h i n a
KABANATA 3

MEHTODOLOHIYA AT PARAAN NG PANANALIKSIK

Sa kabanata na ito maipapakita ang disenyo ng pananaliksik, paraan ng

pananaliksik, mga pokus ng pag aaral, mga instrumentong pananaliksik at tritment ng

datos.

DISENYO NG PANANALIKSIK

Ang naisagawang disenyo ng pananaliksik ay gumamit ng deskriptibong

metodolihya ng pananaliksik. Maraming uri ng deskriptibong uri ng pananaliksik, ngunit

napili ng mga pananaliksik na gamitin ang "descriptive survey research design", na

gumagamit ng talatanungan o sarbey-kwestyuner para makalikom ng mga datos.

Naniniwala ang mga mananaliksik na angkop ang disenyong ito sapagkat mas

mapapadali ang pangangalap ng mga datos mula sa mga respondente.

Limitado lamang ang mga tagasagot sa talatanungan at ito ay mga estudyante

lamang ng grade 11 ng Higher School ng UMak. Ang disenyong paglalarawan o

deskriptibo ay ang nakitang paraan ng mga mananaliksik bilang mabisa sa pag-aaral na

ito upang makalakap ng impormasyon.

PARAAN NG PANANALIKSIK

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa pamamagitan ng pagsarbey. Ang mga

pananaliksik ay naghanda ng talatanungan o sarbey-kwestyuner na naglalayong

makahanap ng datos upang malaman ang ano ang mga positibo at negatibong epekto

22 | P a h i n a
ng broken family sa mga mag-aaral. Ang pag pili ng mga respondent ay magmumula sa

grade 11 ng Higher School ng Umak, random na pamimili ang isinagawa ng mga

mananaliksik.

MGA POKUS NG PAG-AARAL

Ang mga pipiliing respondentes sa pag aaral na ito ay mula sa ikalabing isang

baitang sa unibersidad ng makati

MGA INSTRUMENTONG PANANALIKSIK

Ang pangunahing batis ng impormasyon sa isinagawang riserts ay ang

pagsasarbey gamit ang saubey kwestyuner na inihanda upang masagot ang mga

katanungang may kaugnayan sa riserts tapik. Binubuo ng sampung tanong ang

kwestyuner na close-ended o may pagpipilian.

TRITMENT NG DATOS

Ang ginamit ng mga mananaliksik ang kabuuang bilang ng mga respondents at

dami ng tumutigon upang malaman ang percentage distrubyusyon ng bawat datos.

23 | P a h i n a
KABANATA 5

LAGOM

Ang paglathala ng pag-aaral na ito ay tungkol sa Epekto ng Pagkakaroon ng

"Broken Family" sa pag-aaral ng ga estudyante ng Higher Schol ng UMAK. Nasa ibaba

ang mga sumusunod na epekto o resulta.

Lumabas ang resulta na halos karamihan sa mga mag-aaral ng Higher School ng

UMAK ay nabibilang o mayroong Sirang Pamilya.

Mababasa at malalaman natin ang iba't-ibang uri ng dahilan ng Paghihiwalay at

Pagkasira ng isang maayos at masayang Pamilya. Una na rito ang Pananakit na Pisikal.

Ito ang nangungunang dahilan kung bakit nagkakaroon at nagbubunga sa

paghihiwalayan ang dalawang mag asawa. Pangalawa ang Mental. Ang mga

nakararanas ng ito ay ang mga taong kadalasang hindi nagsasabe o hindi ipinapaalam

sa iba ang kanilang mga problema. Ito ay kadalasang nauuwi sa pagka-stress o

depresyon. Dahil sa labis na pagkalungkot, pagkabalisa at may mga pagkakataon na ng

iba ay nawawala sa kanilang mga sarili o nagrerebelde. Ikatlo ang Sosyal.

Ito ang pinaka nangungunang epekto kung ikaw ay nakararas ng lungkot dahil sa

paghihiwalay ng iyong mga magulang. Karamihan sa mga nabibilang rito ay napapalayo

sa mga kaibigan, wala masyadong kaibigan, mababa ang pagtingin o ang kumpiyansa

24 | P a h i n a
sa sarili at palaging nag-iisa. Ikaapat ang Ispiritwal. Nang dahil sa nangyaring

paghihiwalay sa pamilya. Ang mga nabibilang rito ay kadalasang nawawalan na ng tiwala

sa diyos at ang masama ay, mayroong hindi na naniniwala sa Diyos, nawawalan ng

pananampalataya at hindi na nakapagdarasal.

