You are on page 1of 2

TIGANG SA TUBIG

Nakakalungkot isipin na kailangan pa nating hilingin bilang mga estudyante na


magkaroon ng water dispenser sa ating paaralan para magkaroon lamang ng ligtas at
malinis na inumin sa loob ng maghapon.

Ayon sa DepEd Order No. 10, s. 2016 o mas kilala sa Water, Sanitation and Hygiene in
Schools ( WINS) Program na nakasaad na dapat ang paaralan ay may regular na
suplay ng ligtas na tubig upang magsilbing inumin ng mga mag-aaral.

Kaugnay ng WINS program ay ang pagkakaroon ng organisadong pasilidad para sa


inuming tubig, malinis na tubig sa paghuhugas ng kamay, tubig sa mga palikuran, tubig
para sa buwanang regla ng mga kababaihan at tubig na panlinis sa mga gamit at
pasilidad ng paaralan.

Sa kabila ng mandatong ito ng kagawaran, kailangan pa ring magbayad ng mga mag-


aaral ng sampung piso sa loob ng isang linggo upang makabili lamang ng tubig upang
magkaroon ng malinis na drinking water.

Ang simpleng daing naming mga mag-aaral ay nagiging kunswelo na lamang sa aming
mga sarili na kesa bumili ng mga bottled water na mas mahal kumpara sa tubig na
babayaran ng buong klase para sa water dispensers.

Tunay naman na may supply ng tubig ang Community Vocational High School, may
poso-negro, may linya ng tubig pero bagsak naman angph-level nito para mainom ng
mga estudyante.

Kung kaya naman, sana ay maaksyunan ng mga pinuno ng paaralan ang pangunahing
kailangan ng mga mag-aaral na magkaroon ng ligtas na tubig na maiinom, at syempre
libre itong makukuha ng mga mag-aaral.

Sa aking obserbasyon, pag ang isang batang mag-aaral ay kulang ang baon pang
eskwelan, itinataya na lamang niya ang kaniyang kalusugan sa pag-inom sa tubig poso,
sa kabila ng walang kasigurang epekto nito sa kalusugan.

Maaaring pansamantalang bumili at magbayad ng dagdag para sa ligtas na inumin,


ngunit sana ay nagagawan ng paraan ng mga pinuno ng mga paaralan at n gaming
mga magulang na magkaroon ng ligtas na inuming tubig.

Maliban sa water dispenser at purchase ng tubig sa labas, dapat siguro pag-aralan na


rin n gating paaralan ang water filtration system. Sa ganitong paraan, mababawasan
ang alalahanin ng mga mag-aaral sa negatibong epekto ng mga tubig poso na iniinom
kapag walang wala ng maibaon.
Dahil kung pati inuming tubig, ay hindi ligtasat hindi sapat, paano pa nating ipapaskil
ang mga katagang, THIS IS A CHILD_FRIENDLY SCHOOL.

You might also like