You are on page 1of 34

Mga Epekto ng Pagkakawatak-watak ng Pamilya sa Pag-aaral

ng mga Estudyante sa Kursong Teknolohiya sa Medisina ng

University of Perpetual Help – DJGTMU

Bilang Pangangailangan

Sa Filipino II,

Kritikal na Pagbasa at Lohikal na Pagsulat Tungo sa

Nila

Belizon. Justine Krizha

Catindig, Geramay

Mondejar, Ana Marie

Narvasa, Jemma Lyn

Ollero, Mitchell Collen

Pebrero 2012
Talaan ng mga Nilalaman

Paunang Pahina

Talaan Ng Mga Nilalaman

Kabanata

I – Suliranin at Kaligiran Nito

Panimula

Layunin ng Pag-aaral

Kahalagahan ng Pag-aaral

Paglalahad ng Suliranin

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Batayang Konseptwal

Pagbibigay Kahulugan sa mga Salita

II – Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

Kaugnay Na Literatura

Kaugnay Na Pag-aaral

III- Disenyo at Pamamaraan ng Pananaliksik

Metodolohiya

Disenyo ng Pananaliksik

Respondente
Teknik sa Pagkuha ng Sampol o Kalahok sa Pag-aaral

Instrumento ng Pananaliksik

Tritment ng Datos

Pormula sa Pagkalkula ng mga Porsyento

IV – Presentasyon at Interpretasyon ng mga Datos na Kinalabasan

Ng Pag-Aaral

Kinalabasan ng Pag-aaral

V – Paglalagom, Mga Natuklasan, Kongklusyon At Rekomendasyon

Buod

Konklusyon

Rekomendasyon

Bibliografi

Apendiks

Sarbey-Kwestyoneyr
Kabanata I

SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

Panimula

Ang pamilya ay isang bahagi ng buhay ng tao na hindi kailanman

mababago sa mundo. Ang ama, ina at mga kapatid ng isang tao ay hindi

mapapalitan ng sinuman. Tunay ngang napakalaki ng impluwensiya ng

pamilyasabuhay ng isang tao. Pamilya man ang itinuturing napinakamaliit na

yunit ng isang pamayanan, ito ang humuhubog sa pagkatao ng bawat miyembro

nito. Ito rin ang unang nagpaparamdam ng pagmamahal, kasiyahan at

inspirasyon sa mga taong nangangailangan nito.

Ang karaniwang depinisyon ng pamilya ay isang grupo ng mga tao na

binubuo ng ama, ina at ang mga anak kung saan ang bawat isa ay

pinagbubuklod ng pagmamahal.Ito rin ay tinatawag nanuclear family. May iba’t

ibang uri rin ng pamilya ayon sa dami ng miyembro nito at kabilang rito ang

extended family. Ito ay nangahuhulugang kasama ng pangunahing pamilya ang

iba pang mgaka-anak tulad ng mga lolo at lola sa iisang tahanan lamang. Ang

isa pang uri ay ang conjugal familykung saan ang tatay at nanay lamang ang

miyembro ng isang pamilya.

Sa paglipas ng panahon, marami ngang pagbabago ang nagaganap sa

mga pamilya sa buong mundo. Sa kabila ng matiibay na pagkakabuklod-buklod


ng pamilyang Pilipino, hindi maiiwasang marami namang pamilya ang

nagkakawatak-watak. Ito marahil ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng isang

broken family o isang sirang tahanan, kung saan ang nanay at tatay ay hindi

magkasamang naninirahan sa iisang tahanan upang itaguyod ang kanilang mga

anak

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong malaman ang mga epekto

ng pagkakawatak-watak ng pamilya sa pag-aaral ng estudyante. Malaki ang

papel ng kabataan sa usaping ito at mas nararapat lamang na sila ang magbigay

at magpahayag ng kanilang mga saloobin patungkol sa usaping ito. Sa

pananaliksik na ito malalaman, mauunawaan, masasagutan at matutugunan ang

katanungan ng nakararami ukol sa problemang kinahaharap ng mga apektadong

kabataan.

Dito malalaman ang mga dahilan ngpagkakawatak-watak ng isang

pamilya. Nais ng mga mananaliksik na maisiwalat ang mga datos na kanilang

nakalap at kinalabasan sapag-aaral na ito. Ito ay para man lamang kahit sa

mumunting paraang ay makatulong sila na maipahayag ang mga pinagdadaanan

ng isang kabataang hindi nakararanas ng benepisyo ng isang kumpletong

pamilya. Isa pa’y nais din nilang maghatid ang pag-aaral na ito ng kaalamansa

mga susunod na henerasyon ng kabataan at nang sa gayon ay maging

inspirasyon sa kanila ang mga paghihirap na painagdadaanan ng isang

estudyanteng nagmula sa isang sirang tahanan.


