You are on page 1of 1

Posisyong Papel: “No homework policy”

Ang araw ng sabado at linggo ay araw para sa sarili at pamilya. Ito ang mga araw na tayo ay
makakapag libang at makakapag laan ng oras sa ating mga minamahal ngunit dahil sa sobrang
daming gawain lalo na pag ikaw ay isang estudyante ang oras sa pamilya ay nababawasan na
dahil sa mga gawain na kailangang ipasa pag dating ng lunes.

Ang “no homework policy” ay ipinresenta ng dalawang miyembro ng kongreso. Sa House Bill
388, sa batas na ito ang mga guro ay ipinagbabawal mag bigay ng takdang aralin kung ito ay
gagawin sa araw ng sabado o linggo.

Bilang isang estudyante sa ialalim ng kurikulum ng Kto12 hindi maitatanggi na ang aming oras
ay halos na igugol lahat sa paggawa ng mga gaawin patungkol sa paaralan. Mapa may pasok
man o wala kailangan naming kumilos upang matapos ang aming mga gawain sa natatakdang
oras. Hindi na namin namamalayan na kami ay nawawalan na pala ng oras sa aming sarili,
kaibigan at higit sa lahat sa pamilya. Sa aking pananaw malaking tulong ang “no homework
policy” para sa aming mg estudyante upang makapag libang at makapagpahinga sa isang linggo
na puno ng mga gawain at higit sa lahat ay makapag laan ng oras sa aming pamilya.

Ang The Secretary of th Department of Education ay sumusuporta na ang takdang aralin ay may
negatibong epekto sa mga bata sa ibang bansa dahil nakukuha nito ang oras na dapat ay
inilalaan sa pamilya.

Sa Kabilang panig naman para sa Alliance of Concerned Teachers or Act, kanilang


pinaniniwalaan na impossible na hindi mag bigay ng takdang aralin ang mga guro sa Kto12 na
basehan. Dahil sinasabi dito na hindi sapat ang oras sa paraalan para matutunan ang dapat nila
matutunan.

You might also like