You are on page 1of 1

PANUKALANG SA PROYEKTO SA PAGKAKAROON NG SILID–AKLATAN PARA SA BODEGA ELEMENTARY

SCHOOL

Mula kay Ronalyn V. Sison

32 Purok 1, Barangay Bodega

Floridablanca Pampanga

Ika- 24 ng Hunyo, 2022

Haba ng Panahong Gugulin: 4 Buwan at Kalahati

I. Pagpapahayag ng Sulinarin

Ang proyekto sa pgbuo ng silid-aklatan para sa mag aaral ng Bodega Elementary Shool ay isasagawa sa paghihiram ng
libro sa silid -aklatan. Upang magkaroon ng mas malawak ng kaalaman at bawas sa kanilang gastusin sa mga librong kinakailangan
nila.

Isa sa mga suliraning nararanasan ng paaralan ng Barangay Bodega ay ang malaking kakulangan sa libro sa mga
istudyante. Tuwing dadating ang pasukan sa paaralan maraming mga istudyante ang hindi na bibigyan ng libro. Ang pangunahing
sanhi nito ay ang ibang mag aaral ay nagkukulang ng kaalam o mas lumawak pa ang kanilang matututunan sa iba’t ibang asignatura.

Dahil dito nangangailangan ang paaraln ng silid- aklatan na mas mapapabilis ang o mas maging maayos ang pagtuturo ng
guro at hindi na mahirapan ang mga istudyante sa kanilang mga takdang- aralin. Higit sa lahat ay mababwasan ang mga gastusin ng
kanilang mga magulang dahil may silid–aklatan na saknilang paaralan.

II. Layunin

Makapagpagawa ng Library o silid-aklatan na makakatulong upang mas ganahan silang mag aral kapag mayroon silid-
aklatan sa paaralan. Dahil kung may silid-aklatan maraming magaaral ang mas maraming matututunan at mas lumawak pa ang
kanilang mga kaalaman.

III. Plano na Dapat Gawin


1. Pag pupulong ng mga kaguruan sa Bodega Elementary School sa pagpapatayo o pagkakaroon ng silid-aklatan
2. Pagpaplano kung saan ilalagay ang silid-aklatn kasama ang maggagawa.
3. Pagbili ng kagamitan upang mapatayo na ang silid-aklatan sa paaralan.
4. Pagbili ng mga aklat para sa paaralan at sa mga magaaral.
5. Pagaayos at pagdedesenyo ng silid-aklatan sa paaralan ng Bodega Elementary School.
6. Pagbubukas ng silid-aralan.

IV. Badyet

Mga Gastusin Halaga


I. Halaga ng pagpapatayo o pagkakaroon ng silid-aralan
(kasama na ri6to ang lahat ng materyales, kagamitan Php 3,500,000.00
sa silid-aklatan at suweldo ng mga trabahador)

II. Gastusin para sa pagpapasinaya at pagbabasbas nito. Php 50,000,00

Kabuuang Halaga Php 3,550,000.00

V. Benepisyo ng Proyekto at mga makikinabang nito.

Ang pagkakaroon ng library o silid-aklatan ay magiging kapaki-pakinabang sa mag aaral ng Bodega Elementary
School. Ang mga dating bata o magaaral na walng libro o kulang sa libro ay masosulusyunan na.

Dina mararanasan ng mga magaaral na kumulang ang libro na magagamit nila sa mga takdang-aralin o
masmapaplawak nila ang kanilang natututunan. Higit sa lahat ay pwede silang mag basa na makakatulong sa kanilang
pagaaral. Sa pagkakaroon ng silid-aklatan ay mas gaganahan ang mga istudyante na mag aral dahil mayroon ng lugar
o tahimik na lugar upang mas gumaling sa mga aktibidad sa eskwelahan.

Mababawasan din sa gastusin ng kanilang magulang ang pagbili ng mga libro dahil meron ng silid-aklatan na
magbibigay ng solusyon sa kanilang mga takdang-aralin. Maaring din nilang ibahagi ang mga natutunan nila sa
pagbabasa sa kanilang mga kamagaral o mga kapatid. Nabigyan din ng kasiyahan ang mga Guro dahil mas
mapapadali ang kanilang pagturo hindi tulad dati ay kulang kulang sa libro. Ngunit ngayon na mayron ng silid-
aklatan ay mas mapapadali sa Guro, Magulang at istudyante.

You might also like