Layunin

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong suriin ang mga epekto ng

pagkakawatak-watak ng pamilya sa pag-aaral ng mga mag-aaral ng kursong

Teknolohiya sa Medisina ng University of Perpetual Help – Dr. Jose G. Tamayo

Medical University. Upang maging tiyak, ang pag-aaral na ito ay naglalayon na:

1. Malaman ang mga karaniwang dahilan ng pagkakawatak-watak ng

pamilya ng mga mag-aaral;

2. Maunawaan ang mga epekto ng pagkakawatak-watak ng pamilya

sa sikolohikal na pananaw ng mga mag-aaral;

3. Mailarawan ang mga epekto ng pagkakawatak-watak ng pamilya

sa pag-aaral ng mga mag-aaral;

4. Mailahad ang mga paraan ng mga nabanggit na mag-aaral kung

paano nila malalampasan ang mga epektong dulot ng

pagkakawatak-watak ng pamilya.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Sa pananaliksik na ito, layon ng mga mananaliksik na malaman ang mga

epekto ng pagkakawatak-watak ng pamilya sa pag-aaral ng mga mag-aaral ng

kursong Teknolohiya sa Medisina ng University of Perpetual Help – Dr. Jose G.

Tamayo Medical University. Ang mga resultan at kalalabasan ng pag-aaral na ito

ay magiging kapaki-pakinabang para sa mga sumusunod:


Mga Apektadong Mag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay naglalayong

makatulong sa mga mag-aaral kung papaano nila haharapin ang mga epekto ng

pagkakawatak-watak ng pamilya at kung paano nila malalagpasan ang mga

ito.Ito rin ay makapagbibigaysa kanila ng mga karagdagang impormasyon at

gayon din sa kanila pang mga gagawing mga pag-aaral.Maaari rin nila itong

gamitin sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay para na rin maging aktibo

sila pagdating sa usaping ito.

Mga Magulang. Ang mga magulang dapat ang gumabay at mag-aruga sa

kanilang mga anak sa pamamagitan ng pagbibigay ng isang pamilyang payapa

at masaya. Ngunit sa mga pagkakataong hindi maiiwasan gaya ng

paghihiwalayan, ang bawat panig ng magulang, ay nararapat na maging

responsable sa paggabay, pagpapayo at pagmumulat sa kanilang mga anak sa

mga ganitong sitwasyon.

Mga Guro. Ang mga problemang pinagdaraanan ng isang kabataang

nagmula sa isang sirang tahanan ay malaki ang nagiging epekto sa kanilang

pagkatao. Sa pag-aaral na ito, mas mauunawaanng mga guro ang mga dahilan

at senyales kung bakit nagkakaroon ng mga di mabuting pag-uugali ang mga

apektading mag-aaral. Maaring gamitin ang pag-aaral na ito upang magabayan

sa mga kinahaharap na sulianin ang kanilang mga mag-aaral.

Mga Mananaliksik at Mamababasa.Magsisilbi itong gabay at

makapagbibigay ng impormasyon at inspirasyon sa mga pinagdadaanan ng mga

mag-aaral na nanggaling sa nagkawatak-watak na pamilya. Ito ay magsisilbing


paalala upang pasalamatan ang Panginoon at ang kanilang mga magulang sa

pagmamahal at pagbibigay ng sitwasyong higit na nakabubuti kaysa mga

apektadong mag-aaral.

Paglalahad ng mga Suliranin

Ang pag-aaral na ito ay may layuning matukoy ang mga epekto ng

pagkakawatakwatak ng pamilya sa pag-aaral ng mga mag-aaral ng kursong

Teknolohiya sa Medisina ng University of Perpetual Help – Dr. Jose G. Tamayo

Medical University. Upang maging tiyak, ang pag-aaral na ito ay naglalayon na

masagot ang mga sumusunod na katanungan:

1. Anu-ano ang mga karaniwang dahilan ng pagkakawatak-watak ng pamilya

ng mga mag-aaral?

2. Anu-ano ang mga epekto ng pagkakawatak-watak ng pamilya sa

sikolohikal na pananaw ng mga mag-aaral?

3. Anu-ano ang mga epekto ng pagkakawatak-watak ng pamilya sa pag-

aaral ng mga mag-aaral?

4. Anu-ano ang mga paraan ng mga nabanggit na mag-aaral kung paano

nila nalalampasan ang mga epektong dulot ng pagkakawatak-watak ng

pamilya?
Batayang Konseptwal

Makikita sa dayagram na ito ang mga baryabol ng mga epekto ng

pagkakawatak-watak ng pamilya sa pag-aaral ng mga estudyante sa kursong

Teknolohiya sa Medisina ng University of Perpetual Help – Dr. Jose G. Tamayo

Medical University na nakapalibot sa pananaliksik na ito. Ito ay ang pag-alam sa

mga posibleng sanhi, bunga, at mga taong responsable pag-aaral na ito.


