You are on page 1of 5

Kabanata I

Ang Suliranin at Kaligiran Nito

Introduksyon

Ang pamilya ay may malaking papel na ginagampanan sa buhay ng isang tao. Ito

ang pinakauna hanggang sa pinakahuling mga tao na makakasama natin sa ating buhay

kaya't ang pamilya ay masasabing pundasyon ng pagkatao ng isang indibidwal. Dagdag

pa rito, pamilya ang nagpupuno ng pagmamahal, pagaaruga, pagmamalasakit at

pagkalinga sa isang tao. Ngunit sa kabila nito, pamilya rin ang unang magpaparamdam sa

isang tao ng kalungkutam at kabiguan.

Ang pagkakawatak-watak ng isang pamilya o pagkakaroon ng sirang tahanan ay

may epekto sa bawat miyembro ng pamilya. Lalo't higit kung ang dahilan ng pagkasira

ng tahanan ay ang paghihiwalay ng magulang, may malaking epekto ito sa kanilang mga

anak kung kaya't mahalagang malaman ang mga epekto ng pagkakaroon ng sirang

tahanan sapagkat ang bawat indibidwal ay may iba't ibang paraan ng pagtanggap sa

bawat pagsubok na kanilang hinaharap.

Sa kabilang banda, paaralan ang nagsisilbing pangalawang tahanan ng isang

indibidwal. Ang bawat mag-aaral na nakakaranas ng sirang tahanan ay may posibilidad

na magkaroon ng problema sa pag-aaral depende sa pagtanggap nito sa sitwasyon sa

kanilang tahanan.
Batayang Teoretikal

Ang pamilya ay may malaking bahagi sa pagkatao ng isang indibidwal kung

kaya't ang mga nangyayari at mga suliranin sa loob ng isang tahanan ay hindi maiwasang

dalhin ng isang bata sa paaralan. Pinakamalaking paktor na nakakaapekto sa mag-aaral ay

ang estado ng relasyon ng kanyang mga magulang, maaaring ang magulang ay

naipawalang bisa na ang kasal sa batas o magkahiwalay ang tirahan ng mga magulang o

lumaki ang bata na isang magulang lamang ang kinagisnan. Ang mga nabanggit na paktor

ay maaaring makaapekto sa perpormans at pakikiisa ng bata sa klase, maging negatibo

man o positibo ang epekto nito sa magiging grado ng mag-aaral.

Baryabol na Nakapag-iisa Baryabol na 'di Nakapag-iisa


I. Estado ng
Relasyon ng
Magulang

1. Ang
magulang ay
hiwalay sa
batas o
divorced. Average na
grado ng mag-
2. Ang
aaral.
magulang ay
hiwalay ang
tirahan.

3. Single
Parent ang
magulang.
Makikita sa sa dayagram na ito ang mga baryabol ng mga epekto ng pagkakaroon

ng Broken Family ng mga mag-aaral sa Philippine School of Business Administration -

Quezon City sa kanilang perpormans sa paaralan at kanilang average na grado.

Layunin ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong suriin at alamin ang mga epekto ng

pagkakaroon ng Broken Family sa pagaaral ng mga piling mag-aaral sa kursong

Accountancy sa Philippine School of Business Administration - Quezon City.

Haypotesis

Ang mga sumusunod ay ang mga inaasahang magiging resulta ng pag-aaral batay

sa mga mananaliksik:

 Ang diborsyo ay hindi nakakaapekto sa average na grado ng mga mag-aaral.

 Ang hiwalay na tirahan ng magulang ng mag-aaral ay hindi nakakaapekto sa

kanilang average na grado.

 Ang mag-aaral na lumaking isang magulang lamang ang kinagisnan ay hindi

naaapektuhan ang pag-aaral at ang average na grado nito sa paaralan.

Kahalagahan ng Pag-aaral
Ang pag-aaral na ito ay magiging kapakipakinabang sa mga sumusunod:

 Sa mga mag-aaral
Ang pag-aaral na ito ay makakatulong sa mga mag-aaral upang mas

makilala nila ang kanilang sarili at magkaroon sila ng pagkakataon na

magkaroon ng solusyon sa mas maagang panahon patungkol sa mga

problemang kanilang pinagdaraanan sa kanilang mga pamilya.

 Sa mga magulang
Makakatulong ang pag-aaral na ito upang malaman ng mga magulang ang

pinagdaraanan ng kanilang mga anak at magkaroon ng panahon ang mga ito

na magabayan at mabigyan ng oras at atensyon ang kanilang mga anak sa mga

suliranin na pinagdaraanan ng mga ito.

 Sa mga guro
Ang mga guro ay mabibigyang ideya sa maaaring pinagdaraanan ng mag-

aaral kaya't nagiging mababa ang mga marka ng mga ito sa klase, dahil rito,

makakapag-isip ng mga paraan ang mga guro upang matulungan,

masuportahan at magabayan ang kanilang mga mag-aaral na makapagpokus

ang mga ito sa kanilang pag-aaral.

 Sa mga mananaliksik sa hinaharap


Ang pag-aaral na ito ay magsisilbing gabay sa mas lalong pagpapatibay ng

pag-aaral na ito dahil sa mga ilalahad nitong panibagong kaugnay na pag-aaral


at mabigyan ang mga mananaliksik ng mga ideya sa pagpapalawak pa ng pag-

aaral na ito.

Saklaw at Limitasyon

Ang pokus ng pag-aaral na ito ay ang malaman ang mga epekto ng pagkakaroon

ng Broken Family ng mga piling mag-aaral sa kursong Accountancy sa Philippine School

of Business Administration sa Quezon City sa kanilang average na grado ng taong 2018-

2019.

Depinisyon ng mga Terminolohiya

 Sirang Tahanan o Broken Family - anumang tahanan na kung saan ang isa o

parehong mga magulang ay nakatira kasama ng mga bata sa isang normal na

relasyong pamilya. Ang paghihiwalay ay maaaring dahil sa kamatayan, diborsyo,

disersyon, o iba pang mga kadahilanan (Campbell, 1932).

 Diborsyo - legal na pagpapasawalang-bisa ng kasal ng mag-asawa at lahat ng

obligasyong nakapaloob rito (http://en.wikipedia.org./wiki/Divorce).

 Disersyon - pang-iiwan ng isa o parehong magulang sa kanyang pamilya at kanya

o kanilang responsibilidad dito.

 Single Parent - isang magulang na umaako ng lahat ng responsibilidad na dapat

gawin nang magkatuwang na mag-asawa. Ito ay nag-uugat sa pagkamatay ng

asawa, diborsyo o isang magulang na hindi pa nag-aasawa

(http://www.healthofchildren.com/S/Single-Parent-Families.html).

You might also like