You are on page 1of 4

ISULONG ANG 'NO HOMEWORK POLICY' : BUNUTIN ANG TINIK NA MATAGAL NANG NAGPAPAHIRAP SA

BUHAY NG MGA GURO, MGA KABATAANG PILIPINO, AT SA PAMILYANG PILIPINO

Posisyong Papel na nauukol sa House Bill No. 3661 at House Bill No. 3883 o 'No Homework Policy' Isang
nakakagalak na hakbang nang maihain sa Kamara ang dalawang magkahiwalay na panukala na
patungkol sa pagbabawal ng takdang-aralin para sa ikabubuti ng kapakanan ng mga estudyante at mga
guro. Isa na rito ang kay Deputy House Speaker na si Evelina Ecudero ang House Bill No. 3661 o mas
kilalang 'No Homework Policy' na naglalayong pagbawalan ang takdang aralin o 'homework' na ibigay ng
mga guro sa mga mag-aaral ng kurikulum nang K to 12 araw-araw. Sa kabila nito, meron namang
kaparehong panukala si Quezon Representative Alfred Vargas - ang House Bill No. 3883, pero ang
isinusulong niyang

'No Homework Policy'

ay tuwing sasapit lamang ang katapusan ng linggo. Sa ilalim ng panukala niya, ang guro na
magtatangkang suwayin ang panukala ay pagmumultahin ng 50,000 na libo at maaaring makulong ng
hanggang 2 taon. Layon ng dalawang

House Bills

na dapat magkaroon ng sapat na panahon ang buong pamilya upang makasama ang bawat isa at
makadama ng kaginhawahan pagkatapos umuwi ng mga estudyante galing sa kanilang paaralan. Ngunit,
ayon sa Teacher's Dignity Coalition National Chairperson na si Benjo Basas :

"Pinakamasakit sa amin, ano? Iyong tingin namin dito, ito ay isang pambabalewala sa aming propesyon,
insulto sa aming mga teacher."

Hindi ba at bukod sa mga estudyante ay makikinabang din dito ang mga guro? Kaya paano masasabing
isa itong pagpapasawalang-bawala sa kapakanan ng mga guro? Mababawasan ang kanilang trabaho.
Hindi na nila kailangan pang iuwi ang mga takdang-aralin sa kanilang mga bahay upang doon ang mga
ito suriin. O, hindi na nila kailangan pang mag-obertaym sa trabaho dahil sa pagtapos lamang ng pag-
susuri ng mga takdang-aralin ng mga mag-aaral na sa katunayan ay wala naman itong dagdag sa kanilang
suweldo. Kung sa gayon, kung maipasa ang panukala na ito, magkakaroon sila ng oras upang gawin ang
mga

'paperworks

' na kailangan nilang isumite bilang isang guro. At hindi rin naman lingid sa kaalaman na meron din
silang kaniya-kaniyang pamilya na kung maipasa man ang polisiyang ito ay madaragdagan ang panahon
na makakasama nila ang kanilang pamilya. Walang

'homework
', walang magsasakripisyo. Nagpahayag na rin ng suporta si DepEd Secretary Leonor Briones na
ipatupad ang polisiyang pagbabawal ng takdang-aralin. Nararapat lamang daw na mas magkaroon ang
bawat estudyante ng panahon upang makasamuha ang kanilang pamilya. Naniniwala siya na isang
napakalaking benepisyo nito para sa mga mag-aaral lalong-lalo na sa mga guro. Dahil sa patong-patong
na mga takdang-aralin, nawawalan na minsan ng panahon ang mga kabataan na makapaglambing sa
kanilang mga magulang o maging sa kanilang mga kapatid. Minsan may mga problema o mga bagay na
simple lamang sanhi ng hindi pagkakaintindihan pero dahil kulang na sa oras para pag-uusapan ay hindi
nalulutas at mas lalo lamang lumalala. Binanggit ni Representative Vargas ang isang pag-aaral sa South
Africa noong 2018 na ang

'homework

' daw ay may negatibong epekto sa buhay- pamilya. Napakahalaga ng oras sa isang pamilya dahil ito ay
isang napakahalagang kasangkapan upang mas mapatibay pa ang pundasyon ng pagsasamahan at ito rin
ay nagsisilbing tulay upang mas mapalalim pa ang relasyon ng bawat isa. Dapat may oras

Dismiss user rating prompt

Improve Your Experience

Rating will help us to suggest even better related documents to all of our readers!

Useful

Not Useful

You're reading a preview

Unlock full access (page 2) by uploading documents or with a 30 Day Free Trial

Continue for Free

Reward Your Curiosity

Everything you want to read.

Anytime. Anywhere. Any device.

Read For Free

Cancel Anytime
Share this document

Share or Embed Document

Sharing Options

Share On Facebook, Opens A New WindowShare On Twitter, Opens A New WindowShare On LinkedIn,
Opens A New WindowShare With Email, Opens Mail ClientCopy Text

Footer MenuBack To Top

ABOUT

About Scribd

Press

Our blog

Join our team!

Contact Us

Join today

Invite Friends

Gifts

SUPPORT

Help / FAQ

Accessibility

Purchase help

AdChoices

Publishers

LEGAL

Terms

Privacy

Copyright

Social Media
Copyright © 2020 Scribd Inc.Browse BooksSite Directory

Site Language:

English

Change Language

EXCLUSIVE OFFER

Try Scribd for Free

Unlimited* reading.

Read Free for 30 Days

ScribdGet Scribd for your mobile device.

You might also like