Mga Mga
Sanhi Bunga

Mga
Apektadong
Mag-aaral

Pigura 1 – Paradaym ng Batayang Konseptwal


Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Ang pokus ng pag-aaral ay ang mga epekto ng pagkakawatak-watak ng

pamilya sa pag-aaral ng mga mag-aaral ng kursong Teknolohiya sa Medisina.

Kung kaya’t ang mga ginamit na impormasyon ay nagmula o nagbase lamang sa

resulta ng mga respondente at sa mga kaugnay na literatura. Ang mga

respondente ay mula saUniversity of Perpetual Help – Dr. Jose G. Tamayo

Medical University. Ang mga mananaliksik ay nagbigay ng mga sarbey-

kwestyonyer sa mga estudyante salahat ng lebel ng mga kolehiyong mag-aaral

ng kursong nabanggit, mapababae man o mapalalaki na nanggaling sa

nagkawatak-watak na pamilya. Ang kaugnay na pag-aaral ay nanggaling sa

internet, mga artikulo ng iba’t ibang mga manunulat, at mga pampublikong

pahayagan.

Pagbibigay Kahulugan sa Mga Salita

1. Sirang Tahanan - anumangtahanannakungsaanang isa oparehongmga

magulangay hindinakatirakasamang mga bata

saisangnormalnarelasyongpamilya.Ang paghihiwalay ay maaaring dahil

sa kamatayan, diborsiyo, desersyon, o iba pang mga kadahilanan.

(Campbell, 1932)

2. Diborsyo – legal na pagpapasawalang-bisa ng kasal ng mag-asawa at

lahat ng obligasyong nakapaloob rito. (http://en.wikipedia.org/wiki/Divorce)


3. Disersyon – pang-iiwan ng isa o parehong magulang sa kanyang pamilya

at kanya o kanilang mga responsibilidad dito.

4. Single Parent –isang magulang na umaako ng lahat ng responsibilidad

na dapat gawin nang magkatuwang ng mag-asawa. Ito ay nag-uugat sa

pagkamatay ng asawa, diborsyo o isang magulang na hindi pa nag-

aasawa.(http://www.healthofchildren.com/S/Single-Parent-Families.html)

5. Overseas Filipino Workers (OFW) – mga Pilipinong nagtatrabaho sa

ibang bansa.
Kabanata 2

Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

Kaugnay na Literatura

Mayroong isang pangkalahatang impresyon sa ibang bansa ang mga

propesyonal na ang sirang tahanan ay may isang tiyak na epekto sa tagumpay

ng bata sa paaralan. Gayunpaman, kaunti lang ang pagtatangka upang

makagawa ng isang pang-agham na pagsisiyasat ng sitwasyon. Ang ulat na ito

ay isang resulta ng isang pagsisikap upang pag-aralan ang mga bagay sa

istatistika na paraan.

Ang nasirang tahanan ay tinukoy bilang anumang tahanan na kung saan

ang isa o parehong mga magulang ay hindi nakatira kasama ang bata sa isang

normal na relasyon ng pamilya. Ang paghihiwalay ay maaaring dahil sa

kamatayan, diborsiyo, desersyon, o anumang iba pang mga dahilan. kung ang

isang abnormal na bahay ay isang permanenteng epekto sa mga bata, ang

kakayahan ng gawin ang kanyang mga gawain sa paaralan, ito ay dapat na

makikita kapag ang tagumpay ng mga bata mula sa naturang isang kapaligiran

kumpara sa tagumpay ng mga bata na nanggagaling mula sa isang normal na

pamilya. (Campbell, 1932)


Mayroon ding mga negatibong epekto sa mga bata ang pagkamulat sa

hiwalay na pamilya o broken family. Sinasabi ng mga siyentipikong higit

namarami ang mga nagiging suliranin sa mga batang pinalaki ng single parents

kaysa sa mga batang ginabayan ng parehong magulang. Ang mga hindi

mabubuting bunga ay ang pagkakaroon ng mas mataas na tyansya ng mga

sumusunod: hindi pagtatapos ng pag-aaral, sinasadyang pagtigil sa pag-aaral,

pakikipagtalo sa magulang, pakikipagtalik at pagbubuntis ng maaga, pagkalulong

sa droga at alak, pagsali sa mga gang, pangangailangan ng tulong ukol sa mga

problemang emosyonal, paggawa ng krimen, pagkitil ng sariling buhay at sa

hinaharap, pakikipaghiwalay rin sa asawa. Ginagawa nila ang mga ito dahil ang

itinatatak nila sa isipan nila ay wala nang nagmamahal sa kanila at wala nang

halaga ang kanilang buhay. (http://health.howstuffworks.com/understanding-

family-structures-and-dynamicsga4.htm)

