You are on page 1of 1

POSISIYONG PAPEL PATUNGKOL SA

"NO HOME WORK POLICY"

Ang posisyong papel na ito ay tungkol sa pagbabawal ng takdang-aralin. Ang takdang-


aralin ay nag binibigay ng guro upang may paglalaanan ang mga studyante ng kanilang oras
pagdating sa bahay kaysa mag laro ng gadgets. Di ako sumasang-ayon sa inihain na panukala ng
DepEd na "No Homework Policy".

Bilang isang mag-aaral karapatan namin na makapagpahinga tuwing sabado at linggo.


Ngunit, isipin niyo rin na mas napapagud ang mga guro sa pagdidisiplina at pagtuturo sa mga
studyante kahit sabihin niyo pang ito ay kanilang responsibilidad dahil sila ay guro. Huwag natin
isaalang-alang ang lahat sa kanila dahil tao rin lang naman sila na napapagod at huwag natin
ibintang sa kanila kung wala tayong oras sa pamilya.

Meron naman talaga tayong oras sa pamilya kung ginagawa lang natin kaagad ang ating
takdang-aralin. Naiimpluwensyahan na kasi tayo ng teknolohiya laro doon, laro dito kaya hindi
natin matapos-tapos ang ating takdang-aralin kasi inuuna pa natin ang mga walang kwentang
bagay. Responsibilidad natin na gumawa ng mga takdang-aralin dahil studyante pa lang tayo at
ito naman ay nakakabuti sa atin.

Hindi naman ito patas para sa mga guro, dahil paglalabag sila sa panukalang ito,
pamumultahin sila ng napakalaking halaga at ang pinakamasakit pa nun ay maaari silang
makulong ng dalawang taon. Ang pagbibigay ng takdang-aralin ay paraan ito ng mga guro upang
hindi makalimutan ng mga studyante ang mga aral na itinuro nila. At upang tumalas pa ang
kanilang pag-iisip sa mga aral na ito.

Ang pamilya ang pinaka-importante sa lahat at ito ang unang nagturo sa atin kung ano
ang tama at mali. Ngunit, magkakaroon naman tayo ng oras sa ating pamilya kung gagawin lang
natin agad ang ating takdang-aralin at huwag natin ibintang sa guro na dahil sa mga takdang-
aralin na binigay nila wala na tayong oras sa pamilya. Responsibilidad rin ng magulang na "e-
encourage" ang kanilang mga anak na gumawa ng takdang-aralin at sabayan nila ito at sa
pamamagitan nito ay meron na silang nabubuong "bonding".

You might also like