You are on page 1of 17

Magulang ang may

problema; Anak
ang nagdusa.

II. RASYUNAL/LAYUNIN
Ang pangunahing layunin ng pamanahong papel na ito ay malaman
ang epekto ng pagkakaroon ng Broken Family sa isang mag-aaral
at kung paano nila ito haharapin sa positibong pananaw.
Layunin ng pananaliksik na ito na masagot ang mga sumusunod na
katanungan:
Ano ang pamilya ?
Gaano kahalaga sa isang mag-aaral ang pagkakaroon ng buong
pamilya ?
Sa paanong paraan nakaaapekto ang pagkakaroon ng Broken
Family sa isang mag-aaral ?

III. PAMAMARAAN
Ang mga mananaliksik ay gumawa ng pagpupulong na
kung saan ang bawat isa ay nagbahagi ng ibat ibang ideya
sa magiging paksa ng gagawing pananaliksik. Matapos ang
pagpupulong na pagpasyahan ng mga mananaliksik na ang
piliing paksa ay epekto ng Broken Family sa pag-aaral
sapagkat sa panahon ngayon kaya nawawalan ng gana sa
pagpasok ang isang mag-aaral ay dahilan sa problema sa
pamilya.Ang mga Mananaliksik ay nangalap ng mga
impormasyon sa libro at internet. Nagsagawa ng sarbey o
pagtatanong ang mga mananaliksik hingil sa paksa upang
makuha ang persepsyon ng mga mag-aaral tungkol dito.

PANIMULA
Ang pamilya ay ang pangunahing kawing o dugtong
sa pagitan ng isang tao at ng lipunan. Dito unang
nakukuha ng bata ang mga karanasan sa pagmamahal,
pagsuyo, kabaitan, at pagdamay sa ibang tao. Ang bata
ay binibigyan ng oryentasyon sa kultura ng grupo
ang mga pamantayan nito, mga uri ng konsens at mga
pagpaparusa. Ang mga magulang ay may malaking
impluwensya sa mga bata sa pagbuo ng mga saloobin,
kahalagahan, hulwaran at mga pamantayan ng tama at
mali ( I. Panopio at R. Santico, 1992).

Ayon sa
http://fil.wikipilipinas.org/index.php/pamilya , ang
pamilya ang tinaguriang pinakamaliit na sangay ng
lipunan. Ang mga magulang ang pamahalaan at ang
mga anak ang mga mamamayan. Ang pamilya ay
lipon ng dalawa o higit pa sa dalawang tao na
magkaugnay sa dugo, sa bisa ng sakramento ng
kasal o sa pamamagitan ng pag-aampon o
paninirahan sa isang tahanan. Ito ay binubuo ng
ama, ina at mga anak.

Ang mga mananaliksik ay naniniwala na ang pag-aaral


na ito ay mahalaga upang malaman natin ang saloobin ng
mga kasapi sa Broken Family na mga mag-aaral, dahil
hindi natin alam na may ibang mag-aaral na kaya mabababa
ang mga marka ay dahil sa pamilya. Minsan sila ay
napapagalitan ng mga guro dahil sa mababang marka ngunit
hindi alam ng mga guro na may problema ang mga magaaral. At ito ang dahilan kung bakit ito ang naisip ng mga
mananaliksik na paksa. Upang malaman kung ilang
porsyento ng mag-aaral ang naaapektuhan ang pag-aaral
dahil sa Broken Family at ilan dito ang mas pinipiling
mag-aral ng mabuti upang ipakita na may kaya silang gawin
kahit kasama sila sa Broken Family

V. PAGTATALAKAY
Ang pamilya ay binubuo ng ama, ina at mga anak. Ang ama
ang pinakapuno ng pamilya. Siya ang nasusunod at nagpapasya
para sa pamilya. Sa kabilang dako ay tungkulin niyang
pakainin, bigyan ng matitirhan at pag-aralin ang kanyang mga
anak. Ang ina naman ang bahala sa bahay at pag-aalaga ng
mga bata. Siya ang humahawak ng pera ng pamilya at
pinagkakasya ito sa pangangailangan ng pamilya.
Responsibilidad ng mga anak ang mahusay na pag-aaral at ang
pagtulong sa bahay.
(http:/www.seasite.niu.edu/tagalong/New_Intermediate_Tagalo
g/Intermediatethematic_lesson/lessons/pamilyangpinoy/ang_P
amilya.htm).