Gayunpaman, hindi nangangahulugang lahat ng mga batang palaki ng

solong magulang ay babagsak sa pare-parehong kapalaran. Maaaring

magkaroon ng pagkakaiba-iba ayon sa sitwasyon. Ang mga batang naninirahan

kasama ng nabyudang ina ay magkakaroon ng ibang karanasan sa mga batang

naghiwalay ang mga magulang o hindi kinasal depende sa kasunduang napag-

usapan ng dalawang kampo. Mayroon ding mga taong nahuhubog ng maayos,

nakatatapos ng pag-aaral at lumalaking may mabuting relasyon sa kapwa sa

kabila ng mga pagsubok na dinaranas sa pagkakaroon ng single-parent

families.(http://health.howstuffworks.com/understanding-family-structures-and-

dynamicsga4.htm)
Napakahirap ng sitwasyong kinahaharap ng mga magulang nagpupumilit

na itaguyod ang kanilang watak-watak na tahanan. Nararapat lamang nilang

tibayan ang kanilang loob upang magtagumpay sa pag-aaruga sa kanilang mga

anak. Ito ang mga ilang payong maaari nilang gawin sa pagtataguyod ng

kanilang pamilya:

Magtaguyod ng plano sa pamilya na dapat sundin ng bawat miyembro.

Matutong magdisiplina sa mga anak/

Humanap ng sapat na oras sa pakikipagkomunikasyon sa mga

Kilalanin ang mga taong nakapaligid sa mga anak (mga guro, kaibigan,

mga kamag-aral at iba pa).

Ipaalam at ipaliwanag sa mga anak ang mga problema, sitwasyon at

kalagayan ng pamilya sa usaping pinansyal ng tahanan.

(http://www.healthofchildren.com/S/Single-Parent-Families.html#b)

Kaugnay na Pag-aaral

Sa isang pananaliksik na ginawa ng McCann-Erickson Philippines,

"Portrait of the Filipino as Youth," nalalamang 32% ng 500 kabataan mula sa

pamilya sa Metro Manila na nakapanayam ay wala ang isa (nanay o tatay) o

dalawang magulang (nanay at tatay) sa tahanan. At sa 58% ng mga kabataang

may nanay at tatay, 69% sa kanila ay may mga nanay na may trabaho sa labas

ng bahay. Marahil marami sa mga magulang ay overseas workers. (Dy, 1994)


Nagdaos ng isang pag-aaral ang Scalabrini Migration Center noong 2003,

ang 2003 Children and Families Studies. Mula sa nabanggit na pag-aaral,

lumalabas ang mga datos, batay sa mga batang may edad 10 -12. Ang mga

batang ito ay kabilang sa mga sumusunod na pamilya:

 NM - mga batang hindi OFW ang mga magulang

 MM – mga batang OFW ang ina

 FL – mga batang sa OFW ang mga ama

 FS – mga batang seafarers o nagtatrabaho sa barko ang mga ama

 BP- mga batang nagtatrabaho pareho ang mga magulang.

(http://www.smc.org.ph/heartsapart/chapter2.htm)
Ayon naman sa pag-aaral na ginawa ni Jonathan Louis Herbolario na may

pamagat na “The Relationship of Single Parent Familyhood and Two Parent

Familyhood on School Discipline and Academic Performance”, lumalabas na

mas disiplinado ang mga batang lumaki sa tahanang buo ang pamilya kaysa sa

mga batang lumaki sa mga sirang tahanan. Ngunit walang makabuluhang

pagkakaubo sa bilang nito. Base naman sa usapin sa perpormans ng mga mag-

aaral, ang mga mag-aaral ay hindi apektado ng mga sirang tahanan sa kanilang

pag-aaral. Isinasaad din na ang mga parehong magulang ay hindi nagkukulang o

lumiliban sa mga obligasyon sa eskuwelang dapat nilang punan. Ang pag-aaral

na ito ay ginawa sa 400 mag-aaral ng Saint Louis University Laboratory High

School sa 1994-1995. (http://dspace.slu.edu.ph/handle/123456789/122)


Kabanata 3

DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK

Disenyo ng Pananaliksik

Ang kabanatang ito ay nagpapakita ng mga halimbawa ng teknik,

instrumento ng pananaliksik at ng mga statistical treatmentna ginamit bilang

interpretasyon sa mga nalikom na datos.

Ang pag-aaral na ito ay naisagawa sa pamamagitan ng paghango sa mga

primarya, sekondarya at elektronikong hanguan. Ang mga datos na aming

nakalap ay mula sa mga sarbey-kwestyoneyr na sinagutan ng tatlumpu’t isang

(31) na respondent mula sa University of Perpetual Help- Dr. Jose G. Tamayo

Medical University. Ito ang nagsilbing primaryang hanguan ng pag-aaral na ito.

