You are on page 1of 3

Byaheng Roma

Ang bayan ng Bamban, Tarlac ay isang


payapang lugar na napapaligiran ng kabundukan at
palayan. Mayroon ring iba’t ibang magagandang
tanawin at anyong tubig na madalas dayuhin dito, pati
na rin ang mga naglalakihan at nagagarbuhang resorts
ay matatagpuan sa bayang ito. Ako, kasama ang aking
pamilya ay napiling magbakasyong panandalian sa
isang resort sa Bamban, Tarlac, Ang Goshen Resorts
and Hotel. Sa katunayan ay matagal na nagplaplano
kung saan kami pupunta, noong una ay sa La Union o
di kaya’y sa Bataan subalit sa tuwinang nagpapareserb kami sa lugar ay lagging fully booked na
daw. Ang aking akala ay baka hindi na matuloy ang
aming outing, pero nirekomenda ng kaibigan ni ate na
may magandang resort nga daw sa Bamban, malapit
lang daw at siguradong sulit ang punta mo, para kang
nasa Roma. Sabado, noong ika-11 ng Mayo bandang
alas-nwebe ng umaga ng nagsimula kaming bumyahe
tungong Tarlac. Sa loob ng sasakyan ay napupuna ko
na medyo hindi ganoon ka excited ang aking kapatid
dahil ang unang plano ay dagat ang punta at ngayon ay
sa isang pool resort na lamang, naiintindihan ko naman
siya dahil maging ako ay ganoon din ang nararamdaman. Lalo pang tumindi ang aking
pagkadismaya nang ang aming sasakyan ay nasa Clark, Pampanga ay biglang bumuhos ang
sobrang lakas na ulan, hanggang
pagdating ng Bamban ay nagpatuloy ang
sobrang malakas nap ag-ulan na ang mga
daan papunta ng resort ay binaha. Aking
naisip nang mga panahong ito na tuluyan
nan gang nasira ang aming outing, pero
pagdating namin sa resort, bandang ala-
una ng tanghali, ay napawi ang
malungkot na aking pag-iisip kahit na
umuulan parin. Pagkapasok na
pagkapasok ng sasakyan namin sa loob ng resort ay napamangha ako sa magandang lugar, tila ba
ay nagdaan kami sa ibang dimension at napunta kami ng Roma. Sa pagpasok ay unang makikita
ang imitasyon ng koleseyo ng Roma na tinatawag ng resort na dambana ni Yaweh. Pagkapark
ng sasakyan ay may guard na nag guide sa amin
tungong accommodation area kung saan kami
magbabayad at dito din namin makukuha ang susi sa
kwartong pinareserba namin. May malinaw at
organisadong sistema ang resort, ang mga bakasyonista
ay binibigyan ng strap na ilalagay sa kamay na may
iba’t ibang kulay depende sa kung gaano katagal
mananatili sa resort. Kulay na kahel kung hanggang
umaga lamang mananatili ang mga bakasyonista o di
kaya’y mula hapon hanggang gabi lamang; hindi sila
mananatili sa resort. Kulay rosas kung may hotel na tutuluyan sa resort, ang mga strap ay ang
gabay ng mga tagapagbantay ng resort. Matapos sa accommodation area ay hinatid kami
papunta ng kwarto naming at masasabi kong maayos ang lugar, kumpleto ang mga gamit, may
maayos na bentilasyon at malinis. Dahil nga patuloy pa rin ang pag-ulan ay nanatili pa muna
kami ng ilang saglit sa kwarto bago inikot ang buong
resort. Sa paglibot namin ay kapansin-pansin ang
arkitektura ng resort dahil ginawa nitong inspirasyon
ang bansang Roma. Ang resort ay mayroon apat na
ektarya na binubuo ng iba’t ibang gusali at gawain na
ihinawig sa mga gusaling makikita sa Roma. Ang
Dambana ni Yaweh ay imitasyon ng koloseyo ng Roma,
pagpasok namin sa gusaling ito ay para bang nakita ko
na rin sa personal ang orihinal na koloseyo. Mayroon
ding limang swimming pool na may iba’t ibang lalim na
dinesenyuhan ng mga pader pang Roma. ang kainan na
Café Roma na pagpasok mo sa loob ay kahawig ng mga
restawrant na makikita sa mga pelikula. Hindi lamang
ang pool at ang magarang arkitektura ang nagpaganda
sa resort kundi mayroon din silang ATV na kung saan
maari mong malibot ang buong lugar pati na rin ang
parte kung nasaan ang farm. Para sa akin
ay isa ito sa pinaka magagandang resort
na aking napuntahan, bagay ito sa
pamilya at magkakaibigan.

You might also like