Ayon sa mga mag-aaral, ito ay talagang nakaaapekto sa pag-aaral ng mga

kabataang nabibilang rito. May iba naman na nakapagsabi na hindi hadlang at hindi

nakakasagabal ito sa kanilang pag-aaral. Maliban na lamang kung ikaw ay

magpapaapekto at pro-problemahin pa ito. Ang problema ng mag-asawa ay hindi dapat

ipinaparating, ipinapaalam at higit sa lahat hindi rin dapat pinoproblema ng kanilang mga

anak.

KONKLUSYON

Matapos ang pag-aaral na ito nalaman ng mga mananaliksik na ang “Broken

Family” ay nakakaapekto sa mag-aaral. Napag-alaman din ng mga mananaliksik na ang

batang sumasailalim sa broken family ay maaring makaranas ng mga kakulangan sa

emosyonal o kakulangan sa atensyon, pag-bagal ng akademikong pag-iisip, pagkabalisa,

at pagkamahiyain. Masasabing hindi makabubuti sa bawat isa at sa lipunang

ginagalawan ang broken family. Ang pamilya ay sumasalamin sa tamang gawi at

pagtupad ng mga pangarap hindi lamang sa pag-unlad ng sarili bagkus para sa lipunan

din.

25 | P a h i n a
REKOMENDASYON

Matapos ang masusing pag-aaral at pagkalap ng mga datos tungkol sa epekto ng

broken family sa Grade 11 HSU, nabuo ng mga mananaliksik ang mga rekomendasyong

ito.

Ang masamang epekto ng broken family ay nahahati sa mental, espiritwal, pisikal

at sosyal. Dapat pagtuunan ng pansin ng mga magulang ang kanilang mga anak. Lalo

na ang mga mag-aaral na kabilang dito dahil nakakagulo ito sa kanila bilang isang

estudyante.

Ipinatupad taong 2015 ang programang Ministry of Gender Equality and Family na

patungkol sa pamilya. Mas mabuti ang isang buong pamilya dahil di hamak na

makakasama ito sa mga mag-aaral. Mental, sa pag iisip sa mga bagay bagay. Espiritwal,

ang kanilang pananampalataya at paniniwala sa Diyos ay nawawala. Pisikal, na

pabayaan na lamang ang kanilang mga sarili at sosyal, nahihiyang makisalamuha.

Subukan nating maging positibo at aliwin ang ating mga sarili sa pamamagitan ng

pakikisalamuha sa ibang tao.

26 | P a h i n a
CEDRIC P. DELA ROSA
38 Acacia St. Cembo makati city
0965 103 6599
CD.delarosa25@gmail.com

EDUCATIONAL ATTAINMENT

SECONDARY University of Makati


J. P. Rizal Ext, West Rembo, Makati City
Batch 2017 –present

Fort Bonifacio High School


J. P. Rizal Ext, West Rembo, Makati City
Batch 2013-2017

PRIMARY Cembo elementary school


Acacia St. Cembo Makati City
2007-2013

SKILLS AND INTEREST

Singing, Dancing and Acting

PERSONAL DATA

Date of Birth : July 25,2000


Age : 17 years old
Place of Birth : Ospital ng makati
Height : 172cm
Weight : 58kg
Father’s Name : Ernesto C. dela Rosa
Mother’s Name : Nelita P. dela Rosa
Parent’s Address : 38 Acacia St. Cembo makati city
Religion : Born again christian
Sex : male
Civil Status : Single
Dialect Spoken : Tagalog

27 | P a h i n a
CHARACTER REFERENCE

Maniyn Laciste
Teacher II
University of Makati
0930-6141-253

I hereby certify that the above informations are true and correct to the best of my
knowledge and belief.

CEDRIC P. DELA ROSA

Applicant

28 | P a h i n a
CREYSA R. DUERME
102 Teacher's Compound West Rembo, Makati City
+63 9050-473-781
creysaduerme26@gmail.com

EDUCATIONAL ATTAINMENT

SECONDARY University of Makati


J. P. Rizal Ext, West Rembo, Makati City
Batch 2017 –present

Ricardo O. Macasaet Memorial


Academy Foundation
Macasaet St. Real, Quezon
Batch 2013-2017

PRIMARY Real Central Elementary School


Poblacion 1 Real, Quezon
2007-2013

SKILLS AND INTEREST

Singing, Dancing, Acting

PERSONAL DATA

Date of Birth : July 26, 2000


Age : 17 years old
Place of Birth : Poblacion 1 Real, Quezon
Height : 164.6cm
Weight : 54kg
Father’s Name : Rey G. Duerme
Mother’s Name : Sally R. Duerme
Parent’s Address : Poblacion 1 Real, Quezon
Religion : Catholic
Sex : Female
Civil Status : Single
Dialect Spoken : Tagalog & English

29 | P a h i n a
CHARACTER REFERENCE

Maniyn Laciste
Teacher II
University of Makati
0930-6141-253

I hereby certify that the above informations are true and correct to the best of my
knowledge and belief.