Nangalap ang mga mananaliksik ng mga impormasyon, artikulo at akda na

nagmula sa mga pampublikong pahayagan at ang mga ito ang nagsilbing

hanguan ng kanilang sekondaryang pag-aaral. Nangalap din sila ng mga

impormasyon, mga pag-aaral at mga literatura sainternet at ito naman ang

nagsilbing hanguan ng kanilang elektronikong pag-aaral.

Respondente

Ang napagkasunduang bilang ng respondente ay tatlumpu’t isang

estudyanteng (31), kumukuha ng kursong Teknolohiya sa Medisina sa paaralan


ng University of Perpetual Help- Dr. Jose G. Tamayo Medical University, Biñan,

Laguna.

Teknik sa Pagkuha ng Sampol o Kalahok sa Pag-aaral

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng Purposive Sampling

Technique. Ayon sa internet (Wadsworth Cengage Learning):

Ang Purposive Sampling Technique ay paraan ng pangungulekta

ng datos mula sa mga grupo ng taong may mga katangiang maaaring tumugon o

tumutugon sa mga istandards na hinihingi ng pag-aaral.

Ang Purposive Sample ay pinili ng mga mananaliksik bilang

asignatura. Ang mga mananaliksik ay sumubok na magkaroon ng sampol na

magpapakita sa kanila ng representasyon ng populasyong saklaw ng pag-aaral.

Instrumentong Ginagamit sa Pananaliksik

Ang mga mananaliksik ay gumawa ng mga katanungan bilang

kasangkapan para mangalap ng datos at impormasyon. Gumawa ang mga

mananaliksik ng mga katanungang rumeresponde ukol sa sinumiteng pag-aaral

at binigyang kasagutan naman ang mga ito ng mga mag-aaral na nasa kursong

Teknolohiya ng Medisina sa paaralang University of Perpetual Help- Dr. Jose G.

Tamayo Medical University, Biñan, Laguna.


Tritment ng Datos

Ang mga mananaliksik ay namigay ng mga sarbey-kwestyoneyr sa

paaralan ng University of Perpetual Help- Dr. Jose G. Tamayo Medical

University, Biñan, Laguna.

Pormula sa Pagkalkula ng mga Porsyento

Ginamit ng mga mananaliksik ang percentage technique upang makita

ang kinalabasan ng ginawang pagsusuri batay sa mga sagot ng mga

respondente. Ginamit din ito upang makuha ang kalahatang bahagdan ng bilang

ng pare-parehong mga sagot sa isang partikular na tanong. Ang ginamit na

pormula ay:

𝑑𝑎𝑚𝑖 𝑛𝑔 𝑟𝑒𝑠𝑝𝑜𝑛𝑑𝑒𝑛𝑡𝑒𝑛𝑔 𝑠𝑢𝑚𝑎𝑔𝑜𝑡 𝑠𝑎 𝑝𝑎𝑟𝑡𝑖𝑘𝑢𝑙𝑎𝑟 𝑛𝑎 𝑡𝑎𝑛𝑜𝑛𝑔


× 100 = %
𝑘𝑎𝑏𝑢𝑢𝑎𝑛𝑔 𝑑𝑎𝑚𝑖 𝑛𝑔 𝑚𝑔𝑎 𝑟𝑒𝑠𝑝𝑜𝑛𝑑𝑒𝑛𝑡𝑒
Kabanata 4

PAGLALAHAD, PAGSUSURI AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

Ang kabanatang ito ay naglalahad at nagpapaliwanag nang maayos sa

mga datos na naklap at nalikom ng mga mananaliksik mula sa mga talatanungan

tungkol sa pagkakawatak-watak ng mga pamilya.

Talahanayan 1. Edad ng mga magulang nang sila ay magpakasal.

18-25 26-33 34 - pataas

Ama 45.16% 41.9 % 12.90%

Ina 51.61% 38.71% 9.68%

Ang talahanayan 1 ay nagsasaad ng mga edad ng mga magulang ng mga

respondente nang sila ay magpakasal. Ayon sa resulta na nakalap ng mga

mananaliksik, lumalabas na mas maraming mga magulang ang nagpakasal sa

edad na 18-25. 45.16% ng mga ama ang nagpakasal at 51.61% naman ng mga

ina ang nagpakasal sa nabanggit na gulang. Ang may pinakamababang

porsyento naman ay ang mga magulang na nagpakasal sa edad na 34 at pataas.

Layunin ng porsyong ito na malaman kung may makabuluhan nga bang epekto

ang pag-aasawa ng mas maaga sa hiwalayan ng mga magulang.


Talahanayan 2. Trabaho ng mga magulang.

