You are on page 1of 1

“Paghihiwalay ng pamilya: kakulangan ng patnubay at epekto nito sa moralidad ng mga

anak”
Pinahamahalang karanasan na maaaring harapin ng isang indibidwal na kabataan o nang isang
tao ay ang paghihiwalay ng landas ng mga magulang. Alam niyo ba na base sa pag-aaral ng mga
eksperto ang mga bata na nakararanas no paghihiwalay mula sa isang magulang noong kanilang
kabataan ay may mas mataas na posibilidad na maging bahagi ng karahasan sa kinakanarap
kumpara sa maga batang naninirahan ng patuloy sa kanilang mga magulang. Ang isyung ito ay
may malalim na epekto sa mga taong sangkot lalo na sa tayong mga anak. Sa pagbabago ng
panahon, nagbabago rin at lumalaki ang bilang ng mga pamilyang dumaranas sa isyung ito sa
buong mundo. Sa papel penanaliksik na ito, layunin nating surin kung papaano nakaaapekto
ang kakulangan na patnubay sa paghihiwalay ng magulang sa moralidad ng mga anak.

“Natuto ang mga bata sa kung paano nila nakikita ang kanilang magulang na trumato sa isa't
isa" -hindi kakilala. Nakaaapekto ang paghihiwalay ng magulang sa mga anak dahil una, ang
kakulangan ng patnubay mula sa mga magulang ay maaaring magdulot ng kawalan ng direksyon
at mga halimbawa sa buhay ng mga anak. Ang mga magulang ay karaniwang naglalaan ng mga
moral na pamantayan at mga halimbawa na nagpapahalaga sa pagkakaisa, pagmamahal, at
respeto. Kapag nawawala ang patnubay na ito, ang mga anak ay maaaring magkaroon ng
kawalan ng mga gabay sa pagbuo ng kanilang sariling moral na paniniwala at pagpapasya. Ang
epekto nito sa moralidad ng mga anak ay maaaring makita sa kanilang pag-uugali at mga
desisyon sa buhay. Ang mga bata na may kakulangan sa patnubay ay maaaring magkaroon ng
kawalan ng pag-unawa sa mga konsepto ng tama at mali, at maaaring magkaroon ng kawalan
ng paggalang sa ibang tao. Ang paghihiwalay ng pamilya ay maaaring magkaroon ng malalim na
epekto sa mental, emosyonal, at pisikal na kalusugan ng mga bata. Sa ating Mental at
Emosyonal na Kalusugan ay makaaapekto ito tulad ng pagkakaroon ng trust issues o ang
paghihiwalay ay maaaring magdulot ng pagkakaroon ng trust issues sa mga bata. Ito ay
maaaring magdulot ng pagkakaroon ng pagdududa at pagkabahala sa mga relasyon natin sa
ibang tao, depression kung saan nawawalan tayo ng ng interes sa mga bagay bagay. Sa pisikal
na kalusugan naman ay ito'y nakaaapekto dahil maaari tayong magkaproblema sa
pagtulog,problema sa pagkain at magka problema sa pisikal na kalusugan.Sa isa pang pag-aaral,
natuklasan na ang paghihiwalay ng mga magulang ay nagdudulot ng negatibong epekto sa mga
anak na may mga problema sa pag-uugali. Ang mga natuklasan ay nagpapahiwatig na ang
pagkakaroon ng alitan sa pamilya bago ang paghihiwalay ay nagpapataas ng pagkaantala ng
mga bata sa mga problema sa pag-uugali.

Sa kabuuan ng papel pananaliksik na ito, ang kakulangan ng patnubay mula sa mga magulang sa
paghihiwalay ay maaaring magkaroon ng malalim at malawak na epekto sa moralidad ng mga
anak. Ang mga ito ay maaaring magdulot ng mga pagbabago sa pananaw at pag-uugali ng mga
anak. Sa pamamagitan ng suporta, pag-unawa, at pagmamahal, maaaring matulungan ang mga
anak na malampasan ang mga hamon na kaakibat ng paghihiwalay ng pamilya at magpatuloy sa
kanilang moral na pag-unlad.

You might also like