You are on page 1of 8

KABANATA 1

INTRODUKSIYON

Samu't sari ang mga naging reaksyon at opinyon ng sambayanan patungkol sa No

Assignment policy. Mayroong mga sang-ayon at meron din namang mangilan-ngilan na

tumututol. Sang-ayon ang ilan dahil ang takdang-aralin ay isa sa mga salik ng kawalan ng

oras pagdating sa pamilya. Higit pa roon ay nagkakaroon ang mga estudyante ng higit

pang oras para sa pagpapahinga. Sa kabilang banda, ang mga guro naman ay tumututol sa

panuntunan na ito. Isang malaking insulto ang naidulot nito sa mga guro at pakiwari nila

ay parang bumababa ang tingin ng iba sa napili nilang propesyon.

Ang nakaambang polisiya ay naging suliranin ng mga guro dahil sa nakapataw na

multa nito dahil isa ang takdang - aralin sa maaaring pagkuhanan ng dagdag kaalaman ng

mag-aaral. Sa kabilang banda, pagdating sa ibang mag-aaral naman ay naaabuso ang

polisiyang ito. Dahil sa walang takdang-aralin na gagawin ay mas napagtuunan nila ng

pansin ang ibang bagay tulad ng paglalakwatsa at paglalaro ng mobile games.

Maganda ang naging dulot nito sa mga mag aaral gayon din ay nararapat din na

maging kaaya-aya ang dulot nito sa mga guro. Maaaring bawasan din ang kanilang mga

gawain pagdating sa mga dokumento na kailangan nilang ipasa sa takdang oras. Maaari

din silang dinggin pagdating sa pagpapahayag nila ng kanilang mga opinyon at saloobin.

Mararapat din na intindihin ang panig ng mga guro.

Kailangnan ng pantay na hustisya para sa magkabilang panig, panig ng mga guro

at panig ng mga mag aaral, nang sa ganoon ay magkaroon ng pantay pantay na trato sa

mga mag-aaral at mga guro ukol sa pagpapatupad ng mga batas patungkol aa edukasyon.
Ang pag aaral na ito ay naglalayon na makakalap ng impormasyon ukol sa

nasabing No Assignment Policy. Naglalayon ito na makakalap ng mga salik at ibat-ibang

apekto nito sa mga mag-aaral pati sa mga mag aaral sa mataas na paaralang Exequiel R.

Lina Highschool. Ang mga impormasyong makakalap ay gagamitin para ipaalam sa

dalawang panig, panig ng mga mag- aaral at panig ng mga guro ang importansya ng

nasabing polisiya. Ang pag aaral din na ito ay maaari ding makatulong upang mas lubos

na matutunan at mga House Bill na nakapaloob dito.

Ang kahalagahan o layunin ng pag-aaral na ito ay upang pag-aralan ang polisiyang

nagbabawal ng asignatud sa mataas na paaralan ng Exequiel R. Lina. Upang malaman

ang mga salik ng mga pagtutol at pagsang-ayon ng mga guro at mag-aaral sa sinabing

polisiya at upang matugunan ang pangangailangam ng mga mag-aaral na magkaroon pa

ng higit na interes sa kanilang pag aaral.

Ang polisiyang ito ay naglalayong "Itaguyod at protektahan ang pisikal, moral,

espiritwal, intelektuwal, at panlipunang kagalimgan ng kabataan."

Sinasaad dito sa polisiya na pinahihintulutan o binibinyagan ng karapatan ang mga

mag aaral sa pagkakaroon ng balanse ang pag aaral, pagkakaroon ng personal na paglago

at pagkakaron ng karagdagang interaksyon sa pamilya

KONSEPTUWAL NA BALANGKAS

Ang pananaliksik na ito ay isinagawa sa paraan deskriptibong analitikal. Ito ang

pinaka angkop na paraan upang lubos na maipahayag at maanalisa ang mga epekto ng

polisiyang No Assignment Policy sa mga guro at mag aaral sa mataas na paaralan ng

Exequiel R. Lina.
Ang mga mananaliksik ay nagsagawa ng panayam at nagpasagot sa mga talatanungan na

naglalayon na masuri at malaman ang mga opinyon ng mga piniling respondante ukol sa

naturang paksa.

Ang mga napagsamasamang datos mula sa pinasagutang talatanungan ay mabusising

sinuri upang magkaroon ng malinaw, tiyak at makatotohanang kasagutan sa mga suliranin

ng pag-aaral.

INPUT PROCESS OUTPUT

 Edad  Panayam “Epekto ng No


 Kasarian  Talatanungan
 Gulang Assignment
 Strand
 Baitang Policy sa mga

Guro at Mag-

aaral.”

PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Ang pananaliksik na ito ay isinagawa upang mabatid at malaman ang mga naging epekto

ng nakaambang polisiya na No Assignment Policy sa mga guro at pati na rin sa mga mag
aaral. Naglalayon din ang pananaliksik na ito na masagot ang mga sumusunod na

katanungan:

• Anu-ano ang mga mabuti at masamang epekto ng naturang polisiya sa mga guro at mag-

aaral?

• Sa paanong paraan nga ba naapektuhan ang relasyon sa pagitan ng mga guro at mag

aaral pagdating sa magkaibang opinyon at pananaw patungkol sa polisiya?

• Anu-ano nga ba ang mga salik kung bakit tutol ang mga guro sa naturang polisiya?