Lokal na Walang
OFW
manggagawa Trabaho

Ama 29.03% 54.84% 16.13%

Ina 19.35% 45.17% 35.48%

Ang talahanayan 2 ay patungkol sa mga trabaho ng mga magulang ng

respondente. Nasasabi sa nakalap na datos na malaking porsyento ng mga

magulang ay mga lokal na manggagawa. Makikita dito na may 54.84% ng mga

ama at 45.17% ng mga ina ay dito lamang sa Pilipinas nagtatrabaho. Layunin

naman ng talahanayang itong maipakita kung mayroong makabuluhang epekto

ang distansya ng relasyon sa paghihiwalay ng mga magulang.

Talahanayan 3. Tirahang tinutuluyan ng mga respondente.

Porsyento

Ama 22.58%

Ina 22.58%

Iba pa 54.84%

Tito/Tita 32.26%

Lolo/Lola 22.58%
Ang talahanayan 3 ay nagsasabi ng mga tirahang tinutuluyan ng mga

respondente. 54.84% ng kabuuang sampol ay nagsabing sila ay nakatira sa mga

kamag-anak. May tig-22.58% naman ng mga respondente ang nakatira sa ama

at ina. Lumalabas na mahigit kalahati ng mga respondente ay hindi

nagagabayan ng isa man lamang sa kanilang mga magulang sapagkat sila ay

kasama ng iba pa nilang kamag-anak.

Talahanayan 4. Edad ng respondente nang maghiwalay ang mga magulang.

Edad Porsyento

7-12 taong gulang 80.65%

13-17 taong gulang 19.35%

18-pataas 0%

Ang talahanayan 4 ay tungkol sa mga edad ng respondente noong

maghiwalay ang kanilang mga magulang. Makikita dito na 80.65% ng kabuuang

sampol ang naghiwalay ang mga magulang noong sila ay 7-12 taong gulang pa

lamang. 19.37% naman ang nagsabing naghiwalay ang kanilang mga magulang

noong sila ay 13.17 taong gulang pa lamang. Sinasabing ang gulang 7 hanggang

12 ay krusyal na edad ng mga bata kung saan ang tamang pag-uugali ay dapat

lubusang mahubog. Ngunit sa kaso ng mga respondente, napakalaking

bahagdan ang dumanas ng isang napakapait na karanasan at sitwasyon.


Talahanayan 5.Mga taong nagsusustento ng pag-aaral ng mga respondente.

Porsyento

Ama 43.55%

Ina 30.64%

Iba pa 25.81%

Ang talahanayan 5 ay nagsasaad ng mga taong nagsusustento sa pag-

aaral ng mga respondente. 43.55% ng mga respondente ay nagsabing ang

kanilang ama ang nagsusustento ng kanilang pag-aaral. 30.64% naman ang

nagsabi na ang kanilang ina ang nagpapaaral sa kanila.

Oo
35.48%

Hindi
64.52%

Pigura 1. Resulta kung nakakaapekto ba ang paghihiwalay ng magulang sa

pag-aaral ng mga respondente.


Ang Pigura 1 ay nagsasabi ng mga pananaw ng respondente kung naka-

aapekto ba ang kanilang problema sa pamilya sa kanilang pag-aaral. Lumalabas

na 64.52% ang nagsabing sa tingin nila ay hindi nagdudulot ng masamang

epekto ag kanilang problema sa kanilang pag-aaral. 35.48% naman ang

nagsabing sila ay naapektuhan.

Talahanayan 6. Mga Dahilan ng paghihiwalay ng mga magulang.

Porsyento

Problemang Pinansyal 25.81%

Problema sa Kamag-anak 22.58%

Ibang Karelasyon 29.03%

Sapilitang Pagsasama 9.68%

Iba pa 12.90%

Ang talahanayan 6 ay patungkol sa mga dahilan ng paghihiwalay ng mga

magulang ng mga respondente. Sinasabi dito na 29.03% ng mga magulang ng

respondente ay naghiwalay dahil sa pagkakaroon ng ibang karelasyon.

Pangalawa namang dahilan ang problemang pinansyal na may 25.81%.

Sinundan ito ng problema sa kamag-anak; 22.58%, at sapilitang pag-sasaama;

9.68%. 12.90% ng mga respondente ang nagsaad ng iba’t-ibang mga

kadahilanan.
Talahanayan 7. Dami ng mga kaibigan ng mga respondente.

Porsyento

1-3 0%

4-7 32.26%

8 pataas 67.74%

Ang talahanayan 7 ay naglalayong bigyan pansin ang sosyal na aspeto ng

mga respondente. Lumalabas na 60% ng mga respondent ay may magandang

istatus sa kanilang pakikipagrelasyon sa kapwa.

Talahanayan 8. Mga bisyo ng mga respondente.

Porsyento

Paninigarilyo 24.19%

Pag-iinom 20.97%

Iba pa 0%

Walang Bisyo 54.84%

Ang talahanayan 8 ay nagsasaad ng mga bisyong natutunan na dulot ng

pagkakawatak-watak ng pamilya ng mga respondente. 24.19% sa kanila ay

nagsabing sila ay naninigarilyo at 20.97% ang nagsabing sila a24.19% sa kanila

ay nagsabing sila ay naninigarilyo at 20.97% ang nagsabing sila ay umiinom.