Ayon kay A. Lardizabal 1988 ang pamilya ay mauuri ayon sa


istraktura, paninirahan at kung sino ang namumuno sa tahanan.
May dalawang uri sa istraktura ang kondyugal at extended
family. Kondyugal kung ito ay binubuo lamang ng tatay, nanay
at mga anak, extended family naman kung itoy binubuo ng
tatay, nanay, mga anak, lolo, lola at mga malalapit na kamaganak. Ang paninirahan ay nauuri sa tatlo ang Patrilokal,
Matrilokal at Niyolokal. Patrilokal kung ang bagong kasal ay
naninirahan sa magulang ng asawang lalaki, matrilokal kung ang
bagong kasal ay naninirahan kasama ang magulang ng asawang
babae at niyolokal naman kung ang bagong mag-asawa ay
bumukod at may sariling bahay. Sa pamumuno ng sambahayan
matatawag itong patriyarkal kung ama ang syang nasusunod sa
tahanan, matriyarkal naman kung nanay at ekwalitaryan kung
parehong tatay at nanay ang nasusunod.

Ngunit sa panahon ngayon maraming pamilya ang nabibilang sa


Broken Family. Sanhi ito ng hindi pagkakaunawaan ng mag-asawa. Ano
nga ba ang Broken Family? Ang Broken Family ay ang pagkasira ng
pagsasama ng mag-asawa na dahilan ng pagkawatak-watak ng pamilya.
Larawan ng isang sirang pamilya na kung saan hindi nagiging matatag ang
pagsasama ng bawat miyembro nito kung kayat nagiging marupok ang
pundasyon na nagbubuklod dito. (
http://familybroken.blogspot.com/2010/08/mgadahilan-ng-pagkakawatak-w
atak-ng.html
).
Hindi maikakailang bawat sitwasyong nangyayari ay may mga
dahilan. Ayon sa (
http://familybroken.blogspot.com/2010/08/mgadahilan-ng-pagkakawatak-w
atak-ng.html
) ilan sa mga dahilan ng pagkakaroon ng Broken Family ay: Lack of
Communication, kung saan ang isang miyembro ay nawawalan ng oras sa
kaniyang mga mahal sa buhay. Kawalan ng tiwala sa pamilya, pagdududa
ng isang miyembro at walang pagpapahalaga o pakialam na nagiging sanhi
ng pagrerebelde ng isang miyembro na, sa kalaunan ay masasanay na magisa at hindi humuhingi ng tulong.

Malaki ang epekto ng Broken Family hindi lamang sa magasawa kundi lalo na sa mga bata. Sila ay maguguluhan kung bakit
nagkaganon ang kanilang pamilya na nagiging sanhi ng kanilang
pagrerebelde at pagkapariwara sa buhay. Nakakaapekto rin ito sa
pag-aaral ng mga anak. Marahil isa itong hadlang upang hindi
makapagpokus sa mga aralin. Maaaring ito rin ay makadaragdag
pa sa mga iniisip o iniintindi ng mga bata.
Dapat laging ipakita na mahal natin sila, na may paki-alam sa
kanya, ng sa gayun hindi masira ang inyong relasyon sa isat isa
at manatiling matibay ang inyong samahan. Hindi ka magiging
masaya at hindi ka magtatagumpay sa buhay kung wala kang
pamilyang handang umunawa at tumulong upang maabot mo ang
mga gusto mong marating sa buhay. (
http://familybroken.blogspot.com/2010/08/mgadahilan-ng-pagka
kawatak-watak-ng.html
).