KAHALAGAHAN NG PAG AARAL

Ang pag aaral na ito ay maaring makatulong sa mga sumusunod:

Sa Paaralan at Punong Guro - makakatulong ang pananaliksik na ito sa mga paaralan at

punong guro upang makahanap sila ng alternatibong gawain o pamalit na gawain sa

takdang aralin.

Sa mga Mag aaral - makakatulong ito sa mga mag aaral dahil maipapahayag ng

pananaliksik na ito kung gaano kasangayon ang Departamento ng Edukasyon sa kanilang

panig. Maipapabatid din ng pananaliksik na ito ang kahalagahan ng pagpapaliban ng mga

takdang aralin.

Sa mga Mananaliksik - makakatulong ito sa mga nanaliksik na magkaroon sila ng mga

ideya, sariling konklusyon at opinyon pagdating sa pagpapatupad ng bastas na may

kinalaman tungkol sa pagaaral.


KABANATA 2

Mga Kaugnay na Literatura

Ayon sa ipinanukala ni Sorsogon Representative at House Speaker na si Erelina

Escudero, House Bill No. 3611, na dapat magpatupad ng Department of Education ng “no

homework policy” para sa nga mag-aaral ng k to 12 .

Ayon naman sa Quezon City Representative Alfred Vargas ay may kaparehong

panukala ang House Bill No. 3883, pero ang isinusulong niyang no homework policy ay

tuwing weekend lang. Binanggit pa ni Rep. Vargas ang isang ginawang pag-aaral sa South

Africa noong 2018 na ang homework daw ay may negatibong epekto sa buhay pamilya.

Ayon naman kay Escudero, layunin nitong pagaanin ang pisikal na pabigat na dulot ng

mga aklat samga mmag-aaral.

Ayon din kay Senator Grace Poe ay nararapat daw na maipatupad ang naturang polisiya

sa mga matataas na paaralan, pampubliko man o pribado.

Ayon pa kay Education Secretary Leonor Briones, “gusto namin na ang mga mag-

aaral, takdang-aralin, proyekto at iba pa ay nararapat na gawin sa loob ng ppaaralan.

Sa ibang dako naman may mga pag-aaral din na ginagawa ang ibang bansa ukol dito, ito

ang mga sumusunod:

Ayon sa pag-aaral ni Dr. Harris Cooper ng Duke University, sa 180 na research

studies na inaral niya, wala raw ebidensya na nakakabuti ang mga takdang aralin sa

academics ng mga estudyante sa elementarya. Bagkus nagdudulot pa raw ito ng mga


problema sa mga bata—katulad ng negatibong pananaw tungkol sa eskwelahan at

nagiging sanhi ng tensyon sa magpapamilya.

Ayon sa manunulat ng “It’s OK to Go Up the Slide” na si Heather Shumaker, kung

nais daw natin na maging mas magaling ang anak natin sa eskwelahan, dapat paglaanan

daw ito ng sapat na oras sa pag-tulog. Ang pag-tulog ay nabibigay sa atin ng pokus

memorya.

Ang mga bansang sumusunod ay nagpapatunay ng pagbabawas o pagtatanggal ng

takdang-aralin ay nakakatulong upang maging matagumpay sa buhay ang isang mag-

aaral:

Sa talaan ng mga bansang nagpapatupad ng “no assignment policy o less

homework policy” ay nangunguna ang bansang Finland. Nagpatupad din sila ng

panuntunan pagdating sa pagbibigay ng takdang-aralin na kailangang 2.8 ang oras na

kailangang maigugol s takdang-aralin kada isang linggo. Bukod pa doon, minabuti nilang

paikliin ang mga araw na nilalaan para sa pagpasok sa paaralan at mahabang panahon

para sa bakasyon. Ang mga batang pitong gulang pababa, ay hindi muna idinadala sa

paaralan ngunit nagagawa pa rin nilang manguna sa mga resulta patungkol sa pagsusulit.

Naniniwala ang mga magulang na ang dapat matutunan ng kanilang mga anak ay naituro

na sa paaralan.

Tulad sa bansang Finland, ang South Korea naman ay mayroong 2.9 na oras na

ginugugol sa takdang-aralin kada isang linggo. Subalit, pumapangalawa pa rin sila sa

talaan ng mga bansa pagdating sa tagisan ng pagbasa. Minabuti din nilang bigyan ng
prebilehiyo ang bawat isa namakapag-aral kahit may kaya o wala. Ang kanilang pansin ay

nakatuon sa pagbibigay ng nga pagsusulit sa paaralan.

Sa ibang dako ng bansa, ang Japan ay naiiba kumpara sa ibang mga bansa. Ang

nga guro ay nagtuturo tungkol sa teknolohiya kaysa magturo ng kanilang nalinang.

Mayroon naman silang 3.8 na oras na ginugugol sa takdang-aralin kada isang linggo.

Panukala din nila, ang hindi pagkuha ng mga diyanitor sapagkat ang mga mag-aaral na

mismo ang naglilinis ng kanilang paaralan.


Republic of the Philippines
Department of Education
Region III
Division of Nueva Ecija
EXEQUIEL R. LINA NATIONAL HIGH SCHOOL
(formerly as San Cristobal High School)
Población Norte, Licab Nueva Ecija

No Assignment Policy: Epekto sa mga Mag-aaral at mga Guro ng Mataas na


Paaralang ng Exequiel R. Lina

Ipinasa nina:
Catherine Joy T. Vicente
Maria Angela Nicole B. Contreras
Ivy Joy U. Bebanot
Rachel V. Corpuz
Patrick Yango

Ipinasa kay:
Gng. Jennifer C. Valdez

You might also like