Ngunit mas nakalalamang pa rin ang mga respondenteng walang bisyo. Ang

makabuluhang pigurang ito ay nangangahulugang hindi sapat na dahilan ang

pagkakawatak-watak ng kanilang tahanan upang sila ay magkaroon ng bisyo.

Talahanayan 9. Mga taong unang nilalapitan ng mga respondente sa tuwing

sila ay may problema

Porsyento

Ama 6.45%

Ina 51.61%

Kaibigan 6.45%

Iba pa 35.48%

Tito/Tita 19.35%

Lolo/Lola 16.13%

Lumalabas sa Talahanayan 9 na halos malaki pa ring porsyento ng

respondent ang humihingi ng tulong o lumalapit sa kanilang mga ina sa oras ng

problema( 51.61%). Sinundan naman ito ng ibang mga kamag-anak na

mayroong 35.48%.
Kabanata 5

BUOD, KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON

Buod

Ang layunin ng pag-aaral na ito ay matukoy ang mga dahilan at epekto ng

pagkakawatak-watak ng pamilya sa pag-aaral ng mga estudyante. Nais ng mga

mananaliksik na maipakitaang lahat ng datos na kanilang nakalap tungkol sa

pag-aaral na ito.

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa saUniversty of Perpetual Help –

Dr. Jose G. Tamayo Medical University. May tatlumpu’t isang(31) mga

repondenteng mula sa kurso ng Teknolohiya sa Medisina ang sumagot

talatanungan.

Natuklasan sa pag-aaral na ito na may 54.84% at 45.17% ng mga

ama at ina ng mga respondente ay lokal na manggagawa. Nakita rin ng mga

mananaliksik ang makabuluhang resulta sa edad ng mga magulang nang sila ay

mag-asawa. Lumalabas na halos kalahati o more or less 50 % ng mga magulang

na nauwi sa hiwalayan ay nagpakasal sa edad na 18-25 taong gulang. At

makikita rin sa mga resulta ng mga mananaliksik na 80.65% ng kabuuang

sampol ay mayroong edad na pito (7) hanggang labingdalawang taon (12) noong

maghiwalay ang kanilang mga magulang. Sa kabila ng pagkakawatak-watak ng

pamilya, 80.65% ang nagsabing hindi ito nakakaapekto sa kanilang pag-aaral.


Malalaman sa mga datos na nakalap na ang pinakadahilan ng paghihiwalay ng

mga magulang ng respondente ay ang pagkakaroon ng ibang karelasyon na

mayroong 29.03%. Sumunod dito ang problemang pinansyal; 25.81%, at ang

pangatlo ay ang problema sa kamag-anak na umaabot ng 22.58%.

Konklusyon

Ang pamilya ay isang bahagi sa buhay ng tao na hindi kailanman

mababago sa mundo Tunay ngang napakalaking impluwensya ng pamilya sa

paghubog ng pagkatao ninuman. Sinasabi ng marami na ang isang mapayapa at

matatag na pamilya ay isang hakbang tungo sa matagumpay na buhay ng

sinuman. Ngunit sa pagkakataong ito na ibang klase ng pamilya ang pinagmulan

ng mga respondente, masusong nasuri ang mga sumusunod na konklusyon:

Halos kalahati ng mga magulang na maagang nagpakasal ay nauwi sa

pagkakawatak-watak ng pamilya. At ang nangungunang dahilan ng paghihiwalay

ng mga mag-asawa ay ang pagkakaroon nila ng ibang karelasyon.Sa kabila ng

pagkakawatak-watak ng pamilya, lumalabas na hindi naman nito naaapektuhan

ang pag-aaral ng mga respondente.

May makabuluhang pagkakaugnay ang mga baryabol na edad, kabuuan

ng pamilya, presensya at gabay ng mga magulang, trabaho ng ama at ina,

gulang ng pag-aasawa ng mga magulang, at tirahang tinutuluyan ng mga

respondente at ang mga malayang baryable na may mahalagang naiambag sa


mga sikolohikal at sosyal na paniniwala, gawi at perpormans sa pag-aaral ng

mga respondente.

Rekomendasyon

Sa pag-aaral na ito, natuklasan ng mga mananaliksik ang mga iba’t ibang

resulta batay sa mga dahilan at epekto ng pagkakawatak-watak ng pamilya sa

pag-aaral ng mga mag-aaral ng kurso ng Teknolohiya sa Medisina sa University

of Perpetual Help – Dr. Jose G. Tamayo Medical University, Biñan, Laguna.