RESULTA
AT
DISKUSYON

VI. LAGOM
Base sa nakalap na impormasyon ng mga mananaliksik, ang
pamilya ang pinakamaliit na sangay ng lipunan ngunit may malaking
bahagi sa pag-unlad sa pag-aaral ng isang indibidwal. Ngunit sa
panahon ngayon, maraming pamilya ang nabibilang sa Broken
Family at itoy nakaaapekto ng malaki sa isang mag-aaral. May mga
dahilan kung bakit nagkakaroon ng Broken Family. Una, ay ang
lack of communication kung saan ang isang miyembro ng pamilya ay
nawawalan ng oras sa kaniyang mga mahal sa buhay. Pangalawa, ang
pangangaliwa ng isa sa magulang na nagiging sanhi ng pag-aaway at
pag-hihiwalay ng mga magulang. Pangatlo, ang isa sa malimit na pagawayan ay ang problemang pinansyal na nagiging sanhi sa madalas na
pag-aaway ng mag-asawa at nauuwi sa hiwalayan. At dahil sa mga
nasabing dahilan naaapektuhan ang pag-aaral at pananaw ng mga
kabataang nabibilang sa Broken Family na dapat magawan ng
solusyon hindi lamang ng kasama sa Broken Family ngunit pati ang
mga nakapaligid sa kanila lalo na sa paaralan.

Base rin sa sarbey kwestyuneyr na lumabas, at sa paghahambing


ng mga sagot ng limampung respondente, napag-alaman ng mga
mananaliksik na ang pagkakaroon ng Broken Family ay may
malaking epekto sa isang mag-aaral dahil: una sa lahat ang buong
pamilya ang isa sa dapat mayroon ang isang mag-aaral, dahil dito
nakuha ng lakas ng loob at tiwala sa sarili ang mga mag-aaral upang
pag-ibayuhin ang kanyang pag-aaral. Ito din ang nagiging pundasyon
ng mag-aaral upang maging magaling sa paaralan. Sa pamilya rin dapat
nagsisimula ang pag-gabay at pagpapaunlad ng magandang ugali ng
mag-aaral. Kung wala sila nito mahihirapan silang gampanan ang mga
tungkulin nila sa paaralan lalo na kung sila ay nasa kanilang tahanan
dahil nakikita nila at nararanasan ang hirap ng pagkakaroon ng
Broken Family. Mawawalan sila ng pokus sa pag-aaral dahil mas
iisipin nila ang hirap ng sitwasyon na kanilang pinagdadaanan. Ngunit
sa napagalaman din ng mga mananaliksik may mga nabibilang padin sa
Broken Family na ginagawang positibo ang kanilang buhay sa kabila
ng kanilang pinagdadaanan. Ginagawa nilang inspirasyon ang kanilang
sitwasyon upang mas pagibayuhin ang kanilang pag-aaral upang balang
araw ay may maipagmalaki sila at maipagmalaki din sila ng kanilang
pamilya dahil nalagpasan nila ang pagsubok ng pagkakaroon ng
Broken Family.

VII. KONGKLUSYON
Natuklasan sa pananaliksik na ito ang mga sumusunod:
Ang bilang ng respondente sa dalawang seksyon, BSEd 1A at
CTE 1 ay may pitumpung porsyento (70%) ang babaeng
respondente at tatlumpong porsyento (30%) ang lalaking
respondente.
Ayon sa pananaliksik ang pamilya ay binubuo ng ama, ina at mga
kapatid na tutulong, gagabay, tatanggap, magmamahal at
susuporta sa isang mag-aaral. Ang pamilya din ay isa sa may
malaking ambag sa pag-unlad ng isang mag-aaral. Ito din ang isa
sa dahilan ng pag-aaral ng mabuti ng isang mag-aaral kaya
importante sa isang mag-aaral ang magkaroon ng pamilya.

