You are on page 1of 3

I.

PANIMULA

Ang pamilya ay isang bahagi ng buhay ng tao na hindi kailanman

mababago sa mundo. Ito man ay itinuturing na pinakamaliit na yunit ng isang


pamayanan, ang pagkakaroon ng isang buong pamilya ay kayamanan at kaluguran, ito
ang humuhubog sa pagkatao ng bawat miyembro nito. Ito rin ang unang nagpaparamdam ng
pagmamahal, kasiyahan at inspirasyon sa mga taong nangangailangan nito.

Sa paglipas ng panahon marami ngang pagbabago ang nagaganap

sa bawat pamilya. Ito marahil ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng broken family o sirang tahanan
sa kabila ng matibay na pagkakabuklod-buklod ng pamilyang Pilipino, hindi maiiwasang
magkawatak-watak.

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong malaman ang mga

Epekto ng pagkakawatak-watak ng pamilya sa bawat miyembro ng pamliya. Malaki ang papel ng


kabataan sa usaping ito at mas nararapat lamang na sila ang magbigay at magpahayag ng kanilang

mga saloobin patungkol sa usaping ito. Sa pananaliksik na ito malalaman, mauunawaan,


masasagutan at matutugunan ang katanungan ng na kararami ukol sa problemang kinahaharap ng
mga apektadong kabataan.

Dito malalaman ang mga dahilan ng pagkakawatak-watak ng isang pamilya.


Nais ng mananaliksik na maisiwalat ang mga datos na kaniyang nakalap at kinalabasan sa pag-aaral
na ito. Ito ay para man lamang kahit sa mumunting paraan ay makatulong na maipahayag ang mga
pinagdadaanan ng isang kabataang hindi nakararanas ng benepisyo ng isang kumpletong
pamilya. Isa pay nais din nilang maghatid ang pag-aaral na ito ng kaalaman sa mga susunod
na henerasyon ng kabataan at nang sa gayon ay maging inspirasyon sa kanila ang mga paghihirap
na painagdadaanan ng isang kabataang nagmula sa isang sirang tahanan.
II. PAGLALAHAD NG MGA SULIRANIN
Para sa ikatututo ng mambabasa ang mananalikskik
ay naghanda ng ilang mga katanungan para sa ikagaganda ng konseptong papel.

Mga Tanong:

1. Anu- ano ang mga karaniwang dahilan ng pagkakaroon ng Broken Family?

2. Ano ang nagiging epekto ng Broken Family sa kabataan o sa bawat miyembrong apektado
nito?

3. Paano kaya malalampasan ang epektong dulot ng Broken Family para sa


bawat miyembrong apektado nito?

4. Ano nga ba ang solusyon upang maiwasan ang pagkakaroon ng Broken Family?
III. MGA LAYUNIN SA PAG-AARAL

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong saliksikin ang mga Dahilan, epekto, bunga at
solusyon sa pagkakaroon ng Broken Family. Upang maging tiyak, ang pag-aaral na ito
ay naglalayon na:

1. Malaman ang karaniwang dahilan ng pagkakaroon ng Broken Family;

2. Maunawaan ang epekto nito sa pananaw ng bawat miyembro na sangkot sa


pagkakaroon ng Broken Family;

3. Mabigyan ng diin ang epekto nito sa

You might also like