CREYSA R. DUERME

Applicant

30 | P a h i n a
Mariella Duza Elamparo
#778 Comet St. Palar, Armor Village Makati City
#09954644709
Elamparo2321@yahoo.com

EDUCATIONAL ATTAINMENT

SECONDARY University of Makati


J. P. Rizal Ext, West Rembo, Makati City
Batch 2017 –present

Benigno “Ninoy” S. Aquino High School


Aguho st. Comembo Makati City
Batch 2013-2017

PRIMARY Rizal Elementary School


Milkweed street brgy. Rizal Makati City
2007-2013

SKILLS AND INTEREST

My skills are cooking, singing, drawing, I can write poems, I like to read, and to play
sports.

PERSONAL DATA

Date of Birth : March 21, 2001


Age : 16 years old
Place of Birth : Ospital ng Makati
Height : 149cm
Weight : 43kg
Father’s Name : Arnel Elamparo
Mother’s Name : Juvefe Elamparo
Parent’s Address : #778 Comet St. Palar, Armor Village Makati
Religion : Baptist
Sex : Female
Civil Status : Single
Dialect Spoken : Tagalog/English

31 | P a h i n a
CHARACTER REFERENCE

Maniyn Laciste
Teacher II
University of Makati
0930-6141-253

I hereby certify that the above informations are true and correct to the best of my
knowledge and belief.

MARIELLA D. ELAMPARO

Applicant

32 | P a h i n a
FERNANDEZ, JULIUS FIDEL III G.
193-50 29th Avenue East Rembo, Makati City
+63 9299-573-382
juliusfernandez37@gmail.com

EDUCATIONAL ATTAINMENT

SECONDARY University of Makati


J. P. Rizal Ext, West Rembo, Makati City
Batch 2017 –present

Trinity Baptist Academy


Ibayo Tipas Taguig City batch 2015-2017

Tibagan High School


7th avenue East Rembo, Makati City
Batch 2013-2015

PRIMARY East Rembo Elementary School


J. P. Rizal Ext, East Rembo, Makati City
2007-2013

SKILLS AND INTEREST

Singing, Playing instuments, Playing basketball and having so many experience

PERSONAL DATA

Date of Birth : July 21, 2000


Age : 17 years old
Place of Birth : Makati Medical City
Height : 163cm
Weight : 72kg
Father’s Name : Fidel S. Fernandez, JR
Mother’s Name : Merlyn G. Fernandez
Parent’s Address : 193-50 29th avenue East Rembo, Makati City
Religion : Baptist
Sex : male

33 | P a h i n a
Civil Status : Single
Dialect Spoken : Tagalog

CHARACTER REFERENCE

Maniyn Laciste
Teacher II
University of Makati
0930-6141-253

I hereby certify that the above informations are true and correct to the best of my
knowledge and belief.

JULIUS FIDEL G. FERNANDEZ III

Applicant

34 | P a h i n a
CLYDE ZYRLA P. FLORES
113 Luzon St., Brngy. Pitogo Makati City
0927 831 4067
clyrlapflores@gmail.com

EDUCATIONAL ATTAINMENT

SECONDARY University of Makati


J. P. Rizal Ext, West Rembo, Makati City
Batch 2017 –present

Pineslight School of Makati


8238 Sgt. Fabian Yabut St., Makati City
Batch 2013-2017

PRIMARY Pineslight School of Makati


8238 Sgt. Fabian Yabut St., Makati City
2007-2013

SKILLS AND INTEREST

Creative, Multi-task, and Read books

PERSONAL DATA

Date of Birth : February 18, 2001


Age : 17 years old
Place of Birth : San Antonio, Cavite City
Height : 160 cm
Weight : 45 kg
Father’s Name : Michael A. Flores
Mother’s Name : Marilyn P. Flores
Parent’s Address : 113 Luzon St., Brngy. Pitogo Makati City
Religion : Catholic
Sex : Female
Civil Status : Single
Dialect Spoken : Tagalog

35 | P a h i n a
CHARACTER REFERENCE

Maniyn Laciste
Teacher II
University of Makati
0930-6141-253

I hereby certify that the above informations are true and correct to the best of my
knowledge and belief.