Natuklasan din ng mananaliksik na mahalaga ang pamilya dahil isa ito sa


pinakamahalagang aspeto na dapat tinataglay ng isang mag-aaral. Ito din ang
nagbibigay ng inspirasyon at buhay sa isang mag-aaral . Ito din ang dapat na
masasandalan ng mga mag-aaral kung sila ay nasa isang problema sa paaralan. At
ang pinakamahalaga ay ito ang nagtuturo sa mag-aaral ng magandang asal at
nasuporta sakanila upang mas pagbutihin ang kanilang pag-aaral.
Ayon din sa pananaliksik, malaki ang nagiging epekto sa isang mag-aaral ang
pagkakaroon ng Broken Family dahil nawawalan sila ng gana mag-aral dahil
alam nila na kahit anong gawin nila ay hindi na maibabalik ang buo nilang
pamilya. Nakakaapekto din ito dahil nagiging dahilan ito ng pagrerebelde, paggawa
ng labag sa batas at marami pang iba. Malaki din ang epekto nito sa pag-uugali ng
isang mag-aaral dahil maaring nagiging suwail sila sa paaralan at hindi nag-aaral
ng maayos na ang nagiging resulta ay ang pagbaba ng grado. Ngunit sa kabilang
banda natuklasan din namin na may ibang mag-aaral na nabibilang sa Broken
Family na tinatanaw sa positibong pananaw ang kanilang sitwasyon at
ginagawang inspirasyon ang kanilang sitwasyon upang mas pag-ibayuhin at mas
pag-butihin ang kanilang pag-aaral upang maging maganda ang kanilang
kinabukasan sa kabila ng kanilang pinagdadaanan.

VIII. REKOMENDASYON
Buong-pagpapakumbabang iminumungkahi ng mananaliksik ang mga sumusunod:

Magkaroon ng seminar ang mga kabataan na nabibilang sa Broken Family upang


mas maging malinaw sa kanila ang mas positibong maaari nilang gawin upang
harapin ang kanilang sitwasyon at mas maintindihan nila ang mga maaari pa nilang
gawin sa kanilang pamilya upang maging maayos at masaya sa kabila ng
pagkakawatak-watak ng kanilang pamilya.

Iminumungkahi din ng mananaliksik sa mga guro na kung may mga mag-aaral na


nakakakuha ng mababang marka ay kausapin sila upang malaman ang pinagdadaanan ng estudyante dahil maaaring sila ay kasapi sa Broken Family at iyon
ang nagiging dahilan ng kawalang pokus ng mga estudyante sa kanilang pag-aaral.

Iminumungkahi din ng mga mananaliksik sa mga nabibilang sa Broken Family


na magtiwala lamang sa nasa taas dahil kahit anong problema ang pagdaanan ng
kahit sino man ay malalampasan kung magtitiwala lamang sa Kanya at mas isipin
nila sa mas positibong pananaw ang kanilang kinalalagyan upang hindi ito maging
hadlang para makamit nila ang kanilang pangarap.

IX. TALAAN NG MGA SANGGUNIAN


Aklat:

Amparo S. Lardizabal. Foundation of Education. The Family.


Rex Book Store. 856 Nicanor Reyes, Sr. St. Philippines. 1988

Isabel S. Panopio et. al. Sosyolohiya at Antropolohiya. Pamilya.


Ken Incorporated. 305 T. Morato Avenue, Quezon City, Philippines. 1992

Internet:

http
://familybroken.blogspot.com/2010/08/mga-dahilan-ng-pagkakawatak-watak-n
g.html

http://fil.wikipilipinas.org/index.php/Pamilya

http://www.seasite.niu.edu/tagalog/new_intermediate_tagalog/intermediate_t
hematic_lesson/pamilyangpinoy/ang_pamilya.htm

You might also like