You are on page 1of 5

PANANALIKSIK TUNGKOL SA EPEKTO NG GADGET SA MGA PILING

ESTUDYANTE NA MAY EDAD 16 HANGGANG 17 SA BUKIDNON NATIONAL HIGH


SCHOOL

Ilang bahagi ng pagtupad sa mga Pangangailangan para sa Asignaturang


Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino.

Gng. Shellamae B. Poncardas

Section: Carl Rogers

Ipinasa nila:

Limpoc, Rhaizza Hanna Jhane

Canque, Jenelyn

Enoc, Lexine May

Salinasal, Heart Dheniel

Pracullos, Princess Abegail

Husain, Shyrell
Panimula:

Isinagawa ang pananaliksik na ito upang malaman kung ano ang epekto nang
gadget sa mga kabataan ngayon na may edad na 16-17 na taong gulang.

Paglalahad ng Suliranin:

1. Ano ang maaring maging epekto ng gadget sa may edad na 16- 17 na tong
gulang?
2. Ano ang mga bentahe ng gadget sa mga mag-aaaral?
3. Ano naman ang disbentahe ng gadget sa mga mag-aaral?
4. May epekto ba ang gadgets sa kalusugan ng mga mag-aaaral?

Saklaw at Limitasyon

Sa pananaliksik na ito, ang maari lamang lumahok ay ang mga estudyante ng


Bukidnon National High School na may edad na 16-17. Sinumang hindi pinili ng
mga mananaliksik ay hindi maaaring mag partisipa sa pananaliksik na ito.

Depinisyon at Termino

Definition of gadget

: an often small mechanical or electronic device with a practical use but often
thought of as a novelty

Kahalagahan ng pag aaral

Sa pamamagitan ng pananaliksik na ito, malalaman natin ang mga epekto,


bentahe at disbentahe ng gadget sa mga kabataan sa kasalukuyan. Maaari nating
masolusyonan o mapigilan ang mga suliranin na matutuklasan.

Listahang Sanggunian

https://www.merriam-webster.com/dictionary/gadget

http://dinalupihan.gov.ph/index.php/services/219-teknolohiya-sa-kabataan-at-
edukasyon

http://japino.net/modern-gadgets-effects/

https://rmn.ph/masamang-epekto-ng-mga-cellphone-at-gadget-sa-kalusugan/
Epekto ng gadget sa mga kabataan

Masamang epekto ng mga cellphone at gadget sa kalusugan

By RadyoMaN Manila

Ang mga gadgets ay naging parte na ng ating pamumuhay. Ito ay tinatawag na


ring “needs”. Ginagamit ito mapa-bata man o matanda upang maging libangan o di
kaya ay makipag-komunikasyon. Ngunit hindi lingid sa ating kaalaman, ang labis
na paggamit ng gadgets ay may masamang epekto sa ating kalusugan. Narito ang
ilan:

Sleep problems( Problema sa Pagtulog )

Ito ang nangungunang epekto ng labis na paggamit ng gadgets. Ang blue light
na nakukuha natin sa ating mga gadgets ay nakakapagdulot ng mabagal na
produksyon ng sleep hormone. Nararamdaman natin na tayo ay kailangang gising at
maging alerto ngunit sa katunayan ay ito ang pumipigil sa atin sa pagtulog.

Tech neck ( Pagsakit ng leeg at balikat )

Ang “tech neck” ay ang karaniwang nararamdaman nating pagsakit sa ating


mga leeg at balikat. Ito ay sanhi ng pagsandal natin ng matagal sa harapan ng ating
mga computer at gadgets.

Computer Vision Syndrome

Ang computer vision syndrome ay ang pagpakapagod ng ating mga mata sanhi
ng labis na pagtutok sa ating mga gadgets. Ito ay maaaring magdulot ng pangangati
at panlalabo ng ating mga mata.

Poor Posture ( Pagkuba ng likuran )

Dahil sa labis na paggamit ng ating mga cellphone maaari itong


makapagpakuba ng ating mga likuran sanhi ng pag-upo sa iisang posisyon sa loob
ng matagal na oras.
Laptop Laziness ( Katamaran ng Katawan )

Ang labis na paggamit ng gadgets ay nakakadagdag sa katamaran ng ating


katawan na nakakaapekto upang mabawasan ang ating physical activity. Ilan lamang
iyan sa mga negatibong epekto ng paggamit ng mga gadgets.

Epekto ng mga “modern gadgets”


Sa mabilis na paglaganap ng modern technology sa mga kabataan ngayon,
kahit saan ka tumingin makikita mo ang mga batang may hawak ng “modern
gadgets”.

Narito ang sampung mga dahilan kung bakit nakakahadlang ito sa mga bata na
umunlad:
1.Sapilitang paglago ng utak
2.Labis na Katabaan
3.Karahasan
4.Radiation Exposure
5.Nagiging anti-social
6.Naapektuhan ang oras ng pagtulog
7.Nakakasira ng Paningin
Teknolohiya sa Kabataan at Edukasyon

Written by Jay S. Dueñas

Sa panahon kung saan ang agham at teknolohiya ay patuloy na sumisibol, iba’t


ibang mga gadgets ang mga naiimbento’t natutuklasan. Kaliwa’t kanan na ang mga
makabagong bagay na nalilikha ng tao. Ilan sa mga ito ay ang cell phone, computer
pati na rin ang pagtuklas sa internet.

Ang computer ay may napakalaking tulong sa ating mga mag- aaral lalong lalo na sa
aspeto ng pananaliksik. Hindi mo na kailangang maghalukay pa ng maraming aklat
para kumuha ng mga kaunting na impormasyon sa bawat libro. Hindi mo na
kailangang maghalungkat sa mga silid-aklatan upang maghanap ng mga datos na
kinakailangan sa iyong takdang aralin.

Isa pa sa makapagpapadali ng kanilang gawain ay ang cellphone, na nagsisilbing isa


sa pinakamahalaga at pinakaimportanteng imbensyon ng tao sapagkat ito ay
nagpapadali sa ugnayan ng tao. Ito ay maaaring gamitin sa mga panahon ng
kagipitan. Hindi mo na kailangan pang maghintay ng ilang buwan maipadala lamang
o matanggap ang isang sulat.

You might also like