CLYDE ZYRLA P. FLORES

Applicant

36 | P a h i n a
ANGELICA MAY M. GAERLAN
528 Talisay St. Comembo Makati City
+63 9482-782-763
gaerlanangelicamay@gmail.com

EDUCATIONAL ATTAINMENT

SECONDARY University of Makati


J. P. Rizal Ext, West Rembo, Makati City
Batch 2017 –present

Fort Bonifacio High School


J. P. Rizal Ext, West Rembo, Makati City
Batch 2013-2017

PRIMARY East Rembo Elementary School


J. P. Rizal Ext, East Rembo, Makati City
2007-2013

SKILLS AND INTEREST

Singing and Multitasking

PERSONAL DATA

Date of Birth : September 14, 2000


Age : 17 years old
Place of Birth : Vargas Hospital Pasig City
Height : 147cm
Weight : 50kg
Father’s Name : Bernard S. Gaerlan
Mother’s Name : Andrealyn Ocaña
Parent’s Address : 528 Talisay St. Comembo Makati City
Religion : Catholic
Sex : Female
Civil Status : Single
Dialect Spoken : Tagalog/English

37 | P a h i n a
CHARACTER REFERENCE

Maniyn Laciste
Teacher II
University of Makati
0930-6141-253

I hereby certify that the above informations are true and correct to the best of my
knowledge and belief.

ANGELICA MAY M. GAERLAN

Applicant

38 | P a h i n a
MARY NATALIE V. GOMEZ
#23, 21st. ST. West Rembo Makati City
+63 9126-680-687
gomezmarynatalie@gmail.com

EDUCATIONAL ATTAINMENT

SECONDARY University of Makati


J. P. Rizal Ext, West Rembo, Makati City
Batch 2017 –present

Fort Bonifacio High School


J. P. Rizal Ext, West Rembo, Makati City
Batch 2013-2017

PRIMARY Santol Elementary School


Brgy. Santol San Dionisio, Iloilo
2011-2013

SKILLS AND INTEREST

Singing and Dancing

PERSONAL DATA

Date of Birth : March 15, 2000


Age : 18 years old
Place of Birth : Sara District Hospital, Iloilo City
Height : 163cm
Weight : 72kg
Father’s Name : Nonie B. Gomez
Mother’s Name : Linalyn V. Gomez
Parent’s Address : Brgy. Bondulan San Dionisio, Iloilo
Religion : Catholic
Sex : Female
Civil Status : Single
Dialect Spoken : Tagalog/ Hiligaynon

39 | P a h i n a
CHARACTER REFERENCE

Maniyn Laciste
Teacher II
University of Makati
0930-6141-253

I hereby certify that the above informations are true and correct to the best of my
knowledge and belief.

MARY NATALIE V. GOMEZ

Applicant

40 | P a h i n a
ANA MARIA ESTELLER
2 Pili St. Comembo Makati City
+63 9214-334-604
anamariaesteller@yahoo.com

EDUCATIONAL ATTAINMENT

SECONDARY University of Makati


J. P. Rizal Ext, West Rembo, Makati City
Batch 2017 –present

Makati College Technical High School


Mayapis St. Buendia Makati City
Batch 1987-1991

PRIMARY Talisay Elementary School Negros Occ.


Talisay Negros Occidental
1981-1987

SKILLS AND INTEREST


Cooking, Watching TV and Joining Activities in Church.

PERSONAL DATA

Date of Birth : November 24, 1973


Age : 44 years old
Place of Birth : Talisay, Negros Occidetal
Height : 150cm
Weight : 56kg
Father’s Name : Norberto Esteller Sr.
Mother’s Name : Adela Esteller
Parent’s Address : Brgy. Efigenio Lizares Talisay Negros Occ.
Religion : Catholic
Sex : Female
Civil Status : Separated
Dialect Spoken : Tagalog and Hiligaynon

41 | P a h i n a
CHARACTER REFERENCE

Maniyn Laciste
Teacher II
University of Makati
0930-6141-253

I hereby certify that the above informations are true and correct to the best of my
knowledge and belief.

ANA MARIA ESTELLER

Applicant

42 | P a h i n a
REFERENCE

https://www.wikivorce.com/divorce/Wikizine-Parenting/Shared-Parenting/The-

Positive-Effects-of-Divorce-on-Children.html

https://www.wiley.com

https://www.jstor.org

https://www.sciencedirect.com

https://www.tandfonline.com

https://www.informit.com.au

http://www.carlpickhardt.com/

http://www.kidsbehaviour.co.uk/childrenandbodyrocking.html

http://www.advocatesforyouth.org/parents/156-parents

https://www.slideshare.net/nicogranada31/k-to-12-grade-8-edukasyon-sa-

pagpapakatao-learner-module

43 | P a h i n a

You might also like