Ang pagiging isang magulang ay isang hamon. Nangangahulugan ito ng

buong puso at tapang sa pagharap sa mga responsibilidad sa anak. Hindi man

maiwasan ang paghihiwalay ng mag-asawa, kailagan pa rin nilang gabayan ang

kanilang mga anak upang sila ay lumaking maayos, may kumpiyansa sa sarili,

responsible sa pag-aaral at higit sa lahat, may pananalig sa Diyos.

Para naman sa mga kabataang nagmula sa sirang tahanan, nararapat pa

ring suklian ang ng pagmamahal ang mga sakripisyo na ginagawa ng kanilang

mga magulang. Ang pag-aaral ng mabuti, pagrespeto at pagsunod sa kanila, sa

kabila ng hindi man nila pagsasama ay isang utos ng Panginoon. Bilang tao,

maraming pagsubok ang maaari nilang pagdaanan. Nariyan ang pinansyal,

emosyonal at sosyal na problema sa loob at labas ng tahanan at paaralan.

Ngunit sa kabila ng mga ito, nararapat lamang silang maging matatag at maging

responsable lalo na sa kanilang pag-aaral sapagkat baling-araw, ito ang mag-

aahon sa kanila sa kahirapan.


Mula sa mga nakalap na datos ng mga mananaliksik, isang napakabuting

resulta ang kanilang natuklasan. Malaking bahagi ng mga respondent ang

nagsusumikap na pabutihin ang kanilang sitwasyon. Para maisantabi ang mga

problemang pinagdaraanan sa pamilya, ang mga respondente ay inilalaan ang

kanilang oras sa pag-aaral ng mabuti. Sinisikap din nilang makipagkaibigan

sapagkat naniniwala silang ang kanilang mga kaibigan ay ang kanilang

pangalawang pamilya.
BIBLIOGRAPHY

Campbell, Marian W. “The Effect of the Broken Home upon the Child in School.”

1932.

Dy, Manuel B. Jr. “Pilosopikal na Btayang Espiritwalidad ng Pamilyang Pilipino.”

Pambansang Samahan Para sa Pagpapalahaga, Inc., Baguio City, 1994.

(http://en.wikipedia.org/wiki/Divorce)

(http://dspace.slu.edu.ph/handle/123456789/122)

(http://health.howstuffworks.com/understanding-family-structures-and-

dynamicsga4.htm)

(http://health.howstuffworks.com/understanding-family-structures-and-

dynamicsga4.htm)

(http://www.healthofchildren.com/S/Single-Parent-Families.html#b)

(http://www.healthofchildren.com/S/Single-Parent-Families.html)

(http://www.healthofchildren.com/S/Single-Parent-Families.html#b)

(http://www.smc.org.ph/heartsapart/chapter2.htm)
APPENDIX

Mga palatanungang inihanda ng mga mananaliksik para sa pananaliksik,

Mga Epekto ng Pagkakawatak-watak ng Pamilya sa Pag-aaral ng mga

Estudyante sa Kursong Teknolohiya sa Medisina ng

University of Perpetual Help – DJGTMU

Pangalan (opsyunal):______________________________ Edad: __________

Kasarian: ________________________ Lebel sa Kolehiyo: ________________

Panuto: Pakisagutan ang mga sumusunod na katanungan sa pamamagitan ng

paglalagay ng tsek (✓) o pagsulat ng mga sagot sa patlang.

Edad ng Ama noong magpakasal: ____ Trabaho: __________Saan: ________

Edad ng Ina noong magpakasal: _____ Trabaho: __________ Saan: ________

1. Kanino ka nakatira ngayon?


_____ Ama ______ Ina _______________ Iba pa (pakisaad)

2. Ilang taon ka noong maghiwalay ang iyong mga magulang?

_____ 7-12 _____ 13-17 _____ 18 pataas

3. Sinong nagsusustento ng iyong pag-aaral?

_____ Ama ______ Ina _______________ Iba pa (pakisaad)


4. Sa iyong palagay, nakakaapekto ba ang paghihiwalay ng iyong mga
magulang sa iyong pag-aaral?

_____ Oo _____ Hindi

5. Ano ang dahilan ng kanilang paghihiwalay?

_____ Problemang Pinansyal _____ Problema sa Kamag-anak

_____ Ibang Karelasyon _____ Sapilitang Pagsasama

_______________ Iba pa (pakisaad)

6. Ilan ang iyong mga kaibigan?

_____ 1-3 _____ 4-7 _____ 8 pataas

7. May bisyo ka ba? Kung meron, pumili sa mga sumusunod:

_____ Wala

_____ Paninigarilyo _____ Pag-iinom _____ Iba pa

8. Sino ang una mong nilalapitan sa tuwing ikaw ay may problema?

_____ Ama ______ Ina _______________ Iba pa (pakisaad)

9. Ano ang ginagawa mong paraan upang makalimutan ang iyong mga
problema sa pamilya?

___________________________________________________________

You might also like